Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

CHAPTER 4

GILEN was sipping her coffee, waiting for him to arrive when someone sits on the vacant chair in front of her. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na naka-upo ngayon sa harapan niya.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya.

Kaino shrugged. “Nakita kitang naka-upo kaya naman nilapitan kita. Balak ko rin mag-kape rito, mind if I join you?”

“No, I don’t mind. Medyo boring din mag-kape nang mag-isa.” Aniya na nakangiti pa rin.

Kumunot ang nuo nito. “Mukhang masaya ka yata ngayon.”

Tumango siya. “Yeah, masaya ako.”

“Bakit?”

“Kasi magkikita kami ni Luther ngayon.” She chirped happily.

“And who the hell is Luther?”

Nag-aalangan siyang sagutin ito dahil parang sumama ang mukha nito. “Ahm, someone I know.”

“Someone you know? Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya sasaktan? Na hindi ka niya papatayin? Na hindi ka niya—”

“Woah! Pause!” Gilen chuckled lightly. “Kaino, bakit mo naman naisip na papatayin niya ako? Luther is a friend of mine. Actually, he’s more of my knight in shining armor. He saves me all the time.”

Nawala ang kislap ng mga mata nito. “Really? I’m happy for you.”

“Happy for me?” Hindi naniniwalang tiningnan niya ito. “Kaino, mukha kang papatay ng tao, ‘yon ba ang masaya para sa akin?”

Agad na nawalan nang emosyon ang mga mata nito. “Masaya ako para sayo.”

She exhaled. “And now you’re eyes had no emotion, I’m pretty sure that you’re not happy for me.”

He looked at her; irritation is visible on his eyes. “Kailangan ba talagang ibasi mo ang nararamdaman ko sa kislap ng mga mata ko?”

“Yeah. Mula pa nuong bata ako, ganoon na ako. My mom thought me to always read eyes expressions, doon mo raw kasi malalaman ang tunay na saluobin ng isang tao.”

Ilang minuto itong hindi umimik at nakatitig lang sa kanya bago nagsalita. “So, alam mo kung anong nararamdaman ko kapag tiningnan kita ng ganito?”

Tumitig ito sa kanya na may kakaibang kislap ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, hindi niya mabasa iyon. Parang may sakit, pagtatampo at pagaakusa ang tingin nito sa kanya.

“Ano ‘yon?”

“It’s called jealousy.” Anito at tumayo pagkatapos ay naglakad palabas ng coffee shop.

Nakatanga lang siya habang nakatingin sa likod nito na papalayo. Jealousy? Nagseselos siya? Kanino naman kaya at bakit? Napailing-iling siya. Napaka-weirdo talaga ng lalaking iyon kahit kailan.

“I’m sorry, I’m late.” Anang boses sa likuran niya.

Napanatag ang kalooban niya ng marinig ang boses na iyon. “It’s okay; you don’t have to apologize, Luther.”

Umupo ang lalaki sa inukupang upuan ni Kaino. “Kumusta ka na?”

She gave him a small sad smile. “Heto, naka-move on na pero ayaw talaga nila akong patahimikin.”

“Gilen, I’m always here, remember I promise you that?”

“Alam ko pero sawang-sawa na ako.”

Ipinalibot nito ang tingin at inilagay ang siko sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay inilapit ang mukha nito sa kanya.

“Ang alam ko, huhulihin ka nila at pipilitin kang ibigay sa kanila ang white book. Nuong huli kaming magkausap ni Jaime, binalaan niya ako. Kapag tulungan daw kita, alam ko na raw ang kalalagyan ko.”

Nanlaki ang mga mata niya at nag-alala siya para sa kaibigan. “Then you shouldn’t be here, Luther. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Jaime.”

“At alam mo rin na kaya kong protektahan ang sarili ko.”

“Alam ko, pero paano ang mga tauhan mo?”

He shrugged. “I know they can protect themselves, Gilen. Huwag kami ang alalahanin mo, okay? My home is open for you.”

Marahan siyang umiling. “No. Hindi kita idadamay sa problema ko. Alam mo naman siguro na nasa likod ko rin ang NBI at alam kong pinababantayan na nila ako ngayon. Tinawagan ko na siya, sabi niya nagpadala na raw siya ng tao na magbabantay sa akin. Meaning, alam nila ang nangyari bago pa ako tumawag.”

“Well, what can I say? NBI is NBI.” He leaned on his seat. “Ano na ang gagawin mo ngayon?”

She shrugged. “Hindi ko alam. Maybe run as fast as I can.”

“You can always come back to us.”

Mapakla siyang tumawa. “Luther, matagal ko ng iniwan ang buhay na yon. Nagbago na ako.”

“Baka lang naman magbago ang isip mo.”

She shook her head. “Nope.” Inubos niya ang kape at isinukbit ang shoulder bag na dala. “I have to go. Nakipagkita ako sayo ngayon para sabihing huwag kang gumawa ng kahit na ano na makakasira sayo dahil sa akin. Hindi ko magugustuhan ‘yon. And I’m pretty sure na kahit tulungan mo ako, walang bisa iyon sa NBI. We both know that NBI knows that you’re selling illegal things. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi ka pa nila hinuhuli. Oh, scratch that. Alam kop ala kung bakit hindi ka pa nila hinuhuli.”

Luther smirked. “That’s what you called, connections, Gilen.”

Umiling-iling siya at tumayo. “Whatever, Luther. Sayonara.”

Luther chuckled. “Sayonara and please, do tell your boyfriend that I’m not a foe so he can stop looking at us through binoculars.”

“Boyfriend?”

“Yeah, ‘yong lalaki na kausap mo kani-kanina lang bago ako lumapit sayo.”

Kumunot ang nuo niya at tumingin sa labas ng coffee shop. Hinanap ng mata niya si Kaino. “Ano ba ang sinasabi mo?”

Tumayo na rin si Luther at humarap sa kanya. “May mga tauhan ako na nakapalibot sa coffee shop, Gilen.” Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon. “’Till we see each other again, Gilen, the most beautiful thief.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ni Luther. Matagal na rin mula nang marinig niya ang salitang iyon. Nasanay na siya sa buhay na mayroon siya ngayon, bakit kailangan pa nitong ipaalala ang buhay niya noon?

 Umalis si Luther at naiwan siyang nakatayo at nakatulala. Hindi niya alam kung ilang Segundo o minuto siyang nakatayo basta namalayan nalang niya na may humawak sa kamay niya at iginigiya siya palabas ng coffee shop. Nang tingnan niya kung sino iyon, nagulat siya ng makita si Kaino.

“Anong ginagawa mo rito?” Kunot ang nuong tanong niya.

“Saving you from embarrassment. Alam mo bang halos magli-limang minuto ka nang nakatayo at lahat ng tao ay nakatingin sayo? Saan ba nagsususuot iyang isip mo?”

Nag-iwas siya ng tingin. “May iniisip lang ako.”

“Ano ‘yon?”

“Nothing.”

“Sometimes, the word nothing has a lot of meaning than the other words in dictionary.”

“My nothing has no meaning.” Ipiniksi niya ang kamay na hawak nito at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan niya.

“The way you act now, parang hindi ikaw ang Gilen na baliw na nakasalo ko ng agahan nuong isang araw.”

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. “Hindi mo ako kilala, Kaino. Ano naman kung magbago ako, as long as wala akong naapektuhan na tao, ayos lang ‘yon.”

“Ano naman ang tingin mo sakin? Hayop?” Puno ng iritasyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Naaapektuhan mo ako, Gilen. Nag-aalala ako para sayo.”

“Then stop worrying about me. Wala ka namang dapat na ipagalala.”

“I care for you, Gilen—”

“Shut up, Kaino! Just shut the hell up! Wala kang alam sa akin ni katiting, hangga’t maaga pa, lumayo ka na sa akin. Kasi hindi ko kayang suklian iyang nararamdaman mo para sa akin.”

“Hindi ako lalayo sayo.” Naglakad ito palapit sa kanya. “Wala akong pakialam kung hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Gilen, I care for you. Gusto kita, kaya please, hayaan mo akong mag-alala para sayo.”

Huminga siya ng malalim at ibinuka ang palad. “May chocolate ka ba riyan? Nagugutom ako e.”

Kaino looked at her in disbelief. “Gutom ka na naman? Kakakain mo lang diba?”

She nodded while pouting like a kid. “Pero nagugutom pa rin ako. Please? Pahingi naman ng chocolate oh? Mayroon ka bang baon diyan?”

“Nope, but I know a very delicious restaurant that serves brunch.”

She grinned at Kaino. “Talaga? Libre mo ako?”

Napailing-iling si Kaino at inakbayan siya. “Oo, libre kita.”

Pinalis niya ang braso na naka akbay sa balikat niya. “Hindi porke’t ililibre mo ako, puwede mo na akong akbayan.”

Tumawa ang binata sa sinabi niya. “Worth the try.”

Siniko niya ito sa tagiliran. “Worth the try ka riyan. Baliw.”

“Look who’s talking. Mas baliw ka sa akin.”

“Hindi kaya.” She stuck out her tongue at him.

“Isip bata.”

Inirapan niya ito. “Gusto mo ang isip bata na ito kaya magtiis ka.”

Inakbayan siyang muli ni Kaino, sa pagkakataon iyon, hindi niya pinalis ang braso nito sa balikat niya. She felt safe in his arms.

“Yeah, hindi ko nga alam kung bakit gusto kita e. Baliw na yata ako para magustuhan ang isang isip bata at matakaw na si Gilen.”

She laughed and stayed silent. Sa unang pagkakataon, napasaya siya ng isang tao na hindi niya kapamilya o kaibigan. Hindi niya akalain na ang lalaking ito na hindi naman niya gaanong kilala ay mapapataba ang puso niya.

PAGKATAPOS nilang kumain ni Kaino, pinilit niya itong bumalik sa Bachelor’s Bar nang malaman niyang balak nitong umabsent dahil sa kanya. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho nito ng dahil sa kanya. Salamat naman at pumayag ito pero kailangang ihatid siya nito sa apartment na inuukupa niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag.

“We’re here.” Anunsiyo ni Kaino nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng apartment niya.

She unbuckled her seatbelt and opens the door. “Salamat sa paghatid.”

“Welcome.”

Lumabas na siya sa sasakyan nito at pumasok sa bahay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang magulong apartment. Para iyong dinaanan ng tsunami, lahat ng gamit niya nagkalat sa sahig.

Shit! Salamat sa panginoon at hindi niya rito itinago ang white book. Hindi na niya kailangan imbestigahan para malaman ang pakay nang mga taong nanggulo sa apartment niya.

“We have to call the police.” Anang boses ni Kaino sa likod niya.

“No!” Hinarap niya ito. “No police.”

“What? Why? This is obviously a robbery. Paano kung may nanakaw sa mga gamit mo?”

“Walang ninakaw sa mga gamit ko.” Matigas ang boses na sagot niya.

Mataman siyang tinitigan ni Kaino. “Paano ka naman nakakasiguro?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Basta. Don’t call the Police.”

Inilagay niya ang cellphone malapit sa tenga. “No. I’m calling the Police and that’s final.” Anito at naglakad papasok sa apartment niya.

Nanghihinang umupo siya sa sofa na gutay-gutay na. Sa tingin ba talaga nila itatago ko rito ang white book? Doon sila nagkakamali. Hinding-hindi niya hahayaan na mapasakamay iyon ni Jaime. Mamamatay muna siya bago mangyari iyon.

“Parating na ang mga Police.” Wika ni Kaino nang tumabi sa kanya ng upo.

“Diba sinabi ko nang huwag mo silang tawagan. Ayokong maging big deal ito. It’s just a robbery attempt.”

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. “Just a robbery attempt? Gilen, parang dinaanan ng malakas na bagyo ang bahay mo. Hindi ka ba natatakot na baka bumalik ang mag magnanakaw na yon at narito ka sa bahay mo?”

Nagsitaasan ang balahibo niya sa sinabi ni Kaino. Siyempre, natatakot siya, pero wala namang magagawa ang takot niya. Kailangan niyang maging matapang para sa sarili niya. Walang ibang magtatangol sa sarili niya kung hindi siya.

“Tawagin mo nalang ako kapag dumating na ang mga pulis.” Aniya at naglakad patungo sa kusina.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang makita na pati ang kusina niya, magulo rin.

Someone hugged her from behind. “Madadakip din ang gumawa nito sa bahay mo.” Anang boses ni Kaino.

Hindi na siya umaasa. Kung alam lang nito kung sino ang gumawa nito. Binaklas niya ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya.

“Sana nga. Ang daming nasira. Pababayaran ko ito sa kanila kapag nadakip sila.” She said, trying to crack a joke but failed.

“Gilen—”

Naputol ang iba pang sasabihin ni Kaino nang marinig ang tunog nang serina ng Pulis. Mabilis na iniwan siya ni Kaino sa kusina at siya naman naiwan na nag-iisip kung ano ang isasagot niya sa mga walang kwentang tanong ng mga Pulis.

“MA’AM, nasaan ka nang mangyari ang panloloob sa bahay niyo?” Tanong nang pulis kay Gilen.

She calmed herself. “I was outside with my friend. We were eating in a restaurant.”

“Saang restaurant po?”

Naiirita na tiningnan niya ang Pulis. “Ano ba talaga? Sino ba ang iniimbistigahan mo? Ako o yong magnanakaw? Kanina ka pa tanong ng tanong nang mga walang kwentang bagay. Why don’t you just search my apartment and look for something!”

Nawalan ng imik ang pulis. Iniwan niya ito at tinungo ang kuwarto niya para tingnan kung ninakaw ang pera niya sa vault. Ngayon lang niya naalala na may pera pala siyang iniwan sa bahay.

SINUNDAN nang tingin ni Kaino si Gilen na halata ang iritasyon sa mukha. Napailing-iling siya sa inasal nito sa harap ng pulis. Wala itong respito sa mga alagad ng batas.

  “Sa tingin mo hinahanap nila ang white book?” Tanong ni Ethan sa kanya, ang partner niya sa pag-protekta raw kay Gilen.

Nagkibit-balikat siya. “Maybe.”

Nuong isang araw, pinatawag sila ng superior nila para ipaalam na nagbago ang misyon nila ni Ethan. Kung noon ay protektahan si Gilen at makalapit dito ang misyon nila, ngayon naman ay protektahan ito at alamin kung nasaan ang white book na nasa pangangalaga raw ni Gilen. Ang librong iyon daw ang magdidiin kay Jaime para makulong na ito nang tuluyan.

“Sa tingin ko iyon ang hinahanap nila.” Wika ni Ethan. “Kumusta na pala ang paglapit mo sa kanya, may nalaman ka na ba tungkol sa white book?”

“Ethan, hindi pa kami ganoon ka-close para i-kwento niya sa akin ang bagay na iyon. Wala pa nga yata kami sa MU stage. She’s so hard to crack. Ang hirap niyang pasukin.”

Ethan rolled his eyes at him. “Then use your charm and good looks.”

Pinandilatan niya ito. “Easy for you to say, hindi naman kasi ikaw ang nakikipaglaro sa naglalagablab na apoy.”

Matagal siyang tinitigan ni Ethan. “Don’t tell me you’re starting to like her?” Nanlaki ang mga mata nito. “Don’t tell me you’re courting her for real?”

“Shut up, Ethan. Alam mo kung bakit nakikipaglapit ako sa kanya.”

“Yeah, I know. Sana nga pareho tayo nang iniisip, Kaino. Kasi ang alam ko, nakikipaglapit ka sa kanya para malaman kung nasaan ang librong ‘yon. Sana iyon din ang nariyan sa isip mo.”

“Alam ko kung ano ang trabaho ko, Ethan. I can separate my personal life from my job as an NBI Agent.”

“Good. kasi kailangan natin ang librong ‘yon. If you have to woo here to get that book, do it. Romance her. Flirt with her. Whatever. Get that book. Ako ang magpo-protekta sa kanya, ikaw naman ang papasok sa mundo niya.”

Tumango siya at napatingin sa pinasukang pinto ni Gilen. Alam niyang naglalaro siya sa apoy, sana naman ay hindi siya mapaso. Kailangan na niyang malaman kung nasaan ang librong iyon para matapos na ito.

I don’t want to play with fire. I don’t want to get burn. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro