Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

CHAPTER 10

MAGHAPONG nagkulong si Gilen sa cottage niya, ayaw niyang makita ang pag-alis ni Kaino. Hindi siya lumabas mula ng umuwi siya dala-dala ang pagkain na pinamili ni Kaino para sa kanya. Hinatiran lang siya ng lunch at dinner ng mga tauhan sa isla at hinayaan na siya ng mga ito sa cottage niya.

Nakahiga siya sa kama at kumakain ng Hershey’s kisses ng may kumatok sa pintuan ng cottage niya. Sa isiping mga tauhan iyon sa isla, walang takot na pinapasok niya ito.

“Pasok.” Aniya sa malakas na boses. “Bukas yan.” Hindi pa siya nagla-lock ng pinto dahil hindi pa naman siya matutulog.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at hinintay na pumasok ang kumatok. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Kaino ang pumasok at hindi isang island staff.

“What are you doing here? I thought…”

“Ako muna ang magbabantay sayo.” Anito sa malungkot na boses.

“Okay, but you don’t have to be sad about it. Kung ayaw mo akong bantayan, marami namang bantay dito sa isla—”

“Ethan was shot.”

Umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa sinabi nito. “A-Ano? P-Paano? Diba nandito siya…”

Umupo si Kaino sa tabi niya at tumingala sa kisame na para bang may magandang tanawin doon.

“Umuwi kasi Ethan dahil nasa hospital ang father niya. Na stroke daw. Bibisitahin sana niya kaya nga binigyan ako ng pahintulot ng superior ko na bisitahin ka at bantayan ka pansamantala habang wala pa si Ethan. Kaninang hapon, babalik na sana ako sa manila ng makatanggap ako ng tawag. Ethan was shot in the chest at the Hospital.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Kinakain ng guilt ang pagkatao niya. “Please, tell me na buhay si Ethan. Kasalan ko ‘to—”

Hinarap siya ni Kaino. “Buhay si Ethan, Gilen. Naagapan ang sugat niya kaya nabuhay siya.”

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. “Thanks god. Ayokong may madamay pa na ibang tao sa problema ko.”

Namayani ang katahimikan sa loob ng cottage niya. Hindi na nagsalitang muli si Kaino at siya naman, abala sa pag-iisip kay Ethan. Nag-aalala siya para sa lalaki. Paano kung namatay ito ng dahil sa kanya? Kahit naman hindi sinabi ni Kaino kung sino ang bumaril kay Ethan, alam na niya kung sino iyon. Siya ang kailangan ng mga ito, bakit iba ang sinasaktan at hindi siya?

Malamang kasi nagtatago ka, kaya yung mga tao nalang na nakaharang sa daraanan nila ang itutumba nila. Wika ng isang parti ng isip niya. At huwag ka ng magtaka kung ang isunod nila ay si Kaino.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa isiping iyon. No! Hindi! Hindi niya hahayaan na pati si Kaino ay madamay sa gulo ng buhay niya. He’s just doing his job for god sake.

“Anong iniisip mo?” Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan.

Tinitigan niya ang binata. “Natatakot ako. Paano kung ikaw ang isunod nilang barilin? Kaino, kapag nangyari yon—”

“Hindi iyon mangyayari.” Sinapo nito ang pisngi niya. “It won’t happen to me.”

“Pero—”

“Shh. Hindi yun mangyayari sa akin. Ako na ang magbabantay sayo. I’ll be safe here in the island so stop worrying over something that is not going to happen.”

Kahit papaano, nabawasan ang pag-aalala niya sa kaalamang ito ang magbabantay sa kanya dito sa isla. Hindi ito babalik sa manila kung saan naroon si Jaime Ramirez. Ang hindi niya maintindihan, bakit gusto siya nitong patayin? Nasa kanya pa ang white book. Kailangan pa siya ng mga ito.

“Hindi ko maintindihan.” Aniya sa naguguluhang boses. “Bakit ginagawa ito ni Jaime? Nasa akin pa ang white book.”

Binitawan ni Kaino ang pisngi niya at hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

“Siguro naisip niya na wala namang saysay ang white book kung patay ka na.” Anito. “Walang nakakaalam kung saan mo itinago ang libro. Iniisip niya na wala kang magagawa lalo na ngayon na nasa isla ka at nagtatago. Well, maliban nalang kung dala-dala mo rito ang librong iyon.”

Mabilis siyang umiling. “Hindi ko dala ang white book. Nasa maynila iyon at nakatago sa—” Tumigil siya sa pagsasalita at kinagat niya ang pang-ibabang labi. Muntik na iyon ah!

“I understand. You don’t have to tell me.” Nilaro-laro ni Kaino ang daliri niya. “Yun lang ang naisip kung rason kung bakit ka niya gustong ipapatay. You’re thingking na hindi ka niya papatayin dahil sa libro, pero doon ka nagkamali. Papatayin ka niya dahil sa librong iyon, Gilen. Ibigay mo nalang kasi sa amin ang librong yun.”

“Kaino, akin ang librong iyon at hindi ko iyon ibibigay sa kahit na sino.” Aniya sa garalgal na boses. “Pag-aari yun ng mama ko. Iyon lang ang tanging bagay na iniwan niya sa akin ng mamatay siya. Mahal na mahal ko ang mama ko kahit ganoon siya. Isa lang naman ang pagkakamali niya e, iyon ay ang maghangad ng maginhawang buhasy para sa aming dalawa.”

Tuluyan na siyang umiyak ng maalala ang pinagdaanan ng ina sa kamay ni Jaime Ramirez. Hinding-hindi niya mapapatawad ang hayop na lalaking yun!

Kaino enveloped her into a warm embrace. Wala itong sinabi basta niyakap lang siya nito at hinagod ang likod niya. Mas lalo pang lumakas ang iyak niya sa ginawa nito. Mula ng mawala ang mama niya, walang tao na yumakap sa kanya ng ganito. She felt secure in someone’s arm for the first time after her mother’s death. Nakaramdam lang siya ng ganito sa mama niya, at ngayon kay Kaino. Hindi niya akalain na sa bisig nito, mararamdaman niyang safe siya kahit alam niyang gagawin ang lahat ni Jaime para mamatay siya.

She hugged him back and put her chin on his shoulder. Panay pa rin ang tulo ng luha niya.

Kaino pulled away and dry her tears. “Stop crying. Kung ano man ang nangyari sayo noon, hindi na muulit iyon ngayon. I’m here. Hindi ko hahayaan na mangyari yun.”

Gilen force a smile.

“You don’t have to smile to show me that you’re okay, Gilen. Just stop crying and drop that fake smile. Ayokong makita ang pekeng ngiti na yan.”

Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya at matamang tinitigan ang binata. Sinalubong ni Kaino ang titig niya. He’s looking at her like she’s somewhat important to him. At sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya, hindi niya napigilan ang sarili na i-kwento ang nakaraan niya rito.

“I’m scared, Kaino. I don’t have a fairytale childhood, you know.” Simula niya. “Nuong bata pa ako, nakikita ko lumalabas si mama sa bahay gabi-gabi para raw may makain ako. Naawa ako kay mama, kaya naman sa mura kung edad natuto akong magnakaw. Nuong una, munting halaga lang ang ninanakaw ko. Naging isa akong batang mandurukot. Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi naman sapat ang inuuwing pera ni mama para sa pagkain namin sa isang araw. And then at the age of ten, pumasok sa buhay namin si Jaime Ramirez. Hindi ko alam kung ano siya, basta pinakilala siya sa akin ni mama at sinabing doon na raw kami titira sa mansiyon niya.”

Tumawa siya ng pagak. “Of course, I’m a kid. I was so happy kasi sa wakas may maayos na bahay na kaming titirhan. Well, my happiness was cut off short when I saw Jaime hit my mom. Pinilit ko si mama na umalis sa mansiyon pero hindi pumayag si mama. Kasi kahit daw binubugbug siya ni Jaime, nakakakain naman daw kami ng tama. I want to leave Jaime’s mansion, pero ayaw ni mama at dahil doon, mas nahasa pa ang kaalaman ko sa pagnanakaw. Nalaman ni Jaime at ang kapatid niyang si Julio na isa akong mandurukot and they wanted to take my talent to the next level.”

“Anong ginawa nila?” Sa unang pagkakataon mula ng mag-umpisa siyang magkwento, nagsalita si Kaino.

Siya naman ang humawak sa kamay nito at nilaro-laro ang mga daliri nito.

“Ang ginawa nila? Nuong una, ginawa nila akong drug pusher. Kapag may mga illegal silang gawain na mas makabubuti kung bata ang gumawa para hindi mapaghinalaan, ako ang pinapagawa nila. And then at the age of thirteen, Jaime thought me how to be a professional grand theft auto. Alam mo bang ginawa ko ang lahat para matuto kasi sinabi sa akin ni Jaime kapag may nanakaw akong sasakyan at walang gasgas, may parti ako kapag nabili iyon. Gusto kong magka-pera kasi kapag marami na akong pera mapapapayag ko na si mama na umalis sa bahay na iyon. I work hard, no scratch that, it’s more like I stole hard. Kapag may pinapanakaw si Jaime, volunteer kaagad ako. I want money. Tons of money. Then at the age of fifteen, isa na akong sikat na magnanakaw ng kotse at kilala na ako sa larangang iyon. Magaling akong magnakaw, no scratch and no defects. Ganoon ako magnakaw kaya naman gustong-gusto ni Jaime kapag ako ang nagta-trabaho kasi walang gasgas at mahal ang bilihan sa black market. Then Jaime started to receive orders. Hindi na kami sumali sa black market kasi by order na kami. Different countries, different orders, different cars. Ako ang nagta-trabaho nun. But things went out of hand when Luther Sr., caught me stealing his car. Natakot ako, kasi for the first time nadakip ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was scared shit. Pero hindi ako pinakulong ni Luther Sr., pinabalik niya ako sa usapang ako ang magiging espiya niya kay Jaime at Julio Ramirez. Magulo ang isip ko ng araw na iyon, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kung sino ang papanigan ko. Pero kahit anong tago ang gawin ko, nalaman ni Jaime na nadakip ako at tinakot niya ako. Kapag daw nagsalita ako, papatayin niya ang mama ko. Siyempre hindi ako magsasalita. That’s my mother! Nanahimik ako at sinunod ang lahat ng gusto nila pero natapos din iyon ng maabutan ko si mama sa kuwarto niya na nag-aagaw buhay, may ibinigay siya sa aking white book, iyon daw ang magiging susi ng kalayaan ko pagkatapos ay namatay siya habang yakap-yakap ko. Drug overdose raw ang kinamatay niya. Doon ako sumabog. Pinuntahan ko si Luther Sr., ipinasok ako sa NBI Protection program and the rest is history.”

 Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago nagsalita si Kaino.

“I’m sorry I judge you. I’m sorry kung pinagsalitaan kita ng hindi maganda nuong nalaman ko na magnanakaw ka. I shouldn’t have said that. I’m sorry.” Puno ng pagsisisi ang mukha at boses ni Kaino habang humihingi ng tawad. “I’m really sorry, Gilen.”

“It’s fine.” Aniya na may genuine na ngiti sa mga labi.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan pagkatapos niyang i-kwento kay Kaino ang nakaraan niya. Masaya siya at humingi ito ng tawad kahit hindi naman siya karapat-dapat sa sorry nito.

“Alam mo bang galit ako sa mga nagtitinda ng drugs?” Tinuyo ni Kaino ang ilang butil ng luha na kumawala sa mga mata niya habang nagku-kwento siya. “There’s a part of me na galit sayo kasi kahit biktima ka rin, may nasira ka paring buhay. But there’s also a big part of me that wanted to hug you and tell you that it’s okay. That it wasn’t your fault. Before I met you, gusto kong lipulin ang mga drug dealer at drug pusher para parusahan at ikulong—”

“Kung ganoon ikulong mo ako.” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin.

Walang buhay na tumawa ito. “Hindi ko kaya, Gilen. Nuong malaman ko na isa kang magnanakaw, I tried to be mad at you, pero hindi ko naman nagawa. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sayo na kahit pinipilit ko ang sarili ko na magalit sayo at pandirian ka, hindi ko magawa. Nuong umalis ka sa manila, sinabi ko sa sarili ko na galit ako sayo at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sayo. But after a weak, I bought you food and begged my superior to let me visit you. Gawain ba ‘yon ng galit?”

Nakakataba ng puso ang mga sinabi ni Kaino. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at siilin ng halik ang mga labi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero agad din naman itong nakabawi at tinugon ang halik niya.

“Paano ka natutong humalik?” Tanong ni Kaino sa kanya ng maghiwalay ang mga labi nila.

She rolled her eyes. “When protection program released me, I went to club every night and make out with every handsome man I see.”

Nagdilim ang mukha ni Kaino na ikinatawa niya ng malakas.

“Are you jealous?” Tudyo niya sa binata.

Hindi siya nito sinagot at nanatiling madilim ang mukha nito.

“Uy, nagseselos siya.” Kiniliti niya ito sa tagiliran pero wala man lang itong reaksiyon.

Napasimangot siya. “Come on, Kaino, binibiro lang naman kita. Sa tingin mo naman gagawin ko yun?”

Unti-unting nawala ang madilim nitong mukha. “Talaga? Hindi ka nakipaghalikan sa kung sino-sinong lalaki?”

“Hindi po. Masaya ka na?”

Ngumiti ang binata. “Good. Kasi ako lang ang puwedeng humalik sayo.”

Pagkawika nun ay sinakop nito ang mga labi niya at hinalikan siya na agad naman niyang tinugon ng buong puso. Nag maghiwalay ang mga labi nila, matiim siya nitong tinitigan.

“Kanino ka natutong humalik?” Tanong na naman nito madilim.

“So, nagseselos ka nga?”

“Ano naman ngayon kung nagseselos ako?”

“Ang cute mo.” Nangigigil na hinalikan niya ang binata.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro