Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

CHAPTER 15

SI LUTHER ang pumila para bumili ng ticket. Ayaw niyang makipagsiksikan at saka ito naman ang nag-aya kaya ito ang dapat na pumila. Naka tayo lang siya sa isang tabi at nakatingin sa mga tao na abala sa mga kani-kanilang buhay. Ang suwerte naman ng mga taong ito.

“Hey, I got the ticket. Sana naman maganda itong movie na ito.” Anang boses ni Luther mula sa likuran niya. “We have to wait for fifteen minutes bago mag-umpisa ang movie.”

Binalingan niya si Luther na nakatayo sa tabi niya. “Okay. We’ll wait.”

“Sige.” May kinuha itong kung ano sa bulsa. “Maiwan muna kita, bibili lang ako ng popcorn at soda. May gusto ka bang chips?”

She shook her head. “Nope. I’m good.”

“Okay. Hintayin mo ako at huwag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo. I’ll be back in a minute.”

Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa mga taong dumaraan. Ilang minuto ang hinintay niya bago bumalik si Luther na may dala-dalang malaking lalagyan ng popcorn. Kinuha niya iyon sa kamay nito at nag-umpisang kainin iyon.

Napailing-iling si Luther. “Hindi na ako magtaka na wala pa tayo sa movie, ubos mo na iyan. Want some coke?” He asked with sarcasm on his voice.

Nginisihan lang niya ito. “Nagugutom lang ako, hindi nauuhaw.”

Umiling-iling ito. “Kailan ka ba hindi nagutom?”

Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Pagkalipas ng ilang minuto, naglakad sila ni Luther papasok sa loob ng sinehan. Hawak-hawak pa rin niya ang malaking lalagyan ng popcorn at panay pa rin ang kain niya.

Nang makapasok sila sa loob ng umupo sa bakanteng upuan, ipinagdasal niya na sana nga mawala ang boredom na nararamdaman niya, at sana mawala rin si Kaino sa isip niya.

PAGKAUWI nila ni Luther mula sa sinehan, mabilis niyang inayos ang bag na daldalhin niya para gawin ang plano niya. Tamang-tama naman na pumasok si Luther sa silid niya at nakita ang paghahanda niya.

“This is madness, Gilen. You’re going to kill yourself.” Anito.

She just smiled at him. “I know. But I have to do this. For Kaino. For everyone I love.”

Luther exhaled. “Ayoko pang mamatay pero para namang kaya kitang hayaang magpakamatay. Sasamahan kita riyan sa kabaliwan mo.”

Gilen walked to Luther and gave him a hug. “Thanks, but you don’t have to do this. You can still back out. Hindi kita pinipilit na tulungan  ako, Luther.”

“No, I have to do this. Konsensiya ko pa kapag namatay ka.”

She chuckled. “So inamin mo rin na may konsensya ka.”

Masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Luther. “Itikum mo yang bibig mo.”

Nginisihan lang niya ang lalaki at nagpatuloy sa paghahanda ng dadalhin. Habang naghahanda, nasa isip niya si Kaino. Sana naman maging worth it ang gagawin niya. Gagawin niya ito hindi para sa sarili niya kung hindi para sa mga taong mahal niya.

Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat niya. Lumabas siya ng silid at nakita si Luther na may nakasukbit ding backpack sa balikat nito.

“Ready?” Nakangiting tanong niya rito.

Luther smirked. “I was born ready, Gilen.”

Nagmamadaling tinungo nila ni Luther ang sasakyan nitong motorsiklo at sumakay doon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maalala na naman si Kaino. Marahan niyang ipinilig ang ulo.

This is not the time para isipin ko si Kaino. Saway niya sa sarili.

Mabilis na pinaharurot ni Luther ang motorsiklo patungo sa bahay ni Jaime Ramirez. Babawiin niya ang white book. Siya ang may-ari nun at may karapatan siyang mamili kung sino ang pagbibigyan niya niyon, at wala sa listahan si Jaime sa bibigyan niya.

I’m going to get my book. Just wait, Kaino. Maibibigay ko rin sa’yo ang white book. Kunting hintay lang.

IPINARADA ni Luther ang sasakyan hindi kalayuan sa mansiyon ni Jaime. Bumaba siya mula sa motorsiklo nito at inihanda ang sarili.

“Are you sure na naroon ang white book sa loob ng vault na nasa kuwarto niya?” Paninigurado ni Luther.

Tumango siya. “Oo, I’m sure. Wala siyang ibang vault sa loob ng bahay na iyan kung hindi ang nasa kuwarto niya. Masyado kasi siyang sigurista. Naniniwala siya na dapat nasa kuwarto niya ang lahat ng sekreto at importanting pag-aari niya. Iyon lang din ang bahagi ng bahay na walang bantay. Hindi puwede roon ang mga bantay dahil wala siyang tiwala sa mga ito.”

Kunot ang nuong tumingin sa kanya si Luther. “At paano mo nalaman ang lahat ng ito?”

“Tumira ako sa mansiyon ni Jaime ng maraming taon. Alam ko ang pasikot-sikot ng bahay na iyan.” Aniya habang nakatingin sa mansiyon. “Nasa left side ng bahay ang kuwarto niya. Fourth floor. Walang bantay o kung ano pang security devices. Ang problema lang natin ay ang vault. May hand print scanner ang vault, at kapag binuksan mo iyon at may kinuha ka sa loob at kapag ma-detect ng scanner na hindi ka si Jaime Ramirez, tutunog ang alarm. And that your cue to make it fast and get out.”

“Madali ngang makapasok sa kuwarto niya, mukhang mahihirapan naman akong makalabas. If the alarm rings, then I’m toast and you know that.” Komento nito.

“Kaya nga kasama mo ako. I will serve as your decoy para makalabas ka at maibigay ang white book kay Kaino o sa tatay mo, kay Luther Sr..”

Luther grimaced. “I rather throw the book in the ocean than give it to my father.”

She glared at him. “Give it to Kaino then.”

“Okay, okay, I will.”

“Good. Let’s go.”

Bago pa siya makalayo rito, pinigilan siya nito sa braso at niyakap siya ng mahigpit.

“This is a crazy plan, Gilen. I envy Kaino, maswerte siya at may babaeng katulad mo na nagmamahal sa kanya. Sana nga lang maging worth it ang gagawin mo.”

She hugged him back. “Just do what I told you to do and it’ll be worth it.”

Luther sighed and let go of her. “Okay. Let’s do this shit.”

WALANG ingay na lumapag ang mga paa ni Gilen sa loob ng malawak na solar ng mansiyon ni Jaime. She had to be stealthy kung hindi mapupurnada ang plano niya. Kailangan niyang mag-ingat.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa mansiyon. Panay ang tago niya dahil napapalibutan ang bahay ng mga armadong bantay. At alam niyang hindi ang mga ito magdadalawang isip na barilin siya. Nagtago siya sa isang malaking halaman at nag-isip ng mabuting gawin. Hindi niya puwedeng sugurin ang mga bantay dahil wala iyon sa plano niya, hindi siya mamamatay tao.

Napaigtad siya ng may kumalabit sa likuran niya, at nang makitang si Luther lang pala, parang gusto niyang bugbugin ang binata.

“Anong ginagawa mo rito?” Galit na tanong niya sa lalaki na mahinang boses.

“I can’t get in without alerting the guards.” He whispered back.

Gilen looked at Luther then she thought of something. “I know what I have to do.” Binuksan niya ang bag na dala at kinuha roon ang maid outfit niya.

Luther looked at her in bewilderment. “May dala kang maid outfit diyan sa bag mo?”

Nagkibit balikat siya. “It might come in handy, and yeah, it did.”

Mabilis siyang nagpalit nang damit. Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Luther para hindi Makita ang hubad niyang katawan. She rolled her eyes and finished dressing.

Ibinigay niya backpack kay Luther. “Nasa loob niyang ang isang hacking device. Just in case hindi gumana ang hacking device mo. Remember, hack the password vault, open, take the white book then leave and … make it fast. Every second count. Mag-ingat ka.”

Inayos niya ang damit at akmang lalabas na siya sa pinagtataguan niya ng pigilan siya nito.

Nilingon niya si Luther. “Bakit?”

“Be careful, Gilen. I want to see you alive and breathing after this shit.”

Tumango siya pero alam niyang malabo nang mangyari iyon. Hindi nga niya alam kung makakalabas pa siya ng buhay.

“I will.” Aniya at lumabas sa pinagtataguan niya.

Dire-diretso siyang naglakad papasok sa loob ng mansiyon. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya pero nilakasan niya ang loob. Kailangan niyang maging matapang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng lampasan niya ang mga armadong bantay na hindi siya pinatigil. Sinapo niya ang dibdib at kinalma ang sarili.

Nagtuloy-tuloy siya sa kusina para kumuha ng props. Pagkarating doon, kumuha siya mop at maliit na balde na may lamang tubig. Huminga siya ng malalim at naglakad palabas ng kusina, patungo sa library ni Jaime kung saan naroon ang lahat ng record ng mga illegal transaction ni Jaime Ramirez.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan patungo sa third floor ng may magsalita sa likuran niya.

“Saan ka pupunta? Hindi mo ba alam na bawal ang mga katulong sa third floor?” Anang boses na kilalang-kilala niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bakit ba niya nakalimutan na pili lang ang mga katulong na puwedeng umakyat sa third floor?

“O katulong nga ba kita?” Narinig niyang naglakad ito palapit sa kanya. “Humarap ka sa akin, Gilen, ang paborito kung anak.”

Nanigas siya sa kinatatayuan pero hindi siya nagpahalata na natatakot siya. Binitawan niya ang mop at balde na dala at kinalma ang sarili saka hinarap si Jaime, ang lalaking umampon sa kanya kaya naman naging magka-apelyido sila. Kahit pa nakilala niya ang tunay na ama, hindi niya ginamit ang apelyido nito. Gusto niyang kalimutan ang nakaraan niya pero gusto niyang tumatak sa kanya ang apelyidong Ramirez. Ang apelyido ng taong pumatay sa kanyang ina.

Parang demonyong ngumisi ito sa kanya. “Well, well, well, sinong mag-aakala na makikita kita rito sa pamamahay ko?” Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “Anong ginagawa mo rito?”

Masamang tingin ang ipinukol siya sa lalaki. “Nasaan ang white book ko?” Matigas ang boses na tanong niya.

Jaime chuckled. “It’s in good hands, don’t worry.”

Gusto niyang sampalin ang kaharap pero pinigilan siya ang sarili. Hindi makabubuting galitin niya si Jaime. Ipinagdarasal niya na sana nakapasok na si Luther sa kuwarto ni Jaime at nabuksan na nito ang vault para makalabas na ito sa mansiyon.

Hinawakan siya sa braso ni Jaime at hinila pabalik sa first floor. Malakas na isinadlak siya nito pa-upo sa sofa at tinawagan ang mga tauhan nito.

Napakagat-labi siya ng makitang ang higit dalawampo nitong mga armadong bantay.

“Ang lakas ng loob mong pasukin ang bahay ko.” Ani ni Jaime na umupo sa nasa harapan niyang sofa. “Tingnan mo ang mga kalalakihang nasa harap mo ngayon, sa tingin mo ba kaya mo silang talunin?”

Gilen shrugged. “Worth the try.”

Tumawa ng nakaka-insulto si Jaime. “Pagsisisihan mong pumasok ka sa bahay ko. Hahayaan nalang sana kita e, kasi wala ka namang halaga sa akin, pero ngayong narito ka na sa harapan ko. Why not?” Kinuha nito ang baril na hawak ng lalaking katabi nito at itinutok sa kanya.

Kalmado siyang nakipagtitigan kay Jaime. Pero ang loob niya ay parang nagtsu-tsunami.

“May tanong ako bago mo kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak mo.”

Ibinaba nito ang hawak na baril. “Fine. Ask away.”

Pinag-krus niya ang binti. “Paano mo nalaman na doon ko itinago ang white book?”

Ngumisi si Jaime. “Matalino ako e. Sa tingin mo hindi ko maiisip na roon mo itinago ang white book sa puntod ng yumao mong ama?”

She gritted her teeth. “Paano mo nalaman ang tungkol sa ama ko?”

Jaime laughed. “Gilen, kahit naman wala ka na sa poder ko, I still know things about you. Sa tingin mo naman hahayaan kita ng sampung taon na hindi minamatyagan ang mga galaw mo? Hinayaan kitang mabuhay noon dahil nasa iyo pa ang white book pero hindi na ngayon. Sana noon pa kita pinatay, wala sana akong problema ngayon.”

Gilen smiled. “Nasagot din sa wakas ang katanungan ko kung bakit hindi mo ako ginulo ng sampung taon. Pero puwede mo naman akong patayin kahit nasa akin ang white book. Wala namang nakakaalam kung nasaan ang white book maliban sa akin.”

Tumango-tango si Jaime. “Oo nga puwede ko iyong gawin, but where’s the fun? Mas Masaya kung ngayon kita papatayin kung kailan marami ang masasaktan kapag namatay ka.” Ngumisi na naman ito. “Isn’t it fun?”

She glared at him. “Demonyo ka talaga.”

He smirked and whispered. “Matagal na, Gilen. Matagal na.”

Itinutok ulit nito ang baril sa kanya at lihim siyang napalunok. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay ang pag putok ng baril. Hindi man lang niya makikita ang mukha ng lalaking mahal niya. Hindi man lang niya masasabi kay Kaino kung gaano niya ito kamahal. Hindi man lang niya mahahawakan ang binata. Hindi man lang niya ito mahahalikan ulit. Naramdaman niyang namasa ang mata niya.

Paalam na, mahal kong Kaino. Sana maging masaya ka kahit wala na

Nagmulat siya ng mata ng makarinig ng malakas na tunog. Malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Gilen. Good job, Luther. Good job.

“Anong nangyayari? Bakit tumutunog ang alarm ng vault—” nanlilisik ang matang tiningnan siya ni Jaime. “I should have known na hindi ka papasok sa bahay ko ng walang plano!” Binalingan nito ang mga tauhan. “Pumunta kayo sa silid ko at patayin niyo kung sino man ang nagbukas ng vault ko!”

Tumawa si Gilen. “Too late, Jaime, too late. By now, nakalabas na si Luther at papunta na sa NBI Headqaurters.” Tumayo siya at nginisihan ito. “It’s the end, Jaime. The end.”

Mabilis itong lumapit sa kanya at malakas na sinuntok siya sa tiyan ng paulit-ulit. Nabuwal siya sa pagkakatayo at natumba. Namimilipit sa sakit na hinawakan niya ang tiyan. Shit! Hindi pa siya nakakabawi sa sakit, sinipa siya ni Jaime at wala siyang magawa kung hindi ipikit ang mga mata at tanggapin ang sakit na dulot ng ginagawa nito. Ito ang plano niya.

“Pagbabayaran mo itong babae ka! Papatayin kita—”

Biglang bumukas ang malaking pintuan ng bahay at maraming kalalakihan ang pumasok.

“Freeze! This is NBI!”

Jaime smirked at her evilly. “Magkita tayo sa impyerno.” Pagkasabi nun ay paulit-ulit siya nitong binaril hanggang sa mawalan siya ng ulirat.

Ang huli niyang narinig ay isa pang putok ng baril at boses ni Kaino na pulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. Anong ginagawa ni Kaino rito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro