Deal?
Alia’s POV
Dominic had been a great help sa pagbili ko ng sasakyan. By Wednesday puwede ko na siyang, i-pick up.
“Are you happy?” he asked nang nasa restaurant na kami at kumakain ng lunch.
“Oo naman, first time eh!” I smiled. Napatawa naman siya.
“First time? Eh di ba may sasakyan naman kayo?” he asked.
“siyempre, iba pa rin yung sariling akin.” Nakangiti kong tugon. Napatango naman siya at ngumiti saka ipinagpatuloy ang pagkain.
I feel really at ease with him. Aminin ko man o hindi, parang nagugustuhan ko na rin siya.
“Nood tayong sine?” yaya niya nang matapos kaming kumain. I smiled. Well, I want it too.
I felt awkward nang makalabas kami ng sinehan. Pati rin naman nung nasa loob pa kami. Bakit ba kasi Fifty Shades of Grey pa ang napagpasyahan naming panuorin? I have read the book trilogy at alam ko naman na ganoon ang mapapanood pero nacurious kasi ako. Yan tuloy, wala kaming imikan. Haha! Magkasunod lang kaming dumiretso sa parking lot.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang park, maaga pa kasi, mag-aalas sais palang ng hapon. Sumunod nalang din ako nung bumaba siya. Tumuloy kami sa isang bench at umupo doon.
“Bakit ganun yung movie? Hindi ko makuha ang sense niya.” he said breaking the silence.
Napangiti naman ako sa pahayag niya.
“Book 1 lang kasi iyon, mag-a-unfold talaga yung story niya sa book 2-Fifty Shades Darker. Yung book 1 kasi mainly about dominant and submissive.” I explained.
“Nagbabasa ka ng mga ganun?” he asked. I looked at him, he is suppressing a smile.
“Well, yeah! I’m a wide reader and open-minded.” Depensa ko. Yung pagkakatanong niya kasi parang nanghuhusga. But I know he doesn’t mean it that way.
Napatango naman siya.
“Gusto mo rin bang maging dominant?” I teased. Napatawa naman siya.
“I’m not dominant. I’m Dominic! And you are not Anastasia, you are Alia.” he said. I laughed at his humor. Pero napatigil ako nang tumitig siya sa akin ng seryoso.
“And I am not going to ask you to be my submissive. I’m going to ask you to be my girlfriend!” he added that made my heart thumped fastly.
“Deal?” he asked with a grin. For a moment, I think I saw the heaven unfold before my eyes.
“Where are paperworks?” I joked. Sa movie kasi kailangang may pirmahan yung bidang si Anastasia na paperworks bago siya maging submissive ni Christian Grey.
“Damn the paperworks!” he mumbled and held my chin. Napatawa naman ako at tinanggal ang kamay niya. Iyon din kasi ang sinabi ni Christian Grey kay Anastasia bago niya ito halikan sa loob ng elevator.
I stood up and looked mischievously at him.
“Seryoso ako.” Saad niya at tumingin sa akin ng diretso. Tumayo na rin siya at yumuko sa akin. Mas matangkad kasi siya ng ilang pulgada sa akin.
“Gutom na ako. Tara mag-early dinner na tayo!” Pag-iiba ko ng usapan. Napakamot naman siya sa batok saka napapangiting sumunod sa akin pabalik sa kotse niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro