Chapter 8
CHAPTER 8
PAGKAPASOK ni Gilen sa NBI Headquarters kasama sina Kaino at Ethan, biglang bumigat ang pakiramdam niya. It’s like déjà vu. Ganito rin ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakaraan.
“You look pale. Are you okay?” Tanong ni Kaino na nasa tabi niya at pasulya-sulyap sa kanya habang naglalakad.
Ipinalibot niya ang dalawang braso sa katawan niya na para bang nilalamig.
“Yeah, I’m fine.” Sagot niya rito.
“Sigurado ka?”
“Oo.”
Bago pa ito makapagsalita ulit, tumigil si Ethan sa isang pintuan na pamilyar na pamilyar sa kanya. Siya pa rin ba ang head ng NBI?
Nang buksan ni Ethan ang pintuan, pinigilan siya ni Kaino sa braso.
“Gilen, okay ka lang ba talaga?” May pag-aalala sa boses nito.
Nilingon niya ang binata. “Yeah, I’m fine. Bakit ba ang kulit mo? Tanong ka ng tanong!” Sikmat niya.
“I’m just worried.” Sinalubong nito ang titig niya. “Gilen, you look really pale. Nag-aalala ako sayo.”
Ipiniksi niya ang braso na hawak nito. “I’m fine nga sabi diba? Bakit ba ang kulit mo?”
“I’m just—”
“Papasok ba kayong dalawa o hindi?” Anang boses na nanggaling sa loob ng opisina na pinasukan ni Ethan.
Sabay silang tumingin ni Kaino sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino iyon. Its him! Bakit ba umasa siya na hindi na ito ang NBI Director? Kaya nga hindi parin hinuhuli si Luther dahil sa lalaking ito.
“Gilen.” Nginitian siya nito. “Nice to see you again.”
“Nice to see you-hin mo ang mukha mo. Buhay ka pa rin pala.” Pagtataray niya sa kaharap.
He grinned. “Masamang damo ako, Gilen. At saka diba magkausap lang tayo sa telepono days ago?”
Pinaglipat-lipat ni Kaino ang mata sa kanila ng superior nito.
“Magkakilala kayo?” Nagugulumihang tanong ni Kaino habang magkasalubong ang kilay.
Tumango ang NBI Director na si Luther San Diego Sr. “Yeah, magkakilala kami. Come on in nang makapagusap tayo ng mabuti.” Anito sa kanilang dalawa ni Kaino.
Inirapan niya ito at pumasok sa opisina nito na nakataas ang kilay. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Ethan ng matiim.
“Ano?” Mataray niyang sikmat sa lalaki.
Umiling ito. “Magkakilala naman pala kayo ni Gilen, pinahiripan mo pa kami, Sir.” Ani ni Ethan sa superior nito.
Tumawa ng mahina si Luther Sr. “Wala kang karapatang umangal, Agent Decordova. At may rason ako kung bakit ko ginawa iyon.” Tiningnan nito si Kaino na nasa labas pa rin ng opisina. “Pumasok ka na Agent Garcia, para maumpisahan na natin ang pag-uusap. Marami akong sasabihin kay Gilen.”
“Hindi naman siguro ako kailangang present sa pag-uusap ninyo.” Ani ni Kaino sa walang emosyong boses.
“Kailangan ka kaya pumasok ka na.” Matigas na boses ni Luther Sr. na ikinatirik ng mga mata niya.
Napipilitang pumasok si Kaino at umupu sa visitor’s chair na nasa tabi niya. Si Ethan naman ay nakatayo lang at nakaharap kay Luther Sr.
“So…” Luther Sr. trailed and looked at her. “How are you? I heard kinausap ka ng anak ko. Ferrari huh?”
“Yeah. Pero hindi naman natuloy.” Binalingan niya si Kaino na nasa tabi niya. “Napigilan ako ni Kaino.”
“Mabuti naman. Kung hindi isa na namang kabaliwan ang gagawin mo na hindi ko alam kung mapapalusot ko pa.” Anito. “Kung gusto mo ng proteksiyon dapat sinabi mo sa akin. Hindi na sa iba ka pa maghahanap. My men are there to protect you—”
Ibinalik niya ang tingin kay Luther Sr. “Hindi ko maramdamang pino-protektahan mo ako.” Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. “Kaya naman naghanap ako ng ibang magpo-protekta sa akin.”
“I’m sorry to hear that.” Pinaglipat-lipat nito ang tingin kay Ethan at Kaino. “Ano bang pinaggagagawa ninyong dalawa? Kayo ang inatasan kung bantayan si Gilen.”
“Sir, with all due respect, pinrotektahan po namin si Gilen sa abot ng aming makakaya.” Wika ni Kaino.
“Yes, sir.” Pag sangayon ni Ethan sa binata.
“Talaga lang ha?” Ibinalik ni Luther Sr. ang tingin sa kanya. “Paano mo naman nasabi na hindi mo naramdaman na prinotektahan ka nitong mga kutong-lupang ito?”
“Wala sila kapag nanganganib ang buhay ko.” Simpling sagot niya.
Masama ang tingin na bumaling ito sa dalawang lalaki. “Explain.”
“Binabantayan namin siya, Sir.” Sabi ni Kaino. “Nung hinahabol siya ng dalawang kalalakihan, naroon ako at dapat ay tutulungan siya pero pati ako ay ibinalibag niya sa sahig. Pagkatapos, nuong pinasok ang bahay niya, naroon din ako at hindi ko siya hinayaang mag-isa. Para sa akin, pinrotektahan ko siya, Sir.”
Tumango-tango si Luther Sr. “Good.” Tumingin ito sa kanya. “So, anong kailangan mo at narito ka ngayon kung pino-protektahan ka naman pala nitong dalawang ito?”
“May bumaril sa sasakyan namin.” Aniya.
Ilang minutong nawalan ng imik si Luther Sr. bago nagsalita. “Si Jaime ‘yon, sigurado ako. Mukhang talagang desperado na siyang makuha ang white book mo.”
Umiling siya. “Hindi ko yun ibibigay sa kanya o sa’yo.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa visitor’s chair. “Aalis na ako.”
“Kung hindi mo ibibigay yon sa amin, kung ganoon ikaw ang gagawin kong star witness para makulong si Jaime Ramirez.”
Nabitin ang paghakbang niya nang marinig ang sinabi ni Luther Sr.
“Sir, hindi puwedeng maging star witness si Gilen.” Wika ni Kaino at tumayo. “Hindi naman siya kasama sa mga tauhan ni Jaime na gumagawa ng illegal. She can’t be a star witness—”
“Silence, Kaino.” Tumayo si Luther Sr. at mataman siyang tinitigan. “Siguro nga ito ang tamang oras para may malaman kayo tungkol sa taong pino-protektahan ninyo. Fact about Gilen Ramirez, at the age of fifteen, isa na siyang professional grand theft auto na hawak ni Jaime Ramirez. Natigil lang ang mga illegal na ginagawa ni Gilen ng madakip ko siya at isinailalim sa protection program para gawing star witness. At alam niyo naman na ang nadiin ay ang kapatid ni Jaime na si Julio.”
Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Kaino. “Isa kang professional grand theft auto?” Mapaklang tumawa ito. “Here I am, trying to be a good person for you kasi akala ko iba ka. Sobrang na-guilty pa ako sa pagsisinungaling ko sayo. Akala ko isa kang mabuting babae. So bumalik ka na naman ba sa pagiging magnanakaw ng kotse? Nuong nakita kita sa labas ng restaurant at—”
“Tama na iyan, Kaino.” Pigil ni Luther Sr. sa binata at binalingan si Ethan. “Maghanda ka. Sasamahan mo si Gilen sa isla kung saan safe siya roon.” Ibinalik nito ang tingin kay Kaino. “Ikaw naman, dito ka lang. May ipapagawa ako sayo.”
“Teka lang.” Pigil niya kay Luther Sr. “Anong isla? Hindi pa ako pumapayag na maging star witness niyo—”
“Star witness o ang white book mo? You don’t have to answer, Gilen, been there, done that. Alam ko na ang isasagot mo.” Wika ni Luther Sr. “Sige, makakalis na kayo. Aalis ang Helicopter pagkalipas ng isang oras kaya naman maghanda na kayo.”
Walang imik na lumabas sila sa opisina ni Luther Sr. Nakakainis at mapapasailalim na naman siya sa NBI protection program. Akala niya tapos na ang episode na ito ng buhay niya pero may continuation pa pala.
Iginiya siya ni Ethan papunta sa pinakamalapit na café sa NBI Headquarters. Nang makapasok sa nasabing café, umupo siya sa bakanteng upuan sa pandalawahang mesa.
“Dito ka lang muna, Gilen. Maghahanda lang ako, babalikan kita kaagad. I think hindi mo na kailangang maghanda. Marami ka namang nabili na mga damit na nasa sasakyan ko, sa tingin ko sapat na ang damit na ‘yon.” Nilingon nito si Kaino na nasa likuran nila at walang imik na sinundan sila. “Bantayan mo muna si Gilen—”
“Bakit ko naman siya babantayan?” Blanko ang ekspresyon nito ng tumingin sa kanya. “Hindi ako nagbabantay sa mga magnanakaw.”
She gritted her teeth in irritation. “Hindi ko rin naman kailangan ng isang makitid ang utak na tagapagbantay. Umalis ka na, Ethan. Kaya ko ang sarili ko.”
Padaskol na umupo si Kaino sa bakanteng upuan sa harap niya. “Pesteng trabahong ‘to.” He murmured under his breath.
Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. “Mas peste ka.” Nanggigigil na sabi niya rito.
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Puwede ba huwag mong ididikit ang katawan mo sa akin.”
Inirapan niya ito. “Gago!”
“Ga—”
“Hindi ako gaga, kung iyan ang sasabihin mo.”
“Oo, hindi ka gaga, magnanakaw ka lang.” Inungusan siya nito at nagbawi ng tingin.
“Ang kitid ng utak mo! Akala ko naman iba ka. Mapanghusga!” Sabi niya sa nanggigigil na boses.
Sinalubong nito ang galit niyang tingin. “Gilen, nakita kitang binubuksan ang isang kotse. Pinagwalang bahala ko yon kasi akala ko wala lang iyon at trip mo lang. Tapos ngayon, malalaman ko na dati ka palang magnanakaw—”
“That’s the key word, Kaino. Dati akong magnanakaw. Hindi na ngayon.”
“Kung ganoon, yung nakita ko kagabi, anong ibig sabihin ‘non? Naglalaro ka lang? Gilen naman, hindi ako bobo.”
“Oo hindi ka bobo, gago ka lang.” Tumayo siya at naglakad palabas ng café.
“Gilen, bumalik ka rito! Saan ka ba pupunta?”
Hindi niya ito pinansin at lumabas ng café. Nasa pintuan na siya ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Mabilis siyang dumapa it inilagay ang dalawang kamay sa ulo. Napapaigtad siya tuwing may tinatamaang salamin ng café ang bala. Mariin siyang napapikit sa isiping maraming tao sa loob at masasaktan sila ng dahil sa kanya. She was about to crawl when someone put an arm on her back and pinned her on the ground.
“Still! Baka tamaan ka ng bala.” Boses iyon ni Kaino.
“Akala ko ba huwag akong dumikit sayo. Ikaw ngayon itong nakadikit sa akin.” Aniya.
“Shut up, please.”
Nilingon niya ang binata na ihinaharang katawan para hindi siya tamaan ng bala. She felt weird inside. Nang tumigil ang pamamaril, ipinalibot niya ang paningin. Nakita niya ang basag na salamin ng café at may mga taong duguan at nakahandusay sa sahig ang iba.
Napahikbi siya sa nakita. This is my fault. Sisi niya sa sarili. Kung binigay ko nalang sana ang white book kay Jaime, hindi mangyayari ‘to.
Dalawang matitipunong braso ang yumakap sa kanya at inalo siya. “This is not your fault. Huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Biktima ka lang din.” Masuyong hinagod ni Kaino ang buhok niya at hinalikan siya sa nuo. “Tahan na. Huwag ka ng umiyak. Hindi makakatulong ang luha mo sayo. You have to be strong, Gilen. Yan ang kailangan mo ngayon.”
Humihikbing tumango siya. “Sorry…” Pinahid niya ang isang butil ng luha na kumawala sa mata niya. “I blame myself for all of this and I’m scared, Kaino. Paano kung mamatay ako? Paano kung makuha nila ako tapos patayin—”
Sinapo nito ang pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa mga mata nito.
“Gilen, hindi ko hahayaang mangyari yon, okay? It’s my job to protect you and— no scratch that. I want to protect you, Gilen. Kahit pa nga isa kang magnanakaw.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Gago ka. Hindi ko naman kailangan ang proteksiyon mo. Sinigaw-sigawan mo pa ako kanina. Walang hiya ka talaga.”
Kaino chuckled lightly. “Ikaw na ang babaeng nakilala ko na walang utang na loob.”
Inirapan niya ito. “Wala akong utang na loob sayo.”
“Whatever. Kailangan na nating makaalis dito.” Hinawakan nito ang kamay niya at tinulungan siya makabangon mula sa pagkakadapa. “Halika na.”
She brushed the dust off her jeans and shirt. “Saan tayo pupunta?” Tanong niya kay Kaino na hinihila siya patungo sa kung saan. “Baka hanapin tayo ni Ethan.”
“Tatawag ko nalang si Ethan. Babalik tayo sa NBI Headquarters. Hindi ka safe dito. Shit talaga ang Jaime na ‘yon!”
Hinayaan niyang hilain siya ni Kaino pabalik sa NBI Hq. Pagkapasok nila sa HQ, agad nitong tinawagan si Ethan para sabihing bumalik sila sa HQ.
Ibinalik ni Kaino ang cell phone sa bulsa ng pantalon at hinarap niya.
“Ethan said he’s on his way here.” Anito at pinakatitigan siya ng matiim. “Alam mo bang pinagalala mo ako.”
She rolled her eyes. “Nandito na naman po tayo sa kasinungalingan mo. Kaino, kasasabi mo palang na wala akong kwentang magnanakaw.”
“Yeah, I know… pero… k-kasi…”
“Stop it, Kaino.” Aniya sa mahinang boses. “Okay lang naman kung iyon ang tingin mo sa akin. I don’t mind, totoo naman kasi ‘yon.” Tumawa siya ng mapakla. “Pero hindi ko naman ginusto ang buhay na ‘yon. Sa mura kung edad nasadlak na ako sa mga illegal na gawain kaya naman nang lumaki ako at nagkaisip, normal na sa akin ‘yon. Hindi ko sinasabing intindihin mo ako, pero sana huwag mo akong husgahan. Kasi wala ka namang alam sa pinagdaanan ko noon. Wala kang karapatan na husgahan ako, Kaino. Wala. Kasi hindi mo alam ang buhay ko noon bago ako nahuli ni Luther Sr.”
Ilang minuto itong nakatitig lang sa kanya kapagkuwan ay nagsalita. “Sorry. I didn’t mean to judge you.”
Tumango siya. “You’re not forgiven, but I’ll try to forget.”
Pagkalipas ng sampung minuto dumating si Ethan na may dala-dalang backpack at isang pambabaeng travelling bag. Nang mapansin nitong nakatingin siya sa kulay pink na travelling bag, inabot nito iyon sa kanya.
“Nandiyan lahat ang pinamili mong damit sa mall.” Ani ni Ethan. “Halika na sa Helipad. Aalis na ang Helicopter.”
Sumundo siya kay Ethan papunta sa roof top kung saan naroon ang Helicopter at naghihintay sa kanila. Iyon ang maghahatid sa kanila sa isla na pinaggalingan na niya noon. Nasa likuran nila si Kaino na walang imik lang na nakasunod sa kanila.
Nang makarating sila sa roof top, kinausap ni Ethan ang piloto at naiwan siya kay Kaino na tinutulungan siyang makaupo ng maayos sa loob ng helicopter. Isinuot nito ang seat belt at nilagyan ng ear plug ang tenga niya.
Habang nakalagay ang earplug sa tenga niya, he started talking.
“Ano?” Tanong niya rito.
Hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sa nakatakip sa tenga niya. Umiling-iling ito ng nakangiti at tinanggal ang ear plug sa tenga niya.
Kaino smiled at her. “Sabi ko mag-ingat ka at mami-miss kita.”
Pagkasabi niyon ay ibinalik nito ang ear plug sa tenga niya at bumaba ng helicopter at naiwan siyang nakaawang ang mga labi sa sinabi nito.
Ma-miss niya ako? Tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng munting kasayahan sa puso niya. Napailing nalang siya sa nararamdaman.
Pumasok na si Ethan sa loob ng helicopter at nagsuot ng seat belt at ear plug. Ilang minuto lang ang lumipas naramdaman ni Gilen at paunti-unting pagtaas ng sinasakyan. Napatingin siya sa baba at nakita niya si Kaino na nakatingala sa kanila at kumakaway.
Nag-iwas siya ng tingin ng may maramdamang kakaiba ang puso niya. Kahit anong deny pa niya sa sarili alam niyang mami-miss din niya ang binata. At sa patuloy na paglipag ng helicopter palayo kay Kaino, nararamdaman kaagad niya ang pangungulila rito.
Pesteng puso! Buwesit na pag-ibig! Ngayon pa talaga tumama kung kailan magulo ang buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro