Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

CHAPTER 2

DALAWANG oras na puno ng inis at pagkairita ang naranasan ni Eizel habang nagpo-photo shoot sila para sa cover ng Fashion Magazine. Nakakainis ang Lancelott na ‘yon. Palagi nitong sinasabi na pangit ang pose niya tapos kukunan naman pala ng larawan. Lahat nalang nang pose niya e pangit! Wala pang nanlait ng pose niya! Wala pa!

“Eiz, tilt your head a little to the left.” Utos ni Lancelott sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. “Anong tawag mo sa akin?” Mataray niyang tanung dito.

“Eiz.” He said with a shrugged.

“Bakit close ba tayo para tawagin mo akong Eiz?”

“Well, you’re calling me Lancelott. Tama lang siguro na tawagin din kitang Eiz. Do you like, Eiz? Parang yelo lang. Katulad mo, magyeyelo ang mundo kapag hindi pinuri ang sarili.”

Inirapan niya ang lalaki na nakangisi sa kanya.

“Tilt your head to the left.” Lancelott demanded again.

At dahil nga naiinis siya rito, she tilted her head to the right. His jaw tightened at what she did.

She smirked at him. “Sorry. Pagod na kasi ako e. Hindi ko alam kung alin ang right at left.” Pang-aasar niya rito.

Bakas sa mukha nito ang frustration habang naglalakad ito palapit sa kanya.

Tumigil si Lancelott sa harapan niya. “Ito ang left.” Hinawakan nito ang ulo niya ng walang pasabi at ipinihit iyon sa left.

“Aray!” Tinabig niya ang kamay nito.

“Ang arte mo naman. Huwag mong sabihing milyon din ang ibabayad sayo mahawakan ka lang?”

She glared at him. “Are you insulting me?”

“I’m just asking.”

“Asking you bastar—”

Tinakpan nito ang bibig niya para hindi niya matuloy ang sasabihin. “Stop that. Hindi bagay sa isang babae ang mga salitang ‘yan.”

Tinabig niya ang kamay nito at pinagsawalang bahala ang kakaibang kuryenteng naramdaman ng makadikit ang balat nila.

“Ano namang pakialam mo?” Sikmat niya rito. “Kumuha ka na nga lang ng pictures at nang matapos na tayo rito. Ayoko ng makita iyang pagmumukha mo.”

“Sa guwapo kong ito? Ayaw mo ‘tong makita?”

“Hmp! Hindi ka kaguwapuhan—”

“Come on Eiz, stop lying to your self. Napanganga ka nga sa kaguwapuhan ko kanina e. I saw it.”

Namula siya sa sinabi nito. Totoo naman kasi ‘yon. Talaga namang naguwapuhan siya rito pero nunkang aaminin niya ‘yon.

“Pangit ka.” Aniya niya at sinalubong ang tingin nito.

Hindi niya hahayaan na ma-intimidate siya nito. Matagal siya nitong tiningnan bago ito bumalik sa dating puwesto.

“Pose!” Sigaw nito sa kanya.

Nag-pose siya ng nag-pose. Hindi alintana kung kinukunan ba siya nito nang litrato o hindi. Ang gusto lang niya mangyari ngayon ay matapos na itong photo shoot na ito.

“We’re done.”

Nakahinga ng maluwang si Eizel nang marinig niya ang sinabi ni Lancelott. Mabilis siyang bumaba sa platform at tinungo ang dressing room. Pagkatapos magbihis at tanggalin ang lahat ng make-up sa mukha, lumabas siya at hinanap si Pedro.

Nakita niya itong nakikipag-usap na naman kay Lancelott.

“Pedro, tayo na.” Aya niya rito. “Makikisabay nalang ako sayo pabalik sa manila. Wala akong masasakyan e. Ayokong mag-commute.”

“Girl, hindi pa ako uuwi.” Maarteng sagot nito. “Marami pa akong gagawin.”

“What? Why? Anong sasakyan ko pabalik? Nasa kalsada ang sasakyan ko.” She glared at Lancelott.

“What?” He asked innocently. “Bakit ang sama ng tingin mo sa akin? Sisisihin mo na naman ako? When it was you who bumped my car?”

Hindi nalang siya nagsalit baka ano na naman ang masabi niya.

“Halika, sabay na kita. Babalik na rin kami sa Manila.” Ani ni Lancelott na ikinalaki ng mata niya.

“What? Balak mo akong i-salvage ano?”

He tsked. “Ano naman ang makukuha ko kong papatayin kita?”

Inirapan niya ito dahil wala siyang maisagot sa tanung nito.

“Girl, kay fafa Lance ka na sumama. Safe ka naman sa kanya.”

“Pedro, wala akong tiwala sa lalaking yan. Hindi ko nga siya kilala. I just met him hours ago.”

“Same here.” Singit ni Lancelott sa usapan nila.

Pinanlakihan niya ito ng mata. “I’m not talking to you, jerk.”

“Stop saying those words.” Saway na naman nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito bilang kasagutan.

“Tara na.” Aya sa kanya ni Lancelott.

“Feeling mo naman sasama ako sayo.”

“Wala kang sasakyang iba maliban sa sasakyan na nagdala ng photo shoot equipments ko rito. Kung gusto mong maghintay kay Pedr— I mean, Pea, bahala ka.” Anito at naglakad palayo sa kanila.

“Girl, if I were you, sasakay nalang ako kina fafa Lance. Gagabihin pa ako rito e. You know naman ang kagandahan ko. Hahalughugin ko pa ang buong lugar para makahanap ng fafa.”

Napailing siya sa sinabi ni Pedro. “Bahala ka na nga riyan. Just give me a call if you need me.” Kahit labag sa kalooban, sinundan niya si Lancelott.

“Hoy! Lancelott! Hintayin mo ako!” Sigaw niya. Feeling close lang ang drama niya.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. “Ikaw lang ang nagpapahintay na ala-model kung maglakad.”

She rolled her eyes. “Duh, I’m a model. Anong gusto mo? Tumakbo ako? Ayoko nga! Masisira ang damit ko no.”

“Stop being so… so… maarte!” Nanggigigil na sabi nito.

Tinawanan niya lang ang lalaki. “Lancelott, hindi ako maarte. Ganito talaga ako. At isa pa, bakit naman ako magmamadali? It’s not like—”

Paunti-unting pumatak ang ulan. Napatili si Eizel. “Oh my god! My dress! My lotion! My hair! My shoes!”

Tinakbo ni Lancelott ang pagitan nila. Mabilis nitong hinubad ang jacket at ipinulupot ‘yon sa katawan niya. “I told you so! Diba sinabi ko na sayo na magmadali ka. Ang arte mo kasi e!”

“Argh! My hair! It’s getting wet! Oh my god!”

“Shit! Why the hell am I doing this?” Tanung nito sa kalangitan at mabilis na hinubad nito ang t-shirt na suot.

“Bakit ka nagboborles?”

He glared at her. “What do you think?”

Inilagay nito ang t-shirt sa ulo niya. “Hayan, para hindi mabasa yang buhok mo. Halika na nga!”

Napatanga lang si Eizel sa kinatatayuan. Palakas na nang palakas ang ulan pero hindi niya iyon alintana. Naka-focus ang utak niya sa lalaking naghubas ng pang-itaas para lang hindi siya mabasa.

Why did he do it?

“Tatanga ka nalang ba riyan? O baka naman gusto mo pang hubarin ko ang pantalon ko para takpan yang sapatos mo nang hindi mabasa.” Sarkastikong wika nito.

Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, hinawakan siya nito sa braso at hinatak siya papunta sa isang kulay puting van. Mabilis nitong binuksan ang van at pinapasok siya. Nang nakaupo na siya, pumasok na ito at umupo sa tabi niya.

Agad niyang tinanggal ang basang jacket na nakapulupot sa katawan niya at ang t-shirt nito na nasa ulo niya.

“Hayan.” Inabot niya dito ang mga basang damit nito. “Huwag mo akong sisihin kung bakit nabasa ‘yan.”

She heard him chuckled. “Grabe ka talagang babae ka. Pati ba naman ang pagka-basa ng damit ko, sisihin mo pa ako samantalang ikaw naman ang dahilan kung bakit nabasa iyan?”

Pinagpag niya ang medyo basang pantalon. “E kasalanan mo naman talaga. It was your idea to take off your clothes and—”

“Oo na! Ako na ang may kasalanan. Okay na ‘yon sa halip na magtitili ka. Sakit pa naman sa tenga ng boses mo.”

Sinuntok niya ito sa braso. “FYI, maganda ang boses ko!”

“Wala naman yatang pangit sayo e.” Bulong nito.

“Anong sabi mo?” Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya.

“Wala.” Sumandal ito sa likuran ng upuan.

Inungusan niya ito at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng van. Puno ‘yon nang mga equipment na ginagamit sa mga photo shoot. Mga malalaking umbrella lights. Camera tripod. At ngayon lang niya napansin ang may edad na lalaki na nasa driver seat.

“Iyan si Manong Jayme, driver ko at tagadala ng mga equipments.” Pagpapakilala ni Lancelott sa lalaki.

“Diba kayo po ‘yong sikat na model na si Eizel San Diego.” Tanung ni manong Jayme na nakangiti.

“Kilala niyo po ako?” Magalang niyang tanung.

“Oo naman. Sikat ho kayo at idolo kayo ng anak ko.” Sagot nito na ikinataba ng puso niya.

‘Yon ang mga gusto niyang marinig. Na may umi-idolong kabataan sa kanya.

“Aww. Thank you po.” Mabait niyang nginitian ang mga ‘to. “Nice meeting you at pakisabi po sa anak niyo na sana makilala ko siya balang araw.” Aniya sa mala-anghel na boses.

“Sige po, ma’am Eizel, sasabihin ko sa anak ko.” Anito at binuhay ang makina nang sasakyan.

“Okay po.” Aniya habang nakangiti.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Lancelott. “Nasaan ang sungay mo? Ang bait mo yata.” Kinapa nito ang ulo niya.

Tinabig niya ang kamay nito palayo sa buhok niya. “Lumalabas lang ang sungay ko pagdating sa’yo.”

“Ano naman tingin mo sa akin, summoner nang mga demonyo?”

Sinuntok niya ulit ito sa balikat. “How dare you call me a demon?!”

“Ikaw ang nagsabi ‘non, hindi ako.”

Akmang hahampasin niya ito nang purse na dala nang umuklo ito at itinaas ang paa niya.

“Still.” Anito ng akmang igagalaw niya ang paa.

Kinuha nito ang basang jacket at ginamit ‘yon panlinis sa sapatos niya na naputikan.

She gasped. “No! Your jacket! It’s Lacoste!”

He rolled his eyes at her. “Your shoes, its Prada!” Anito na ginaya ang tinis ng boses niya.

“Lancelott!”

“Eiz!”

“Argh! Stop calling me that!”

“Then stop calling me Lancelott. It sounds old.”

“Ay, feeling mo naman teenager ka pa.”

Huminga ito nang malalim na parang kinakalma ang sarili. Inilapag nito ang paa niya at itinaas naman ang isa. Katulad nang ginawa nito sa kaliwang sapatos niya, nilinis nito ang kanang sapatos niya gamit ang jacket nito.

“Bakit mo ba ito ginagawa?” Usisa niya habang tinitingnan ang paglilinis nito ng sapatos niya.

Lancelott shrugged. “Baka ako na naman ang sisihin mo kung bakit maputik itong sapatos mo.”

“Ikaw talaga ang sisisihin ko.” Aniya na nakangiting binibiro ito.

Binalingan siya nito. “See, sabi ko na e—” He stops talking and just stared at her.

“Hello… earth and mars to Lancelott!” She snaps her finger in front of his face.

Napakurap-kurap ito  at parang mahimasmasan. Then he stared at her again like he can’t believe what he’s seeing. “You smiled.”

“Malamang. Kasi tao ako. Sino ba ang tao na hindi ngumingiti?”

“No, I mean, you smile genuinely this time. Not teasing, or smug nor smirking.”

Nginitian niya ito nang bonggang-bongga. “Sige, titigan mo lang ako. Minsan mo lang makita ang kagandahan nang ngiti ko.”

Itinirik nito ang mata at sumandal muli sa likod ng upuan. “Stop smiling fakely at me.”

Agad na nawala ang ngiti niya. “H-How did you know?”

Sanay na siya na ngumiti nang peke sa camera. Bitirano na siya pagdating sa mga iba’tibang uri ng ngiti. Sa tanang buhay niya, ngayon lang may nakaalam na peke ang ngiti niya. Maliban sa pamilya niya, wala nang may nakakaalam kung kailan siya ngumingiti ng totoo o pilit.

Lancelott lazily looked at her. “Eiz, I’m a photographer. I can see past your smile. I know when its fake and when it’s genuine.”

Napipilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot dito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Gusto niyang sabihin na hindi ‘yon fake na ngiti pero hindi niya mabuka ang bibig para magsalita. Basta sinalubong lang niya ang kulay asul nitong mata na nakatitig sa kanya.

“Don’t smile at me fakely.” Anito at nagbawi ng tingin.

Nakita niyang ipinikit nito ang mga mata. Pasimple niyang tiningnan ang mukha ni Lancelott. Talagang napaka-guwapo nito. Kung hindi lang siguro niya alam ang uglai nito, baka nagkagusto na siya rito.

“Stop staring at me, Eiz.”

Namula siya bigla sa sinabi nito. “I-I’m not looking.” Aniya na hindi naman matanggal ang mata sa mukha ni Lancelott.

“Really?” His eyes popped open. “I saw you staring at me.”

“I’m not.”

“You’re staring at me.”

“I’m not.”

“Then why are you looking at me?”

“I’m not staring… I’m just looking at you.”

“See. Why?”

“Because you’re ha—” Shit! Muntik na ‘yon.

Lancelott grinned cockily. “You’re saying?”

Sinuntok niya angn lalaki sa balikat. “Screw you!”

“Stop cursing. It’s bad for your mouth.”

“At paano naman ‘yon naging bad para sa bibig ko?” Usisa niya.

He leaned in closer to her and whispered. “Because if you don’t stop cursing, I’m going to kiss you.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro