Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

CHAPTER 13

HINDI mapakali si Gilen habang nasa sasakyan ni Kaino. Wala silang destinasyon dahil hindi pa niya sinasabi rito ang eksaktong address kung saan niya itinago ang white book. Parang may pumipigil sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan.

Binalingan niya si Kaino. “Hey, can we stop by in North Cemetery?” Tanong niya sa binata na abala sa pagmamaneho.

Kumunot ang nuo nito. “Why?”

“Bibisitahin ko ang puntod ni mommy.”

“Oh, okay.” Anito at nagmaneho patungong North Cemetery.

Kailangan niyang makausap ang ina. Kahit hindi ito sumasagot sa kanya, napapanatag ang kalooban niya kapag nagpapaalam siya rito bago gawin ang isang bagay. At iyon ang gagawin niya. Magpapaalam siya na ibibigay niya sa NBI ang white book nito na ibinigay nito sa kanya.

“Okay ka lang?” Usisa sa kanya ni Kaino ng iparada nito ang sasakyan. Puno ng pagaalala ang boses nito.

She forced a smile. “Yeah, I’m fine. Puwede bang ako nalang ang pumunta sa puntod ni mommy? I want to be alone for a while.”

Halata sa mukha ni Kaino na hindi ito sang ayon sa gusto niya pero nagpapasalamat siya ng payagan siya nito.

“Okay. Pero bilisan mo, ha? Alam mo naman na may gustong manakit sayo.” Hinawakan nito ang pisngi niya. “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sayo. Kaya mag-ingat ka kung ayaw mong mabaliw ako.”

Kinilig ang lahay ng cells niya sa katawan sa sinabi nito.

“Ewan ko sayo, Kaino.” Iyon nalang ang nasabi niya sa sobrang kilig na nararamdaman.

“What? Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?” Umayos ito ng upo at tuluyang humarap sa kanya. “Gilen, hindi ko kakayaning—”

Biglang tumunog ang cellphone niya na ibinalik sa kanya kanina ni Luther Sr. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. It’s Luther. Kumunot ang nuo niya. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag nito o hindi.

“Sino ba ‘yan?” Usisa ni Kaino na nakakunot ang nuo at hindi maipinta ang mukha.

Palihim niyang iniiwas ang cell phone rito. “Wala naman. Kaibigan ko lang.”

Tumaas ang isang kilay nito. “Really? Kung ganoon, bakit mo iniiwas sa akin ang cell phone mo?” Ibinuka nito ang pala. “Give it to me. Ako ang sasagot.”

Gilen rolled her eyes. “No. This is my phone, Kaino.”

Nawala ang emosyon sa mukha ng binata. “Okay.”

Naiinis na sinagot niya ang tawag. “Anong kailangan mo?”

“Woah.” Wika ni Luther sa kabilang linya. “Rude much? You didn’t even say hello.”

“Hello, anong kailangan mo. Make it fast please.”

Luther heave a deep sighed. “Fine. Jaime is looking for you. Alam na niyang narito ka. It’s just a matter of time at mahahanap ka niya. Kaya kung ako sayo, magtago ka na.”

“Salamat sa impormasyon, Luther. Mag-iingat ako. Don’t worry.”

“Oh, I’m not worried, Bye.” Tinapos nito ang tawag.

Binalingan niya si Kaino na kunot na kunot ang nuo habang nakatingin sa kanya. Napangiti siya ng mahalata niya na nagseselos ito.

“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” Sikmat nito sa kanya.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya sa tuno ng boses nito. “Bawal bang ngumiti?”

“Stop smiling.”

“Bakit nga?”

Nag-iwas ito ng tingin. “Kasi ayokong ngumingiti ka dahil sa ibang lalaki. Hindi yun kaya ng puso ko, Gilen.”

Nanlaki ang mga mata ni Gilen sa narinig. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya maalis ang tingin sa binata. Hindi maiiwasan ni Gilen na umasa, umasa na sana may katugon ang nararamdaman niya. Hindi naman nito siguro sasabihin iyon kung wala itong nararamdaman para sa kanya.

Wala siyang maitugon sa sinabi nito kaya naman binuksan niya ang pintuan ng kotse nito at akmang lalabas na ng pigilan siya nito sa braso.

“Samahan na kita.” Anito.

“Hindi na. Gusto kung mapag-isa.” Aniya at tuluyan ng lumabas sa sasakyan nito at nagmamadaling tinungo kung saan nakalibing ang ina niya.

Pagkarating niya roon, agad na tumulo ang luha niya. Every time she visits her mother, hindi niya maiwasang hindi umiyak. Naaalala kasi niya ang pinagdaanan nito ng nabubuhay pa ito.

“Hello, mommy. It’s been a long time since I visit you. Okay ka lang ba riyan?” Para siyang timang na kinanakausap ang puntod ng ina. “Nandito ako kasi magpapaalam sana ako sayo. Okay lang ba kung ibigay ko ang white book? Yun lang ang tanging alaala ko sayo. Ayoko pero kailangan ko itong gawin para sa mga kaibigan ko. Para kay Kaino. Speaking of which, alam niyo po bang nagmahal na rin ako sa wakas? Yes, mahal ko si Kaino. Ang lalaking nag panggap na bouncer para lang malaman ang sekreto ko. Nagsinungaling siya sa akin pero hindi ko napigilan ang puso ko na mahulog sa kanya. Kagagahan ba yun, mommy?” Tumawa siya ng mahina. “Kagagahan na kung kagagahan. Mahal ko talaga ang lalaking yun e.”

Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata niya. Kinalma niya ang sarili at tumingin sa kalangitan. Napakaaliwalas nun. Sana ganito kaaliwalas ang buhay niya pero alam niyang hindi mangyayari yun hangga’t hindi nakukulong si Jaime Ramirez.

Inayos niya ang sarili at nagpaalam na sa ina niya. Kahit walang sumagot sa kanya, she felt good. Kung kanina parang nagdadalawang isip siya na ibigay ang white book, ngayon buo na ang loob niya. Alam niyang tama ang gagawin niya. Kung gusto niyang makawala sa nakaraan niya, kailangan niyang gawin iyon.

Bumalik siya sa kinaruruonan ng sasakyan ni Kaino at nakita niya ang binata na nakasandal sa kotse nito at mukhang hinihintay siya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Nang makita siya ni Kaino, mabilis na sinalubong siya nito at niyakap.

“Are you okay?” Kaino asked after he let go of her. “Your eyes are red. Umiyak ka ba?”

Marahan siyang tumango. “Kinda. Don’t worry. Palagi naman akong umiiyak kapag narito ako. Hindi ko mapigilan e.”

Niyakap ulit siya ni Kaino. “Don’t cry. I’m here. Isipin mo lang ako at sigurado akong mabubuhay ang mga dugo mo at hindi ka na maiiyak.”

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at napapantastikuhang tiningnan niya ito. “Really? Mabubuhay ang dugo ko kapag isipin kita? Ano naman ang kinalaman nun sa pag iyak ko?”

“Well…” He trailed with a cute small smile on his lips. “If you think of me, then you’ll think of my very hot body and then—”

Malakas siyang tumawa. “Oh my god, Kaino, I never thought na komidyante ka.”

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Hindi ako nagpapatawa.”

Napatigil siya sa pagtawa. “You weren’t kidding?”

“Nope.”

Napabunghalit siya sa tawa. “God…K-Kaino—akala ko… nagbibiro ka.” She said between laughs.

Hinawakan siya ni Kaino sa braso at hinila siya patungo sa kotse nito.

“Stop laughing!” Naiinis na saway nito ulit sa kanya at ipinasok siya nito sasakyan nito na tumatawa pa rin.

Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan, tumatawa pa rin siya. Tiningnan siya nito ng masama.

“I said, stop laughing Gilen or I’ll kiss you!”

Hindi siya tumigil sa pagtawa sa isiping nagbibiro lang ang binata kaya naman ganoon na lamang ang gulat niya ng makitang inilapit nito ang mukha sa mukha niya at walang sere-seremonyang sinakop ang mga labi niya.

Napaawang ang labi niya sa ginawa nito na sinamantala naman nito para palalimin ang halik. Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito at tinugon ang halik nito.

Pagkalipas ng ilang minuto, naghiwalay ang mga labi nila. Tinitigan niya si Kaino at ganoon din ang ginawa ng binata. Dahan-dahang inilapit niya ang labi sa mga labi ng binata ng biglang tawirin ni Kaino ang pagitan ng mga labi nila at mariin niyang hinalikan. Napangiti siya sa ginawa nito.

“I’m in love with you, Gilen.” Anito ng maghiwalay ang mga labi nila.

“A-Ano?” Malalaki ang mata na napanganga si Gilen sa sinabi ni Kaino. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan at parang nauturete ang utak niya sa narinig.

“I said I’m in love with you. Ang lapit ko lang sayo, hindi mo narinig?” Natatawang wika nito.

Tinampal niya ang braso nito. “Huwag ka ngang tumawa! This is not a laughing matter, Kaino. You just said you’re in love with me and I was shock and stunned! So don’t laugh!”

“Now you feel my pain. ”Kaino chuckled. “Anyway, I laugh because I’m nervous. I’m a guy, Gilen, kahit gaano pa ako ka-guwapo at ka-hot nani-nerbyos pa rin ako.”

Pabiro niya itong sinampal sa pisngi. “Baliw.”

“Sorry.” He gave her a small smile that makes her heart beat so fast. “I’m just nervous. Sabihin mo na kasi kung mahal mo ako o hindi, para mapanatag na ang puso ko. Just a matter of minute at mai-stroke na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.”

Gilen kissed Kaino. At halatang nagulat ang binata sa ginawa niya. Bago pa ito makapa-react, she pulled away and looked deep into his eyes.

“Kaino, mah—” She was cut off when Kaino phone rang.

“Hayaan mo ang isturbong cell phone na yan. You were saying?” Kaino’s eyes sparkled in happiness and anticipation.

Tiningnan niya ang cell phone nito na nasa dash board. “Sagutin mo muna. Baka importante yan.”

Napipilitang  inabot ni Kaino ang cellphone at sinagot ang tawag.

“Hello?” Anito sa kabilang linya. Kumunot ang nuo nito at nagdilim ang mukha. “What? Okay, pupunta na kami riyan.” Tinapos nito ang tawag at itinapon ang cell phone sa dash board at mabilis na pinaharurot ang sasakyang paalis sa north cemetery.

Napahawak siya sa gilid ng upuan. “Saan tayo pupunta?” Tanong niya habang nakatingin sa dinadaanan nila. “Bakit ka ba nagmamadali?”

Nakatutok ang mata ni Kaino sa kalsada ng magsalita. “Saan mo itinago ang white book?”

“Ha? Bakit?” Naguguluhang tanong niya.

“Where did you put it?! Damn it!”

Nagulat siya sa pagtataas nito ng boses. Bakit nasaktan siya sa pagsigaw nito sa kanya. Siguro dahil hindi niya inaakala na sisigawan siya nito ng dahil sa white book na iyon.

“Bakit gusto mong malaman?” Walang emosyong tanong niya rito.

Mukhang nahalata nito ang pag-iiba ng tuno ng boses niya dahil bahagyang tiningnan siya nito. Walang emosyon ang mukha na sinalubong niya ang tingin ni Kaino.

Kaino sighed and park the car. He looked at her. “Anong problema mo? Akala ko ba ibibigay mo sa amin ang book na yun. Bakit ngayon parang ayaw muna. I was asking you where it is—”

“You’re not asking.” She cut him off. “You’re shouting at me. At hindi ako sumasagot sa mga tanong naninigaw sakin.”

Nagpakawala ang binata ng isang malalim na buntong hininga at hinawakan ang kamay niya na agad naman niyang binawi.

“Sorry.” Hingi nito ng tawad. “I wasn’t thinking. I was just worried, okay? The person who called was Ethan. Sabi niya may informant daw na nagsabi sa kanya na nasa kamay na ni Jaime ang white book.”

Natigilan siya sa narinig. “What?” Lumalim ang gatla ng nuo niya. “P-Paanong mangyayari iyon? The book was hidden in— shit! He figured it out.” She whispered the last part.

“What do you mean by he figured it out? Saan mo ba iyon tinago?”

Tumingin siya sa labas ng sasakyan. “Itinago ko iyon sa isang lugar kung saan hindi ni Jaime iisipin na doon ko itatago. Pero kung totoo ang impormasyon na sinabi ni Ethan, mas matalino pala si Jaime higit sa inaakala ko.”

Hindi makapaniwalang bumutong hininga si Kaino. “Ganoon lang yun? Wala ka man lang gagawin? Hindi mo ibinigay ang White book na iyon sa NBI kasi pinakaiingatan mo iyon pero ngayong nakuha na iyon ni Jaime, yun lang ang reaksiyon mo?”

Tiningnanan niya sa mga mata si Kaino. “Anong gusto mong gawin ko? Maglupasay sa sahig kasi nakuha ang white book ko? Kaino, wala na akong magagawa kung nakuha niya ang white book. You want it? Then go, retrieve it yourself.”

Lumabas siya sa sasakyan nito at nagmamadaling naglakad palayo sa kotse ng binata. Nakita niyang lumabas ng sasakyan si Kaino ay sinundan siya.

“Gilen? Where do you think you’re going?!” Sigaw ni Kaino sa kanya habang mabilis na naglalakad palapit sa kanya, siya naman ay mabilis na naglalakad palayo rito.

“Gilen!”

“Gilen!”

“Gilen!”

Naiinis na tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Kaino. “What?!”

“Saan ka pupunta?” Hinawakan nito ang braso niya at pilit na hinihila siya pabalik sa sasakyan nito.

Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at humakbang paatras habang nakatingin kay Kaino.

“Kaino, kung nakuha na ni Jaime ang libro, then it’s the end. Ipagdasal nalang natin na titigil na siya. Nasa kanya na ang gusto niya, sana naman hanggang doon lang iyon, sana hindi niya ako patayin. Let’s face it, Kaino, kaya lang naman ako pino-protektahan ng NBI dahil sa white book, ngayong wala na sa akin yun, wala ng dahilan ang NBI para protektahan ako. Wala ng dahilan para protektahan mo pa ako.”

“Gilen, nasa NBI protection program ka pa rin dahil ikaw ang star witness.”

Gilen took a step back. “I don’t want to be a star witness at hindi niyo ako mapipilit.”

Pinara niya ang taxi na papalapit sa kanila. She smiled at Kaino. Bago siya sumakay sa taxi, tinitigan niya si Kaino at sinagot ang tanong nito.

“And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal.” Aniya at tuluyan ng pumasok sa taxi at nagpahatid sa bahay ni Luther. May kailangan silang pagusapan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro