Chapter 02
2nd Chapter
Brett's Point of View.
"Babe, do you want to come with me? Ihahatid lang natin si Trixie," I said, drinking my glass of wine.
We're still here at ate Precious' reception. All of us were invited, from Mrs. Choi hanggang sa banda ng Gods of Olympus. Precious' and Ace doesn't mind if we will invite other people. Besides, mayaman sila at kaya nilang i-cater ang isang daan katao here in the hotel.
"Yeah, sure. All of us should go, don't you think?" ani Frost.
There's something behind those words. Napatingin ako sa kaharap kong magandang babae na kumakain lang ng cupcake buong gabi. Nanirahan sya at nag-aral sa states, but she is still the same girl that we know. The girl who loves sweets and hate beers.
"Key, you should come to," pamimilit nya sa kanyang best friend.
"Where to?"
"Dreyson's place. Ihahatid lang natin si Trixie."
She paused for a bit. Not a bit of reaction on her face. Parang hindi sya apektado nung sinabi namin ang pangalan ni Dreyson sa kanyang harapan. If you're asking about Trixie, she's fine and sleeping quietly inside the car. I'm just hoping na hindi n'ya sukahan yung kotse ko. Napakamahal pa naman overall carwash ngayon.
She smiled and replied. "That would be a great idea, but I would rather stay here with Dee."
"Ok lang naman sa akin, Key. Besides, kelangan rin ng kasama nang dalawang ito at baka may gawing masama si Brett kay Frost kapag wala ka," ngumiti nang nakakaloko si Dylan sa akin.
Tanginang ngiti yan, Dylan. Wala akong gagawing masama kay Frost. Isa pa, hindi ko magagawang pwersahin ang babaeng mahal ko.
"H-hindi kami gagawa ng milagro!" depensa ni Frost habang namumula na.
Pati ako parang nahawa na sa pagiging red beet ng fianceé ko. Required ba talaga na dapat ka ring kiligin kapag kinikilig yung taong mahal mo? Ganun ba talaga kapag mutual ang feelings?
"O-oo Nga! Walang milagro!" utas ko rin.
Tumawa bigla yung dalawa. Nakakatawa yun ganun?
"Ang cute n'yong dalawa, ha? Sige na nga, sasama na ako sa inyo. Di nyo matatanggal sa akin ang pagdududa lalo na't hindi ko alam ang bawat detalye ng istorya niyo habang nasa New York ako," agad na tumayo si Minami.
Dylan kissed her on her forehead as a goodbye kiss. I still can't believe na nagkakamabutihan ang dalawang ito matapos ang limang taon.
Well, kung tutuusin marami talaga ang pwedeng mangyari sa loob ng limang taon. Lalo na't pareho silang dalawa na nag-aral sa states. Destiny was in their favor and both of them did the talking and everything. But I need to find out about the status between the two of them. Frost won't tell me, she's not giving any signals about it.
"Let's go then," aya ni Key sa amin.
"Take care, Key," Dylan smiled.
Naupo si Key sa backseat kasama ang natutulog na si Trixie. I wonder if she still hates Trixie after what she did back then. Ang bobo naman kasi nitong si Dreyson, magpapahalik na nga lang magpapahuli pa. Gago talaga. Isa pa walang matinong lalaki ang magpapahalik nang basta-basta sa ganung sitwasyon. Hindi ko pa rin alam ang kabuuan ng istorya kasi ayaw nyang magkwento sa akin pero aalamin ko ang katotohan. I know Dreyson, he will not do that to Minami. He will never hurt her or that's what I think.
"Babe, can I turn on the radio?" si Frost.
"Yeah, sure."
Pindot nang pindot si Frost. Nakakatakot kasi baka masira yung music player ko pero dahil mahal ko sya wala akong magagawa doon. Kahit sirain nya pa 'yan, ayos lang. Makakabili ako ng bagong kotse pero bagong Frost, hindi.
🎶 You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claim it's not in the cards
Fate is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That you're my destiny? 🎶
Napatingin ako sa rearview mirror kung saan ko nasasaksihan ang pagddrama nitong si Keeyah. Ayan kasi, aalis-alis nang hindi nagpapaalam ayan tuloy wala masyadong closure na nangyari sa dalawa.
🎶 What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight 🎶
"Babe-" nahinto ako sa pagsasalita nung makita ko syang nakatulog sa gilid.
N-Nakatulog sya sa kanta? Teka pano? paano kayo nakakatulog ng ilang segundo lang?
"Ssh, she's always been like this. Don't you know?" mahinahon nyang pahayag. "Nakakatulog talaga si Frost kapag music galing sa radyo."
I didn't know that!
"Really? I didn't know that."
"I haven't either. Luke told me," he smiled.
I didn't react immediately. She didn't mean to mention Luke out of nowhere, alam ko na hindi nya iyon sinasadya kasi nakangiti sya at hindi man lang kumibo matapos.
Luke and I are in good terms. But every time I see Frost with him, nakakaramdam pa rin ako ng selos at inis. Kasi nakikita ko na mas sumasaya at mas tumutunay yung ngiti nya kapag si Luke ang kanyang kasama. At kahit kailan hindi ko iyon mapapalitan ng kahit na anong regalo.
Nakarating kami sa mansyon nila Dreyson. I texted him to get out to get Trixie out of my car. Hindi man lang nagreply ang loko kaya ako na ang nagkusang kargahin si Trixie papasok sa loob ng bahay nila Dreyson. Alam nyo naman siguro diba na not in good terms itong sila Drey at Key? Kaya ako lang mag isa ang nagtakang pumasok sa kanilang bahay. Buti at nadatnan ako ni manang kaya tinulungan nya ako sa pagbubuhat kay Trix.
"Naku, naku. Lasing ba ang batang ito?"
"Ah opo, naparami ata ang inom ng pink gin."
"Naku kayong mga bata talaga kayo. Iwas-iwasan nyo muna ang pag inom ng matagal kayong mabuhay," pangangaral nito. "O sya hijo, sige na. Makakaalis ka na, salamat sa paghatid kay Trixie. Pasensya na rin sa istorbo ha."
May libreng pangaral naman po kayong naibigay (^~^)
"Ok lang po iyon, manang," kamot ulo kong sabi. "Sya nga po pala, andito ba si Dreyson? Hindi nya kasi sinasagot ang tawag ko e."
"Anjan sa kanyang kwarto. Nakatulog ata, kanina pa yun hindi lumalabas."
"Ganun po ba. Mauna na po ako manang," paalam ko.
Hinatid ako ni manang palabas. Nadatnan ko si Frost na gising na gising at halatang may seryoso silang pinag-uusapan ni Key kaso bigla silang bumalik sa dati nung nakita nila ako na papalapit sa kotse.
"Ayos lang ba sya?" si Frost.
"Ah oo. Andun si manang para mag alaga," sagot ko.
I glanced at Key, she's not going to say anything does she? I heaved a sigh, going back to the driver's seat. Bumalik kami sa reception at pinalipas ang oras na kasama ang isa't-isa. Niisang baso ng vodka hindi talaga uminom si Key, nakakamangha dahil puro juice at tubig lamang ang nainom.
Frost's Point of View.
Lumabas si Brett karga-karga si Trixie na walang malay. Ako naman nagpapanggap na tulog buong byahe. Wala kasi akong matopic isa pa, ayokong magsimula ng storya. Alam ko ang buong nangyari patungkol kay Keeyah at kung ano ang mga pinaggagawa nya dun sa states. But I will never say anything about that. I will let her tell her own story because I have no right to tell you, hers.
"Frost," mahina nyang tugon. "I know you're pretending to sleep."
I slowly opened my eyes, looking at her. Alam na alam nya talaga ang nga galawan ko. Well, she's not my best friend for nothing. She's my best friend because she knows everything about me.
"Alam mo pala. Sinabi mo pa talaga kay Brett na nakakatulog ako sa radio music."
"I was bluffing. Hindi ko naman expect na maniniwala sya sa sinabi ko," natatawa nyang tugon.
Tae, di pa rin talaga nagbabago ang isang ito. Kaya gustung-gusto ko si Minami e. Kahit ilang taon kayong hindi nagkita hinding-hindi nya kayang magbago para sa ibang tao. Pero alam ko na unti-unti na syang nabago ng sakit nung umalis sya papuntang states. I bet she realized something about love.
"Bakit ba ayaw mong pumasok? Parang hindi ka nakapunta dyan noon."
"Kaya nga ayoko nang bumalik kasi nakapunta na ako dyan. I will just remember my past," she said, seriously looking at the windshield.
"Akala ko ba nakamove-on ka na?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"Maybe."
Cliffhanger!
"Anong maybe? Maybe yes or maybe no?"
Kasi kung maybe Yes. Aba good news, isa pa may Dylan Shapero na sya, ang lalaking pinangarap nya simula high school. If Maybe No naman, I don't know what to say. Sasabihin ko na lang siguro sa kanya na 'Kung para sayo, para sayo'. Ganun mag-advice ang mga kaibigan sa friends nilang hirap makamove on sa mga lalaking hindi naman naging kanila.
Sige ngayon nyo sabihing nagjojoke ako. Totoo naman kasi.
"Just... maybe."
"Do you still love him, Key?"
"Not... now."
Bakit ba ang titipid ng mga sagot mo Minami Keeyah Fletcher? Kelan ka ba magiging isa sa matinong kausap?
I heaved a sigh before reacting. "Just tell me right away para maaware ako sa true feelings mo for Dreyson. I can't let you fight your own battles alone."
She genuinely smiled at me, "Thanks, Frost. Swerte ko na ikaw ang naging kaibigan ko. Hulog ka nang pangit," tawa nya.
"EWAN KO SAYOOOO! Bahala ka na nga dyan, Key. Wala kang kwentang kausap e," inis kong tugon.
Tawa lang sya ng tawa nung biglang bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha.
"I didn't finish my business with him."
"What do you mean?"
She opened a rectangular box and took the rolled paper. As far as I could remember, that's the Operation I wrote five years ago.
"Hindi mo pa din yan tinatapon? I thought you gave it to Dreyson's step sister?"
I saw her handing one of those thing to his sister, Cyah.
"This is my own copy Frost, the one you wrote. Computerize na yung binigay ko kay Dreyson," paliwanag nya.
"So what are you going to do now?"
"Simple. Finish my unfinished business with him."
"And, what is that?"
"Finishing this operation. I will make him fall for me," she grinned sweetly. "Head over heels."
Is it possible that the bad boy will be falling for the good girl?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro