Chapter 8
CHAPTER 8
NAKAHILIG si Eizel sa dibdib ni Lancelott habang nililibot ng sinasakyan nilang elepante ang buong templo. Lancelott would take pictures here and there then he would return on her side. Masaya si Eizel habang nakasakay sa likod ng elepante. Tawa siya ng tawa at panay ang tudyo niya kay Lancelott na sa kasamaang palad ay hindi naaasar sa kanya.
“That was fun.” Aniya ng makababa na sila sa likod ng elepante.
“Yeah.” Sang ayon ng binata sa kanya at inakbayan siya. “Gusto mo nang sumakay sa Hot Air Balloon?”
“Ahm…” Tiningala niya si Haring araw. “Mamaya na. Ang init pa e.”
“Okay.” Iginiya siya nito paupo sa ilalim nang isang mayabong ng puno. “Dito muna tayo. Maya na tayo sumakay sa Hot Air Balloon kapag gusto mo na.”
She smiled at him. “Thanks.”
“You’re welcome.” Anito at umupo sa damuhan.
Ginaya niya ang ginawa nito at umupo sa tabi nito. Humilig siya sa braso nito. She was enjoying the scenery when a sandwich appeared in front of her face.
“Kumain ka muna. Hindi ka nag-breakfast diba?” Wika ni Lancelott at tinanggal ang table napkin na nakabalot sa sandwich at iniumang iyon sa bibig niya. “Bite. Masarap yan.”
“You sure?” She opened her mouth and took a big bite. After a second of chewing, she swallowed it. “Masarap nga. Saan mo yan binili?”
Lancelott smiled. “I made this. Thanks god you like it. Akala ko hindi papasa sa panlasa mo.”
She frowned. “Bakit naman hindi ko magugustuhan? Ang sarap kaya.”
“Well, you have a royal taste bud.”
“Royal taste bud? Bakit mo naman nasabi ‘yon?”
“Just a hunch. The way you talk and act, it’s like you’re saying ‘I’m a royalty and I only eat royalty kind of food’. Ganoon ang tingin ko sayo. Masyado kang mataas para abutin ng isang katulad ko na simpli lang.”
Natatawa na umiling-iling siya. “Ako? Mataas? Mas mataas ka pa nga sa akin e.” Aniya na dinaan sa biro ang sinabi nito. Hindi niya akalain na ganoon pala ang tingin sa kanya ng ibang tao. Mapagmalaki ba siya? Parang hindi naman.
“Eiz, ikaw na yata ang perpektong babae na nakikilala ko.”
She snorted. “Perfect? I’m far from being perfect.”
“Yes, you are and it’s intimidating. In looks department, you are very perfect. You’re very beautiful and stunning to look at. You can buy whatever you want. You can do whatever you want. You’re amazing. You’re fun to be with even when were arguing and stuff. You’re just so amazing and perfe—”
“I’m not perfect, Lancelott. I have so many imperfections. Especially in attitude department. My attitude is not that great.”
Lancelott playfully pinched her nose. “You’re attitude is the reason why I like, Eiz.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “What? You like me?”
“Yeah. Bakit naman kita hindi magugustuhan. You’re a great friend.”
Nag-iwas siya ng tingin sa sinabi nito. Great friend? Bakit ba parang bumigat ang dibdib niya ng sabihin ‘yon ni Lancelott? Maganda naman ang salitang friend, dapat nga maging masaya siya at kaibigan ang tingin nito sa kanya.
“Yeah. You’re a good friend too.” Aniya na hindi tumitingin sa binata.
Inilahad nito ang kamay. “Truce forever? No arguments? Friends? Kung magiging kayo ni Lander dapat magkaayos na tayo.”
Tinitigan niya ang nakalahad nitong kamay. Mabigat man sa dibdib na maging kaibigan lang nito, tinanggap niya ang friendship na inio-offer nito.
“Friends.” She looked at him. “I’ll be a good friend. Promise. At kung magiging kami man ni Lander, nangangako ako na aalagaan ko siya.” Marahan niyang inagaw ang kamay at tumingin sa malayo.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bakit ba naninikip ang dibdib niya? Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba ito nangyayari sa kanya? Mula ngayon, magkaibigan na sila ni Lancelott, wala namang masama roon. Dapat nga magsaya siya, pero bakit masakit sa dibdib? Huminga siya ng malalim at tumayo.
“Gusto ko ng umuwi.” Aniya at naglakad patungo sa tuk-tuk na sinakyan nila kanina.
“Eiz!” Pinigilan siya ni Lancelott sa braso. “Bakit uuwi ka na? May nasabi ba akong hindi maganda? Ahm, am I not a good company?”
Umiling siya. “It’s not that. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko ng kaunti. I’ll be fine. Kung gusto mo, maiwan ka nalang dito. Mauuna na ako. I can go back on my own. Don’t worry about me—”
“We’re friends. May karapatan akong mag-alala sayo.” Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Uuwi na tayo. But before that, sumakay muna tayo sa hot air balloon. Diba, gusto mo ‘yon?”
Marahan siyang tumango.
“Good. Come on. Sasakay tayo sa hot air balloon.” Anito at hinila siya patungo sa balloon.
Pagkalipas ng ilang minuto na pakikipagusap nito sa nagko-kontrol sa balloon, tinulungan siya nitong makasakay.
“We’ll be in the air for thirty minutes.” Anito ng makasakay na. “Just the two of us and the Hot air balloon controller.”
“Okay.”
“Hey, cheer up. Magugustuhan mo ‘to.”
“Yeah, okay.”
Niyakap siya nito. “Come on, Eiz. Diba gusto mo ‘to?”
Nanigas siya sa kinatatayuan ng yakapin siya nito. Mabilis niyang binaklas ang braso nito na nakapalibot sa katawan niya. “Don’t hug me. Hindi yan ginagawa ng magkaibigan.”
Dumistansiya siya kay Lancelott at humawak sa gilid ng parang basket na sinasakyan nila. Naramdaman niyang dahan-dahang tumataas ang hot air balloon. Mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa gilid ng basket ng gumiwang iyon.
“Oh god…” She whispered.
“Eiz, come here.” Boses iyon ni Lancelott.
“No. I can take care of myself.”
“Don’t be stubborn. Come here. Nakikita kong natatakot ka.”
“Hindi ako natatakot!” Sigaw niya.
Natahimik ang binata at hindi na nagsalita pang muli. Nasa kalagitnaan siya ng pagpapakalma sa sarili nang may yumakap mula sa likuran niya. Mabilis niyang hinarap ang nasa likuran at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng biglang sakupin ni Lancelott ang mga labi niya. Para siyang tinuhog sa kinatatayuan ng maramdaman niya ang labi nito sa mga labi niya. Parang may nagrarambulang paru-paru sa loob ng tiyan niya ng gumalaw ang labi nito. Wala siyang lakas na itulak o pigilan ang binata dahil parang natuturete ang utak niya sa halik nito.
When Lancelott pulled away, he looked at her. “Friends don’t kiss either.”
Parang may sariling isip ang katawan niya na tinalikuran si Lancelott. “W-Why? Why did you kiss me? Bakit mo ‘yon ginawa?”
Ilang Segundo ang lumipas bago ito sumagot. “We’re better off friends, Eiz. That kiss didn’t mean anything. It was just a simple meeting of the lips.”
Parang may kumurot sa puso niya dahil sa sinabi nito pero nunkang ipapahalata niya sa apektado siya. “Yeah, we’re better off friends. So don’t kiss me again, Lancelott. Kasi kapag hinalikan mo pa ako ulit, makakatanggap ka ng mag-asawang sampal mula sakin.”
Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa baba. Kitang-kita niya ang kabuunan ng templo mula rito sa taas. Napakagandang tingnan niyon. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras, namalayan nalang niya, pababa na ang hot air balloon na sinasakyan nila.
Pagkalapag, agad siyang naglakad papunta sa tuk-tuk na maghahatid sa kanila pauwi. Pagdating doon, agad siyang sumakay at hinintay si Lancelott. Nang makasakay ang binata, agad na umalis ang tuk-tuk. Ipinikit niya ang mga mata it ihinilig ang katawan sa likod ng upuan. Gusto niyang tumawa ng malakas, kanina lang masaya sila ni Lancelott habang bumabiyahe patungo rito, ngayon naman na pauwi sila, hindi sila nagkikibuan. Ang buhay nga naman.
“I’m sorry, Eiz. I’m sorry I kiss you.” Narinig niyang sabi ni Lancelott.
He’s sorry huh? Hindi siya sumagot at patuloy lang na ipinikit ang mga mata niya. wala siyang pakialam sa mga sasabihin ni Lancelott. Magulo pa ngayon ang isipan niya. Hindi niya alam ang dapat isagot sa sinabi nito kaya naman nanahimik nalang siya.
Nang makarating sila sa hotel na inuukupa nila, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang hotel room niya. Mabilis niyang isinira ang pinto at naglakad papunta sa kuwarto niya at inilagay sa maleta ang mga gamit niya.
Kinabukasan… umuwi siya sa Pilipinas.
NAGMAMANEHO si Eizel patungo sa auto repair shop ni Lander dahil gusto niya itong makita. Pagdating doon, naabutan niya ang binata na may inaayos na sasakyan. Umupo siya sa visitor’s area at hinintay na matapos ito sa ginagawa.
Huminga siya ng malalim ng mapansing matatagalan pa si Lander. Kahit ang mga tauhan nito ay abala rin sa pagaayos ng iba’t-ibang sasakyan. Pagkalipas ng ilang minuto natapos na rin sa ginagawa si Lander.
“Lander!” Tawag niya sa binata na nakatalikod.
Humarap ang binata at ngumiti ng makita siya. Naglakad ito palapit sa kanya.
“Hey. Dumating ka na pala. Bakit hindi mo sinabi sa akin para naman nasundo kita sa Airport.”
“Nah. I’m good.”
Umupo ito sa tabi niya habang pinupunasan ang kamay na puno ng grasa. “Anong problema mo? Bakit parang ang lungkot ng aura mo ngayon?”
“Hindi ako malungkot.”
“Ayaw mo sa malungkot? Sige, sad nalang.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “I’m not sad either. I’m not just in the mood.”
“Kunga ganoon bakit nandito ka?”
“Gusto kitang makita.” Aniya na nakatingin sa mukha nito.
Lander chuckled. “Ako ba ang gusto mong makita o si Lancelott?”
Nalukot ang mukha niya. “Bakit naman napasok sa usapan natin ang kakambal mong walang kwenta?”
Umiling-iling si Lander. “Walang kwenta, huh? Ano naman ba ang ginawa niya para tawagin mo siyang walang kuwenta?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Wala. Wala naman talaga siyang kuwenta noon pa.”
“Okay.” Wika ni Lander na nakangisi. “Pero hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi mo na gusto mo akong makita.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Totoo nga. Gusto kitang makita.”
“Ows? Hindi kaya si Lancelott ang hinahanap mo at dahil wala siya ngayon at magkapareho kame ng itsura kaya ako nalang ang pinuntahan mo.”
“Magkamukha nga kayo ni Lancelott, pero alam ko namang hindi ikaw siya. I can differentiate the two of you.”
Lander nodded earnestly. “So, paano mo naman kami nadi-differentiate?”
“Well… kapag ikaw ang kasama ko, I’m at ease. I’m relax. Kapag si Lancelott naman, parang palagi akong kinakapos ng hininga at para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok niyon.”
Biglang humalakhak si Lander na ikinagulat niya.
“Oh-oh. Someone is in love.” Anito sa nanunudyong boses.
“Excuse me?! I am not in love. And I’m definitely not in love with your twin brother.”
“Wala akong sinabing in-love ka sa kapatid ko. Ikaw ang nagsabi ‘non.” Lander bumped his shoulder against hers. “Alam ko naman na hindi ka aamin e. But I know. I can see it. I can feel it. In-love ka. In-love ka sa kakambal ko.”
Inirapan niya ito at tumayo mula sa pagkakaupo. “Hmp! Diyan ka na nga. Wala kang kuwentang kausap.”
Iniwan niya si Lander na nakangisi at tinungo ang sasakyan niya. Natigilan siya ng makita si Lancelott sa tabi ng kotse niya. Kailan pa ito dumating sa bansa?
“Lancelott…”
Mabilis na lumingon sa direksiyon niya ang binata. “Eiz!” Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito. “Bakit ka umalis sa Cambodia na hindi man lang nagsasabi sa akin?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Ano ba kita?”
“Burn, brother. Burn!” Boses iyon ni Lander.
“Shut up, Lander!” Asik ni Lancelott sa kakambal.
Tiningnan niya ng masama si Lander at naglakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan.
“Zel, dinner tomorrow night?” Anang boses ni Lander.
Napalingon siya sa sinabi nito. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha ni Lancelott. Now what? Halata sa mukha nito na nagseselos ito. Nagseselos nga ba ito? Sa tingin niya ‘oo’, pero malay niya kung ayaw nito na makipag-date ang kapatid nito sa kanya.
Tumingin siya kay Lander na may misteryosong ngiti sa mga labi. “Sure. Pick me up at eight PM.”
“Okay. I will. Wear something comfortable. Like denim short and plain blouse.”
Na-curious siya sa pinapasuot nito sa kanya. “Aren’t you taking me to dinner?”
Lander grinned. “Yeah. We will have dinner in my place.” He wiggled his eyebrow. “I’ll cook.”
That made her smile. “Sure. I’ll like that.”
“Great. I’ll text you tomorrow. Kung gusto mo, tulungan mo akong magluto.”
She grinned. “Talaga? Puwede akong tumulong?”
Lander nodded then turn to his brother. “You can come too.”
Masama ang ipinukol nitong tingin kay Lander. “I don’t want to be a third wheel.”
“It’s cool. Right, Zel?” Wika ni Lander na nakatingin sa kanya na parang hinihingi ang approval niya.
She shrugged. “Okay lang sa akin.”
“Great.” Lander clasped his hand gleefully. “Tomorrow then.”
Tumango siya at pumasok sa kotse niya. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa auto repair shop ni Lander. Palayo kay Lancelott na madilim ang mukha habang nakatingin sa kotse niya.
If looks could kill…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro