Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

CHAPTER 12

NAKANGITING pumasok si Eizel sa loob ng bahay ni Lancelott. Ngayon ang araw na pupunta sila sa semeteryo para bisitahin ang puntod ng mga magulang nito. Nagising siya ng maaga para rito. Natutuwa siya at paunti-unti nagmo-move na ang kasintahan.

Kumakanta siya habang inaakyat ang hagdan patungong second floor. This past few days was the happiest days of her life. Hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganoong kasayahan sa piling ni Lancelott. Yes, palagi pa rin silang nagtatalo sa mga bagay-bagay pero nagkakabati rin naman kaagad sila.

Malapad ang ngiti na pumasok si Eizel sa silid na Lancelott. Nakita niya ang kasintahan na mahimbing na natutulog. Napailing-iling siya. Akamang gigisingin niya ito ng mapansin ang nagkalat na damit sa sahig. Pambabaeng damit ang mga iyon. Bigla siyang kinabahan sa nakita.

“It can’t be.” She whispered to herself. “Hindi ito puwede…”

Malakas niyang niyogyog ang binata hanggang sa magising ito.

“Wake up!” Nanginginig ag labi na sigaw niya.

Mabilis na bumangon si Lancelott at tumingin sa kanya. “Eiz, nandito ka na pala. Sorry, napuyat ako kagabi.”

Nanginginig na tinuro niya ang nagkalat na damit. “Can you explain this? Please, tell me na mali ang hinala ko.”

Sinundan nito ng tingin ang tinuro niya. Bakas sa mukha nito ang gulat at kaenosintihan.

“H-Hindi ko alam…” Anito na nagmamakaawang tumingin sa kanya. “Eiz, wala akong alam dito. Hindi ko alam—”

“Anong hindi mo alam? Anong mga iyan?” Turo niya sa panty at bra sa sahig. “Bakit nagsusuot ka ba niyan?! Tell me, Lancelott!”

“No!” Nagmamadaling nilapitan siya nito. “Please, Eiz, I don’t know what happened.”

Pinigilan niya ang sarili na hindi maluha. “Bakit naman hindi mo alam ang nangyari?” Nagaakusang tinitigan niya ito. “Hindi ako bulag o bobo, Lancelott! Alam ko kung ano yan! Sabihin mo nalang sa akin kung ayaw mo na at may iba ka nang babae kasi ayos lang naman sa akin. Hindi na malalaman ko sa ganitong paraan.”

“Eiz, wala akong babae!”

“Lance, pakipulot naman ng mga damit ko oh.” Anang boses galing sa labas ng banyo.

Maang na tumingin siya sa nagsalita. Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay Holly at Lancelott. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na hindi umiyak.

Walang emosyong binalingan niya si Lancelott. “Walang babae? Ano naman ang tawag mo sa baliw na yan? Magsama kayong dalawa.”

Nagmamadaling tumakbo siya palabas ng kuwarto ni Lancelott. Isa-isang pumapatak ang luha sa mga mata niya. Palakas ng palakas ang hikbi niya. Nang makarating siya sa pintuan ng bahay may pumigil sa braso niya.

“Eiz, please, don’t leave. I can explain.”

Hinarap niya ito at sinampal ng malakas. “Nangako ka na hindi mo ako lolokohin. Damn you, Lancelott! Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita minahal na hayop ka!” Dinuro-duro niya ito. “Walang hiya ka! Bakit ang babaeng yon pa! Bakit? Hindi mo ba naalala ang ginawa niya sa mga magulang mo? Punyeta!” Sinampal niya ulit ito.

“Eiz, please, magpapaliwanag ako—”

“Magpapaliwanag ka? Fuck you, you bastard! Ako pa talaga ng niloko mo.” Pinahid niya ang luha na nagkalat sa pisngi niya. “Magsama kayo ng baliw na babaeng yon! Gagawin ko ang lahat para kalimutan ka. You’re not worth my tears, Dammit!” Piniksi niya ang braso niya na hawak nito. “Mahal na mahal kita, Lancelott. Pero sinayang mo lang yon. Dahil sa babaeng ‘yon. Sige, ayos lang sa akin. Magsama kayong dalawa. Pareho kayong baliw!”

“Eiz… please…” Pagmamakaawa nito habang pilit siyang niyayakap.

Nagpupumiglas siya habang pilit siya nitong niyayakap. Hindi niya kayang sikmurain na niyayakap siya nito pagkatapos ng ginawa nito at ng baliw na babaeng ‘yon! Malakas niya itong tinulak palayo sa kanya.

“Don’t touch me!” She shrieked. Tears are flowing from her eyes. The pain was suffocating her. “Ano pa ba ang ipapaliwanag mo ha? Nakita ko na, nakita ko na! Hindi ako bobo! I can read between the lines! May babae sa kuwarto mo na nakahubad at tanging tuwalya lang ang takip sa katawan, ano ba ang gusto mong isipin ko sa nakita ko?! Huwag mong sabihin sa akin na ang babaeng yon ang dahilan kung bakit ka napuyat kagabi?”

“Eiz, ‘yon ba ang tingin mo sa akin? Hindi ako ganoon kababaw. Walang nangyari sa amin ni Holly. Hindi ko nga alam na—”

“Na ano? Paano naman siya nakapasok dito sa bahay mo? Lumipad? Ako ba talaga itong ginagago mo?”

“Eiz, bakit hindi mo intindihan ang sitwasyon?”

“I’m trying you jerk! Pero masakit! Masakit na masakit!”

“Ang kitid kasi ng utak mo! Mag-isip ka kasi!”

Tinuro niya ang sarili. “Ako? Makitid ang utak ko?” Pagak siyang tumawa. “Sa tingin ko, may karapatan akong maging makitid ang utak, Lancelott. I just saw my boyfriend in his room with a woman on his bathroom. Ano yon, magic kaya siya napunta roon? Kung magsisinungaling ka, galinga mo!”

“Lance, halika na sa kuwarto.” Anang boses ni Holly na nanggaling sa itaas ng hagdan.

Tiningnan niya ang babae at binalingan si Lancelott. “Fuck you! Jerk!”

Nagmamadli siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Mabilis niyang pinaharurot iyon palayo sa bahay ni Lancelott.

Bakit ba nangyari ito sa kanya. Ang masayang araw sana ay nasira dahil sa babaeng yon. Hindi niya akalain na magagawa iyon ni Lancelott sa kanya. Tears were flowing from her cheek because of the pain she’s feeling inside.

Damn, it hurts like hell!

LALAG ang balikat na naglakad si Lance pabalik sa silid niya. Naabutan niya si Holly na nagbibihis. Hindi niya ito pinansin at umupo sa ibabaw ng kama niya. Tanging si Eiz lang ang laman ng isip niya. Hindi niya alam ang gagawin para maniwala ito sa kanya.

Naramdaman niyang may humaplos sa balikat niya. “Lance, nandito naman ako.”

Walang buhay na tiningala niya si Holly. “Lumayo ka sa akin, Holly. Baka kung ano ang magawa ko sayo.”

“Lance naman. Iniwan ka ni Eizel. Nandito naman ako. Mamahalin kita na mas higit pa sa pagmamahal ni Eizel sayo.”

Nanlilisik ang matang tinitigan niya si Holly. “Hindi mo ba talaga naiintindihan! Hindi kita mahal! Si Eizel ang mahal ko at hindi ikaw! Umalis ka na! Umalis ka sa pamamahay ko!”

Holly took a step back in shocked. “Lance, mahal kita—”

“Wala akong pakialam. Umalis ka na.”

“Lance—”

“Sabi ko umalis ka na! Lumayas ka sa bahay ko! Kung ayaw mong hilahin kita palabas ng bahay ko!”

“Lance, magpapaliwanag ako—”

“Umalis ka na. Hangga’t kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, Holly. Dahil kapag narinig ko pa ang boses mo, sasabog na ako at hinding-hindi mo iyon magugustuhan. Kaya umalis ka na.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng marinig niyang bumukas at sumara ang pintuan ng kuwarto niya. Sinapo niya ang ulo na nag-uumpisa na namang sumakit.

‘I don’t know what to say Lance other than be careful and always pray. Hindi ko alam kung kailan ka magsi-seizure. Mahirap kalabanin ang sakit mo. It’s a brain hemorrhage; you need a miracle to survive. Pasalamat ka nga at dalawang taon kang nabuhay. Just pray to god.’

“Shit!” Mura niya ng maalala ang sinabi ng Doctor sa kanya nang huli siyang nagpa-check up.

Inipit niya ang ulo gamit ang dalawa niyang kamay. Para iyong binibiyak at minamartilyo sa sakit. Nang imulat niya ang mga mata, nagdidilim na ang paningin niya. Ipinik niya ulit ang mga mata at sinapo ang ulo na sobrang sakit pa rin.

Paano ko mapupuntahan si Eiz kung masakit ang ulo ko? Oh, Eiz, mahal na mahal kita.

 

KINAGAT ni Eizil ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa mga labi niya. Halos isang linggo na siyang umiiyak at hindi kumakain ng tama, ayaw niyang marinig ng mga magulang niya na umiiyak siya. Sinabi niya sa mga ito na masama ang pakiramdam niya para hindi ang mga ito magalala sa kanya ng sobra.

Huminga siya ng malalim at sinapo ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakasakit parin niyon. Bawat tibok ng puso niya para iyong nadudurog. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang eksena sa loob ng silid ni Lancelott, kinakapos siya ng hininga at hindi niya mapigilang humagulhol.

“Eizel, may naghahanap sayo.” Anang boses ng ina niya sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.

Tinuyo niya ang luha na nagkalat sa pisngi niya at huminga siya ng malalim. Kinalma niya ang sarili at tiningnan ang itsura sa salamin. She’s a mess. God!

“Sino po?” Tanong niya mula sa loob ng kuwarto.

Hindi niya pinagbuksan ang ina. Ayaw niyang makita nito ang itsura niya.

“Sabi niya kaibigan mo daw. Lander ang pangalan.”

Natigilan siya at napatingin sa pintuan. “Si Lander? Sige, papasukin niyo po. Puwede po bang dito lang kami sa silid ko mag-usap? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. I won’t lock the door.”

“Okay. Paaakyatin ko nalang dito si Lander.”

“Thanks mom.”

Hinintay niya na kumatok si Lander. Habang hinihintay ang lalaki, inayos niya ang sarili. Tinuyo niya ang luha at nagsuklay. Nagpalit din siya ng damit. Nang nagmukhang tao na siya, tamang-tama naman na may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya.

“Hey, Zel, it’s me Lander. Can I come in?” Anang boses ni Lander mula sa labas ng pintuan.

Pinabuksan niya ito at nagtama ang mga mata nila. Napailing-iling si Lander.

“You like shit, Zel.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Maganda ako.”

“Yes, that was before. Pero ngayon? Mukha kang sinagasaan ng sampung truck. Look at you, kahit siguro magbihis ka, mukha ka paring ewan.”

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Pumasok ka.”

Pumasok ito at kumunot ang nuo niya ng mapansing may dala itong tray na puno ng iba’t-ibang uri ng pagkain.

“Pinadala ng mommy mo, hindi ka pa raw kasi kumakain.” Anito at inilapag ang tray sa study table niya.

Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa mahabang sofa na nasa gilid ng bintana at nakaharap sa garden nila na puno ng iba’t-ibang uri ng bulaklak. Napakaganda niyon pero hindi niya ma-appreciate ang kagandahan niyon ngayon.

She felt empty inside.

Umupo siya sa mahabang sofa. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Lander. “Anong kailangan mo?”

Tumabi ito ng upo sa kanya. “I can see that you’ve been crying. Why?”

“Kailangan mo pa bang itanong yan? Hindi ba nasabi ng hayop mong kakambal ang ginawa niyang panloloko sa akin?”

“Well, sinabi niya pero wala namang panloloko na naganap doon sa kwento niya sa akin.”

“Naniwala ka naman?” Walang buhay siyang tumawa. “Nakita mismo ng mga mata ko, Lander. Ang sakit.”

“Ano ba ang nakita mo?”

“Yong mga damit na nagkalat sa sahig. Tapos lumabas sa banyo si Holly na tuwalya lang ang takip sa katawan—”

“And then you assumed that they did something.”

Tumango siya. “Oo. Ano naman ang iisipin ko sa nakita ko? Alang naman isipin ko na nakikiligo lang siya?”

“Hindi ko sinabing iyon ang isipin mo. Dapat nag-isip ka muna at iniwasan mong maging makitid yang utak mo. Lance loves you, you know. Why do you think I set you two up huh? Kasi mahal ka niya. Kung papakinggan mo lang si Lance, maiintindihan mo ang mga nangyari.”

She glared at him. “Pakikinggan ko siya? Ayoko! He spent all night with that slut—”

“Wait, whole night? That couldn’t be. Magkasama kami ng gabing iyon ni Lance. Inaya niya akong uminom sa unit ko kasi hihingin sana niya ang tulong ko tungkol sa isang bagay na gagawin niya ngayong linggo. Umuwi siya kinaumagahan na. Kung hindi ka naniniwala sa akin, puwede mong tanungin ang security guard sa Lou condominium. Kilala niya si Lance at sigurado akong alam niya kung anong oras pumasok at lumabas si Lance.”

“A-Ano? Magkasama kayo buong gabi? Pero p-paanong…”

“Kung hindi ka naniniwala sa akin, may CCTV sa Lou Condominium. You can see that I’m not lying. Oo kapatid ko si Lance pero hindi ko siya kokonsintihin kung talagang niloko ka niya.”

Sinapo niya ang ulo. “Naguguluhan ako.”

Hinawakan ni Lander ang kamay niya at pinisil iyon. “Kausapin mo si Lance para magkaliwanagan kayo. Talk to him, please. He’s a mess. Pareho lang kayo.”

Umiling siya. “No, ayoko. Masakit pa.”

“Kung wala namang kasalanan si Lance at hindi ka naman talaga niya niloko, hahayaan mo ba na masira kayo ng dahil lang kay Holly? Huwag mong hayaan ang babaeng yon na sirain ang mayroon kayo ni Lance.” Mataman siya nitong tinitigan. “Mahal mo ba si Lance?”

Tumango siya. “Oo.”

“Kung ganoon ipaglaban mo iyang nararamdaman mo. Oo, alam kong nasasaktan ka pero kailangan mong makausap si Lance. Hear his explanation at kapag hindi mo nagustuhan o hindi ka naniwala sa paliwanag niya, then leave him. Tapusin mo ang lahat at iwan mo siya. But please, Zel, kausapin mo ang kapatid ko. Hindi ko siya mapalabas sa kuwarto niya. Kahit si Louie ayaw niyang pakinggan. Hindi pa rin siya kumakain. Please, please, Zel. Maawa ka naman sa kapatid ko. Halos isang linggo na siyang hindi lumalabas sa silid niya. Hindi ko nga alam kung yong pagkain na hinahatid namin sa kuwarto niya e kinakain niya.”

Huminga siya ng malalim at kinalma ang puso niya na tumitibok pa rin para kay Lancelott. “Ihatid mo ako sa bahay ni Lancelott. Kakausapin ko siya at kapag hindi ko nagustuhan ang paliwanag niya, kahit masakit, iiwan ko siya.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro