Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Ika-apat na araw na ng training at apat na araw na rin kaming magkasama ni Dake, sa tingin ko'y di ko na kaya pang pigilan ang aking nararamdaman. He is an ideal man.

Marami siyang katangian na nagustuhan ko that I never seen to any boys who courted me, kasi most of them kagaya ko. Si Dake he is super duper different from me. Pero ewan ko ba kung bakit attracted ako sa kanya.

I still hate yung pagiging pakielamero niya pero that's part of him being a decent guy. Ako lang siguro ang nag-iisip na rude ito, pero I know kung sa iba mafifeel nila yung concern nito na nafifeel ko din naman kaso basta, ayuko ng ganun. Yung nadidiktahan ako sa gagawin ko. Sabi ko nga, walang makakapagpabago sa akin. Not even love. Ito na ako.

And on the other hand, masayang kasama si Dake, did I mention na meron siyang sense of humor though di maiiwasan talaga yung pagiging tatay mode niya.

"Let's eat muna, bago ka umuwi Zara."

Pahayag ni Sandy noong matapos ang training dahil 5pm na rin naman.

"Oo Zara, di ba sabi ko ititreat kita."

Pahayag naman ni Dake.

"Di pa naman tapos yung training eh, pero okay lang naman basta treat mo ha. Boss ka naman eh."

Bahagya itong tumawa sa sinabi ko samantalang nangingiti naman si Sandy.

"Oo naman, no problem. Ako naman nagyaya."

Ngumiti na lamang ako at hinanda yung gamit ko.

Dinala kami ni Sandy sa isang Shabo-Shabo restaurant.

Which is first time ko lang makakatikim nito. Ito pala yung magluluto sa gitna dahil may stove na doon. Nauna na yung soup at nakaready na rin sa lamesa namin yung mga ingredients.

Si Dake ang nagprisintang magluto dahil siya lang naman ang pinakamatandang guy sa group. Noong may maluto na, he serves everyone a hot soup kasama na rin ako doon.

Naimagine ko tuloy ang future ko sa kanya. Sana nga, siya na.

"Alam mo ba Zara, ang swerte mo kapag kayo talaga ang nakatuluyan."

Di nakapagpigil na wika ni Sandy.

Dake and I we're caught off guard. Ngumiti lang bahagya si Dake ako naman ay maiging binabasa ang reaksyon niya.

"Bakit hindi."

Lahat sila napatingin sa sinabi ko maging si Dake. Nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon niya. Bahagya lang naman akong ngumiti at di na binawi ang sinabi ko.

"Hay naku, magiging successful ata ang match making ko ah."

Pumalakpak pa siya sa tuwa samantalang nangingiti din yung iba naming mga kasama si Dake naman ay walang ekspresyon at nagfocus nalang sa pagluluto.

Madami pang nangyaring kwentuhan at tawanan bago kami magdesisyon na magsiuwian na. As usual ay hinahatid ako ni Dake.

"Gusto mo pa bang bumalik sa coffee shop?"

Pahayag nito na ikinagulat ko.

"Pero bawal magspill ng sikreto."

Paalala nito na ikinangiti ko.

"Totoo ba? Gusto kong bumalik doon, para may kita din at para makaipon. Salamat ha."

"Sure, after ng training skills, pwede ka nang magsimula ulit doon."

"Salamat Dake."

Sinsero kong sambit. Hindi ko lang inaasahan na nakatitig si Dake sa akin. May dumi kaya ako sa mukha?

"M-may dumi ba ako sa mukha?"

At hinawakan ko pa yung buong mukha ko. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpaalam.

"Sige Dake, salamat ulit. Bye!"

Kumaway pa ako sa kanya bago siya tuluyang mawala sa aking paningin.







-----------



Dumating na ang pinakahuling araw ng training na kung saan ay may actual exam ang mga trainees ng kanilang natutunan sa home barista. Ipapakita nila ang method na paghahand drip.

Bago nila umpisahan ay nanalangin muna sa Dake bago magproceed sa final demo niya oara iguide at iremind ang mga trainees ng dapat nilang gawi sa actual examination nila.

Kasalukuyan naman akong nakahawak sa phone ko at pinaglalaruan ang camera ko ng magandang angulo para kunan ang mga trainees mamaya sa actual demo nila. Nang mahagip ng aking camera si Dake.

Napakagwapo talaga niya. Kahit sa camera ang photogenic niya. Hindi ko maiwasang purihin si Dake dahil sa na magandang body figure niya. At hayun na nga, kinukunan ko na siya ng litrato at nakafocus lang ito sa kanya.

Napatigil lang ako nang may maglinis ng lalamunan sa likuran ko and unluckily, it was Sandy.

"Bet mo siya no?"

Pahayag nito ng wala na akong nagawa dahil nahuli niya na ako.

Nagkibit balikat nalang ako.

"I will pray for the both of you."

I know it was sincere pero I heard it na para bang nanunukso. Buti naman at iniwan na niya ako at ng-assist na siya sa lga trainees.

Pinagmasdan ko ulit si Dake na nagpapaliwanag at ilang minuto lang ay nagsimula na ang actual demo nila.

Naaawa ako sa mga trainee dahil halata talagang kinakabahan sila at naginginig pa ang lga kamay nila.

Kaya pinagbreak muna sila ni Dake to relax.

"Relax lang. Kaya niyo yan."

Pahayag ko sa ilang mga trainees.

"Yes ma'am, salamat po."

Noong marinig ko ito ay natuwa ako na kahit papaano ay may kunti akong nagagawa para makatulog ako sa iba.

"Kamusta ka?"

Ot was Dake checking on me. Yep, aminado akong nakikilig ako na may pakielam sa akin si Dake.

" Ayus lang, tsaka masaya ako ng naging part ng activity na to."

Pahayag kong nakangiti sa kanya.

"With that, I am happier. Sige ha balik na ako doon. "

Umalis na nga sa tabi ko si Dake but I can still hear him saying, 'with that, I am happier.' It feels really good.

I can't stop imagining yung future if siya ay magiging boyfriend ko.

The examination continued until the day ended.

"Congratulations!"

Pahayag ko sa mga umuuwing trainees until kaming mga staff nalang ang naiwan.

We all seated sa couch sa may lobby ng training center ng church. We are all exhausted.

Mamaya pa ay tumayo si Dake.

"Thank you so much everyone for your cooperation! And also thank you to Zara for your help."

"Oooiiiiii~~~"

Commotion ng lahat.

Nag-iwas ako ng tingin dahil naapektuhan ako. Natutuwa ako. Parang nawala na yung pagod ko at ngalay sa pagkuha ng mga litrato at videos.

Di ko na nakita ang naging reaksyon ni Dake, basta narinig ko na lamang siyang magsalita.

"Zara and I are only friends, guys. Don't think too much about it."

Ouch! Nafriend zone ako agad ah. Wala pa nga eh. Di pa nga ako nag-uumpisang manligaw. Ako talaga ang manliligaw?

"Hay naku, kapag talaga naging kayo sa huli ako nang bahala sa wedding ring niyo."

Masayang tukso ni Sandy at wala na ring nasabi pa si Dake kundi itinuloy nalang ang naudlot niyang speech.

"Of course hindi pa tayo dito nagtatapos. I planned a mini celebration ng ating successful program. At ito ay magaganap dito mismo. Let's just wait for our food to be delivered. This was the treat I promise."

Bahagyang nadismaya ako kasi akala ko ako lang ang napangakuan ng treat kaya nageexpect ako na dalawa lang kaming lalabas at kakain pero masaya parin naman ako dahil nagustuhan ko naman itong mga kasama ko at nakapalagayan ko na sila ng loob.












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro