Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Sa huli ay nalaman din ni Sandy ang real score sa amin ni Joel.

Syempre wala nang ibang nag-spill niyan kung hindi si Trixie. Noong una sinabihan pa niya ako ng masama pero kalaunan ay sige't reto na kay Dake. Kesyu bagay daw kami, kesyu mabait daw yung tao baka siya na yung makakapagpabago sa akin.

Hay naku, wala naman akong kailangang baguhin para sa isang tao o kahit na sa kanino pa man.

"Buti dumalo ka."

Pahayag nito noong makita niya ako sa labas ng simbahan na inaattendan nilang mag-asawa. Inimbita niya kami ni Trixie nung kasal niya para subukan daw yung bible study nila. Maganda daw yun para sa amin.

"Sabi sayo masusunog lang ako dito eh."

"Kung ano-ano sinasabi mo. Pasok ka na. Nung kasal ko nga di ka naman nasunog."

Yea, same church din kasi ito.

"Hindi ba nakakahiya sa mga kasama mo?"

"Wala kang dapat isipin, I'm sure happy yung mga yun to meet you. Tsaka nandiyan na si din si Dake."

Sabay kindat pa. Shoot.

"Iba naman ata ang pakay ko dito, ang lumandi?"

Sarkastiko kung tugon sa sinabi niya.

"Yun ang pangalawa, pero ang una syempre gusto kong mashare tong pananampalataya ko sa inyo. Wala lang kasi si Trixie, madaya yun."

"Kung ano nakalakihan ko, yun na yun. Pumayag lang akong sumama sa'yo ngayon. At ngayon lang to no."

"Hmm basta, halika na nga, dami mo pang sinasabi."

At hinila na nga ako si Sandy at pinakilala sa mga tao doon sa loob. At nandoon na nga si Dake at ngumiti ito sa akin noong magtagpo ang aming mga mata. Di ko na rin maiwasang ngumiti pa.

Habang ang iba din ay lumapit sa akin upang makipagkamayan at makipagkilala.

Hindi ko maiwasang purihin ang kabaitan nila at ang init ng pagtanggap nila sa akin na para bang matagal ko na silang kilala.

Nagsimula na ang gawaing hindi ko alam kung anong oras matatapos. Nag-awitan sila ng mga awiting ngayon ko lang napakinggan pero ang sarap-sarap sa tenga. Ang bawat ngiti at pag-awit ng bawat isa ay nakakagaan ng damdamin. Hindi ko maipalakpak ang aking kamay o maisayaw aking katawan dahil hindi ako sanay sa ganito habang ang bawat isa ay malayang gumagalaw. Ang ang bawat isa ay nakita kong iisa ang nais at dahilan kung bakit sila nandito. Maging si Dake at Sandy ay naging iba sila. Kakaiba sa paraan ng malaya nilang pag-awit at pagtaas ng kamay na para bang may sinasambang dakila. Sabagay kaya nga sila nandito dahil sa pananampalataya nila sa Diyos nila.

Kahit na unti-unti nang akong natutunaw at naaanod sa ginagawa nilang pagsamba ay pinipigilan ang sarili. Hindi ako dapat maging mahina. Dahil kung totoo ang Diyos bakit nangyari ang mga nangyari.

At bigla na nga akong napaluha. Pero agad ko itong pinunasan dahil ayukong may makakita.

Pagkatapos ay may pag-aarala sa salita ng Diyos. Mga salitang ngayon ko lang natinig. Ang pagmamahal ng Diyos, mga kabutihang ginawa niya at lahat ang tungkol sa Kanya. Gusto kong umalma at magsalita pero hindi ko kaya.

Natapos nga ang gawain at muli ay nagbatihan ang lahat.

"Kamusta ang unang araw mo dito?"

Tanong ng isa naming kasamahan sa bible study nila Sandy.

"Ayus lang po."

Tipid kong tugon pero sa aking isipan ay ipinangakong hindi na muli ako papasok dito.

Nagtagumpay naman si sandy kahit anong pilit kong tanggi na ihatid ako ni Dake sa amin.

"Next time kain muna tayo za labas bago ka umuwi ha."

Pahayag pa nito kahit nakaadar na si Dake at paalis na kami. Kumaway na lamang ako sa kanila.

Masaya naman ako na kasama ko ngayon si Dake. But the other part of me ay I know it felt wrong. At dahil nanaman to kay Joel. Nagdamdam nalang sa aking isipan ang aking ginawa pero kahit na ganun ay hindi ko maiwasang namnamin ang memont na to na kami lang ni dake, na ihahatid niya ako ngayon sa amin.

How much more if naging boyfriend ko siya at palagi na niya itong gagawin sa akin. Nais mang batukan ang sarili dahil sa naisip na yun ay di ko ginawa at hinayaan nalang ang puso ko na magsaya.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang aming bahay. Dahan-dahan akong bumaba sa big bike ni Dake.

"Salamat."

"Walang anuman, sige mauna na ako."

Pahayag nitong nakangiti. Napakagenuine ng ngiting iyon. Kung sana lang talaga di naging kumplikado ang lahat at di ako nakipaglaro sa pinsan nito.

Pinanood ko ang pag-andar ng kayang sasakyan at paglayo nito sa kinaruroonan ko.

Di ko maiwasang ngumiti habang papasok ng bahay.

Bago ko pa marating ang aking silid ay tumunov ang aking  selpon. May natanggap akong mensahe galing kay Sandy.

Sandy: kamusta? 😁

I rolled my eyes upon reading her message. Dahil alam ko nanaman ang rakbo ng kanyang isipan.

'Ikaw ha, tigil-tigilan mo ako'

Sandy: Bagay naman kasi kayo. Aminin mo, di ka ba nagkacrush man lanv sa kanya ng unti?

Napatigil ako at napaisip sa sinabi niya dahil kung alam lang niya ang tunay kong nararamdaman.

'Ewan ko sa' yo ha, ikaw, masyado kang kabado sa akin porket nakapag-asawa ka lang. Hoy, bata pa ako no. '

Maya-maya' y tumunog ulit ang aking telepono at ngayon ay tumatawag na si Sandy. Nakapasok na rin ako sa aking kwarto at naupo muna sa aking kama. Sinagot ko naman ang tawag nito.

"Oh hello? "

'Sandy: Kilala kita girl. Concern lang naman ako. Gusto ko mapunta ka din sa tamang tao. Para sa ganoon ay mabura yang false accusations mo sa mga lalaki dahil di lahat ay katulad ng--- ay sorry! Ang daldal ko.'

Napangisi ako ng mapait dahil sa bagay na ipainaalala niya na dapat nakabaon na sa hukay.

' Sandy: Sorry Zara, I don't mean to bring you your past. Gusto ko lang talaga na mapunta ka sa maayos na tao. '

"Huwag kang mag-alala Sandy, my past is part of me. At milagro nalang kung mangyari yun."

Pahayag ko kahit na I sound bitter kasi totoo nga naman. This is my destiny. I need to accept it and erase my false hope. Naisip ko tuloy si Dake how decent guy he is. Naisip ko din na di kami bagay. He belong to someone else. Malas siya kung sa akin siya babagsak.

"Sige na sandy. Bye!"

Agad ko nang pinatay yung tawag na sandy at di na siya hinintay pa na magsalita.

Ilang saglit nga ay nakatanggap ako ng mensahe niya.

Sandy: You deserve someone who will love you Zara like how the Lord loves you. Ano ka ba. I love you girl. Good night!

Hindi ko na nireplyan pa si Sandy at nagbihis at naghanda na lamang ako para matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro