Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Today is the day!

But every excitement spirit felt like they left my body.

Dake texted me this morning at sabi niya, the friendly date become a movie marathon. At what annoyed me is, sa bahay nila Joel.

I really hate the idea. I want him alone.

Pero ano pa nga ba, tara na lang. Sinundo kami nila Joel at Dake dito sa bahay. I ride with Joel, and Trixie ride with Dake. It should be me!

At pagdating nga namin doon, all is set up. The wide screen tv nila Joel, snacks, their two friends Hajji and Ruel na kamimeet ko lang that moment.

I am beside Joel, ano pa nga ba? And then the movie started. From action movie to horror and then love story. I never felt this bored before.

Until the last movie. Si Dake ang nagsuggest. I was curious of the movie he likes? Kaya nabuhay yong spirit ko.

Ang pamagat ng movie ay 'I Still Believe'. From the title, feeling ko mag-iiyakan kami dito. But anyway, ayuko ng ganitong movie if ever na madibdiban ito. But because of curiosity, I was forced to watched until the end.

"Ah, excuse me."

Wika ko at lumabas muna. Naghanap ako ng sulok dito sa compound nila Joel na walang tao. Until I found a bench sa may puno sa gilid ng pader. Umupo ako doon at nagmuni-muni.

Bakit ganun yong movie. It made me remember some tragic happened in the past. Hindi ko namalayang napaluha nalang ako. But immediately wipe it off noong makita ko si Dake na palapit sa direksyon ko.

"Oh? Akala namin umuwi ka na?"

Umupo ito sa tabi ko. Ten seconds ago, nagdadrama ako. Ngayon naman ay bigla akong nabuhayan.

"Ah may naalala lang ako."

"Ano? Balik na tayo, hinihintay ka na ni Joel doon. Birthday niya."

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. It must be the reason kaya di kami natuloy sa friendly date na nirerequest ko.

"Bakit di mo alam?"

Tumango lang ako.

Halatang hindi naman nagulat si Dake sa tugon ko. Ngumiti lang ito at nauna nang tumayo.

"Halika ka na."

Naglakad na rin ito pabalik sa bahay nila Joel. Sumunod na rin ako at nag-iisip ng gagawin. Hindi ko kasi alam na birthday niya. Kahit magkabatch kami nung high school, hindi ko ito natandaan kahit na kailan.

"Trixie, may dala ka bang pera?"

"Bakit?"

Balik na bulong ni Trixie sa akin.

"Pahiram muna."

Mukhang napipilitan man, pero binigay parin ni Trixie yong 1k niya.

"Palitan ko din agad kapag sumahod ako."

Wala na itong nagawa kundi tumango. Nang ihahatid na kami nila Dake ay pinauna ko nang ipahatid si Trixie kay Dake dahil yayain ko pang kumain sa labas si Joel which is agad namang pumayag noong sinabi ko ito.

We went somewhere, sa simpleng restaurant lang, kung saan kakasya yong 1k ko. Kumain lang kami doon and talk as usual.

"Joel, A-ah Happy birthday. Sorry wala akong regalo ha."

Ngumiti si Joel and I know na sobrang tuwang-tuwa ito sa narinig. Tumayo ito at lumapit sa akin. He hug me then planted little kisses in my head kasi nakaupo pa din ako. Tinitignan na kami ng mga tao, and it seems that Joel doesn't care.

" Salamat Zara, I love you."

Malambing nitong bulong sa tenga ko. But it only chills me inside. Ngumiti lang ako sa kanya. I know he's waiting me to answer, pero kalaunan ay umupo na ulit siya. I saw pain for awhile sa mga mata niya pero agad din na napalitan ito ng saya. We then talk about nonsense things, we laughed then decided to finally call it a night.

But for me, the night is still long. Nakahiga na ako sa kama, the movie left me a deep impression. Hindi ko maiwasang mapaisip at maalala ang nakaraan. Marami akong katanungan na gusto kong masagot, pero sino? Sinong sasagot ng mga ito?

I don't seriously believe in God, I just know He exist. But the movie tells me to believe in Him.

Nakailang baling ako sa aking higaan bago ko maramdaman ang aking antok.

And before I let my eyelid fall, I check my phone and find the only text message na galing pa kay Joel.

Good night Zara. Thank you for tonight. I love you.

And it made me sigh deeply.





"Papa!! Papa!!!"

Sigaw ko sa gitna ng ulan habang hinahabol ng tingin si papa na may hawak na itak.

"Hindi nila pwedeng gawin iyon sa'yo anak!"

At nawala na siya sa aking paningin.

Hindi ako mapakali, namumuhi ako pero mas nanaig ang takot ko para kay papa.

Hinabol ko parin siya at nakita ko siya sa tapat ng isang bahay.

"Lumabas ka Derio!! Harapin mo ako!!!"

Mga ilang ulit itong sinisigaw ni papa at tinataas pa niya ang kanyang itak sa hangin.

"Papa!!"

Sigaw ko para awatin siya. Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay nakarinig ako ng malakas na putok. Agad akong napaupo at napatakip ng tenga. At naulit pa ng dalawang beses ang malakas na putok. Nakapikit lang ako at nakaupo habang nababasa na ako ng ulan.

Pagkatapos nun ay hindi na nasundan ang putok. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si papa. Nakahiga na sa putikan habang may pulang likido na umaagos mula sa kanyang katawan. Hindi ako makalapit sa gulat. Natakot ako at tumakbo pabalik sa aming bahay.

Doon ay nakita ko si mama na buhat-buhat si Lila. Mukhang nag-aalala din.

Agad ko silang nilapitan at humahagulgol na pala ako.

"Mama si papa!! Si papa!!"

Napalingkwas ako ng gising. Basang-basa na rin ng pawis ang aking damit. Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ni Lila. Naabutan ko siyang masarap ang tulog.

Mahal ko ang kapatid ko. Ayukong may mangyaring masama sa kanya.

Humiga ako sa tabi niya at yinakap siya. Tulog mantika lang din naman ito kaya siguradong hindi siya magigising.

Ngayon nalang ulit bumalik sa akin ang masamang panaginip na iyon.

Hanggang sa maalala ko ulit yong movie, the one Dake had chosen.

Yong galit, it became alive again. I always felt the world is so unfair. Why I have to be born poor? Bakit hindi nalang ako mayaman. Why my papa died harshly? Why do I need to witness that tragic with my bare eyes? And before that happened, why that thing happened to me? Inalagaan ko sarili ko. Never been kiss, no boyfriend since birth, but at the age of 16 totally wasted.

But even though how much I blamed the past, that made me who I am.

Pero hindi ko din mapigilang tanungin.

Is there any reason to believe God? It's really hard for me to convinced myself that though I believe he exist, he is powerful enough to save.

And I don't understand why these questions just came now?

☁️

A/N:

Sorry sa drama.
I don't expect it either. It's just that my unpredictable mind is dictating what my hand to type. Eh? Anyway! Jesus loves you. And He will never leave you nor forsake you! Come talk to me. I love chatting with you guys!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro