Chapter 3
CHAPTER 3
PAGKALABAS ni Gilen sa Bar, agad niyang naramdaman na may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang lumingon at nagulat ng makita si Kaino sa likuran niya.
“Anong … Bakit mo— Sinundan mo ba ako?” Kunot-nuong tanong niya rito.
“Yeah. Sinundan kita.” Walang pag aalinlangang pag-amin nito.
Tumaas ang kilay niya. “Wow. You’re so honest.” Puno ng sarkastikong ani niya.
“Stop the sarcasm, Gilen. I’m being honest here.”
Umingos siya. “Alam mo, ikaw lang ang bouncer na nakilala kong englisero.”
“Hindi naman porke’t bouncer lang ako e bobo na ako. May pinag-aralan din naman ako.”
She rolled her eyes. “Oo na. Teka nga muna, bakit mo ba ako sinusundan?”
“Diba sabi ko, I want to know you more? Kaya naman sinundan kita.” Anito na hindi makatingin sa kanya.
“Yeah right.” Aniya na hindi naniniwala sa sinabi nito. “Puwede ba Kaino, kakakilala mo lang sakin. Tigilan mo nga ako.”
“Ano naman ngayon kung kakakilala ko lang sayo?”
Itinirik niya ang mga mata at nagumpisang naglakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman niyang sinundan siya nito.
“Kaino, stop following me.” Aniya sa matigas na boses.
“I want to know you more, Gilen.” Anito nang makahabol sa paglalakad niya.
Hindi siya tumigil sa paglalakad at sinagot si Kaino. “Look, I don’t want to know you more. So please, leave me alone.”
“I don’t want to leave you alone.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. “Leave me alone, Kaino.”
Ilang segundong matiim siya nitong tinitigan kapagkuwan ay nagsalita. “Where’s the happy-go-lucky Gilen? Yong babaeng palaging nakangiti na nakikita ko sa Bar gabi-gabi. Anong ginawa mo sa kanya? Is that the real you or the fake you. Gabi-gabi kitang nakikita, kaya naman naninibago ako sa kaseryusuhan mo ngayon.”
Huminga siya ng malalim. “Kaino, hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na husgahan kong totoo ba o peke ang pagkatao ko.”
“That’s the point. Kaya gusto kitang makilala—”
“Shut it! I don’t want to talk to you.” Aniya at mabilis na tumakbo palayo kay Kaino.
Gilen turns around when she heard footsteps behind her. When she saw Kaino, she doubled her pace. Akala niya ay nakatakas na siya rito ng biglang may humawak sa braso niya at pinigilan siyang makatakbo palayo.
Masama ang ipinukol niyang tingin kay Kaino. “Ano ba! Bitawan mo nga ako!”
“Shh… huwag kang maingay.” Anito at dahan-dahan siyang iginiya patungo sa madilim na parte ng kalsada. “Someone was following us.”
Inatake siya ng kaba. No way! Sila na naman? Nag-angat siya ng tingin kay Kaino. Abala ang binata sa pagtingin sa paligid.
“Sino ang sumusunod sa atin? Ikaw lang naman ang narinig ko kanina.” She whispered.
Bumaling ito sa kanya. Nagkasalubong ang titig nila. “I don’t know. I saw some shadows and then heard some footsteps. Hindi ko alam kung sino sila. Kilala mo ba sila?”
Umiling siya. “Hindi ko sila kilala.” She lied. Hindi niya ito hahayaang madamay sa gulo ng buhay niya.
“Oh…are you sure?” Paninigurado nito. “Sigurado kang hindi mo sila kilala?”
Mabilis siyang umiling. “Sigurado ako.”
“Okay.” Ipinalibot nitong muli ang paningin. “I think we should go back to the Bar.”
“Nababaliw ka ba?” Tumingin siya sa paligid. “Kung may sumusunod nga sa akin, sigurado akong madali nila tayong mahuhuli kung babali ako.”
“I need my car. Ihahatid kita kung saan ka man nakatira. You’re not safe here—”
“Wait…” She gave him a doubtful look. “May sasakyan ka?”
“Oo. Bakit? Anong masama roon?”
“You can afford to buy a car?”
“Yeah. It’s a car loan. Regular employee ako sa Bachelor’s Bar. At saka, second hand ‘yon.” Anito habang nakatingin sa mga mata niya.
Bakas sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. Bakit naman ito magsisinungaling sa kanya? Walang dahilan para gawin nito iyon.
Gilen reached for his hands and gripped it. “Kaino, iwan mo na ako rito. Bumalik ka sa Bar at kalimutan mo ang lahat ng ito, okay?”
“What? Are you freaking kidding me?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “Hindi ko ‘yon kayang gawin. Hindi kita basta-basta iiwan—”
“Shut it! Just do what I say. Umalis ka na.” Binitawan niya ang binata at naglakad pabalik sa gilid ng kalsada kung saan maliwanag at nakikita siya.
Kung may sumusunod sa kanya, kailangan niyang ilayo iyon kay Kaino. Baka ano pa ang gawin ng mga ito sa binata kapag nakita itong kasama niya. Hindi niya hahayaang may masaktan dahil sa kanya. Mabilis siyang naglakad. Nang may mahagip ang mata niya na isang anino sa likuran niya, mabilis siyang umikot at sinipa ang nasa likuran. Nang ma-realize niya na si Kaino ang nasa likuran niya, she was horrified. Nagpapasalamat siya at mabilis na nasalag ni Kaino ang sipa niya.
“Oh my god! I’m so sorry.” Hingi niya ng tawad at minasahe ang braso nito na ipinansalag nito sa sipa niya.
“Okay lang.” Binawi nito ang kamay na minasahe niya. “Kailangan mo ng umuwi, Gilen. Hindi ka safe rito. Halika na, ihahatid na kita.”
She shook her head. “That’s sweet and everything but I’m okay. I don’t need a ride home, but thanks anyway.” Humakbang siya palayo rito at pinara ang taxi na papalapit sa kanila. “Bye, Kaino. See you tomorrow.” Aniya bago sumakay sa taxi.
NANGHIHINANG umupo si Gilen sa sofa at binasa muli ang sulat na nakita niya na nakadikit sa pintuan ng apartment niya. Nang makita niya iyon, gusto niyang umiyak. Pero hindi niya hinayaan ang sarili na umiyak. Hindi niya pagaaksayahan ng luha ang mga walang kwentang tao.
Gilen,
Kailangan ko ang white note book na alam kong nasayo dahil ipinatago ‘yon ng walang kwenta mong ina. Ibigay mo ‘yon sa akin kung hindi papatayin kita. Binibigyan kita ng isang linggo para ibigay sa akin ang gusto ko. Kapag hindi mo ibinigay sa loob ng isang linggo, may ibuburol ang mga kaibigan mo. Magsasama kayo ng walang kwenta mong ina sa impyernong pinaglagyan ko sa kanya.
Nagmamahal, Jaime.
PS: Kapag nalaman ko na himingi ka ng tulong sa Pulis, ang mga mahal mong kaibigan ang papatayin ko. Enjoy :)
Galit na pinira-piraso niya ang sulat ni Jaime. Alam na ng demonyong ‘yon kung saan siya nakatira. Araw nalang ang bibilangin niya, malalaman na nito ang cell phone number niya.
Gilen dialed his number again. After two rings, he picked up.
“Gilen, bakit ka tumawag gamit ang cell phone mo? May problema ba?” Tanung ng nasa kabilang linya.
“Please. Protect my friends.” Pakiusap niya rito. “Ibibigay ko lahat ng kailangan niyo sa akin. Impormasyon, lokasyon o kahit na ano, basta protektahan mo lang ang mga kaibigan ko. Please, protect them. Ayokong madamay sila sa gulo ng buhay ko.”
Natahimik ang kausap ng ilang segundo. “Ibibigay mo sa amin ang white book?”
“Hindi. Pero sasagutin ko lahat ng tanong niyo. Ibang usapan na ang white book. Pag-aari iyon ng ina ko at hindi ko iyon ipamimigay sa kahit na sino.” Aniya sa matigas na boses. “Protect my friend and I will spill some beans. Do we have deal?”
“Deal. Tatawagan nalang kita kapag kailangan ko na ang impormasyon mo.” Anito at pinatay ang tawag.
Mariin niyang ipinikit ang mata at inilagay ang braso sa nuo. My world is starting to turn upside down. Sawang-sawa na siya sa ganitong buhay. She wanted to be Gilen, the glutton friend of Clover and Marj. She missed her friends, but she knew better than to bond with her friends and endanger them in the process. Hindi niya kakayanin kung isa sa mga kaibigan niya ay masaktan.
NASA kalagitnaan ng pagluluto ng agahan si Gilen ng tumunog ang doorbell ng apartment niya. Sino kaya ‘yon? Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana na malapit sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas ng apartment niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Kaino.
Anong ginagawa niya rito? Kunot ang nuong tanong niya sa sarili.
Mabilis na binuksan niya ang pintuan at hinarap ang binata. “Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Anong kailangan mo sa akin?”
“Relax. Anong ginagawa ko rito? Well, nag-alala kasi ako sayo kagabi kaya naman nandito ako para alamin ang kalagayan mo. Paano ko nalaman na dito ka nakatira? I followed you home last night. Nag-alala kasi ako.”
“You followed me home? Paano? Lumipad ka?” Sarkastikong tanong niya. Alam niyang nasa Bar ang sasakyan nito.
“No. Pagka-alis ng taxi na sinasakyan mo, tamang-tama naman na may paparating na isa pang taxi.”
Napailing-iling siya. “Anong kailangan mo sa akin?”
“Nag-alala ako sayo kagabi.”
“Oh e, ano naman ngayon? Gusto mo mag-party tayo?” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “Please, Kaino, tigilan mo ako. You, worrying about me is cute and sweet but it had to stop. You have to stop this. Hindi ikaw ang tipo kung lalaki, Kaino.”
“Paano mo naman nasabi na hindi ako ang tipo mong lalaki? Hindi mo pa naman ako kilala.”
“And I don’t want to know you.” Isinara niya ang pinto. “Go home, Kaino. Wala kang mapapala sa akin.”
Akamang maglalakad na siya pabalik sa kusina ng marinig niya ang nagpa-panic na boses ni Kaino.
“God, Gilen! You have to open the door! ‘Yong mga tao na humahabol sayo, nandito sa labas! You have to let me in!”
Nagmamadaling binuksan niya ang pinto at hinatak ang damit ng binata papasok sa bahay niya. Kapagkuwan ay ini-lock niya ang pintuan at sumilip sa labas ng bintana. Maliban sa sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa bahay niya, wala siyang ibang tao na nakita. Naningkit sa galit ang mata niya nang ma-realize na nagsinungaling si Kaino para papasukin niya ito. Siya naman itong si tanga at nagpa-uto.
Nanlilisik ang mga mata na hinarap niya si Kaino. “How dare you to trick me?!”
Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Sorry, huwag ka ng magalit.”
“Huwag akong magalit?! Gago ka pala e—”
Bumaba ang isang kamay nito at may hinugot na chocolate bar mula sa bulsa ng pantalon nito. “Want chocolate?”
Agad na kumalma ang nagagalit niyang kalooban ng makita ang chocolate Bar. Mabilis niyang kinuha iyon sa binata at binalatan.
“Chocolate lang pala ang katapat mo.” Anito sa mahinang boses pero narinig niya.
“Pasalamat ka at feel na feel ko itong binigay mong chocolate.” Naglakad siya pabalik sa kusina. “Come on. Nandito ka na rin lang, might as well eat breakfast with me.”
Ngumisi si Kaino. “Talaga? Sabay tayo magbi-breakfast?”
Inirapan niya ito. “May bayad ‘yon.”
May hinugot na naman itong isang malaki at malapad na chocolate Bar mula sa bulsa nito at inabot sa kanya. “Sapat na ba itong kabayaran o kailangan pa kitang ipagluto?”
Tinanggap niya ang chocolate Bar. “Magluto ka na. Para buong-buo na ang bayad mo.”
“May balak ka yatang alipinin ako e.”
Umupo siya sa ibabaw ng island counter. “Well, nangangailangan ako ng isang alipin gigilid.”
Walang buhay ang mga mata niton nang titigan siya. “Wala akong balak maghanap ng among matakaw.”
Sinimangutan niya ito. “Heh! Magluto ka ng nga lang diyan.”
“Okay.” Anito at tahimik na ipinagpatuloy ang niluluto niyang agahan bago ito dumating.
MAGKAHARAP sila ni Kaino sa maliit na mesa at pinagsasaluhan ang agahan na niluto nito. Tiningnan niya ang binata na maganang kumakain.
“Welcome.” Aniya.
Nag-angat ito ng tingin. “Huh?”
“You’re welcome. Pagkain ko yang magana mong kinakain.”
Tumaas ang isa nitong kilay. “You welcome rin.”
“Walang akong pagkain mo na kinain ko.”
Tumingin ito sa chocolate Bar na hawak-hawa niya. “Feeling mo naman pag-aari mo yang chocolate.”
Inirapan niya ito at itinago ang chocolate sa likuran. “Bayad mo sakin ‘to.”
“Oo na. Hindi ka na welcome.” Anito at ibinalik ang buong atensiyon sa pagkain.
Napangiti siya. Ito ang ikalawang beses na hinayaan siya nitong manalo. Hindi naman pala ito insensitive tulad ng unang impresyon niya rito. Nuong nakabunggoan niya ito sa rest room, para itong ewan. Parang hindi iyon ang Kaino ngayon na nag-aalala para sa kanya.
“Nagda-drugs ka ba?”
Bigla itong umubo na parang nabibilaukan. Mabilis niyang inabutan ito ng isang basong tubig. Tinanggap nito iyon at nagmamadaling ininom ang tubig.
He glared at her. “Ano bang klaseng tanong ‘yon? God! Ako? Nagda-drugs?” Tumawa ito ng walang buhay. “I hate drugs.”
She shrugged her shoulder. “Nagtatanong lang naman ako e.”
Binitawan nito ang kutasara at tinidor at matiim siyang tinitigan. “Bakit mo ba itinanung ‘yon? Mukha ba akong nagda-drugs?”
Umiling siya. Alam niya kung nagda-drugs ang isang tao o hindi. “Hindi ko alam kung bakit ko tinanong iyon sayo. Ang weird mo kasi. Nuong una nagkabongguan tayo, ang taray mo kaya. Tapos ngayon naman ‘I want to know you more’ and drama mo. See? Masakit sa atay ang ugali mo. Napakahirap intindihin.”
“And then you assumed na nagda-drugs ako?”
She nodded.
“Hindi ako nagda-drugs.” He picked up the spoon and fork again. “Masakita yang atay mo kasi palagi kang umiinom. Hindi na ako magtaka mamatay iyang atay mo.”
Sinapo niya ang tiyan. “Atay, naghihingalo ka na ba riyan?” Tanong niya sa atay niya.
Kaino chuckled. “Baliw ka talagang babae ka. Para namang sasagutin ka niyang atay mo.”
“Malay mo sumagot.”
Umiling-iling ito. “Ewan ko sayo, Gilen. Baliw ka na talaga.”
Ngumisi siya. “Pero gusto mong makilala ng mabuti itong baliw na ito.”
Natigilan ito at tumingin sa kanya. “Yes. Gusto kong makilala ang baliw na kaharap ko ngayon.”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Kaino—”
“Kumain na tayo.” Anito na nakangiti at ibinalik ang atensyon sa pagkain.
Siya naman ay nakatitig lang dito habang gulong-gulo ang utak niya. Bigla itong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata niya. She felt her heart skips a beat. She quickly looked away. Ano ba naman ‘to? May gusto na ngang pumatay sa akin, mukhang may sakit din ako sa puso. Ako na ang malas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro