Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue:

Five years ago, iniwan ako ng tanging babaeng minahal ko sa ere. Until now, I couldn't forget what she did to me. But even if I'm in rage because of what she's done, I admit, I am still deeply in love with her.

'I goddamn miss her so much'

("Drey? Where the hell are you? Malapit ka ng sukatan, jusko naman pati ba naman dito malalate ka?") -- utas ni Brett sa phone call.

"I'm fvcking tired, can we do it tomorrow?"

Nag-assign sila ng wedding planner and seamstress para sa kasal ni ate Precious. Naalala n'yo ba sya? Sya yung main vocalist sa Odie's Bar at simpleng cashier sa isang cafe kung saan nagttrabaho si---

("Come here you goddamn flee! Or I will definitely kill you")

Napilitan akong bumangon at agad na pinatay ang tawag. Ang ingay mo Brett, kung hindi ko lang talaga kilala si Precious baka hindi talaga ako makipag-cooperate sa mga ganitong bagay.

Naligo ako agad, pero nagtagal muna ako sa banyo. Mas masarap ang lamig ng tubig kapag ramdam na ramdam mo 'to.

Three days from now, Precious will become a bride. Magiging isa na syang ganap na asawa. I wonder what it feels like to be a groom someday, marrying someone you truly love. Hindi ba happy ending na 'yon kung maituturing nang ilan sa atin.

After taking a bath, nagbihis na rin ako at pumunta sa Wedding Bells. The only shop na nagtitinda at nag-o-offer ng mga wedding gowns and tuxedos. The best in town so far.

Pagdating ko dun, sinukatan ako agad ng sastre. Hulaan n'yo na lang measurements ko. As far as I know, pang Calvin Klein raw, e. Nadatnan ko naman sila Frost at Brett na masayang namimili ng wedding gowns sa catalogue.

"It's not your wedding, Brett," I said out of nowhere.

Agad na nag-iwas ng tingin si Brett kay Frost, si Frost naman parang wala lang sa sinabi ko.

"Ang cucute lang kasi ng mga gowns," nakangiting sabi ni Frost na walang malay.

I could feel Brett's boiling red heat. Kaibigan ko nga talaga s'ya, we're on the same boat as stubborn but hot guys.

"What fvck are you saying, Drey?" inis n'yang tanong sa 'kin. Habang namumula ng todo yung mukha.

Red beet.

Bakit? Ano bang ginawa ko? Napatingin ako kay Frost na wala pa ring malay sa reaksyon ng kanyang fiancee. Patuloy pa rin sya sa pagscan ng wedding gowns sa catalog.

Brett and I knew all along that Frost still loves Luke. Pero nagdududa na ako, wala namang umaabot ng ganyan katagal ang pagmamahal diba? Pagdating sa huli magsasawa ka rin kakatakbo at kakasunod sa mga taong walang balak balikan ka o lingunin ka pabalik. Because we all have to keep moving on even if it hurts.

"S'ya nga pala," pambabasag ni Frost sa katahimikan.

"What?" I asked.

"I just got a call from Mrs. Choi, we could celebrate there after the wedding," nakangiti n'yang tugon.

"Celebrate what, love?" pagtataka ni Brett.

Kahit ako hindi ko gets ang gustong iparating ni Frost. May sariling reception naman sila Precious para dun, they're rich and could afford hotel reservations instead of cafe shops.

"S-S-Saaa-" bigla n'yang tinikom ang kanyang bibig. "W-W-Walaaa, kalimutan n'yo na yung sinabi ko." Tsaka sya nagpatay malisya na parang walang nangyari.

Dyan, dyan magagaling ang mga babae, e... sa pagpatay ng malisya!

*kring kring*

I glanced at my phone and Trixie's calling me.

"I have to get this. Excuse me," pasumangil ko.

("D-Dreyson?")

"Yeah, it's me. What do you want, Trix?"

("I need you here. Nakalimutan ko susi ng bahay natiiinn") narinig kong sinisipa-sipa n'ya ang pintuan namin.

"Huy tangina, don't kick the door. Pagagalitan tayo ni mommy n'yan, e!"

("Kaya nga bilisan mo. I forgot my paperworks at kelangan yun sa office ngayon na") tsaka nya ako binabaan ng tawag.

Holyshit.

Ang tanga naman kasi. Namalengke pa si manang, tapos nalimutan nya susi nya sa bahay? Sinong bobo ang makakalimot sa susi ng bahay ha? Tanga lang siguro kagaya ng kapatid kong si Trixie.

I took my jacket and said good bye to Frost and Brett. Sinabi ko sa kanila sa uuwi na ako dahil nagka-emergency sa bahay. Pinaandar ko na ang aking sasakyan at agad na nagdrive pauwi. If you're going to ask me about my relationship with Trixie? Well, she's my half sister and I already accepted that fact... a long time ago.

My father and her mom was married states, when my family got divorced when I was a kid. I did not know it at first, but I'm glad that we have already adjusted to the situation. It's a very complicated situation though. Nape and Cyah, we're both in good terms. Malandi lang talaga daddy namin, too bad kasi nadamay pa ang inosenteng kambal sa ganitong setup ng pamilya.

Nakarating ako sa bahay at nakita si Trixie na naupo sa kanyang kotse. I knocked her window shield, and saw her sleeping. Boba talaga kahit talaga.

"Huy, open up. I got the keys."

Nagising sya sa malakas kong boses. Sanay na akong makita si Trixie na natutulog or naliligo or natatae, alam mo yun? Nasa iisang bahay na rin kasi kami so I got used to it.

She gently rubbed her eyes and looked at me blankly, "Buti naman. Ang tagal mo bro," sabay nganga.

She took my key and I went to bed immediately. Look, even if I love Trixie that was in the past. That was 8 YEARS AGO, guys. She's my high school crush but when I found out na she's going to be my stepsister then I had to accept it. Yes indeed, nagkarelasyon kami before but that was buried long ago. Move on, move on din tayo pag may time. Ayoko rin maging bida sa isang incest na storya.

"Drey, I have to go back to work. Salamat sa susi," sabay tapon papunta sa 'kin.

"Ingat."

I was about to close my eyes when my phone vibrated.

It's from an unregistered number.

("I'm back to finish my business with you, Mr. Bad boy")

Who the fvck!

-x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro