Chapter 11
CHAPTER 11
NAGISING si Gilen ng makarinig ng katok sa pintuan ng cottage niya. Ininat niya ang katawan at kinusot ang mata kapagkuwan ay bumangon siya at pinagbuksan ang kumakatok. Napasimangot siya ng makita si Kaino.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya rito. “Ang aga-aga pa. Bumalik ka roon sa cottage mo. Huwag mong isturbuhin ang tulog ko.”
Akamang isasara niya ang pintuan ng cottage nang iharang nito ang paa para hindi iyon tuluyang sumara.
Tiningnan niya ito ng masama. “Ano ba, Kaino? Inaantok pa ako kaya huwag kang umepal kasi tatamaan ka sa akin.”
Nginitian siya nito na parang hindi apektado sa iritasyon niya. “May dala akong breakfast.”
“Kainin mo yang mag-isa.” Iniwan niyang nakabukas ang pinto at bumalik sa kama at nahiga.
Narinig niyang pumasok si Kaino sa cottage niya, kapagkuwan ay umupo ito sa tabi niya. Naramdaman niyang hinaplos nito ang pisngi niya, naiiritang tinabig niya ang kamay nito.
“Kaino, tantanan mo ang pisngi ko.” Aniya na nakapikit ang mga mata.
Hindi ito nakinig at hinaplos ulit ang pisngi niya.
“Kaino, magsabi ka lang kung bet mo ang malambot kong pisngi. Ipapakilala kita sa dermatologist ko.”
Gilen heard him chuckle.
“You’re beautiful even in the morning. No messy hair and all.” He said and she can note a smile on his voice.
“Kaino, kung ayaw mong mag-fiesta ang dugo ko sa pisngi ko, tantanan mo ako sa beautiful na yan.”
“I like it when you blush. It makes you more beautiful.”
Nagmulat siya ng mata at handa ng sigawan ito ng makita niyang sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Umawang ang mga labi niya.
His gaze dropped to her lips. Nag-init ang pisngi niya sa klase ng pagkakatitig nito sa labi niya. Ipinikit niya ang mga mata ng dahan-dahang inilapit nito ang labi nito sa mga labi niya. Nang maramdaman niyang lumapat ang labi nito sa labi niya, parang may nagrambulang elepante sa dibdib niya. Nagwawala rin ang mga paru-paru sa tiyan niya.
Hindi nagtagal ang halik at inalayo kaagad ni Kaino ang labi nito sa mga labi niya.
“Para naman saan ang halik na yun?” Hindi napigilan ang sariling usisa niya.
He smiled cheekily. “It’s my way of saying ‘good morning’.”
Pinigilan niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya. Ayaw niyang malaman nito na nagustuhan niya ang ginawa nito.
Inirapan niya ito. “Puwede ka namang mag good morning na walang kasamang halik.”
“Alam ko.” Umayos ito ng upo. “Pero gusto kitang halikan e.”
Napasimangot siya. “Hindi mo man lang ako pinag-tooth brush.”
Mahinang tumawa ito. “Mabango naman ang hininga mo so okay lang yun.”
Pinandilatan niya ito. “Sino namang tao ang mabango ang hininga sa umaga?”
“Ikaw.” Kinindatan siya nito at tumayo.
Sinundan niya ito ng tingin at nakitang lumapit ito sa pandalawang mesa na nagsisilbing kainan niya. Maraming pagkain ang nasa mesa at lahat iyon ay katakam-takam. Mabilis siyang bumangon at nilapitan ang pagkain.
“Saan mo nakuha ang mga ito?” Manghang tanong niya kay Kaino. “Usually, oate meal lang ang agahan dito kaya nga panay ang reklamo ko. Ngayon naman, fried rice, bacon, hotdog and sandwich?”
“Binili ko ang bacon at hotdog sa manila, pinaluto ko lang dito. At yung fried rice naman at sandwich, niluto ng kitchen staff.”
Humaba ang nguso niya sa narinig. “Ang unfair naman, gusto kong kumain ng friend rice at sandwich pero wala raw. Mayroon naman pala!”
Tumawa si Kaino. “Ikaw talaga, pag pagkain nabubuhay ang lahat ng cells mo sa katawan.”
Nginisihan niya ang binata. “Inggit ka lang kasi—”
Nilagyan nito ng hotdog ang bibig niya para tumigil siya sa pagsasalita.
“Manahimik ka at kumain. Ang ingay mo.” Anito.
Mabilis niyang nginuya ang hotdog at nagsalita. “Ang sama mo. Paano kung nabilaukan ako?”
“E di ima-mouth to mouth resuscitation kita.” Anito at kinindatan siya.
“Heh!” Umupo siya sa bakanteng mesa. “Nakakainis ka pero salamat sa pagkain.”
“Hindi ako tumatanggap ng salamat.”
Mabilis siyang nagtaas ng tingin mula sa kinakain niya. “Ano?”
“Kung magpapasalamat ka sa akin, halikan mo ako. Yun lang ang tanging paraan para maramdaman ko na talagang nagpapasalamat ka.”
Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. “Gago! Para namang gagawin ko yun.”
“Eh di ‘wag. Basta alam mong hindi ko matatanggap ang simpling thank you mo.”
Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagkain. Inubos niya ang lahat nang pagkain na nakahain sa mesa. Pagkatapos niyang kumain, malakas siyang dumighay.
“You have no shame at all, Gilen.” Wika ni Kaino habang lukot ang mukha na nakatingin sa kanya.
“What?” Inosente niyang tanong. “Bawal na ba ang dumighay ngayon?”
“Well, one country in Europe actually forbids burping in the table. If you burp, you’ll go to prison.”
She rolled her eye at him. “Well, wala tayo sa Europe kaya naman I can burp whenever I want, wherever I want. Pagdighay nalang, bawal pa. Anong klaseng bansa yun?”
“Mas matatanggap pa ng bansa na yun na umutot ka sa hapagkainan, huwag lang ang dumighay.” Dagdag pa ni Kaino.
“Ay, diyan kami magi-giyera. Walang puwedeng umutot habang kumakain ako. Talagang kakasuhan ko siya.”
Napailing-iling ito. “Ewan ko sayong babae ka.”
Nginitian niya ito at tumayo. “Naiirita ka sa akin? Sige, makakaalis ka na.” Aniya na itinuro ang pintuan ng cottage. “Salamat sa pagkain at sana dalhan mo ako ng masarap na lunch mamaya.”
Napatili siya ng walang sere-seremonyang pinangko siya ni Kaino at inilapag sa kama pagkatapos ay tumabi ito ng higa sa kanya.
“Anong ginagawa mo?” She tried pushing him away but to no avail.
“Matutulog katabi ka, bakit masama ba?” Balik tanong nito.
“Masama kasi—” Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng ipinulupot nito ang braso sa bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. “K-Kaino, a-ano ba ang ginagawa mo…”
“Shh. Silent. Matutulog ako.” Anito at ipinikit ang mga mata.
Napatingin siya sa maamong mukha ni Kaino habang nakapikit. Ang guwapo talaga nito. Nakakahalina tingnan ang matangos nitong ilong, ang labi nito na mamula-mula at ang mga mapupungay nitong mga mata na palagi siyang nahihipnotismo kapag tinititigan siya.
Inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata at inilapat ang labi niya sa mga labi nito. It was just a peck but it sent tingles throughout her body.
“Thank you.” Gilen whispered over his lips.
A small smile appeared on Kaino’s lips. “You’re welcome.”
MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Gilen. Wala na sa tabi niya si Kaino at nakita niyang may pagkaing iniwan ito sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan niya kung ano yun, as if on cue, agad na kumulo ang tiyan niya.
I’m eating steak for lunch! Yehey!
Akmang kakainin niya ang steak ng mapansin ang maliit na note na nasa tabi ng steak. Kinuha niya iyon at binasa.
Gilen,
Kapag nabasa mo ‘to, I’m sure nasa manila na ako. Don’t worry babalik din naman ako kaagad. May importante lang akong bibilhin.
-Kaino.
PS: Eat well.
Napangiti siya sa sulat nito. She finds it very sweet, pero hind pa rin niya maiwasan na mag-alala para sa binata. Nasa manila ito kung saan naroon si Jaime. Paano kung saktan nito si Kaino? Wala siya roon para ibigay ang white book kapalit ng—
Natigilan siya sa naiisip. Oh god. Did I just think of that? Ibibigay ang white book?
Her gaze dropped to the steak on the plate and then her eyes move to the note in her hand. What’s happening with me? Kailan ko pa naisip na ibigay ang white book kay Jaime para hindi saktan si Kaino? Ano ba itong iniisip ko? Ganoon na ba talaga kalala ang tama ko sa lalaking yun?
Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Kakainin muna niya ang steak bago siya mag-isip. Nakaka-stress ang mag-isip mas lalo na kung ang iniisip mo ay tungkol sa pag-ibig na hindi mo naman alam kung may katugon o wala.
IT’S ALREADY twilight when Kaino arrived in the island. Nilukob ng saya ang puso niya ng makita ang binata sa labas ng cottage niya at may dala-dalang itong maliit na icebox.
“How are you?” Tanong nito sabay halik sa labi niya.
“Okay lang ako.” Kinuha niya ang icebox na dala nito at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa at binalikan ang binata para tulungan itong hubarin ang leather jacket na suot nito.
Napatigil siya sa pagtulong na hubarin ang jacket nito ng mapansing titig na titig sa kanya si Kaino.
“What?” Usisa niya sa binata.
Ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ito sa kanya saka nagsalita. “Wala naman. May naisip lang ako.”
“Oh, okay.” Ipinagpatuloy na niya ang pagtanggal sa jacket nito at inilagay iyon sa coat rack na nasa likod ng pintuan.
“Nabasa mo ba ang note ko?” Tanong nito at ipinulupot ang braso sa bewang niya.
“Oo.”
“Did you eat well?”
“Oo.”
“Did you like the steak?”
“Oo.”
“Did you miss me?”
“Oo— Shit! No. I did not miss you at all.” Mabilis na bawi niya.
Kaino chuckled. “Nope. Wala ng bawian. You miss me and that’s it.”
Inirapan niya ito. “You tricked me.”
“Hindi kaya. Nagtanong ako kung na-miss mo ako, sumagot ka ng oo.”
Pabiro niyang sinuntok ang braso nito. “Ewan ko sayong lalaki ka.”
He grinned. “Ewan na ako kung ewan pero na-miss mo talaga ako.” Panunudyo nito sa kanya.
“Heh!” Binaklas niya ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya at naglakad patungo sa kama. Umupo siya roon at tiningnan si Kaino. “Bakit ka ba pumunta ng manila kanina?”
“I bought something.”
“Siguraduhin mo lang na iyang binili mo e worth it para e-risk mo ang buhay mo. You know that Jaime’s men are just lurking in the corner ready to attack and—”
“Shh! Tahimik ka muna.” Kinuha nito ang icebox at inabot sa kanya.
“Ano naman ang gagawin ko riyan?” Kunot ang nuong tanong niya.
“Open it.”
Tinanggap niya ang icebox at sinunod ang sinabi nito. Binuksan niya ang icebox at napamaang siya sa laman nun.
Manghang nagtaas siya ng tingin sa binata. “A parfait?”
He smiled at her. “Yeah, masarap yan. Diba sabi mo kahapon, gusto mong kumain ng parfait? Nang malaman kung aalis ang helicopter papuntang manila at babalik din kaagad, sumama ako para bilhan ka niyan.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Binangit niya rito kahapon na gusto niyang kumain ng parfait pero hindi naman niya inaasahan na bibili ito para sa kanya. Na-touch siya sa ginawa nito. Nag-effort pa talaga ito para makakain siya ng parfait.
Napatitig siya sa parfait na nasa loob ng icebox. Halatang iningatan nito ang pagdadala ng icebox dahil perfect looking ang parfait na nasa loob.
Tiningnan niya si Kaino. “Thank you.”
“What did I say about saying thank you?”
“Na hindi mo tatanggapin yun kapag walang kiss.” Natatawang sagot niya.
“Good.” Iniumang nito ang pisngi sa kanya. “Come on, kiss me. Para ma-feel ko ang thank you mo.”
Inilapag niya ang icebox at sinapo ang pisngi ni Kaino at siniil ng halik sa mga labi ang binata. Kaino was smiling from ear to ear when she pulled away from the kiss.
“Thank you.” Aniya na nakangiti.
Kaino’s eyes were twinkling in happiness. “You’re very much welcome.”
She chuckled and shook her head. “Isa ka talagang ewan, Kaino.”
“Ewan nga ako pero diba na-miss mo ako?” Tudyo nito sa kanya.
“Yeah, na-miss kita.” Pag-amin niya rito.
Halata sa mukha ni Kaino na nagulat ito sa pag-amin niya, pero agad naman itong nakabawi at dumukwang para halikan siya sa labi.
“Salamat naman at inamin mo rin na na-miss mo ako.” Anito.
She chuckled. “Na-miss naman talaga kita e.”
Kinuha niya ang parfait sa loob ng icebox at isang kulay puti na disposable spoon. She took a spoonful of parfait at kinain yon. Napapikit siya sa sobrang sarap. Grabe, ilang linggo na ba ng huli siyang makakain nito? Gilen took another spoonful of parfait at iniumang iyon sa bibig ni Kaino.
“Say ahh.” Wika niya na nakanganga ang bibig.
He chuckled then says, “Ahh.”
When Kaino’s mouth opened, mabilis niyang isinubo rito ang parfait.
Gilen wiggled her eyebrows at Kaino. “Masarap diba?”
“Syempre. Ako ang bumili e.”
Natawa siya sa sinabi nito. “Umandar na naman po ang kahanginan ni Kaino Garcia.”
Inagaw nito ang kutsara sa kanya at sinubuan siya. “Hindi ako mahangin. Ang mga pinsan ko lang, hindi ako kasapi sa mahangin association nila.”
Natawa siya ng malakas. “Ewan ko sayo, Kaino.”
“Huwag ka ngang tumawa. Kumain ka na oh.” Anito sabay subo sa kanya ng parfait.
Naubos niya ang parfait sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya ni Kaino. Hindi man lang niya napansin na naubos na pala niya iyon. Inilagay nito ang icebox at ang wala nang laman na parfait glass sa ibabaw ng mesa at bumalik sa pagkakaupo sa kama.
Gilen lay on the bed and patted the space beside her. “Come here, tabi tayo.”
Kaino eagerly lay beside her and encircled his arms on her waist. “Matutulog tayong magkatabi?”
“Hindi pa ako matutulog. Gusto ko lang mahiga—”
“Mahiga na katabi ako?”
Kinurot niya ang tagiliran nito. “Tahimik kung ayaw mong ihulog kita sa kama.”
Ilang minutong walang imik si Kaino ng bigla itong magsalita. “Huwag mo akong itulak, magtatanong lang ako.”
“Ano naman tanong mo?”
“Mahal mo ba ako?”
Tumigil ang paghinga niya sa tanong nito. Hindi niya alam ang isasagot dito. Actually, alam niya pero ayaw lang niyang sagutin. It’s not yet time.
After a minute na hindi siya sumagot, nagsalita si Kaino.
“Don’t mind my question. Mukhang napaaga yata ang pagtatanong ko.” Pagkatapos niyon ay hindi na ito nagsalita pang muli.
Siya naman ay nakatingin lang sa kisame at paulit-ulit na sinasagot ng puso niya ang tanong nito.
Oo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro