Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

EPILOGUE

NAKAUPO si Eizel sa mahabang sofa ng silid niya habang nakaharap sa TV at pinapanuod ang video na ibinigay sa kanya ni Louie nang araw na nag-seizure si Lancelott. Pinapabigay daw yon ni Lancelott sa kanya kapag nangyari ang kinatatakutan nito. Hindi pa rin mawala sa isip niyang ang eksenang iyon. It was a horrifying scene and she can't forget it even after death.

Even since that day, araw-araw niyang pinapanuod ang video na ito. She always wanted to see his face, to see him smile, to hear his voice.

Nakangiti si Lancelott habang nakaharap sa Video Camera. Kinagat niya ang labi para pigilan ang luhang gustong pumatak mula sa mga mata niya.

Hey, Eiz. I made this video for you. Kapag napanuod mo ito, ibig sabihin wala na ako. Patay na ako. Una sa lahat, gusto kong humingi nang tawad sayo kasi iniwan kita. If I'm alive now, siguro nakapulupot na ang braso ko sa bewang mo at nilalambing ka o hinahalikan ka. Mahal na mahal kita, Eiz. Sobra kitang mahal. Nuong una kitang nakita sa personal, parang nakakita ako ng isang anghel. Napakaganda mo. At nalulungkot ako kasi may magmamay-ari na sayong iba kapag namatay ako. Ngayon palang, nagseselos na ako. Pero wala naman akong karapatang magselos, diba? Kasi ngayon, wala na ako riyan sa tabi mo para takutin ang lahat ng lalaking magkakagusto sayo. Wala na ako para angkinin yang puso mo. I will miss you so much, Eiz. Ikaw lang ang babeng minahal ko ng ganito.

I want to be selfish and tell you to not love any man other than me, pero ayoko namang ikulong ka sa alaala ko. Gusto kong sabihin sayo na maghanap ka ng iba, magmahal ka ng iba, pero masakit. Masakit isiping papalitan mo ako sa puso mo. Masakit isipin na hindi na ako ang lalaking mahal mo. Masakit isipin na hindi na ako ang lalaking makakasama mo habang buhay. Eiz, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita hanggang sa kabilang buhay mamahalin kita. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko iiwan ang babaeng mahal ko pero mukhang hindi ko na matutupad iyon.

Eiz, masakit man para sa akin, I want you to continue with your life. Find someone that can make you happy. Find someone who loves you as much as you love him. Find someone that will protect you and will never hurt you. Find someone who can make you smile everyday. Find someone that is not me. Kasi nag-iisa lang ako. At saka may sakit ako, kung maghahanap ka lang naman ng iba dapat yong healthy at aalagaan ka at mamahalin ka.

Parang ang haba na yata nitong speech ko. Isa lang naman ang gusto kong iparating sayo kaya ginawa ko ang video na ito. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Yon lang naman. Sana hindi mo iyon makalimutan. Sana hindi mo ako makalimutan. Tumawa ito ng mahina. See? Ang gulo ko. Pinamimigay kita tapos babawiin din. Multuhin kaya kita? Kaya mo pa kaya akong mahalin kung multo na ako? Hahayaan mo ba akong yakapin ka kahit multo na ako? Tinakpan nito ang mata gamit ang braso nito. Don't mind me. Medyo naiiyak lang ako. Kasi sino ba naman ang gustong mamatay? Kung kailan ko nakilala ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, saka naman ito mangyayari.

Nang malaman ko mula sa Doctor na one of these days puwede akong mag seizure at mag-bleeding, ikaw kaagad ang pumasok sa isip ko. Kung ano ang magiging reaksiyon mo. Kung iiyak ka ba sa burol ko. Basta, maraming 'kung' ang utak ko ngayon. Kinagat nito ang pang-ibabang labi. I wanted to be strong. I wanted to survive this and be with you. Pero hindi naman 'yon nakadepende sa akin. Nagdadasal ako gabi-gabi na sana hindi pa mangyari ang kinakatakutan ko. Kasi gusto pa kitang makasama. Sana nga, Eiz, sana nga makasama pa kita ng matagal-tagal.

Kapag namatay ako, ayokong makita mo ako. Ayokong makita mo ako habang nakahandusay ako sa sahig. Gusto ko ang huling ala-ala mo sa akin ay 'yong nakangiting ako. 'Yong naglalambing na ako.

While doing this video, isa lang ang nasa isip ko. Sana nandito ka ngayon sa harap ko at personal ko itong sinasabi sayo. Pero wala akong lakas ng loob na ipaalam sayo na malala na ang sakit ko. Ganoon ako ka-duwag pagdating sayo. Sana buhay pa ako kapag pinanuod mo ito para pagtawanan kita pero alam kong patay na ako kaya hindi na kita mapagtatawanan. Alam mo, Eiz, may narinig akong kanta ngayon. Maganda siya. It describes you and I. Gusto mo ba kantahin ko? Pagpasensiyahan mo na kasi boses palaka ako. Gusto ko lang na i-share ang kantang ito sayo. It's titled 'All of me' by John Legend.

What would I do without your small mouth?

Drawing me in, kicking me out.

Got my head spinning, no kidding

I can't bring you down

What's going on in that beautiful mind?

I'm in your magical, mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me

But I'll be alright

My head under water but I'm breathing fine

You're crazy nah, out of my mind

 

'Coz all of me, loves all of you

Love your curb and all your edges

All your perfect imperfection

Give it all to me

I give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm still winning

'Coz I give you all of me

And you give me all of you.

Tumigil na ito sa pagkanta at tumawa ng mahina. Yeah. Hanggang diyan nalang ako. Ayokong sirain ang magandang kanta ni John Legend. Baka kasuhan ako. Maganda yong kanta diba? Para 'yon sayo.  Because of all me, loves all of you. Kahit pa nga pangit ang ugali mo minsan. May kinuha ito mula sa bulsa at ipinakita sa camera. I bought this ring because I wanted to propose to you. Pero siyempe ako pa na isang duwag, hindi ko masabi-sabi. Tapos nalaman ko pa 'yong sakit ko kaya hindi nalang ako magpo-propose. Ayokong saktan ka at paasahin na magkikita pa tayo sa harap ng altar kasi alam kong hindi na mangyayari 'yon. Inabot nito ang singsing sa camera na para bang ibinibigay iyon sa kung sino man na nanunuod. Mahal na mahal kita, Eiz, kahit man lang dito, masabi ko sayo ito. Will you marry me? Yeah, I know, not romantic at all pero ito lang ang kaya ko sa ngayon. So, will you marry me? Sumagot ka ng yes ha? Puwede ring no. Pero mas maganda kong yes. Ibinaba nito ang kamay na may hawak na singsing. Natatakot ako, Eiz, natatakot akong mamatay. Pero kaya ko ito. Basta tandaan mo, mahal kita. Mahal na mahal at alam ko ring mahal na mahal mo rin ako. Paalam na mahal kong, Eiz. Sana magkita tayong muli. Sana mahalin mo akong muli pagkatapos nito. Sana mahalikan kitang muli. Sana mayakap kitang muli. Sana ... napakaraming sana ang gusto kong sabihin. Pero hanggang dito nalang 'to. Bye, Eiz. I love you so much. Sana kahit may mahal ka ng iba, hindi mo ako makalimutan. Paalam mahal ko.

Ilang minuto nang tapos ang video pero nakatingin pa rin si Eizel sa TV at walang imik na umiiyak. Kahit pitong taon na ang nakakaraan mula nang mangyari ang insedenteng iyon, umiiyak pa rin siya kapag napapanuod niya ang video na ito. Nasa kalagitnaan siya ng pagiyak nang may maliit na braso na yumakap sa braso niya.

"Mommy, why are you crying?" Tanong ng limang taong gulang niyang anak na lalaki.

Niyakap niya ito. "Hindi umiiyak sa mommy. Napuwing lang ako."

Kumawala ito mula sa pagkakayakap niya. "Mommy, pinapanuod mo na naman ba 'yong video na 'yon? Dad will be mad at you. You know how he is when it comes to that video. He's going to be mad, mommy."

Ginulo niya ang buhok nito. "Nah. Dad will not be mad. Nag-breakfast ka na ba?"

Umiling ito. "Nope. That's why I'm here. Pinapasabi ni dad na breakfast is ready."

She smiled at the thought of her husband. Mahal na mahal niya ang asawa niya. "Where's your dad?"

"In the kitchen."

Hinawakan niya ang kamay nito. "Come on. Punta tayo sa kitchen. I'm sure naghihintay na ang daddy mo."

Itinago niya ang DVD sa closet niya at naglakad sila ng anak niya papuntang kusina. Naabutan niya ang asawa na abalang nagluluto at nakatalikod sa kanya. She signals her son to be silent, he grinned mischievously. Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa at ipinulupot ang braso sa bewang nito.

"Boo!" Sigaw niya.

"Hindi man lang ako nagulat." Anito at humarap sa kanya na nakangiti. "Happy birth day, Eiz."

She smiled at her husband. "Thanks Lancelott, bakita ang dami yata ng niluluto mo? May pupunta ba?"

Binuhat siya nito ay pinaupo sa island counter. "Of course, pupunta mamaya ang mga kapatid mo. And your parents called, they can't make it. Nasa Singapore daw sila at na-delay ang flight nila."

"It's okay. Nandito ka naman."

"Daddy! Buhatin mo rin ako!" Nakangusong sabi ni Zelott, ang anak nilang lalaki.

 "Of course, baby. Come to daddy!" Binuhat ito ni Lancelott at masayang nagkulitan ang dalawa.

Nakangiti siya habang nakatingin sa mag-ama niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo ng maghimala at nabuhay si Lancelott. Nang dalhin nila ito sa Hospital, masyado ng mahina ang pulso nito pero hindi sila sumuko ni Lander. Ilang linggong tanging makina lang dito ang bumubuhay. Araw-araw nagdarasal siya na sana gumising na ito at maging okay na. Dumalaw si Holly pero pinagtabuyan niya ito. Ang walang hiyang babae! Hanggang ngayon kapag naalala niya ito, tumataas ang dugo niya. Humingi ito ng tawad sa kanya pero hindi niya ito kayang patawarin. Umalis ito ng bansa at hindi na bumalik pa.

And after three weeks, thanks to god, he woke up. Alam niyang sinagot ng panginuon ang mga panalangin niya. Hindi niya ito iniwan. Nag-retero siya sa pagiging modelo para bantayan ito at suportado siya ng pamilya niya. When her parents found out about Lancelott, tumulong ito sa pagdarasal na magising na si Lancelott. Two weeks after he woke up, nakalabas na sila sa Hospital. A month after that, he proposed and after two months, they got married. Mabilis ang naging proseso ng kasal nila, ayaw na nilang patagalin pa.

Dahil sa nangyari, may natutunan sila. Kung gusto mong gawin, gawin mo. Kung mahal mo, ipagsigawan mo. Life is short, hindi mo alam kung kailan iyon matatapos o kung kailan iyong kukunin ni lord. Dapat araw-araw magpasalamat tayo na buhay tayo at nakakasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay. Siya, nagpapasalamat siya palagi sa panginoon sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon kay Lancelott. Hinding-hindi niya iyong mababayaran kahit magsimba pa siya sa lahat ng simbahan sa buong mundo.

"Eiz, bakit ka umiiyak?" Anang boses ni Lancelott na pumukaw sa kanya mula sa malalim na pagiisip.

"Ha? Hindi naman." Aniya at hinawakan ang pisngi. Totoo nga ang sinabi ni Lancelott, basa nag pisngi niya.

He tsked. "Zelott, tuyuin mo ang luha ni mommy. Birth day mo ngayon Eiz, you should be happy and not crying."

Tinuyo naman ng anak niya ang mga luha niya at bumaling sa ama. "Daddy, maybe mommy's tears had something to do with video that she always watch everyday. Nahuli ko siyang nanunuod kanina and she was crying." Sumbong nito sa ama.

Inilapag nito si Zelott. "Doon ka muna sa sala, anak. Naroon na ang tita Louie mo. May toys siya para sayo."

"Yehey!" Masayang iniwan sila ng anak nila sa kusina.

Masama ang tingi na ipinukol sa kanya ni Lancelott ng makaalis ang anak nila. "How many times do I have to tell you to throw that video away?"

"How many times ko rin bang sasabihin sayo na ayoko. That's mine."

"Galing 'yon sa akin."

Napasimangot siya. "So? Ibinigay mo 'yon sa akin. Kaya akin yon. At desisyon ko kung itatapon ko yon o hindi."

Huminga ito ng malalim at niyakap siya. "Ayoko lang naman na makita kang umiiyak. Marami na ang luhang lumabas diyan sa mata mo ng dahil sa akin. Ayokong dagdagan 'yon, Eiz. Sa araw-araw na pinapanuod mo ang video na 'yon, umiiyak ka. Didn't I promise to not make you cry every again, pero araw-araw umiiyak ka dahil sa akin. Itapon mo na ang video na 'yon, please?"

Mabilis siyang umiling. "No. Hindi ko yon itatapon kasi isa iyon sa mga naging lakas ko nuong comatose ka pa. Dahil sa video na 'yon, naririnig ko ang boses mo, nakikita ko ang ngiti mo. Can't you understand, Lancelott, that video is a part of me. Hinding-hindi mo ako mapipilit na itapon 'yon."

He sighed. "Kahit pa mag-borles ako sa harapan mo?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Gabi-gabi kang palaging borles. Nakakasawa na rin minsan,"

Sumimangot ito. "Ang sama mo talagang babae ka. Bakit ba ikaw ang pinakasalan ko?"

"Kasi mahal mo ako." She answered while grinning, and then she leaned in ang kissed him fully in the mouth. "Happy birth day to me."

Lancelott smiled hugged her tightly. "I love you, Eiz."

"I love you too, Lancelott."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ng bigla nalang iyong basagin ng isang boses na kilalang-kilala niya.

"Happy birth day sister dear!" Anang boses ng magkamabal niyang kuya.

Umirap siya sa hangin. "God! Bakit mo ba sila inimbitahan?"

"Oh, come on, sister dear. We know that you miss us?"

"Miss you, my as—"

Tinakpan ni Lancelott ang bibig niya. "Shh! No cursing. Ang daming bata. Kadenahan mo iyang bibig mo."

"Happy birth day, Zel!" Boses iyon ni Lander.

"Thanks Lander."

Niyakap siya nito at binigyan siya ng regalo. "Para sayo."

"Thank you."

Lander grinned mischievously. "Magugustuhan niyo iyang mag-asawa."

Nagkatinginan silang mag-asawa sa sinabi ni Lander. Parang alam na niya kung ano ang laman niyon.

"Okay. Kumain muna tayo." Ani ni Lancelott.

"What? Pero ang aga pa para kumain." Kontra ng kuya niya na si Ramm.

"E di isipin niyo nalang na breakfast birthday ito." Nakangising wika ni Lancelott. "Pagkatapos niyong kumain, magselayas na kayo ha? Gusto kong masulo ang asawa ko."

Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ni Lancelott at isa-isang kumuha ng pinggan at kumain ng agahan. Napangiti nalang siya at niyakap ang asawa na nasa tabi niya.

"Teka, nasaan si Zelott?" Tanong niya sa asawa ng hinding niya makita ang anak.

Lancelott chuckled. "Kinuha ni Lander. Hindi mo ba nakita? Alam mo naman iyon, masyadong spoiled si Zelott sa kakambal kong iyon."

Napangiti siya at mahigpit itong niyakap. "I love you, Lancelott."

"I love you too, Eiz. And happy birth day."

"SAAN ba tayo pupunta?" Tanong niya kay Lancelott habang hinihila siya papuntang second floor. Nang magsialisan na ang mga nakikain, hiniram ni Lander si Zelott at dinala sa bahay nito. Kaya naman ngayon, solong-solo nila ang bahay.

"Basta."

Pumasok sila sa silid nila at agad na tinakpan ang mata niya gamit ang kamay nito.

"Lancelott, ano ba?! Huwag mo ngang takpan ang mata ko. I can't see a thing!"

"May sorpresa ako sayo kaya kailangan kong takpan ang mata mo." Anito at iginiya siya sa kung saan.

Humawak siya sa braso nito at dahan-dahang naglakad kung saan man siya nito iginigiya. Nang tumigil ito sa paglalakad, umalis ito sa tabi niya.

"Close your eyes." Anito na ginawa naman niya.

She heard a click and then someone hugged her from behind.

"Now, open your eyes."

Ginawa niya ang sinabi nito at nangilid ang luha niya sa nakita. "This is amazing."

"I know. Alam kong tumigil ka sa pagmo-model dahil sa amin ni Zelott, and I know how much you love modeling. So, ginawa ko ito. Happy birth day, Eiz." Wika nito na iminuwestra ang mga larawan na naka-dikit sa mga pader at nakasabit sa nylon.

Namalisbis ang luha niya habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan niya. May nakangiti. Mayroon nakasimangot. May nakatawa. May umiiyak. May kunot ang nuo. Lahat ng kalse ng emosyon, mayroon siyang litrato. Pero ang nakakuha talaga ng atensiyon niya ay ang life size na picture niya na naka-frame.

If she's not mistaken, yon ang picture niya nuong una silang nagkakilala ni Lancelott. Yong nakatingala siya sa langit at kinuhanan siya ng larawan nito.

"Bakit ang laki niyan?" Natatawa niyang tanong habang nakatingin sa naka-frame niyang picture.

He kissed her cheek. "Bakit? Ayaw mo? I like that picture. Kasi iyan ang una kong picture sayo. At saka gamit ko pa ang personal camera ko kaya naman iyan ang pinakamalaki."

Hinarap niya ang asawa at hinalikan ito. "Thank you. But you don't have to do all these, sapat na sa akin na buhay ka at mahal mo ako. Sobra-sobra na iyong regalo para sa akin."

He cupped her face. "Hindi lang naman para sayo ito, para rin sa akin. You know how much I love to see you smile. Napangiti kita at para na akong nanalo sa luto kasi ako ang dahilan ng ngiti mo."

She smiled lovingly at him. "I'm so lucky to be your wife."

"Nah. I'm the lucky one. Kasi may asawa akong hindi ako iniwan kahit nuong wala na ako. Mahal na mahal kita, Eiz."

He captured her lips and kissed her softly. Ipinalibot niya ang braso sa leeg nito at pinalalim pa ang halik. Naramdaman niyang naglulumikot ang kamay ni Lancelott at akmang tatanggalin nito ang bra niya ng marinig nila ang boses ni Zelott.

"Mommy! Daddy!" Tawag nito sa kanila habang masayang humahalakhak. "Si Tito Lander! Kinikiliti ako!"

Tumatakbong lumapit ito sa kanila na agad namang kinarga ni Lancelott. Sunod na pumasok sa kuwarto nila ay si Lander na nakangisi. Nang makita nito ang itsura ni Lancelott tumawa ito ng malakas.

"Damn!" Ang lakas ng tawa nito. "Bakit hindi niyo sinabi? Come on, Zelott. Mukhang may gagawin ang mommy at daddy mo."

She rolled her eyes. "Umalis ka na nga, Lander."

Ngumisi ito. "Sure, pero isasama ko si Zelott." Naglakad ito palapit sa kanila at kinuha si Zelott kay Lancelott. "Sige, continue niyo na. Don't forget to wear my gift." Anito at lumabas na ng kuwarto nila habang karga-karga si Zelott.

Kunot ang nuong binuksan niya ang regalo sa kaniya ni Lander. Napailing-iling siya ng makita ang regalo nito. Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya. "Si Lander talaga."

"Bakit?" Tanong ni Lancelott na sinilip ang regalo ni Lander. Kinuha nito ang lingerie na regalo ni Lander at ibinigay sa kanya. "Isinuot mo na. I would love to see this on you."

Pinandilatan niya ito. "Ayoko nga! I rather be nude than wear that! I can imagine Lander buying that thing. Eww! Hinawakan niya yan. Ayoko nga."

"Oo nga no?" Tinapon nito ang lingerie at ibinalik sa kanya ang tingin. "Sige na, maghubad ka na."

Lumapit siya rito. "Ayoko. Hubarin mo ang damit ko. Diba gusto mo 'yon?" Nang-aakit na tiningnan niya ito. "Hubaran mo na ako, Lancelott."

Lancelott swallowed hard and started undressing her. Nang wala na siyang saplot, binuhat siya nito at ihiniga sa kama nila.

"I'm going to make you scream." Anito na matiim na nakatitig sa kanya.

She wrapped her legs around his waist and pulled him closer to her. "You made me scream every night. I'm pretty you'll make me scream for more tonight. It's my birthday after all."

"Yeah. Happy birth day, Eiz." Then he plunge himself inside her.   


I hope you enjoy reading Lancelott and Eizel's love story. Thanks for reading. Lots of love.  – C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro