Chapter 12
Suot ang backless at square cut sa harap na hapit at hanggang taas ng tuhod na kulay rosas ay pinsadahang muna ang sarili sa malaking salamin. Noong makuntento na ako sa ayus ko ay kinuha ko na ang purse ko sa kama bago tuluyang nilisan ang aming bahay.
Aattend kasi kami ni Trixie sa kasal ng kaibigan namin noong high school. Ilang years na rin kaming hindi nagkita pero naalala niya parin ang pagkakaibigan namin.
Dumiretso na akong sa simbahang sinabi nito sa akin sa chat. Actually hindi ko alam kung nasaan yun kaya gigoogle map ko pa.
Marami nang tao doon at nandoon na rin ang groom na first time ko ding mamimeet. Hinanahanap ko muna si Trixie kung nasaan siya nakaupo at madali ko naman siyang nakita dahil nasa bungad lang din naman siya. Umupo na ako sa tabi niya pagkatapos maming magbeao-beso at sakto namang nagsimula nang mag-announce yung mc.
Nabighani ako sa ganda ng dekorasyon sa simbahan. Ang galing nong kinuha nilang magdesign nito. Napansin ko din ang napakalaking cross sa harap na kulay pula at ang suot ng pari? Pero sa tingin ko hindi ito pari. Kasi nakabarong ito at hindi nakasuot ng usual na gown na sinusuot ng mga pari.
Nagsimula nang magmartsa ang mga principal sponsors noong may mapansin ako sa bandang harap.
Hindi ako nagkakamali, si Dake ito. Bakit siya nandito?
Napaisip man ako kung bakit siya nandito ay agad din itong nasakop ng amg bride na ang nagmamartsa.
Napakaganda ni Sandy sa kanyang wedding gown. Hindi ko namalayan nangingilid yung mga luha ko. Di ko alam kung bakit. Hays. Siguro dahil pinapangarap ko din ito. Ang makasal sa taong mahal ko at magmamahal sa akin. Di ko nga ako sure if mangyayari yun eh lagi naman akong palpak sa pag-ibig. Hanggang fling fling lang ako dahil hindi ko maiwasang isiping pareparehas lang ang mga lalaki. Iisa ang nais. At kapag nakuha na nila yun, iiwan ka din lang naman. Kunti lang ang pinagpala ng true love talaga.
"Hay naku Zara, na-eexcite na ako. Sana kami talaga ni Julius ang magkatuluyan sa huli."
Pahayag ng aking kaibigan.
"Siguraduhin mo lang dahil ibinigay mo na ang lahat sa kanya."
"Heh! Parang wala ka namang Joel diyan. Wala pa bang nangyayari sa inyo?"
"Ewan ko sa'yo. Walamg kami!"
"Ang sama mo, pinapaasa mo yung tao. Pahalik-halik pa kayo."
Nanlaki ang aking mata sa kanya dahil sa aking narinig.
"Kala mo di ko nakita no!?"
At nagdila pa ito sa akin. Inirapan ko lang siya at itinoon nalang ang aking sarili sa nangyayaring kasalan.
Nakikilig akong pinagmamasadan ang kaibigan kong ikinakasal. Bagay na bagay sila ng kanyang magiging asawa .
"You may now kiss the bride."
Wika ng Pastor pala. At nagakaroon ng malakas na kumusyon at hiyawan. Saktong nahagip nanaman ng aking mata si Dake na nakangiti nakamasid sa mag-asawang ikinakasal. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang laman ng kanyang isip.
Umiling ako dahil alam kong hindi kami bagay. At hindi kami pwede.
Pagkatapos ng kasal ay dumiretso kami sa isang restaurant kung saan gaganapin ang reception.
Masayang kaming nagkukwentuhan ni Trixie noong magawi si Sandy sa table namin upang pasalamatan kami sa aming pagdalo. Binigay na rin namin ang aming regalo sa kanya.
"Wow, salamat dito ha."
"Naku, pagpasensyahan mo na yan ha, kasi yan lang nakayanan."
Wika ko.
"Hay naku, salamat parin ng marami dito."
Masayang pahayag ni Sandy. Ipinakilala niya sa amin ang kanyang asawa na kagagawi lang sa aming lamesa.
"Nice to meet you Harry and congratulations sa inyo!"
Masaya kong pahayag dito.
"Kayo kaya? Kailan naman?"
Biglang tanong ni Sandy.
"Sana sana sana malapit na."
Nagcross finger pa si Trixie.
"Ito, excited ma tong ikasal talaga."
"Wala akong balak tumadang dalaga no, tsaka may boyfriend ako. Bitter ka lang eh."
"Wala ka bang boyfriend Zara?"
Mukhang hindi pa makapaniwalang tanong ni Sandy.
"Wala pang totoo, Fling fling lang yan. Si Joel nga, ayaw pang kagatin."
"Totoo? Bakit nanliligaw ba sa'yo ulit si Joel?"
"Hindi ko siya gusto. Nakipagfling lang ako sa kanya. Bahala siya kung seryoso siya."
Naiiritang pahayag ko.
"Tama, pinaasa niya lang yung tao. Hay naku Sandy, hanapan mo nga to ng boylet niya, yung gwapo na baka sakaling magseryoso."
Inirapan ko lang si Trixie sa pahayag nito.
"Ah huh, may kilala ako. Wait lang. Nandito siya."
"O my God! O my God! Baka soya na ang the one for Zara. Dali!"
"Hay naku bahala kayong dalawa."
Wika ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Samantalang umalis talaga si Sandy ay hinanap siguro yung irereto daw sa akin. Kinukulit naman ako ni Trixie, ito pa ang mas excited sa akin.
"Oh ow."
Napatakip ng bibig si Trixie kaya napaangat ako ng tingin sa tinitignan niya.
"Siya! Zara, this is Dake. Dake ito si Zara."
Kinuha pa no Sandy yung kamay ko ata kamay ni Dake para ipagkamayan.
"Kilala ko siya."
Pahayag ko.
"Ha? Totoo?"
Di makapaniwalang wika ni Sandy. At tuwang tuwa pa ito.
"Oo, ex siya ng pinsan ko."
Napatakip naman ng bibig si Sandy.
"Pinsan siya ni Joel, di mo alam?"
Tanong naman ni Trixie.
"Oh? Talaga ba? Hala! Sayang, bagay sana kayo."
Dismayado nitong pahayag.
"Magkaibigan kami."
Wika naman ni Dake na ikinatuwa ko.
"Oo, magkaibigan kami."
Pahayag ko na rin.
"Nandito ka pala."
Wika nito at umupo na siya sa table namin maging yung bagong kasal.
"Kaibigan siya ni Harry."
Pahayag ni Sandy at tinignan ang kanyang asawa na bahagyang ngumiti.
"Sige ha, iwan muna namain kayo. Salamat sa regalo niyo."
Paalam ni Sandy bago sila pumunta pa sa ibang mga bisita upang magpasalamat at naiwan si Dake sa amin.
"K-kamusta si Joel?"
Hindi ko maiwasang tanungin ito sa kanya at para may masabi lang.
"He's good. Bigyan mo lang siya ng time makakaget over din siya sa'yo. Eh kamusta kayo nung gusto mo?"
"Ha? Totoo ba Zara. Sino? Di ka man lang nagkukwento sa akin ha. May nagugustuhan ka palang iba kaya ayaw mo na kay si Joel ah."
"Hay naku, malabo maging kami nun."
Pahayag ko na lamang at kinain yung desert ko. Maging sila din ay nilalantakan yung desert nila na kakaserve lang.
Pinipilit kong maging normal sa harap ni Dake dahil ayukong mahalata ng kaibigan ko na si Dake at yung nagugustuhan ko ay iisa.
Hinatid kami pauwi ng kapatid ni Harry gamit yung sasakyan nila.
Pagkauwi ko ay deretso higa ako sa aking kama at nilaro sa aking isipan ang itsura kanina ni Dake. Ang gwapo niya. Ang kisig niya sa kanyang kasuutan. Ang ganda ng ngiti niya.
Hindi ko talaga aakalain na magkakagusto ako kung pag-ibig na nga ito sa isang kagaya niya. Yea, he is out of my league. Bukod sa hindi siya umiinom. Siya lang ang pinakadesenteng lalaking nakilala ko. Minsan pakielemero sa pananamit pero lately I found it cute. Hindi ko tuloy maiwasang imaginin if naging kami tapos lagi niya akong pinagbabawalan sa pananamit ko. Siguro nakakairita pero sa other part of me ay kinikilig ko. Pero he does it to everybody. Naalala ko nanaman yung sa Bataan trip namin. On how he react sa mga girls na masyadong daring manamit na lumalapit sa kaniya. Napangisi pa ako noong maalala na some are offended noong pagsabihan sila ni Dake, though in a good way. Ewan ko ba kung bakit konserbatibo itong si Dake, eh halos ng lalaki na ata ngayon ang gusto ay makita na lahat.
Hay, parang noong isang araw sinasabihan ko ang sarili kong pigilan na itong nararamdaman ko kay Dake pero heto ako ngayon, pinapangarap siya.
Ibinaon ko ang aking mukha sa aking unan at winala si Dake sa aking isip kahit napakahirap.
☁️
A/N:
Thank you for reading! Jesus loves you all!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro