Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•SIX•

Lumipas ang isang linggo ay hindi na bumalik sa coffeeshop si Serkhan. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala dito. Baka nasaktan ko ito ng sobra dahil sa sinabi ko. Kung bakit ba kasi pinairal ko ang pride ko noong araw na iyon. Eh di sana nakapag usap kami ng maayos.

Napansin ko naman dumadalas ang pagkahilo ko. Lalo na sa umaga. Hindi naman ako nilalagnat at kumakain naman ako sa tamang oras. Kaya naman bumili na lang ako ng multivitamins dahil baka kulang lang ako sa iron. Madalas kasi akong magpuyat dahil nanonood ako ng kdrama kasama ng kapatid kong si Irish. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nahilig sa kdrama, dati naman wala akong kaamor amor doon.

Habang fofroth ako ng milk ay muntik naman akong matumba dahil nahilo ko. Mabuti na lang naalalayan ako ng kasamahan kong barista na si Allison.

  "Girl, okay ka lang ba?"

  "Oo, okay lang ako. Medyo mahilo lang ako."

  "Ang putla mo pa. Sure ka bang okay ka lang?"

  "Kulang lang siguro sa lipstick."

  "Okay, sabi mo yan ah."

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho hanggang sa hindi ko namalayang gabi na pala. Habang naglilinis ako ng counter ay tumunog ang bell ng coffeeshop, hudyat na may pumasok na tao.

  " We are close sir--"

Lumukso ang puso ko nang makita kung sino ang pumasok sa loob ng shop.

  "Hi."

It was Serkhan. He was wearing his signature look. Black leather jacket and plain white shirt. Walang ano ano'y tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap. Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa aking espiritu at ginawa ko iyon.

  "Hey, easy."
Naramdaman ko din ang pagyakap nya sa akin. I can smell the perfume he used. Fresh sandalwood and vintage wine. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

  "Saan ka ba nagpunta ha?"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

  "I went to US to see my sister and I close some deals in Silicon Valley. Don't worry, I'm here now babe."
Masuyong sabi nya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan nya ang luha sa mukha ko.

  "Did you really missed me that much?"

  "Sinong nagsabing na miss kita?"

Sige na nga. Bakit pa ba ako magpapakipot. Maybe I still love him. No. I still love this guy. Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko.

Sinabihan ko syang maghintay sandali dahil magpapaalam lang ako sa manager ko. Natuwa naman si Ma'am Alice nang malamang bumalik na si Serkhan.

  "Tama po kayo Ma'am, dapat siguro ay pakinggan ko ang side nya. Salamat po sa advice."

  "No problem Aerin. Kapag sinaktan ka ni Sir Yilmaz, sabihin mo lang sa akin at makakatikim sya sa akin kahit gaano pa sya kagwapo."

Nagpasalamat ako kay Ma'am Alice at nagpaalam na din ako sa mga kasamahan ko. Pagkalabas ko ay nakita kong naghihintay si Serkhan at nakasandal ito sa sasakyan nito. Para itong prinsipeng maghihintay sa prinsesa nito. Well ako lang naman ang prinsesa.

  "Are you done?"
Tanong nya sa akin nang makalapit ako sa direksyon nya. Tumango ako.

  "You look pale, Aerin, are you okay?"
Nag-aalalang tanong nya sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko.

  "I'm okay Serkhan."

  "I really like it when you say my name. But I think you need to eat."

  "Yeah, nagugutom na din ako eh."

Inalalayan nya akong makasakay ng sasakyan. Nang buksan nya ang aircon ay muntik akong masuka sa amoy niyon.

  "Bakit ganyan ang amoy ng sasakyan mo?"

  "Bakit? Wala namang car perfume ang sasakyan ko."
Ani nya.

  "Basta, ayoko ng amoy. Wag na lang tayo mag-aircon."

  "Okay babe, if that's what you want."

  "Hindi tayo kaya wag mo akong tawaging babe."
Pambabara ko sa kanya. Natawa naman ito.

  "How's your work Aerin?"
Basag nya sa katahimikan.

  "Okay naman."

  "So why did you hug me earlier?"
Pang-aasar nya sa akin. I rolled my eyes over him.

  "Wala, trip lang."

  "I'm serious Aerin."

  "Bakit? Tingin mo ba hindi ako seryoso?"

  "Okay okay. Well, I'm here now. Hindi na kita iiwan ulit ng walang pasabi."

Napangiti ako. Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin hanggang sa dinner namin. Well, dinala lang naman nya ako sa isang mamahaling restaurant dito sa Baguio. Dahil gutom na gutom na talaga ako ay marami akong inorder. Bahala na sa bill, nagyaya sya ng dinner eh. Tatanggihan ko ba? Masama kaya tumanggi sa grasya.

  "Are you sure, you can eat all of that?"
Tanong nya sa akin.

  "Ikaw nagyaya ng dinner diba? Eh gutom talaga ako eh."

Nagulat naman sya dahil naubos ko nga lahat ng inorder kong pagkain. Lately napansin ko ding palagi akong magugutom. Feeling ko tuloy may pinapakain akong sawa sa tyan ko.

  "Aerin? Can I ask you something?"

  "Hmm?"

  "Kailan ka pa nagsimulang kumain ng ganoon karami?"

Tumaas naman ang kilay ko sa tanong nya.

  "Bakit?"

  "I'm just curious."

  "Matagal tagal na din. Mga ilang linggo na ang nakakalipas."

  "How about dizziness? Do you feel dizzy all the time?"

  "Oo. Bakit nga? Kinakabahan ako sa mga tanong ko eh."

  "Fvck."

  "Serkhan, ano ba ang nasa isip mo? Na buntis ako?"

Natigilan din ako sa sinabi ko at napatingin sa kanya.

  "Am I pregnant?"

Para akong binuhusan ng isang timbang tubig nang alalahanin ko ang mga sintomas na nararamdaman ko. Pero impossible. Ilang buwan na makalipas noong may nangyari sa amin.

  "C'mon, I know a person who can help us."

  "Teka, saan tayo pupunta?"

  "Sa ospital."

  "Timang ka ba? Wala nang ob-gyne ng ganitong oras. Gabi na masyado Serkhan."

  "I can arrange that babe."

Sumakay na kami sa sasakyan nya. Habang nasa daan ay sinabihan nya akong tawagan ang parents ko na kinabukasan na ako uuwi.

  "Tuturuan mo pa akong magsinungaling sa mga magulang ko. Pwede namang bukas na tayo pumunta ng ospital."

  "We have to know if you are pregnant Aerin."

Nabuhay ang kaba at takot sa dibdib ko. Paano kung buntis nga ako. Ano bang ikinakatakot mo Isabelle, Alec will take care of you.

Kinuha ni Alec ang kamay ko at hinagkan iyon.

  "Don't be afraid. I'm here Aerin."

Kahit papaano ay nabawasan ang takot sa akin nang sabihin iyon ni Serkhan. Nakarating kami sa Baguio Medical Center. Hindi muna nya ako pinababa ng sasakyan dahil may kakausapin lang daw syang tao. Hindi ko naman alam kung sino iyon. Pero sa kapangyarihan ni Serkhan ay walang impossible. He's an Yilmaz after all. Bumalik naman sya sasakyan at pinababa na ako.

  "Let's go. Kristine is waiting for us."

  "Kristine? Sino si Kristine?"

  "Family friend. Ob-gyne sya dito. Hindi pa sya umuuwi kaya pwede ka nyang icheck."
Sabi nya sa akin. Para akong tuta na sumunod sa kanya.

  "Hi! I'm Doctor Kristine Santiago, you must be Aerin."
Bati sa akin ng doctor nang makapasok kami sa loob ng clinic nito. Nakipagkamay naman ako sa kanya. Maganda ito at maputi. Tumingin ng makahulugan kay Serkhan.

  "Nice to meet you doc."
Sabi ko naman.

  "Uhm, Serkhan, can you wait outside."
Doc Kristine said to him.

  "What?"

  "We will discuss personal matters, don't worry, tatawagin ka namin kapag tapos na kami."
Ani ng doctor dito.

  "But--"

  "Sige na Serkhan, okay lang ako dito."
Sabi ko sa kanya. Wala naman itong magawa kundi lumabas.

  "Have a seat Aerin."
Umupo ako sa visitors chair.

  "So, when was the last time you had your period?"

Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro