Casino
Alia’s POV
“Casino? Are you serious?” bulalas ko nang itigil niya ang sasakyan sa isang hotel-casino.
“Di ba magaling ka sa physics? Computations? Tingnan natin kung uubra ang talino mo dito.” Natatawa niyang saad.
“I hate gambling!”
Napatawa ulit siya sa sagot ko.
“Di naman tayo magsusugal ah. I just wanna see if your intelligence can decipher the correct formula to win in casino.” He said at inalalayan na ako patungo sa entrance. Shocks! I’ve been in a casino once pero nung nasa Taiwan pa ako and I was with my officemates during my internship.
“That’s simple probability and there is just a small probability to win in any casino game. Mananalo ka pag sinuwerte ka at natsambahan mo.” Paliwanag ko.
“Are you saying that science succumbs to luck?” he said with a challenging tone.
“No, of course not!” biglang bawi ko.
“There must be a scientific explanation, right? So come and show me, baby!” he said chuckling saka hinawakan na ang aking kamay.
“Hay naku!” I exclaimed defenseless. Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa loob.
Napagpasyahan naming magpapalit ng tag-isang libo at kung natalo na yun lahat ay saka kami uuwi.
I know there are of course scientific ways para manalo sa mga games pero siyempre it will take long para mapag-aralan ang lahat. Kahit naman sinong genius di yon mapag-aaralan ng isang gabi lang kaya monthly kapag inirereprogram ang mga machines sa casino.
I tried to explain it to him pero tumatawa lang siya at pinipilit na kung talagang matalino ako dapat mafigure out ko.
We played different games at dahil nananalo siya sa bawat game na pinupuntahan namin at paminsan-minsan niya akong hinahatian ng chips mas lalo kaming natatagalan sa loob.
“Is that your last chip?” he asked. Napatango naman ako. Malas kasi ako sa sugal. But of course I can’t say that to him dahil kakantiyawan lang ulit niya ako.
Itataya ko na sana yung chip nang pigilan niya ako.
“Let’s watch first.” He said. Tatlong game ang lumipas bago siya bumulong.
“Ilagay mo sa 7.”
Sinunod ko naman ang sinabi niya. I was amazed when the number won.
“How did you figure it out?” I whispered amusedly. Tumawa lang siya saka hinila ako papuntang counter.
“Let’s go!” aya niya.
“Paano mo nagawa yun?” pangungulit ko nang papunta na kami sa sasakyan niya.
“Ang alin?” nakangiti niyang tanong.
“You won in every game we went in.”
“Suwerte lang!” natatawa niyang sagot.
“Siguro lagi kang nagcacasino kaya alam mo na ang trick!” I said unwittingly.
“I’m a businessman not a gambler.” Tugon niya habang pinagbubuksan ako ng sasakyan. Mabilis siyang umikot sa driver’s side.
I looked at my watch. It’s 12 midnight.
Nagtext naman ako kay mommy kanina na late akong uuwi kaya ayos lang. Lionelle also called them up before we supposedly went to a bar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro