Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Ano ba yan!"

Sigaw ng customer sa akin. Yong coffee kasi na sineserve ko ay natapon sa kanya. Nadulas sa kamay ko eh.

Agad kaming dinaluhan ng aking manager. Si ma'am Leffy.

"Sorry ma'am."

Paumanhin nito at pinunsan ng tissue ang costumer namin.

"Pasensya na po."

Wika ko na rin at pinulot ang mug at tray sa lamesa.

"Anong ginagawa mo Zara."

Bulong pa ni ma'am Leffy sa akin. Yumuko nalang ako at inayos yong table cloth at pinunasan ito. Nang maya-maya ay itinulak ako ng customer at umalis na ito dahilan para matumba ako sa sahig. Sa aking pagbagsak ay nasilip ng aking mata si Dake na nakatingin. Sobrang nakakahiya. First day na first day ko pa naman.

Itinayo ako ni ma'am Leffy at sineyasan na puntahan ko siya sa office niya after kong linisin yong ginawa kong mess. And yea, people around are already staring at me. I just rolled my eyes in my defence and walk away.

☁️

"Okay ka lang?"

Napatingin ako sa nagsalita mula sa likod. Though I am still embarrassed, pero I don't care already.

Lumagok ako sa binili kong beer.

"Sa tingin mo?"

Sarkastikong sagot ko kay Dake bago lumagok ulit.

"Gusto mo?"

Yaya ko sa iniinum ko sa kanya.

"No. I don't drink beer."

Napatingin lang ako sa kanya at kumunot-noo, pero saglit lang yun.

"Hindi ko inexpect na ganito ang magiging tagpo natin."

Siya naman ang napatingin sa akin at napakunot ng noo. Tinitigan ko siya sa mata.

"I expect better."

Pahayag ko at lalagok ulit, ngunit kinuha ni Dake yong bote ng beer na hawak ko.

"May trabaho pa tayo, itigil mo na to bago ka pa mapatanggal sa trabaho."

Bumalik na ito sa loob at wala na akong nagawa kundi mapatulala nalang sa bote ng beer na nasa kalahati pa ang laman na nakalagay na sa basurahan.

Ngumisi nalang ako at inayos ang sarili bago pumasok na sa shop from the back door.

After work ay pinagpilitan ko si Dake na ihatid ako at wala nga siyang nagawa kundi ihatid ako. Pero that's not the plan.

"Uuwi ka na ba talaga?! Pasyal muna tayo!Let's go somewhere!"

Linakasan ko ang boses ko para marinig niya dahil nasa byahe na kami.

"Saan mo ba gustong pumunta?! "

Tugon nito na agad ko namang ikinatuwa.

"Sa Hardinan sa kabilang kanto!"

Dinala mga ako ni Dake, I assume na alam niya iyon kasi malapit lang iyon sa compound nila.

Ipinarada niya ang kanya motorsiklo sa tabi, ako naman ay agad na pumasok sa Hardinan. Libre lang itong pasyalan sa amin. Madaming klase ng bulaklak at puno dito. Marami ding mga taong naglalakad at nagja-jogging dito. It was a peaceful place to relax.

"Ganda dito no."

"Yea."

Umupo ako sa bench na nakita ko at hinila ding paupo si Dake.

"Ah!"

Hinarap ko si Dake ng may maalala ako. Hindi ko pa pala naipapakilala ng  pormal ang sirili sa kanya. Inabot ko ang aking kanang kamay sa kanya.

"Zara nga pala."

Inabot naman niya ito.

"Dake."

Tipid nitong tugon.

"Sinong mas matanda sa inyo ni Joel?"

Hindi ko maiwasang tanungin. Curious lang ako.

"Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. " So he's 27.

"Oh. May girlfriend ka na?"

Isa pa na nangangati akong tanungin. Hindi sa gusto kong maging girlfriend niya. Curious din ako sa bagay na yun.

"We just broke up. Bakit?"

Naging seryoso ang boses nito at napatingin sa ibang direksyon.

"So nasasaktan ka parin?"

Konklusyon ko sa naging reaksyon nito. Ngayon ay ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Yea, Pero I know time will heal me. Bakit ang dami mong tanong?"

Medyo nangingiti nitong wika. As if we're friends now. But pain painted in his eyes, I can see it clearly.

"Wala lang, curious lang ako sa'yo?"

Honest kong sagot.

"Bakit naman? Di ba, you and Joel are dating?"

Napatingin ako sa kanya bago ako tumango. Wala din naman akong balak na manakit ng tao. And totoo naman na nagdedate kami ni Joel, but not with the same benefit.

"Alam mo, mahal na mahal ka nong pinsan ko. Since noong lumipat kami dito, I always heard him saying na balang araw magigirlfriend niya ang babaeng nagngangalang 'Zara' na naging kaklase niya nung high school which I'm lucky to finally meet."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ngumiti lang ako ng peke sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Pero hindi ko siya gusto.

Marami pa kaming napag-usapan bago kami umalis sa Hardinan. We went straight sa compound nila, sinabi ko nalang na gusto kong makita si Joel which the real thing is gusto ko pa siyang makasama. I don't know why? For the second time, 'ngayon lang ako nagkakaganito'. Kaya confuse din ako.

Joel is so happy to see me. We talked, eat and finally, hinatid niya na ako noong padilim na.

And for the fifth time, we kissed again.

☁️


I don't know why everday I have the energy to wake up early. Went to work happy. Ginagawa yong trabaho ko na parang hindi napapagod.

Hanggang sa natutuwa na rin sa akin si Ma'am Leffy.

"You're improving Zara! Keep it up!"

Puri pa nito noong nasa kitchen ako at naghahanda ng order. I look at Dake and he is smiling also to me. And that boosted me more!

Hay, sarap ng feeling.

Never felt this way before.

After our work, agad kong nilapitan si Dake. Hindi para ipagpilitang ihatid ako muli.

"Dake, date tayo."

I smiled sweetly to him. Yea, it's weird but I did.

Napatunganga ito sa akin na parang di makapaniwalang sinabi ko iyon. I know, Joel is there. At cousin niya pa ito. That's when I realised about all those things and unti-unting pumait ang ngiti ko. Masyado akong nagiging lutang dahil sa kanya. And I am still puzzled why?

"A-ah, friendly date lang yun."

"I don't think mapagbibigyan kita."

"Why not?!" medyo irritated kong sagot. Then he looked at me in disbelief.

"Okay, okay. About your cousin. Eh makafriendly date lang. Wala lang naman yon. Gusto mo magsama ka pa.  Isasama ko din yong kaibigan ko. Ano? Deal?"

Napailing ito na medyo natawa.

"Oh? Nag-assume ka no? Ano ka ba di ko lulukuhin yong pinsan mo. Gusto lang kitang maging kaibigan. That's it!"

Talaga ba?

Sabi ng epal na utak ko.

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

"If that is the case, why not?"

Gusto kong lumundag sa tuwa sa narinig ko pero pinigilan ko lang ang sarili.

"Okay, bukas. Day off mo din, di ba?"

Tumango naman ito.

"So, kita tayo dito din sa coffee shop ha! Sige! Babye!"

At umalis na ako sa harapan nito at tinahak ang sakayan ng jeep pauwi sa amin.

I told my friend, Trixie about dun sa friendly date with Dake. Buti naman at umagree din siya.

Sobrang naeexcite na ako, pumili na rin ako ng damit na susuutin. I intend to use pekpek short at crap top shirt na cream and a white shoes. Pero bigla kong naalala yong first time na mameet ko siya.

"No offence ha, pero paanong hindi ka mumulestyahin miss kung ganyan ang suot mo. At tsaka nga pala, hindi ako pulis. Sinabi ko lang yun para matakot siya."

Bigla akong napasabunot sa hiya. Agad ko itong pinalitan ng jeans na black, same white shoes at green simple shirt.

Ayan, ready na for tomorrow!

☁️

A/N:

Paumanhin na agad sa typo at grammatical errors! Jesus loves you! Bear with Zara, especially how she curse. Later you will understand. (I don't need to explain, right) hahahaha eh?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro