Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•SEVEN•

Natigilan ako sa tanong sa akin ni Dra. Kristine. Kelan nga ba ang huli kong dalaw? Napaisip naman ako. Masyado ko kasing inabala ang sarili ko para kalimutan si Serkhan, pati huling period ko ay nakalimutan ko na.

  "I think 2 months ago doc."
Sagot ko naman.

  "May nararamdaman ka bang kakaiba sa sarili ko, any cravings? Dizzyness? Or mood swings?"

  "Tuwing umaga po ay napapansin kong nahihilo ako, then nahihilig ako sa kdrama lately, napaparami din ang pagkain ko."
Kinakabahan kong sagot kay Dra. Kristine. Tumayo si Dra. Kristine at pumunta sa drawer na nasa tabi ng lamesa nya. May kinuha ito doon. Inabot nya sa akin at maliit na lalagyan ng urine sample.

  "Para saan po ito doc?"

  "I need your urine sample right now para macheck natin sya. Just use my bathroom."
Ani nya sa akin at tinuro ang banyo.

  "Doc possible po ba akong mabuntis? I mean that was months ago when you know."
Tanong ko sa kanya.

  "Did you use protection when you had intercourse?"

Umiling naman ako.

  "Then we'll see on the test."

Pumasok na ako sa banyo. Kinakabahan naman ako sa magiging resulta. Paano ko na lang sasabihin sa mga magulang ko. Ano kayang magiging reaksyon nila? Handa na ba ako maging ina? Sinunod ko naman ang gusto ni Dra. Kristine. I peed on the cylinder container she gave. Wala pang ilang minuto ay lumabas na ako. Nasa loob na din si Serkhan at naghihintay.

  "Give a minute. I'll test it in the lab."
Paalam sa amin ni Dra. Kristine at lumabas na. Naiwan kaming dalawa ni Serkhan sa loob.

  "Paano ko sasabihin sa mga magulang na buntis ako kung sakali?"
Naiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap naman nya ako.

  "I told you Aerin, I'm here. I will take care of you, you don't have to worry. This is our child. Mamahalin natin sya katulad ng pagmamahal ko sayo."

Umurong ang mga luha ko sa narinig ko kay Serkhan Did he just said that he loves me?

  "M-mahal mo ako?"

Pinakawalan nya ako sa pagkakayakapbat hinawakan ako sa magkabilang balikat. He smiled.

  "Yes Aerin. I love you."

  "Paano nangyari iyon?"

  "Nang umalis ka sa poder ko, you left a hole in my chest, and it's getting bigger and bigger everyday I don't see you. That's why I swore that I will find you no matter what it takes."
Kitang kita ko ang sinseridad sa boses nya at sa mga mata nya. Napaluha ako sa sinabi ni Serkhan.

  "Mahal na mahal din kita Serkhan. Kung alam mo lang. Nasasaktan ako noon sa tuwing umiiyak ka dahil sa pag-aaway nyo ni Ma'am Clarissa. Gustong gusto kitang yakapin noon. Kung pwede ko lang kunin ko ang sakit na nararamdaman mo, ay kinuha ko na para ako na lang ang masaktan."

  "I'm really sorry Aerin you feel that way, I had no idea. I was too blind to see your love for me. Akala ko si Clarissa na ang para sa akin, pero pagkatapos noong nangyari sa atin nung gabi iyon ay hindi ka na maalis sa isip at puso ko. I knew that moment I already love you."

Para akong nasa cloud nine nang marinig  ang mga iyon kay Serkhan. Hindi ko aakalaing mamahalin din nya ako. Kung dati ay pangarap ko lang iyon, ngayon ay nagkatotoo na. Naputol ang momentum naming dalawa nang pumasok si Dra. Kristine.

  "Sorry to interrupt guys, but I already have the result."

Nagkatinginan kami ni Serkhan. Parehas kaming kinakabahan. Pero payapa na ako dahil alam kong hindi na ako mag-isang haharap sa pagsubok na iyon.

  "Congrats to the both of you. It's positive."

Napatalon sa tuwa si Serkhan at binuhat ako at hinagkan.

  "I'm going to be a dad!"
Inikot ikot naman nya ako. Natatawa na naiiyak ang reaksyon ko sa reaksyon nya.

  "Ibaba mo na ako."
Bahagyan ko syang hinampas sa balikat.
Pinasalamatan naman namin si Dra. Kristine. Matapos naming makuha ang resulta ay hinatid na ako ni Serkhan sa bahay. Hawak hawak naman nya ang kamay ko at parang ayaw nitong bitawan.

  "Marry me Aerin."

  "Ha?!"
Bulalas ko.

  "Masyado ka naman atang magmamadali."
Sabi ko. Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

  "I want to spend my life with you."

  "Agad agad?"

  "Ayaw mo ba?"

  "Hmm, pag-iisipan ko."

Kumunot naman ang noo nya. Natawa ako at sinundot ang pisngi nya.

  "Joke lang. Eto naman hindi mabiro. Pero bago ang lahat, kailangan malaman ito nila mama at papa."

  "Oh right. Ngayon ko na ba ako ipapakilala?"

  "Ready ka ba?"

  "I'm always ready Aerin. You don't have to worry about me. I'll be fine babe."

  "Sige, sabi ko yan ah."

***

  "Ano?! Buntis ka na?!"
Bulalas ni papa kay Serkhan. Napatingin sya s akin at bahagya itong ngumiti.

  "Pa, wag ka namang sumigaw."
Sabi ko kay papa.

  "Huwag kang mangialam dito Aerin, usapang lalaki ito."
Alam kong galit si papa dahil tumaas na ang boses nito. Hindi ko naman sya masisisi kung magagalit ito sa amin ni Serkhan.

  "Huminahon ka mahal."
Sabi naman ni mama kay papa. Nasa sala din kasi ito at nakikinig sa usapan.

  "Iwanan nyo muna kaming dalawa ni Serkhan."
Utos sa amin ni papa.

  "Okay ka lang ba?"
Bulong ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

  "I'll be fine Aerin."
Hinagkan nya ang kamay ko. Tumayo na kami ni mama at pumunta ng kusina upang maghanda ng makakain. Nagulat naman ako ng yakapin ako ni mama.

  "Congrats, anak! Magkakaapo na ako, matagal ko na iyong dinadasal."
Naiiyak na sabi mama sa akin. Nagulat ako sa reaksyon ni mama, dapat nga ay magalit din ito sa akin. Pero heto, niyayakap ako at nagpapasalamat. Yung totoo?

  "Hindi po kayo galit ma?"

  "Bakit naman ako magagalit? Nasa tamang edad ka naman na, at isa pa ang gwapo ng ama. Siguradong gwapo din ang magiging apo ko."

Naluha na rin ako. Hindi ko aakalaing matatanggap agad iyon ni mama. Marahil kung ibang magulang pa iyon ay abot abot ang sermong aabutin ko. Mukhang si papa na lang ang problema.

  "Gwapo agad ma? Hindi pa namin alam kung anong kasarian ng magiging apo nyo."
Hinawakan ko ang tiyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang magbubunga ang nangyari sa amin noon ni Alec. Lahat pala ng pagbabagong nararamdaman ko noon sa katawan ko ay parte ng pagbubuntis ko. Pero kahit ganoon ay nagpapasalamat ako dahil hindi ako mag-isang haharap sa panibagong yugto ng buhay ko na iyon.

  "So kelan ang kasal ate?"
Tanong naman sa akin ni Irish na abala sa pagkain. Pinandilatan ko ito ng mata.

  "Anong kasal ka dyan."

  "Oo nga anak, tama ang kapatid mo. Wala ba kayong balak ni Serkhan na magpakasal?"

Napalunok naman ako. Mukhang hotseat ako dito ah. Wala akong kawala. Hindi na ako magtataka kung itatanong iyon nila mama.

  "Ayaw po muna namin madaliin ni Serkhan ang mga bagay bagay."

  "Aba, dapat pakasalan ka nya. Makakatikim sya sa akin kapag hindi ka nya pinakasalan."
Pagbabanta ni mama. Napakamot ako sa ulo ko.

  "Ma naman."

Naputol ang pag-uusap namin nang tawagin kami ni papa. Muli kaming bumalik ng sala. Nagtaka naman ako dahil namumugto ang mga mata ni Serkhan. Parang galing ito sa iyak. Pinunasan nito ang mga mata.

  "Pa anong ginawa nyo kay Serkhan?"

  "Iho, ikaw na ang bahala sa anak ko. Huwag na huwag mo syang sasaktan. Alam mo na ang napag-usapan natin."
Makahulugang sabi ni papa.

  "Opo, makakaasa po kayo tito. Tatandaan ko po palagi ang mga bilin nyo sa akin."

  "Teka, anong napag-usapan nyo pa?"
Tanong ko naman.

  "Sa amin na lang iyon. Syanga pala, Aerin, dahil magdadalang tao ka na pumapayag akong tumira ka sa poder ni Serkhan."

  "Po?"

Teka? Parang ang bilis naman ng mga pangyayari? Ako? Titira sa poder ni Serkhan? Seryoso ba si papa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro