Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Date-date

[A/N: I saw some mispelled words on the previous chaps, I do apologize.]

Alia’s POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.  I looked at the clock, it’s 8 AM.

“Hey, ang aga mong manggising ah, natutulog pa yung tao eh.” Biro ko kay Dominic. Siya kasi ang tumatawag. Kahapon lang naging kami, ngayon nangungulit na ng maaga. Haiist!

“Oh, sorry girlfriend!” he exclaimed then chuckled. Loko talaga to!

“What now?” I asked.

Aw, ang sungit naman ng girlfriend ko.” tugon niya.

“Will you stop saying girlfriend?” I mentally rolled my eyes. Ang awkward lang kasi.

He was silent for a moment.

“Why? Nagbago na ba ang isip mo?” malungkot niyang saad. Para naman akong naguilty.

“Of, course not.” Bawi ko. Narinig ko naman ang paghinga niya ng maluwag.

“Exaggerated ka talaga!” biro ko. Napatawa naman siya.

“I’m just relieved, bakit ba? Bangon ka na diyan, magsimba tayo. We have something to celebrate.” Sunod-sunod niyang wika.

“Ang aga pa.” reklamo ko.

“Dali na. Nandito ako sa tapat ng bahay niyo.”

Bigla naman akong napabangon sa sinabi niya. Agad kong tinungo ang bintana at sinilip kung andun nga siya. Katapat kasi ng kalsada ang room ko kaya kitang-kita ko mula sa bintana. True enough nakasandal nga siya sa kotse niya in his usual plain shirt and faded jeans. I can’t help but admire his physique.

I opened the windows.

“Tingin ka sa taas.” Wika ko. Agad naman siyang tumingin sa taas ng bahay. I waved at him. I saw his handsome smile.

“Ang ganda mo pala pag bagong gising.” Biro niya.

“Luko-luko!” I chuckled.

“Wait there!” I added bago ibinaba ang tawag.

Mabilis akong nag-ayos para hindi naman ako magmukhang bagong gising. Pagbaba ko, wala sina mommy at daddy. Maaga kasi silang nagsisimba pag Sunday at pumupunta ng grocery. Sunday ritual na nila iyon.

“Pasok ka muna sa loob.” Saad ko nang buksan ang gate. Agad naman siyang lumapit.

“Why? Ipapakilala mo na ako kina mommy at daddy?” nakangiti niyang tanong.

“Asa! Wala sila noh!” I rolled my eyes. Natatawa naman siyang umakbay at sumabay na sa pagpasok.

It took me almost an hour para maligo at mag-ayos. He was seated at the sofa nung bumaba ako. Wala man lang bakas ng pagkayamot sa kanya which I appreciate much. Siguro pa-impress ang loko. Hehe!

We attended a mass bago nagtungo ng mall at naglakad-lakad. I thought things like this ay pang teenager lang pero kataka-takang di man lang ako naboboring, maybe because he has a way of making the surroundings light.

After lunch, he took me to an amusement park which I enjoyed either. He bought me a life-size stuff toy bago kami umuwi. Teenager lang talaga ang peg.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro