Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

CHAPTER 2

HUMIHINGAL si Gilen nang makarating sa main road. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa inuukupa niyang apartment. Tumingin siya sa labas ng bintana ng taxi. Hindi ito dapat magtuloy-tuloy. Nasisira ang tahimik kong buhay dahil na naman sa taong ‘yon. Kailan ba niya ako tatantanan? Bakit ngayon pa kung kailan masaya na ako at maayos na ang buhay ko?

Kapag nagpatuloy pa ang paghabol ni Jaime sa kanya, siguradong mapapahamak ang mga kaibigan niya. Alam niya ang likaw ng bituka ni Jaime. Natatakot siya para sa mga kaibigan niya na tinanggap at minahal siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Mula nang makaalis siya sa poder ni Jaime, naging maganda na ang buhay niya. Nakilala niya ang dalawa niyang matalik na kaibigan, si Clover at Marj, walang alam ang dalawa sa nakaraan niya. Ayaw niyang malaman nang mga ito kung ano siya noon. Nagbago na siya at iyon ang mahalaga. Naiinggit siya sa mga kaibigan niya dahil may pamilya ang mga ito na matatakbuhan. May pamilya nga siya pero ito pa ang gustong sumira sa buhay niya.

Nang tumigil ang taxi sa harap ng apartment niya, binayaran niya ang driver at lumabas ng taxi. Nagmamadali siyang pumasok sa apartment niya at tinungo ang kinaroroonan ng telepono.

Gilen dialed his number. Itong taong ito lang ang makakatulong sa kanya sa problema niya. After two rings, he picked up.

“Yes, who’s this?” Tanong ng nasa kabilang linya.

“This is Gilen.”

Ilang minuto itong walang imik. “For you to call me after five years of being silent, I assumed you have a problem.”

She bit her lower lip. “Yes. Jaime Ramirez is going after me. Akala ko ba pagkatapos nang ginawa ko, makukulong silang dalawa ng kapatid niya. Pero isa lang ang ikinulong ninyo. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana—”

“Gilen, calm down. I already sent my men to protect you.” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. “At si Julio Ramirez lang ang naipakulong namin dahil sa kanya nakaturo lahat ng ebidensiya at hindi kay Jaime.”

“Bullcrap!” Hindi niya napigilang sigaw. “Si Jaime ang diniin ko, bakit si Julio ang nakulong? Sabi mo magbagong buhay ako at ipaubaya ko na sayo ang lahat. Ipinaubaya ko ang lahat sayo, pero hindi mo pala nagawa ng tama. Ngayon, ano na ang gagawin ko? Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib kung hindi pati ang mga kaibigan ko.”

“I’m sorry. Ginawa namin ang lahat pero mautak talaga si Jaime. I already sent my men to protect you, Gilen—”

“I don’t need your men to protect. You know that I can protect myself. Ang mga kaibigan ko ang protektahan mo.” Ibinaba niya ang telepono at nagmamadaling pumunta sa kuwarto niya.

Nanghihinang umupo siya sa ibabaw ng kama. Ang dami niyang katanungan na hindi niya kayang sagutin. Kung si Julio lang ang nakulong at nakalaya si Jaime, bakit ngayon palang siya pinahabol ni Jaime? It’s been five years. Bakit ngayon lang?

Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa pagtulog dala niya ang katanungang iyon. Bakit ngayon lang? Bakit? Ano ang binabalak ng lalaking ‘yon?

HINDI pa nagdidilim ang kalangitan, nasa labas na ng Bachelor’s Bar si Gilen. Pagkapasok niya sa Bar, agad siyang hinarang ng isang lalaki. Ang lalaking nakabongguan niya sa rest room.

She smiled cheekily. “Uy, diba ikaw yong lalaki doon sa rest room?”

He grimaced. “O, e ano naman ngayon?”

“Summa cum laude ka ba nuong collage ka? Alam mo kasi ang mga republic chorva na ‘yon.”

He sighed. “Hindi kailangan ng isang tao na maging summa cum laude para malaman ang mga bagay na ‘yon.”

Gilen rolled her eyes. “Yeah, right. Sino bang normal na tao ang memorize ang isang republic act? Ikaw lang yata ang kilala kong ganoon.”

“Wala ka ng pakialam kung memorize ko lahat ng republic act. It’s part of my job.”

Kumunot ang nuo niya at pinasadahan ito ng tingin. “No offence Mr. Bouncer but I’m pretty sure na wala sa job description mo ang mag salaysay ng republic act sa bawat costumer na papasok dito sa Bar. Well, unless, isa kang attorney. Pero kung isa kang attorney e di sana wala ka rito ngayon. Tapos—”

“Shut up, please.”

Napasimangot siya. “Grabe ka talaga. Nagsasalita lang naman ako.”

“Masyado kang madaldal at ayoko sa mga madaldal na tao.”

Inirapan niya ito. “Whatever. Pasalamat ka nga kinausap kita. Hmp!”

Akmang lalampasan niya ito ng humarang na naman ito sa daraanan niya. Tiningnan niya ito ng masama.

“Ano na naman? Akala ko ba ayaw mo sa madaldal. Umalis ka nga riyan sa daraanan ko. I’m hungry and thirsty.” Aniya sa mataray na boses.

“We’re close.” Anito na may itinuro sa likuran niya.

Tiningnan niya ang itinuro nito at kumunot ang nuo niya. “Oh e ano naman ngayon. We’re close nga pero sa labas niyan ay we’re open.”

“Bakit ba gusto mong lumaklak ng alak. Maaga pa para patayin mo ang bituka mo.”

She sighed dramatically. “Mr. Bouncer—”

“It’s Kaino.”

Natigilan siya ng ilang Segundo bago nagsalita ulit. “Okay, Kaino it is. Kaino, hindi ko pinapatay ang bituka ko. Saka minsan lang naman ako uminom ah.”

“Yeah, right. So hindi ikaw ‘yong babaeng nakikita ko rito gabi-gabi na halos ubusin ang alak sa Bar?”

Bigla siyang nagtatalon sa tuwa. “Yes! May stalker na ako!” She smiled cheekily at Kaino. “Gusto mo ba ng autograph ko?”

Marahang menasahi ni Kaino ang nuo. “Umalis ka na.”

She pouted. “Pero nagugutom nga ako at nauuhaw. Maawa ka naman sa akin.”

Pinandilatan siya nito. “Ano naman ang tingin mo sa Bachelor’s Bar, restaurant? We serve drink not stake with rice.”

Biglang tumunog ang tiyan niya sa sinabi nito. Pabiro niyang tiningnan ng masama ang lalaki. “Kasalanan mo kung bakit tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na tuloy ako.”

“Pero kanina lang sabi mo nagugutom ka, tapos ngayon ako ang sinisisi mo?” Ihinilamos nito ang dalawang kamay sa mukha na parang punong-puno na ito sa kanya.

She chuckled. “You’re so fun to tease.”

He glared at her. “You’re testing my patience, woman.”

Gilen grinned at him. “And you’re so fun to tease, man.”

Napailing-iling ito at nagtanung kapagkuwan. “Are you really hungry?”

“Yes.” Walang pag aalinlangang sagot niya.

“Come on, follow me.” Anito at naglakad papunta sa kung saan.

She bit her lower lip while thinking if she’ll follow him or not. Nanaig ang bangingi niyang utak at sinundan si Kaino. Tumigil ang lalaki sa isang pintuan na may nakasulat na Bouncer’s quarter.

Napangiti siya. “Wow. May Bouncer’s quarter pala? Akala ko maid lang ang may quarter.”

He gave her a funny look. “Can you please stop commenting on everything you see? Nakakirita e.”

Sinimangutan at inirapan niya ito. “Bakit ba ganyan ang ugali mo? Lahat nalang ng sinasabi ko, pinapansin mo. Magsabi ka lang kung fan kita o stalker, promise, hindi ako magagalit.”

Hindi siya nito sinagot at binuksan ang pintuan. Pagkapasok nito, pumasok na rin siya kahit hindi siya sinabihang pumasok. Agad niyang ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng silid. Maliban sa isang kama at pandalawahang mesa, wala ng laman ang silid na iyon.

“Kakaiba itong quarters mo, Kaino.” Aniya.

“Sige, manlait ka pa.”

“Hindi naman ako nanlalait.”

Naglakad siya palapit sa mesa at humugot ng bakanteng upuan at umupo. Pinag-krus niya ang paa at tumingin kay Kaino na nahuli niyang titig na titig sa kanya.

She smiled sweetly at him. “Bakit ka titig na titig ka sa akin? Gusto mo ng picture with autograph ko? I promise, super ganda ng perma ko.”

Nag-iwas ito ng tingin. “No thanks.” Binuksan nito ang bag na nasa ibabaw ng kama at may kinuha roon na naka-cellophane.

Naglakad ito palapit sa kanya at iniabot ang kinuha nito sa bag. “Heto, kainin mo. I’m not hungry anyway.”

Tinitigan niya ang hawak nito. “Ano yan?”

He opens the cellophane and put the Tupperware on the table. “Baon ko yan. Don’t worry, walang lason yan.”

Binuksan niya ang Tupperware at ganoon na lamang ang saya niya ng makakita ng ng fried chicken. It her favorite food of all time! Walang sere-seremonyang kinuha niya ang friend chicken at kinagat iyon. Hmmm. Yummy! Tapos kinamay niya ang kanin. Grabe, ang sarap-sarap talaga ng friend chicken. Magana siyang kumain. Wala siyang pakialam sa paligid at ang tangging focus lang niya ay ang pagkain sa harap niya.

Namalayan nalang ni Gilen na ubos na ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Kaino. Nag-angat siya ng tingin at nakitang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang lalaki.

She smiled forcedly. “Sorry. Ang sarap kasi ng friend chicken e.”

Napailing-iling ito. “Ang bilis mong kumain. Are you sure na tao ka?”

Tiningnan niya ito ng masama. “Ano naman ang tingin mo sa akin, hayop? Wala kang karapatang insultuhin ako kahit binigyan mo pa ako ng pagkain.” Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. “Salamat sa pagkain.” Aniya at lumabas ng Bouncer’s quarter.

HUMINGA ng malalim si Kaino ng lumabas si Gilen sa quarters niya. Tiningnan niya ang Tupperware na wala nang laman. He can’t believe a woman can eat as fast as Gilen can. Nang tanungin niya ito kung tao ito, talagang nagtaka siya kung tao nga ba ito. Ang bilis kasing kumain. Parang inaagawan ng pagkain.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang superior niya.

“Sir, are you sure about Gilen Ramirez?” Tanung niya kaagad ng sagutin nito ang tawag.

“Sure about what, Kaino?”

“Sure ba kayo na siya ang babaeng may alam ng lahat? Parang hindi naman e. Ang takaw-takaw niya at parang isip bata.”

Tumawa ang superior niya. “Of course, I’m sure. Basta gawin mo nalang ang pinapagawa ko. Protect her, Kaino.”

“Yes, sir.”

Pinatay niya ang tawag at lumabas ng quarters. Naabutan niya si Gilen na nakaupo sa stool at nakaharap sa bar counter habang sumisimsim ng alak. Napailing-iling siya. Akmang kakausapin niya ito nang matigilan siya ng makita ang expression ng mukha nito. Parang hindi ito ang Gilen na matakaw at medyo may pagka-childish. Ang Gilen na nakikita niya ngayon ay hindi ang babaeng nakausap niya kanina.

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.

“Can I sit here?” Tanung niya na tinutukoy ang katabi nitong stool.

“Sure. Hindi ko naman pag-aari ang upuang yan.”

“Ang taray mo yata.”

Binalingan siya nito na may pekeng ngiti na naka-plaster sa mga labi. “Sure. You can sit there, hindi ko naman pag-aari ang upuang yan.” She said with a fake enthusiasm.

“Too fake.” Aniya.

She rolled her eyes. “Pasalamat ka talaga at masarap yong fried chicken na ibinigay mo sa akin.” She smiled genuinely at him. “Salamat sa pagkain.”

Kaino blinked rapidly. Agad siyang nag-iwas ng tingin para hindi makita ang maganda nitong ngiti. Parang kinapos siya ng hininga.

“Ahm…” He cleared his throat. “Yeah… sure. Welcome.”

He heard Gilen chuckled. “Hindi pa pala tayo pormal na magkakilala. Hi, I’m Gilen Ramirez, ikaw, anong pangalan mo?”

Ibinalik niya ang tingin dito at nakita niyang nakalahad ang kamay nito. Tinaggap niya ang pakikipagkamay nito at pinigil niya ang hininga ng maramdaman ang malambot nitong kamay. Shit! Bakit ba ito nangyayari sa akin?

“Kaino Garcia. Nice to meet you.”

“Same here.”

Binawi nito ang kamay at gusto niyang kutusan ang sarili dahil gusto pa niyang hawakan iyon. Kaino, trabaho lang si Gilen at wala ng iba!

“So, what do you do for a living?” Tanung niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon tungkol dito.

Gilen shrugged her shoulder. “Wala akong trabaho.”

Kumunot ang nuo niya sa sagot nito. “Wala? Kung ganoon paano ka nabubuhay? You’re always here in Bachelor’s Bar, how can you pay your drinks?” Tumatanggap ba siya ng pera kay Jaime Ramirez?

“Inheritance.” Maikling sagot nito.

“Inheritance from whom?”

Kunot ang nuong binalingan siya nito. “Bakit mukhang interesado ka sa buhay ko?”

“I want to know you more.” Nag mag-sink in sa utak niya ang kanyang sinabi, gusto niyang ilibing ang sarili sa lupa. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya. Puwede namang ‘I’m just curious’. Bakit ‘yon pa?

Gilen chuckled and tap his face playfully. “That’s sweet, Kaino, pero hindi ikaw ang tipo kung lalaki.”

Napanganga siya. Did she just reject him? Parang hindi ‘yon kayang tanggapin ng ego niya. Siya? Si Kaino Garcia na isang matinik na NBI Agent at habulin ng babae. Ni-reject lang ng isang matakaw na babae?

“At wala akong balak makipag-relasyon ngayon, masyado pang magulo ang buhay ko.” Anang boses ni Gilen.

Napatigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig niya ang sinabi nito. Magulo pa ang buhay? Bakit naman kaya?

“Bakit magulo ang … buhay mo?” Tanung niya rito. He’s hoping against hope that she’ll answer him.

Gilen just shrugged. “Basta magulo.” Inilapag nito ang hawak na baso at naglagay ng Sampung libo sa Bar counter. “Keep the change.” Anito sa Bartender na nakatanga habang nakatingin sa sampung libo.

Tumayo si Gilen at naglakad palabas ng Bar. Tatawagin sana niya ang pangalan nito ng mapagpasyahan niyang sundan nalang ang dalaga. Iiwan muna niya ang Bachelor’s Bar, wala naman yatang mangyayari kung aalis muna siya pansamantala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro