Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01

1st Chapter


The piano starts playing with a song by Ed Sheeran, which is Perfect.

The church's door suddenly opened slowly and everyone was staring at the bridesmaid and best man. Naglakad kami ng dahan-dahan ni Trixie sa aisle and everyone was looking. Obviously, we're here at the center doing nothing, but slow walking. Tsaka kami pumwesto sa kanya-kanya naming seats where we were assigned.

And then the bride started walking down the aisle. Everyone was staring at her, looking so beautiful. Naghihintay naman si Ace sa kabilang dulo. Halos yung iba sa amin rito mangiyak-ngiyak na dahil sa tanginang kanta ni Ed Sheeran. Mapapa-emote ka na lang talaga ng wala sa oras, e.

🎶 I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me 🎶

Yung katabi kong si Clove, naiiyak na kasi tumutulo-tulo pa sipon, kadiri. Si Brett naman, nakatitig lang sa kabilang banda kung saan nakatayo ang fianceé n'yang si Frost. Iba talaga pag in love no? Pero si Frost nakatingin sa bride syempre, umiiyak. Alam ko ang takbo nang isip ng mga tao rito. Lahat sila iniisip at nag-i-imagine kung ano ang pakiramdam nang ikakasal sa taong mahal na mahal mo at gusto mong makasama habang buhay.

"A-Ang hapdi sa mata, huhu," reklamo ni Clove sa likuran ko.

Ayoko na. Ang ingay niya!

🎶 Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine 🎶

Ang bagal ng mga pangyayari, feeling ko matatapos na yung kanta di pa rin nakakarating si Precious sa dulo. Bakit ba kasi ang haba ng aisle ng simbahan dito? Mahabang-habang lakarin din, buti binilisan ko lakad ko kanina.

🎶 Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight 🎶

Everyone was silent as the priest ask both bride and groom. And promised their wedding vows together in front of God and us. Tapos nun kiss the bride na, bilisan na natin maraming pang daoat mangyari eh.

Natapos ang kasal sa isang tapon ng bulaklak, tapos sabay-sabay na nag agawan yung mga babae sa bouquet. Ganyan ba kayo ka desperadang ikasal? Hmmm.

Sila Trixie at yung iba nagpunta sa reception. Ako naman, umuwi na rin agad. Wala akong mapapala sa isang reception. Anong gagawin ko doon? Kakain ng cake? Makikipag-inuman? I'm done doing those things since she left.

*kring kring*

It's a call from Brett. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba sya o hindi. There are only two possibilities, una sisigawan n'ya ako. Pangalawa, sisigawan n'ya ako tapos papapapuntahin nya ako pabalik sa reception nila Precious at Ace.

"Brett?"

("Where are you? We have a surprise for you, bro") masaya nyang tugon mula sa kabilang banda.

'Surprise?'

"What kind of surprise are we talking about?"

("Yung masusurprise ka talaga. Bakit asan ka ba ngayon?")

Hindi ko sya masyadong marinig dahil sa ingay ng kanyang background na nanggagaling sa mga sigaw sa lugar.

"House. Resting. Tired," tipid kong sagot.

Nakukuha n'ya naman siguro kung ano ang pinupunto ko diba? Shortcut na 'yon sa pagsasabi ng 'pagod ako, pakyu!'

("Sayang naman. Maybe both of you will cross paths someday")

"Ano ba kasi klaseng surprise 'yan, ha?"

("Brett, kanina ka pa hinahanap ni Frost") boses ng isang mahinhin na babae.

Nabuhayan ako ng dugo at agad na napabalikwas ng bangon. My heart's damn pounding like a drum. What the hell's going on here? Why does it felt like, boses ba iyon ni Minami?

("Ganun ba? I'd better go then. Do you want to answer the call?") boses ni Brett.

Kinakabahan ako habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Please tell me it's not Minami or else I regret not going into that fvcking and stupid reception.

Hinintay ko lang na may magsalita ulit. Hindi kasi sumasagot yung babae sa background. I can't assume na si Minami nga iyon kasi hindi ko naman sya nakita and marami s'yang kaboses sa mundong ito. Hindi lang sya ang nagmamay-ari ng maganda at nakakainlove na boses sa t'wing galit.

("Damn it, Brett. Don't touch my phone!") sigaw ni Trixie sa background, at mukhang lasing na lasing pa ata.

"Hello, Brett tell Trixie na susunduin ko na sya right now!"

Ibababa ko na sana ang tawag nung biglang may nagsalita sa kabilang linya.

("You're drunk, sis")

And there goes my pounding heart again. Like damn she would come back after what she did to me. That voice is not Minami. I am just imagining things, it's just my hormones and brain cells thinking na namimiss n'ya rin ako. But that's not the point here.

("Hey, Drey. Don't worry, ihahatid namin si Trixie d'yan ng buhay... ano ba alis nga, amoy alak ka na, e.. akin na kashi shelpon ko, Brett! Lagot ka kay kuya Dreyshon!") Halo-halong usapan ng dalawa.

"Then, I guess I have nothing to worry about," sagot ko na lang sabay baba nang tawag.

Lumipas ang ilang oras, nakatitig pa rin ako sa kisame. Akala ko ba matutulog ako at magpapahinga? Paano nangyari na hindi ko iyon nagawa ngayon? Isang oras... isang oras na ang lumilipas pero hindi pa rin ako mapakali kahit anong gawin ko.

Nagpatugtog na ako ng mga kanta ni Moira sa speaker pero hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Ano bang kanta ang nakakapagpatulog? Nursery rhymes?

"Kuya Dreyson," bungad ni Cyah, dahilan para muntikan na akong mahulog sa kama.

"A-Ano ba iyon, Aya?"

"May nagpapabigay nga pala," sabi n'ya habang hawak-hawak ang isang rectangular box. "Sabi nung babae."

Lumapit sya sa akin at binigay yung kahon.

"Where did you even get this?"

"Galing kasi kami ni Nape reception at may visitor sila kuya Brett na maganda at sexyng babae galing states."

"Nagpunta pala kayo sa reception? Where's Trixie?"

Nagkibit-balikat lang ang loka-loka. "Malay, ayaw n'ya kasing sumabay sa amin kaya nagpaiwan sya. Sabi ni kuya Brett sila na lang ang maghahatid kay ate Trixie."

Aalis na sana sya nung may tinanong ako tungkol sa kahon.

"What's the name of the woman that gave this to you, Aya?"

She paused for a bit, trying to remember the name of that person. "Secret," sabay ngiti.

Umalis din sya agad matapos nya akong iwan na nakanganga. Ano bang klaseng kapatid meron ako ha? Bakit ganyan kayo sa gwapo n'yong kuya?

Well, there's no harm in opening a present. Is it? I slowly opened the box and...

"I knew it," I said in between my breath.

Nasa loob ang isang bond paper na nakarolyo na parang isang invitation. May pulang ribbon na nakatali rito, and guess what it's the same contract that I signed 5 years ago.

There's nothing more inside. Tanging yun lang ang nakalagay sa loob ng kahon. The ribbon that was tied in the letter is color red and red... is a declaration of war.

"What the hell are you up to, Minami?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro