Chapter 10
Ilang araw na akong nakahiga lang sa aking kwarto, kain, tulog.Litong-lito ako this past days. Kinailangan kong umalis sa work ko to figure out myself at lumayo muna kay Dake. He is affecting me in ways I can't help myself but to fall to him. Yea, I think that's right. I am falling to him.
Pero pinsan niya si Joel. Though I know, I am not to blame here kasi in the first place siya ang may gusto ng ganitong set up namin. Ang mali ko lang ay hinayaan ko siya. I put myself in and now I'm into a big trouble. Hays.
Hindi pa naman ako sure sa feelings ko kay Dake. And I am not so sure if I am really falling in love. Kahit na may nakarelasyon na ako noon, I never felt like this way to them. Kaya nga ako pumayag sa set up namin ni Joel.
On the other hand, if this is love. Natatakot ako that karma will hunt me and sa huli ay uuwi akong luhaan and devastated like my mom.
I am so stress!
Kahit kay Joel di rin ako nagpaparamdam dahil I don't want to make things worse for us. Masama na kung masama. Minsan dumadalaw siya pero di ko pinapapasok. Buti at hindi naman siya makulit.
Dahil hindi lang din ako makatulog, ay tumayo na lamang ako sa aking kama at tinungo ang aking banyo.
Inutusan ako ni mama na magbayad ng bill namin sa kuryente. At himala na siya ang gumastos ngayon.
Naligo muna ako at nag-ayos bago magpaalam na aalis na. Kahit tamad ako sa ganitong pila pila, I think I need to refresh myself. After nito, balak kong magmall.
At di nga ako nagkamali pagdating ko doon ay kahaba ng pila at sobrang init pa.
Shoot! I spotted the man na naging laman ng isipan ko for the past days.
Sinubukan kong huwag siya pansinin at ibaling ang tingin sa iba. Total busy naman siya at hindi niya ako nakita.
Pero napabalik ako ng tingin ng makitang tinulungan niya sa pagsususla ng info sa log book yong matadang lalaki na PDL.
Bakit ng gandang pagmasdan ang ginagawa niya. He is so kind. Dahil diyan ay may biglang nagwala sa kaibuturan ko. Para akong sasabog sa di ko malamang saya at may iba pa.
Napahawak ako sa aking dibdib. Am I really falling to Mr. Decent guy. Tinawag ko siyang Mr. Decent guy, because he really is. It is his mark. Marami na akong lalaking nakilala but Dake is different.
Pinagmasdan ko lang ang ginawa niya at nasa ilang metro lang ang layo niya sa akin at nasa harapan siya ng pila.
I can see his back, pero hindi niya ako nakikita. I am carefully watching him do his purpose there which is I think ay parehas lang kami. To pay our bills.
At mas nauna siyang natapos kaysa sa akin, bahagya akong gumilid noong mapadaan siya sa aking pila at paalis na. Napabuntong hininga ako dahil sa hindi paring tumitigil ng pagwawala sa kaibuturan ko.
Umusad pa ang pila. At hanggang sa natapos na rin ako. Pinakalma ko ang aking sarili sa mga imahinasyong hindi naman maari. Kung totoo man itong nararamdaman ko kay Dake, hindi parin kami pwede. Ano nalang iisipin niya sa akin. Sa mata niya, naging kami ni Joel na mismong pinsan niya. At kailan man ay hindi niya ako magugustuhan. Nakaramdam tuloy ako ng pagkirot sa aking kaibuturan. At ang saya kanina ay napalitan ng lungkot.
Nafrafrustrate na ako sa sitwasyon ko. Naupo muna ako sa isang bench sa tabi na aking nadaan papuntang mall pagkatapos kong magbayad ng kuryente at kinuha ang cellphone ko sa bag.
Nagtipa na akong ng mga salitang ipapadala kay Joel. Tama. Ito ang tama na gagawin ko.
-I'm sorry Joel I want things to stop between us. I know I shouldn't started this before, kasi napaasa lang kita. I hope you understand. I hope also that you find the right one for you. That will love you the way you deserve. Sorry again.
Hindi naman nagtagal ay nagreply agad si Joel kaya mas kinabahan pa ako.
Joel:I'm not letting you do that.
Simple ngunit madiin na wika ni Joel na mas nagpabigat pa sa aking dibdib.
-Please Joel. I'm really sorry.
Joel: No. I will stay with you.
Napahawak ako sa aking batok in my frustration bago nagtipa ulit ng salita.
-Look Joel, alam ko nasasaktan kita at napaasa na rin. Pero, alam mo rin kung anong feeling ko sa'yo. Ang tagal na natin and yet hindi ko maibigay-bigay ang pag-ibig na nais mo. I know Joel, you deserve that, sadyang hindi lang ako yung babaeng magmamahal sa'yo.
Kabado kong hinintay ang mensahe ni Joel. Pero nakauwi na ako't lahat-lahat ay wala parin siyang sagot sa mensahe ko.
Kahit nakahiga na ako at alas dyes na ng gabi ay naghihintay parin ako ng sagot niya.
Hindi ako natutuwa sa nangyayari kahit gaaano ko pa kagustong mawala sa pagkakatali sa kanya. May nasaktan akong tao. Kahit gaano ka-hard na akong tao, hindi naman ako ganun kamanhid. Gusto kong murahin ako ni Joel, pagsalitahan ng masama. Because I deserve it.
Hindi ko namalayang naidlip nalang ako sa kakahintay at nagising lang ulit sa malakas na ringtone ng telepono ko.
Si Joel ang tumatawag. Kinakabahan man ay sinagot ko ito.
- Hello.
Joel: Ayy laaaabb yu Zhara...
-Joel, I'm sorry.
Joel: Ano ba! Huwag mho akhong hawakhan! Khaya kho ang sarili ko.
Napatayo ako sa lakas ng tunog na parang may nabagsak sa kabilang linya.
-Joel? Asan ka?...... Joel? Hello?
Naririnig ko na may nag-uusap sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan masyado. Pero alam kong wala si Joel sa bahay nila at lasing ito.
-Joel, nasaan ka ba!? Hello?
Ilang beses pa akong nagtanong, baka sakaling sumagot pa si Joel. Pero ibang boses na ang narinig ko.
Joel' phone: Hello? Sino po ito?
-Hello? Sino ka? Nasaan si Joel?
Joel's phone: Ah ma'am. Wala pong malay si ser. Lasing na lasing po siya at wala po siyang kasama.
-Saan yan? Pupunta ako diyan.
Sinabi nga nung mamang sumagot sa linya ni Joel kung nasaan sila. Kahit gabi na ay pumunta parin ako doon. Hindi din naman kaya ng kunsensya kong tiisin si Joel, dahil alam kong ako naman ang dahilan ng lahat ng ito.
Hindi naman ako nahirapang hanapin yung bar. Dali akong pumasok sa loob at hinanap si Joel. Sa kamamadali ko ay nabunggo ako sa mga lalaking hindi ko nakitang nakasalubong ko. Pareparehas kaming sumalampak sa sahig. Agad parin akong Napatayo para hanapin si Joel nang mapansin kung sino ang aking nakabunggo. Si Joel ang nakahiga sa sahig at si Dake naman ay nakaupo na din sa sahig at nakatingin sa akin. Saglit kaming nagkatitigan bago namin sabay pinagtulungang buhating ipatayo si Joel at alalayang palabas sa bar.
Dahil motor ang dala ni Dake, ay pinagitna nalang namin si Joel at ako sa dulo para hawakan si Joel at hindi malaglag.
Nang maihatid namin si Joel sa kanilang tahanan doon palang kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ni Dake.
"Nagbreak kayo?"
Tumango na lamang ako bilang pagsagot kasi parang ganoon na rin iyon.
"Mahal na mahal ka talaga ng pinsan ko."
Napangisi pa siya ng bahagya. Hindi ako makasalita dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Bakit kayo umabot sa ganito?"
Mahinahon niyang tanong at napatingin lamang ako sa kanya. Naging alerto naman siya.
"Hindi sa nakikielam ako ah."
Dipensa niya.
"Pero kung ayaw mong sabihin. Okay lang naman. Sa inyo naman yan."
Napatingin ulit ako sa ibaba. Gustong-gusto kong sabihin ang real score sa amin ni Joel. Pero ayukong mapahiya si Joel sa pinsan niya.
"Bakit ka pala umalis sa coffee shop?"
Pag-iiba niya sa topic ng aming pag-uusap.
"Gusto ko lang mag-isip isip muna."
"May problema ka ba?"
Sumeryuso ang kanyang mukha ang mukhang concern naman siya ngayon sa akin. Hindi ko mapigilang matuwa sa loob ko noong makita ang naging reaksyon niya. Gusto ko sana siyang sagutin ng marami, kasi madami naman talagang problema sa pamilya ko tapos dumadagdag pa tong feelings na to.
"Nalilito lang ako."
"Saan? - Ah, sa relasyon niyo ba ng pinsan ko?"
"Parang ganun na nga."
"I see, so wala pala akong maitutulong."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinseridad niyang tulungan ako sa problema ko. Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Dake.."
Lakas loob kong tawag sa pangalan niya.
"mm?"
"May nagugustuhan kasi akong iba."
Ngayon ag mukhang nagulat si Dake sa sinabi ko. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha pero inayos din niya agad ang sarili.
"So iyon ang reason. Sinabi mo na ba ito kay Joel?"
Umiling ako.
"Alam kong iisipin mong masama akong babae. O lalakero na. Kasi I shoot two birds in one bullet. Pero, sinubukan kong pigilan...pero di ko kaya."
Tumango-tango lamang siya at halatang hinihintay pa ang mga sasabihin ko.
"I started liking this guy for who he is. He's not definitely my type. Pero ewan ko ba, may something in him na humahatak sa akin para mahulog ako sa kanya. And he is really different to other guys I met before. He is significant to me..."
"Oh, so you mean your love for this guy surpassed your feelings to my cousin. Well if that the case, as long as you never two timer my cousin and just break him to do what is better for your relationship then what you did is just right. Kaysa naman paasahin mo pa siya lalo. "
Alam kong guilty ako sa sinabi niya kaya tumingin nalang ako sa baba.
" Whoever that guy is, I pray to God to help you to be certain with your feelings to him. And I hope he will love you back if he is God's will for you."
Wika nito at ngumiti sa akin na mas nagpabilis pa sa tibok ng aking puso.
Though I don't believe God's magical power that much, I am convinced that his prayer is something to hold on to.
" Hatid na kita. "
Finally, that wrapped up our magical moment under the moon light.
Oh my happy heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro