Chapter 5
CHAPTER 5
Cambodia.
Eizel took a deep breath before stepping out from the plane. She was about to smile and admire the scenery when she saw Lancelott.
Agad na nasira ang scenery sa nakita. Ewan ba niya kung bakit siya naiinis sa lalaking ‘to. At mas lalo pang nadadagdagan ‘yon kapag naaalala niya ang masaya nitong mukha nuong kasama nito ‘yong magandang babae sa restaurant.
“May sasakyan ka na papunta sa Hotel mo?” Tanung ni Lancelott na para bang nag-aalala sa kanya.
But she knew better! Pagtatawanan lang siya nito kapag sinabi niyang wala. “Mayroon na.” Mataray niyang sagot.
Lancelott tsked. “Napaka-simpli lang ng tanung ko, nagtataray ka pa. Hindi ka ba napapagud?”
“Hindi.” Aniya at nauna nang naglakad palabas ng airport.
Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Lancelott sa pangalan niya. Nagmamadaling siyang naglakad at nagpasalamat ng makita ang isang limousine na may nakatayong lalaki sa tabi at may dala-dalang placard na may nakasulat na ‘Eizel Nicole San Diego.’
“Hello, Ricafort.” Bati niya sa lalaking nagbukas sa kanya ng pintuan ng sasakyan.
Kilala niya ito dahil ito palagi ang driver niya sa iba’t ibang bansa na pinupuntahan niya.
“Hello, Miss Eizel. Miss Pea already gave me your schedule. I’m going to take you to Royal Residence Hotel.”
Tango lang ang sinagot niya at isinara na nito ang pintuan ng sasakyan. Isinandal niya ang likod sa malambot na likuran ng inuupuan. Habang nasa biyahe, tumitingin siya sa mga dinadaanan nilang gusali. Naaliw siya sa mga dinadaanan kaya naman hindi niya alintana na dumating na pala sila sa destinasyon.
Pinagbuksan siya ng pintuan ni Ricafort.
May iniabot ito sa kanyang susi. “This is your room key. Miss Pea wants me to give it to you. He said to tell you that he’s busy catching water lilies and to inform you that you have a party to attend tonight. Please wear a very glamorous dress.”
Napailing-iling nalang siya sa pinapasabi ni Pedro. Ang baklang ‘yon talaga. Hindi man lang siya hinintay bago manlalaki. Napatingin siya sa susi na hawak. Well, kahit naman manlalaki ito, hindi naman siya nito pinabayaan.
Nang makapasok na siya sa kuwartong pansamantala niyang tutuluyan, agad na nahiga si Eizel sa kama at nagpahinga. Mamayang gabi, may party siyang pupuntahan.
CLAD with a Versace beige one strap gown with a slit on her left leg up to her lower thigh, Eizel paired it with Prada stiletto that glisten against the darkness; she walks to the party with her head held high. When Eizel enter the room where the party is being held, all eyes were on her. Their eyes are full of admiration as they looked at her walk towards the table where her colleagues were sitting.
Hindi na siya nailang sa klase ng mga titig na binibigay sa kanya ng bawat kalalakihan sa party, sanay na siya.
“What took you so long?” Tanung sa kanya ni Pedro sabay halik sa pisngi niya.
“I have to make myself beautiful.” Aniya na nakangiti.
“You’re too beautiful. Feeling ko naging lalaki ako ng makita kita.”
Tumawa siya ng mahina sa sinabi nito. “Liar.”
Ngumisi si Pedro sa kanya. “You know me well.”
Umupo siya at nginitian ang kasamahan sa mesa. Most of them are models from different part of the world.
“You’re dress is beautiful, Eizel.” Lydea, a half-Russia half-Filipino model complemented her dress.
She smiled at her. “Thanks. So is yours.”
Eizel was sipping a wine with sophistication when Pedro taps her shoulder.
Binalingan niya ito. “Yes?”
“Three o’clock. A super duper hottie!” Mahinang tili nito.
Pasimple niyang tiningnan ang tinutukoy nito. Halos lumawa ang mata niya ng makilala kung sino iyon.
“Lancelott?” Tanung niya sa sarili.
He was wearing a very expensive looking tuxedo paired with black shiny expensive shoes. His always shaggy messy hair was now tamed and comb neatly. His aqua blue eyes are so stunning to look at.
Hindi niya alam na nakatitig lang siya sa binata at nakatanga sa kaguwapuhan nito. Kung hindi pa siya tinapik sa braso ni Pedro, hindi siya mahihimasmasan.
“Ang guwapo talaga ni fafa Lance.” Kinikilig na sabi ni Pedro.
“Anong ginagawa niya rito?” Ususi niya habang nakatitig na naman sa mukha ng lalaki.
“Well, he’s a famous photographer. Malamang imbitado siya sa party.” Sagot ni Pedro.
With a glass of wine on her hand, she stands up and walks towards Lancelott.
When their eyes met, Eizel saw admiration on his stunning aqua blues eyes. Pero agad din naman ‘yong nawala ng malapit na siya rito.
“Eiz?” Parang hindi makapaniwalang sambit nito sa pangalan niya.
“Yes. This goddess in front of you right now is none other than Eizel Nicole San Diego.” Eizel grinned at Lancelott.
Lancelott shook his head. “Yeah, it’s you. Sa kahanginan mong ‘yan, imposibling hindi kita makilala kahit itago mo ang mukha mo.”
Eizel chuckled and look at him from the top of his head to the tip of his toe.
“You look handsome tonight.” She said honestly. Wala siya sa mood makipagbangayan na naman dito.
Halatang nagulat si Lancelott sa papuri niya pero agad din naman itong nakabawi.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Ahm… you look … ahm… you ahm—”
“Ugly?” Pagtatapos niya sa sasabihin nito.
“What?” Tumingin si Lancelott sa mga mata niya. “No. That not what I was going to say. I ahm… I was thinking of a word to describe how beautiful you are tonight.”
Lihim siya napalunok at nag-iwas ng tingin. Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito.
Ito ang pangalawang beses na pinuri nito ang kagadahan niya. Una, nuong pagbawalan siya nito na makipagkita kay Lander, pangalawa ngayon. Pero nuong una, binawi naman kaagad nito iyon at sinabihan siyang walang epekto ang hubad niyang katawan dito.
Kaya naman ngayon, hinihintay nalang niya na bawiin nito ang sinabi at tawagin na naman siya nitong pangit.
Not that she’s affected or anything. Wala naman siyang pakialam kung anu ang tingin nito sa kanta. Alam niya sa sarili niya na maganda siya.
“You look freaking stunningly beautiful tonight.”
Nadagdagan pa ang pamumula ng pisngi niya at naiinis siya dahil hindi niya mapigilan iyon.
“Thanks.” Aniya sa mahinang boses.
“Want to dance?” Tanung ni Lancelott na ikinataas niya ng tingin.
“Dance?”
He chuckled lightly. “Yes. Do you?” He offered his hand and waits for her to accept it.
Inilapag niya sa malapit na mesa ang hawak-hawak na glass of wine. Hindi niya alam kung anong nakain niya ng tanggapin niya ang kamay nito at hayaan itong igiya siya sa dance floor na walang sigawan na nagyayari.
Her lips parted when Lancelott snake his arm around her waist and pulled her closer to his body. Nagaalangan na ipinalibot niya ang braso sa leeg nito. Ang mas nakakaalang ay hindi naman sila nagsasayaw. They are just standing there, in the middle of the dance floor, almost hugging.
Almost ka diyan! He’s freaking hugging you! Hindi na iyan almost! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.
“Eiz?” Pukaw ni Lancelott sa kanya.
“Hmm?”
“Are you really going to wear just a pair of bikini tomorrow? Sa fashion show?” Naiilang na tanung nito.
She nodded. “Yeah. It would be my first time. Kasi dati ang sinusuot ko sa mga fashion show ay mostly long gowns and expensive dresses. First time kung magsusuot ng bikini sa fashion show.”
“Puwede ka namang mag-back out diba? I mean, ibibilad mo ang katawan mo sa maraming kalalakihan. Hindi ka ba nahihiya?”
She pulled away from him. “Anong ibig mong sabihin? Sasabihin mo na naman na pangit ako? Lalaitin ang hubog ng katawan ko? Lancelott, hindi ka pa ba napapagod magsinungaling? We both know that I’m beautiful and sexy. Kung iyan na naman ang issue mo, naguumpisa na akon mairita—”
“That’s not what I’m trying to say!” Mahina pero mariin nitong sabi.
“Ano ba kasing ibig mong sabihin. Diretsahin mo kaya ako para matapos na ito at nang makapagsayaw na tayo.”
Muli siyang hinapit nito palapit dito. Dalawang braso na ang nakapalibot sa bewang niya.
Tumikhim siya at tinanggal ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya. Nag-iiba na kasi ang pakiramdaman niya.
“Ahm… Hindi naman tayo sumasayaw.” Nauna na siyang maglakad paalis ng dance floor at tinungo ang teresa na nakaharap sa napakalawak na kabundukan.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na niya kailangan pang tingnan para malaman kung sino iyon. Naamoy niya ang mabangong pabango ni Lancelott.
“The night is beautiful and… ahm… the weather is nice—”
“Really Lancelott? You want to talk about the weather?” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. “Idi-discuss ko sayo lahat ng klase ng weather sa iba’t ibang bahagi ng mundo.”
Natahimik si Lancelott, kapagkuwan ay tumikhim ito. “Kumusta naman ang date niyo ng kakambal ko?”
She grinned happily. “Oh, it was awesome. Tawa lang kami ng tawa. I never thought na magi-enjoy ako sa date namin. Lander is so charming and funny.”
He grimaced. “You do know na may sakit siya. Do you want to be with a man who’s sick?”
Tiningnan niya si Lancelott. “Bakit mo ba sinisiraan ang kapatid mo? I like Lander, ano naman ngayon kung may sakit siya.”
Natahimik ang binata sa tabi niya. Nakatingin lang ito sa malayo at parang may malalim na inisip. Ibinalik niya ang paningin sa magandang tanawin na nasa harapan nila.
“Eiz?” Tawag nito sa pangalan niya makalipas ang ilang minuto.
“Yes?”
“Anong pipiliin mo? Ang lalaking may sakit o wala?”
Napapantastikuhang tiningnan niya ang binata. “Ano naman klaseng tanung yan?”
“Just answer it.”
“Ahm… syempre ‘yong walang sakit.”
Nagpakawa ito ng malalim na buntong hininga na parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan.
“I thought pipiliin mo ‘yong may sakit—”
“Pipilion ko ‘yong may sakit kung siya ang tinitibok ng puso ko.”
Mabilis itong tumingin sa kanya. “What? Siya ang pipiliin mo?”
“Yes… kung mahal ko siya.”
“Pero hindi mo naman mahal si Lander diba?”
Her forehead knotted. “Bakit naman napasok sa usapan natin si Lander?”
Nagiwas ito ng tingin. “Nothing.”
She rolled her eyes. “I like, Lander. Pero hindi ko pa naman siya mahal.”
Lancelott face brightened when he turned to her. “Talaga? Hindi mo siya mahal?”
“Yes. Huwag kang mag-alala hindi ko sasaktan yang kapatid mo kung yan ang inaalala mo. Dahil kapag mahal ko ang isang tao, sasabihin ko ‘yon sa kanya ng deretsahan.”
“Sasabihin mo sa taong mahal mo na mahal mo siya?”
“Oo. Hindi ako mahihiya tulad ng iba. Kung mahal ko ipagsisigawan ko yon sa buong mundo.”
Mataman siya nitong tinitigan. “Kawawa naman pala ang lalaking magmamahal sayo.”
“Magmamahal sa akin, Bakit naman?” Tumawa siya ng mahina. “Well, para hindi siya maging kawawa kailangan may maipagmamalaki siya sa akin bago ko siya magustuhan. Ayoko sa mga lalaking walang ginawa kung hindi magliwaliw. Gusto ko kapag ipinakilala ko siya sa mga magulang ko, may masasabi ako tungkol sa kanya na maipagmamalaki ko.”
“Anong gusto mo? Local or International award?”
She chuckled. “Well, I prefer International award. Para naman sikat.”
Tumango-tango ito na para bang iniintindi nito ang sinabi niya.
“International award it is.” Anito habang nakatingin sa malayo at nakapamulsa.
“Ikaw, ano nang mga award ang natanggap mo bilang isang photographer. Sikat ka sa larangang ‘yon diba?”
“Not really. Mga local awards lang ang natanggap ko. But because I found my inspiration, namo-motivate ako na manalo ng isang international award.” Anito na may munting ngiti sa mga labi.
Siya naman, napuno ng inis ang kaloob-looban niya. Sa isiping ang inspirasyon na tinutukoy nito ay ang babaeng kasama nito sa restaurant. Hindi niya alam king bakit siya naiirita sa isiping ‘yon.
“Good luck sayo.” Aniya na mabigat ang dibdib.
Akmang iiwan niya ito sa teresa ng pigilan siya nito sa pulsuhan.
“The day after tomorrow, pupunta ako sa Bayon Temple to take some pictures. Sama ka?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit naman ako sasama sayo?”
He looked at her; frustration was visible on his eyes. “Can we please have a truce while we’re here in Cambodia? Nakakapagud makipagsagutan sayo.”
Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito sa mata. Hinintay niyang mag-iwas ito ng tingin pero sa halip ay sinalubong nito ang titig niya.
“Bakit naman ako makikipag-truce sayo? Ano ba ang makukuha ko kung hindi na kita tatarayan?”
“Eiz, wala naman ‘yon sa makukuha mo.”
“Lancelott, ayokong makipag-truce sayo. Ano naman ang silbi ‘non? Pagbalik natin sa Pilipinas, magbabangayan na naman tayo. At saka—”
“Just for a day. Let’s have a truce. Let’s stop annoying ang irritating each other just for a day. I want to go to Bayon temple with you.”
She took a deep breath. “Fine. Kailangan ko rin naman ng tour guide papunta roon.”
Lancelott smiled, his aqua blue eyes were twinkling. “Mabuti naman. I’ll pick you up around eight in the morning.”
“Okay. Alam mo ba kung saang hotel ako namamalagi?”
Lancelott chuckled deeply. “Hon, we are in the same Hotel.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro