Chapter 5
CHAPTER 5
NASA isang café si Gilen kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Marj at Clover. Ginigisa siya nang mga ito tungkol sa nangyari sa bahay niya. Ayaw man niyang magsalita, hindi niya kayang magsinungaling sa mga kaibigan niya. Matagal na siyang nagsisinungaling sa mga ito, siguro nga ito na ang tamang panahon para malaman nang mga ito ang nakaraan niya.
“Gilen, why didn’t you tell us? Alam mo naman na nasa likod mo kami diba?” Puno nang pag-aalala ang boses ni Marj habang nakatingin sa kanya na parang naiiyak.
She looked away. “I don’t want to tell you. I don’t want to remember my past. Gagawin ko ang lahat mabura lang iyon.”
“But you can’t erase it.” Wika ni Gilen. “Your past is your past, Gilen. Kahit anong gawin mo hinding-hindi na iyon magbabago. I can’t believe you didn’t tell us. Tanggap ka naman namin kahit ano ka pa noon. Marj and I love you.”
She smiled sadly. “Sorry, natakot kasi ako.”
Ginagap ni Marj ang kamay niya at pinisil iyon. “It’s okay. Ang importante ngayon, hindi ka masaktan nang mga taong iyon. We can help you—”
“No.” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. “Huwag mo akong tulungan. Kaya ko ito at saka ayokong madamay kayo sa gulo ng buhay ko.”
“Tama si Gilen, Marj.” Sang-ayon ni Clover. “Mas makabubuti na manahimik nalang tayo. Hindi gugustuhin ni Gilen kung pati tayo ay masaktan ng mga taong iyon. At kahit pa may pera tayo para mag-hire ng bodyguard, wala ring silbi iyon.”
Tumango siya. “Clover is right. Kaya naman hihingin ko sa inyo na huwag muna kayong maglalalapit sa akin hangga’t hindi pa natatapos ang problema kung ito.”
Marj exhaled loudly. “Fine. Pero saan ka titira? Hindi ka na puwedeng bumalik sa bahay mo. Baka bumalik ang mga taong iyon.”
“Trust me, hindi na ako nakaapak muli sa bahay ko. Ang lalaking iyon! Urgh! Ang sarap ipakain sa buwaya ni Kaino!” Nanggigigil na sabi niya.
Ngumisi si Clover. “Si Kaino? Aherm.”
Inirapan niya ito. “Hay, tigilan mo nga ako, Clover. Walang nangyayari sa amin ni Kaino. Wala!”
“Bakit? May sinabi ba akong mayroon?” Nanunundyo ang tingin na ipinukol nito sa kanya. “Aherm, Gilen.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kalmahin ang sarili. “Tigilan mo ako, Clover.”
Marj chuckled. “First time naming nakita ang reaksiyon mong ito, Gilen. Nakakatawa. Marunong ka palang magalit.”
Itinirik niya ang mga mata. “Tigilan niyo ako!”
Tumawa si Clover. “Okay, okay. Titigilan ka na namin basta ba sasagutin mo ang tanong ko.”
“Ano ‘yon?”
“Saan ka nakatira ngayon?” May pilyang ngiti sa mga labi ni Clover.
Naiinis na tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan na nagtatawanan. Napasimangot siya nang pumasok sa isip niya si Kaino. Ang lalaking ‘yon! Pagkatapos halughugin nang mga Pulis ang bahay niya, hindi siya tinantanan ni Kaino. Pinilit siya nitong pansamantalang manatali sa bahay nito. Ayaw niya pero hindi siya nito tinigilan.
Argh! Bakit ba ako pumayag na tumira sa bahay ni Kaino?
Akmang tatawag siya ng Taxi nang may tumigil na sasakyan sa harap niya. Agad siyang inataki ng kaba. Handa na siyang kumaripas nang takbo ng bumukas ang driver seat at iniluwa si Kaino. Tinitigan niya ang gamit nitong sasakyan. Alam niya ang lahat ng uri ng sasakyan at ang sasakyan na nasa harapan niya ngayon ay isang Aston Martin.
“Hop in.” Nakangiting wika ni Kaino.
“What happened to your car? Why the hell are you driving an Aston Martin?”
Kaino chuckled. “Hiniram ko lang ‘to sa pinsan ko.”
“Pinsan?” Kumunot ang nuo niya. “Ang yaman yata ng pinsan mo.”
“Yeah. Very rich.”
“Ah. Buti pinahiram ka.” Sumakay siya sa sasakyan at isinuot ang seat belt. “Teka lang, bakit pala narito ka? Aren’t you supposed to be in Bachelor’s bar, working?”
Pinausad nito ang sasakyan. “Nag-resign na ako.”
Nanlaki ang mga mata niya at hinarap ito na abala sa pagmamaneho. “What?! Bakit naman?”
Nagkibit-balikat ito. “I quit. Babantayan kita. I want to take care of you.”
Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. “What the hell is wrong with you? Paano ka na ngayon? You resigned for what? To take care of me? God, Kaino, anong kakainin mo ngayong wala ka ng trabaho?”
Walang pakialam na nagkibit-balikat ito ulit. “May ipon naman ako. Kaya yan. Hanggang hindi nahuhuli ang nanloob sa bahay mo, mananatili ako sa tabi mo.”
“No! You can’t do this! Bumalik ka na sa trabaho mo, Kaino. Please.” Pakiusap niya rito.
“Nope. I’m staying with you, Gilen. Maghahanap ako ng trabaho kapag nahuli na ang nanloob sa bahay mo. My decision is final.”
Walang nagawa si Gilen kung hindi ang sumuko at tumingin sa labas ng bintana nang sasakyan nito. Hindi talaga niya maintindihan ang takno ng isip ni Kaino. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya pero hindi naman nito kailangang mag-resign sa trabaho.
Wala silang imik ni Kaino hanggang sa makarating sa bahay nito. Napanganga siya ng makita ang bahay na nasa harapan niya.
“Anong ginagawa natin dito?” Naguguluhang tanong niya. “Hindi pa ba tayo uuwi sa bahay mo?”
“Ahm… I borrowed this house from my cousin. Gusto ko kasi maging komportable ka. Nasa-amerika naman ang pinsan ko at pumayag siya na gamitin natin ang bahay niya pansamantala.” Paliwanag nito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin ulit sa malaking bahay na mansiyon na kung maituturing.
“Gusto kong umuwi sa bahay ko.” Aniya.
“Gilen, napagusapan na natin ‘to. You’ll stay with me for a while. Baka balikan ka ng mga taong ‘yon. Ihinabilin ka sa akin ni Agent Ethan Decordova, remember?”
“Naaalala ko.” Bakit ba kasi may NBI pa na nakapasok sa bahay niya? Wala siyang nagawa ng ihabilin siya ni Agent Decordova kay Kaino. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. She knows what NBI can do. At saka may-record na siya sa NBI, kaya naman hindi siya umangal sa paghahabilin nito sa kanya kay Kaino.
Binalingan niya si Kaino. “Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sayo ako ihinabilin. Saka para namang espesyal ang kaso ko. It’s just a robbery and it happens all the time.”
Tiningnan siya ni Kaino na para bang nag-iisip kung magsasalita ba ito o hindi.
“Actually, kaibigan ko si Agent Decordova. Nang malaman niya na special ka sa akin, binigyan niya ako ng basbas na bantayan ka hanggang hindi pa nahuhuli ang mga taong iyon.”
Pagak siyang tumawa. “God, Kaino, can you hear yourself? Binasbasan ka ni Decordova na bantayan ako? Ano ka, pulis? Last time I check, you’re just a bouncer.”
Nag-iwas ito ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi. “Ito ba ‘yon? Dahil isa lang akong bouncer kaya hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko para sayo?”
She sighed irritably. “My god! Paano naman napasok sa usapan natin ang nararamdaman na iyan? Kaino, ang pinaguusapan natin ay ang trabaho mo at hindi iyang feelings mo.”
“Pareho rin iyon. They way you said it, parang ini-insulto mo ang trabaho ko. Yes, I’m just a bouncer but I’m proud of it!”
Naiinis na tinanggal niya ang seatbelt at lumabas sa sasakyan nito. Argh! Nakakainis! Boysit! Paano naman napasok sa usapan nila ang feelings nito para sa kanya? Ang utak talaga ng lalaking iyon! Ang sarap ilublub sa asido!
SUMANDAL sa likod ng upuan si Kaino habang pinagmamasdan si Gilen mula sa loob ng sasakyan niya. Halata ang iritasyon sa mukha nito dahil sa sinabi niya. Kinakain siya ng konsensiya niya. Sinabi lang naman niya iyon para mawala sa isip nito si Agent Decordova. Bakit ba niya kasi sinabi iyon? Nakakainis!
Lumabas siya ng kotse at nilapitan ang dalaga. “Hey, you okay?”
Tiningnan siya nito ng masama. “What do you think? Kaino, hindi ko maintindihan ang takbo niyang utak mo—”
“I’m sorry.” Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng tawad. Medyo marami-rami na rin ang kasalanan niya sa dalaga at hindi sapat ang isang sorry.
Huminga ito ng malalim na para bang kinakalma ang sarili. “Alam mo bang nakakairita ka?”
He forced a smile on his lips. “Yeah, I know.”
Humarap ito sa kanya na seryoso ang mukha. “Kaino, wala naman akong pakialam kung isa kang bouncer. I don’t care. Isa iyong marangal na trabaho at hanga ako sayo dahil kahit kaunti lang ang sahod mo, hindi mo naisipang gumawa ng mga illegal na bagay. Hindi kita minamaliit. At hindi naman dahil sa trabaho mo kaya hindi ko masuklian ang nararamdaman mo para sa akin. It’s just … complicated.”
Mataman niyang tinitigan si Gilen na nakatingin sa kanya. May kung anong estrangherong emosyon ang lumukob sa puso niya sa mga sinabi nito. Masasabi pa kaya nito ang mga iyon kung alam nito na isa siyang NBI Agent, nagmamay-ari ng isang Aston Martin at tagapagmana ng mansiyon na nasa harap nila ngayon?
He swallowed hard and looked at her in the eyes. Alam niyang puro kasinungalingan ang lalabas sa bibig niya at nako-konsensya siya pero kailangan niyang gawin ito para sa trabaho niya.
“I really like you, Gilen.” Aniya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang magsinungaling dito. Matagal na niyang niloloko ang dalaga, tama na. Pero hindi siya puwedeng tumigil.
Ilang segundo ang dumaan bago ito nagsalita. “Gusto rin kita, Kaino.”
Malalaki ang matang ibinalik niya ang tingin kay Gilen na nakatungo at namumula ang pisngi. What the hell?! Shit! No! Shit! She can’t like me for real!
“But I can’t like you.” Dagdag nito.
Dapat makahinga siya ng maluwang dahil hindi siya nito gusto pero bakit parang may kumudlit na sakit sa puso niya? Ano ba itong nararamdaman niya?
Parang may sariling isip ang mga paa niya na tinawid ang destansya nila ni Gilen. Sinapo niya ang pisngi nito at inaangat ang ulo nito para magtama ang mga mata nila ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahang inilapit niya ang mukha sa mukha nito, nang maglapat ang mga labi nila, tumigil ang paghinga siya at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.
I’m doing this for my job… Kombensi niya sa sarili. Then why do I like the feeling of her lips pressed against mine?
GUSTONG bugbugin ni Gilen ang sarili dahil sa kagagahang ginawa niya kani-kanina lang. Bakit niya hinayaang mangayri ang bagay na ‘yon? Why did she let him kissed her?! Shit!
Pagkatapos nang halikan na iyon, wala silang imik pareho ni Kaino. Ihinatid siya nito sa silid na gagamitin niya at iniwan siya nito roon na walang isang salita na lumabas sa bibig nito. Nagpapasalamat siya at iniwan siya nito. Kailangan niyang kastiguhin ang sarili sa kagagahang ginawa.
Hinawakan niya ang labi na parang nag-iinit.
“Ano ba naman ‘to?! Wala akong oras sa pesteng feelings na ‘to!” Naiinis na nahiga siya sa kama at tinakpan ang mata niya gamit ang kaliwa niyang braso. “I don’t have time for this! Urgh!”
Napaigtad siya ng may marinig na katok sa pintuan ng kuwarto niya. Huminga siya ng malalim at nagsalita. “Pasok. Bukas yan.”
Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Kaino. Agad siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng kama nang makita ang binata. Nang magtama ang mga mata nila, mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.
Shit! Am I blushing?
“Heto pala ‘yong backpack mo na naiwan mo sa bahay ko. Dinala ko nang pumayag ang pinsan ko na gamitin ang bahay niya. And … ahm… lunch is ready. Kakain ka ba kasama ako o pahahatiran nalang kita ng pagkain dito?” Tanong sa kanya ni Kaino.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Puwedeng pahatiran mo nalang ako?”
Nag-taas siya ng tingin at nahuli niyang nakatitig si Kaino sa labi niya. Nang mapansin nitong nakatingin siya rito agad itong tumalikod.
“Sige, papahatiran nalang kita ng pagkain.” Anito at iniwan siya sa silid niya.
Nakahinga siya ng maluwang ng umalis ito. Bakit ba parang mapupugto ang hininga niya habang nakatingin sa binata? Diyos ko naman! Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Tumayo siya at tinungo ang backpack na nasa sahig, naglalaman iyon ng ilang pares ng damit. Mabuti naman at dinala nito iyon. Kung hindi wala siyang ibang choice kung hindi ang bumalik sa bahay niya at kumuha ng mga bagong pares ng damit.
Kinuha niya ang bag at inilagay iyon sa ibabaw ng kama at kinuha ang cell phone na nasa bulsa ng pantalon niya. Sa nangyari sa bahay niya, kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Sigurado siyang nagpa-plano na si Jaime kung paano siya dadakipin at papaaminin kung nasaan ang white book. Ang it’s going to be painful.
Hinanap niya ang numero ni Luther at tinawagan ito. Isang ring palang, sumagot na ang binata.
“Hey, Gilen. Napatawag ka? May problema ba?”
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Alam kong sinabi ko na ayokong idamay ka sa problema ko kasi baka anong gawin sayo ni Jaime—”
“Which I don’t care. Spill. What do you need? Of course, you know that you have to pay me back.”
Ipinikit niya ang mga mata at kinombinsi ang sarili na tama ang ginagawa niya, na walang mangyayaring masama kay Luther. Na walang mangyayaring masama sa kanya.
“Luther, I need your help.”
“Yeah, I know. Halata naman sa boses mo. So what kind of help do you need from me?”
“I know it’s big and I’m not sure if you’re going to—”
“Just say it, Gilen.” Luther cut her off. “Anong kailangan mo?”
“I need you to protect me.”
“Sure.” Mabilis na sagot ni Luther. “Kailan ka pupunta sa bahay?”
“Ahm… no, hindi ako titira riyan sa bahay mo. Hindi mo naman ako kailangang bantayan twenty-four/seven. I’ll call you when I need your help.”
“Whatever you say.”
“Thanks. So what kind of payment do you want for protecting me?” Tanong niya. “Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino.”
Ilang segundo itong nawalan ng imik. “Glad you ask. I want you to—”
“No stealing cars.” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. Sa boses palang nito alam na niya ang kabayarang gusto nito.
“Oh, come on, it’s just one car, owned by Senator Lowe Herrera. It’s no biggie; you can steal it with your eyes close.”
Steal a car for her protection? Gagawin ba niya? Mensahe niya ang sentido habang nag-iisip ng magandang gawin. Sa nangyari sa bahay niya, wala siyang maasahan sa NBI. Hindi niya maramdaman na pino-protektahan siya ng mga ito tulad ng sinabi ng lalaking iyon. Kung hindi siya po-protektahan ng mga ito, puwes siya ang po-protekta sa sarili niya sa paraang alam niya.
“Deal. One car for my protection. Text me the address and where to deliver it.”
Luther chuckled. “Sigurado ka bang marunong ka pang magnakaw ng sasakyan?”
She rolled her eyes. “Luther, you’re talking to Gilen Ramirez, professional grand theft auto. Pero ngayon ko lang ito gagawin, just one car and you’ll protect me.”
“Yes, just one car. See yah tonight with my new and shining Ferrari.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro