Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•ELEVEN•

A/N: Dahil maraming nagpredict na ganito ang mangyayari kay Serkhan, why not patulan ko? Hahaha! Ang bad lang. Patulera eh no? Kawawang Aerin.

  "Ano?!"

Bulalas ni Aerin sa sinabi ni Jace. Natulala si Aerin sa narinig mula sa pinsan ng nobyo. 

  "Paanong nangyari iyon?"

  "He was on his way here nang mawalan ng kontrol ang sasakyan nya."

Nagsimulang umiyak si Aerin. Niyakap ito ng ina upang tumahan. Ngunit nagpatuloy ito sa pag-iyak. At dahil hinditi ito kumakalma ay tumawag na ng doktor ang pamilya nito upang saksakan ng tranquilizer. Umepekto naman kaagad ang gamot at muli itong nakatulog.

Walang naman syang kaalam alam na nasa ospital ding iyon si Serkhan at kasalukuyang ginagamot. Kritikal ang lagay nito dahil tumama ang ulo nito sa steering wheel ng sasakyan. Hindi nakatulong ang airbag ng sasakyan. Hindi naman malaman ni Jace kung saan sya pupunta, kung sa pinsan nya ba o sa nobya nito. Nakausap na din ng doktor ang pamilya nil Aerin tungkol sa kalagayan ng lalaki. Dinala naman na ito sa ICU matapos magamot. 

Nang muling magising si Aerin ay hinanap nito si Serkhan. Walang magawa ang pamilya nito na sabihin sa anak na naroon ang nobyo nito at nag-aagaw buhay ito. Dinala nila si Aerin sa ICU upang makita si Serkhan. Nang makarating doon ay hindi mapigilan ng dalaga na umiyak nang makita ang kalagayan ng nobyo.
She held Serkhan's hand.

  "Serkhan, wake up please. Wake for me. Our son is waiting for you. Our baby boy. Please Serkhan."

Nabasa ang kamay ni Serkhan dahil sa luha ng nobya. Nanalangin naman si Aerin na magising na ang nobyo.

Ilang araw nang walang malay si Serkhan. Under coma ito. At walang araw na hindi dinadalaw ni Aerin ang lalaki. Gustuhin man nyang isama ang anak nila ay hindi ito pwede sa ICU. Pero hindi tumigil sa pangugulit si Aerin sa doktor ni Serkhan at sa OB nya na dalhin ang anak nila sa ICU. Hanggang sa pumayag na din ang mga ito.

  "Just five minutes doc. Gusto ko lang mahawakan nya ang anak nya."
Pagmamakaawa ni Aerin sa dalawang doktor.

  "Okay Aerin. Just five minutes."

Dinala ng nurse ang baby sa ICU with the doctor's permission. Kinuha ni Aerin ang anak. Kuhang kuha nito ang mapilantik na pilik mata ng ama at matangos nitong ilong.

  "Serkhan, I want you to meet our baby boy, Kyros."
Muli na namang naluha si Aerin. Umupo sya sa tabi nito at nilagay nya ang anak sa gilid ng braso ni Serkhan.
Little did she know, Serkhan was fighting for his life.

***

Humihingal na huminto si Serkhan sa pagtakbo. Hindi nya alam kung gaano na nya katagal ginagawa iyon. All he knew that he needs to follow the light.

Pero sa bawat hakbang nya ay lumalayo ang liwanag na iyon. Pagod na sya. Pagod na pagod.

  "Aerin!"
Sigaw nya sa pangalan ng nobya. Tanging echo lang ng boses nya ang naririnig nya. Parang bumabalik lang iyon sa kanya.

  "Aerin!!"
Muli nyang sigaw.

  "Serkhan."
Isang babae ang tumawag sa pangalan nya mula sa likod. Isa iyong matandang babae.

  "Sino ka?"

  "Napapagod ka na ba Serkhan?"

  "I need to go back to my wife."

  "Kailangan mong sumama sa akin. Oras mo na iho."
Wika sa kanya ng matanda. Pagak na tumawa si Serkhan.

  "Are you kidding me? Hindi ako pwedeng sumama sayo. Kailangan ako ni Aerin at ng anak namin."

  "Ngunit ito na ang oras mo iho."

  "No."

  "Sige. Pagbibigyan kita. Ngunit sa isang kondisyon."

  "At anong kondisyo naman iyon?"

Ngumiti ang matandang babae at tuluyan itong naglaho. Bumaha ng liwanag ang paligid. Nakakasilaw iyon. Isang sigaw naman ang narinig nya.

  "Serkhan!!"

***

  "Serkhan! Anong nangyayari sa kanya doc?"
Histerikal na wika ni Aerin. Tumunog kasi ang aparato na nakakonekta dito. Pinalabas na sya ng kwarto ng nobyo.

  "Serkhan! No! Huwag mo ako iwan."
Umiiyak na wika ni Aerin. Habang pinapanood ang pagsalba sa buhay ng nobyo.

Tumigil na ang pagtunog ng mga aparato. The doctors sucessfully revived him. Lumabas naman ang doktor at lumapit sa kanya.

  "He's awake."

  "P-po?"

  "Mr. Yilmaz si awake."

Humahangos na pumasok si Aerin sa kwarto nito. At tama nga ang sinabi ng doktor. Gising na si Serkhan. Dahan dahan syang lumapit dito. Nakatitig sa kanya ang nobyo.

  "Serkhan."

Kumunot ang noo ng lalaki at umiling. He looks confused this time. Parang hindi sya kilala nito.

  "Serkhan, ako ito. Si Aerin."

Muling umiling si Serkhan. Lalong napaluha si Aerin. Bakit umiiling ito? Hindi ba sya maalala ng nobyo?
Bumuka ang bibig ng lalaki.

  "W-who are y-you?"

Pakiramdam ni Aerin ay binagsakan sya ng langit at lupa narinig mula sa nobyo. Hindi nya sa nito maalala. Dahil sa sobrang sakit at tumakbo sya palabas ng kwarto nito at doon binuhos ang sakit na nararamdaman.

  "Anak bakit?"

  "Hindi nya ako maalala ma."

Umiiyak na sambit nya sa ina. Kinausap nila ang doktor ni Serkhan. Ayon dito ay normal para sa taong naaksidente ang pagkawala ng memorya, dahil na din sa trauma na dinulot nito sa utak. Ang masamang balita lang ay hindi masasabi ng doktor kung kailan babalik ang memorya ng lalaki. Walang makakapagsabi. Pwede umabot ng linggo, buwan o taon bago bumalik ang alaala ng isang tao. Depende sa trauma na inabot nito.

  "Magpakatatag ka iha para sa nobyo at anak ninyo. Maaalala ka din nya. Sa ngayon, huwag nating bibiglain. Hindi pa natin alam kung anong amnesia ang mayroon sya. Huwag kang mag-alala. I'll keep you posted."

  "Salamat po doc."

The doctor patted her shoulder as a sign of empathy. Punong puno ng what if's ang isip ni Aerin nang mga sandaling iyon. Paano kung tuluyan na syang hindi maalala ni Serkhan. Paano kung iwan sya nito. Hindi nya kakayanin.

Aerin wiped her tears. Tama ang doktor. Kailangan nyang tatagan ang loob. Para sa asawa at sa anak nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro