Chapter 1
CHAPTER 1
KAINO was beyond pissed when he heard the news. Wala siya gustong gawin kung hindi ang suntukin ang kung sino man ang nagpapakalat ng cocaine at Marijuana sa bansa. Ang sarap tirisin ng mga ito at pagpira-pirasuhin. Marami na ang kabataan na nasira ang buhay dahil sa drugs at ang masakit sa dibdib ay trabaho niyang lipulin ang lahat ng drug dealer at drug pusher sa bansa pero hindi niya magawa dahil kulang siya sa impormasyon at ibidinsiya.
“Kaino, I’m sorry. Nakalabas ng kulungan kanina si Jaime Ramirez.”
Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. “Ano pa ang silbi ng batas kung hindi naman iyon pinapatupad ng maayos?”
“Kaino, you have to understand that we are under red tape. Kahit ako nanggigigil na ikulong ang hayop na Jaime Ramirez na ‘yon pero hindi ko magawa kasi wala tayong ebidensiya laban sa kanya.”
“Evidence, my ass! Kahit naman siguro ipagduldulan pa natin ang ebedinsiya sa korte, wala pa ring magbabago. Makakalaya na makakalaya pa rin siya.”
His superior sighed. “Alam ko ‘yon kaya nga pinatawag kita ngayon. I have a job for you.”
Kumunot ang nuo niya. “A job for me? Pero may hawak akong kaso. Don’t tell me tatanggalin mo ako sa kaso no Jaime Ramirez. Sir, hindi naman yata—”
“Silence!” Sigaw nito na ikinatigil niya sa pagsasalita. Minsan nakakalimutan niya na superior niya ang kaharap. Ito kasi ang ninong niya at para lang silang magkaibigan kung mag-usap. Kaya naman kapag sumigaw na ito, minsan nagugulat siya.
“Sorry, sir.” Nakatungong hingi niya ng tawad.
“Its okay, Kaino. I understand where you’re coming from. Pero hindi naman kita tatanggalin sa kaso ni Jaime Ramirez. Itong trabaho na ibibigay ko sayo ay konektado kay Jaime Ramirez.”
“Ano po ba ang ipapatrabaho niyo sa akin, sir?”
Huminga ng malalim ang superior niya at may inilapag na larawan ng isang babae sa ibabaw ng mesa nito. “That’s Gilen Ramirez.”
Tinitigan niyang mabuti ang babae sa larawan. She’s beautiful, he gave her that. “Gilen Ramirez? How is she related to Jaime Ramirez?” Tanung niya habang nakatingin parin sa magandang mukha ng babae.
“’Yon ang gusto kong alamin mo. It is said that she is Jaime Ramirez’s daughter, pero mayroon ding nagsasabi na ampon lang siya. Mayroon din akong nabalitaan na anak siya ng kapatid ni Jaime Ramirez. At ayon naman sa informer natin, anak siya sa labas ng Jaime Ramirez. You see, walang nakakaalam kung sino si Gilen Ramirez at kung ano ang kaugnayan niya kay Jaime Ramirez.”
“’Yon ba ang gusto niyong alamin ko?”
“That and more. According sa informer natin, Gilen knows everything about Jaime’s illegal businesses. At nalaman ko rin na gagawin ang lahat ni Jaime para hindi magsalita si Gilen. I’m thinking na patatahimikin nito ang babae.”
“Kung ganoon, hindi niya anak si Gilen. Kasi kung anak niya si Gilen, e di sana hindi niya ito sasaktan.”
“Hindi tayo nakakasigurado riyan. Kaya naman gusto kong kilalanin at portektahan mo si Gilen. Gawin mo ang lahat para mapalapit sa kanya. Huwag mong sasabihin kung sino kang talaga, baka matakot pa ‘yon sayo at lumayo. Ang misyon mo ay protektahan siya at mapalapit sa kanya para malaman natin ang katutuhanan.”
Tumango siya. “Yes, sir.”
“Good.” May iniabot itong folder sa kanya. “Diyan nakalagay ang nalakap namin na impormasyon tungkol kay Gilen. Gamitin mo iyon para makalapit ka sa kanya.”
“Oho.”
“Good. Now, leave my office and do what I told you to do.”
Sumaludo siya. “Yes, sir.”
GILEN rolled her eyes. Ewan talaga niya rito kay Marj e. Bulag lang ang drama. Kahit nga siguro bulag ay makikita na gusto ito ni Marlon Aiken. Hay. Mai-stress siya kay Marj.
“Bahala ka sa buhay mo.” Aniya kay Marj at tumayo. “I’m going to dance!”
Nagtuloy-tuloy siya sa dance floor. Habang umiindak sa maingay na musika, pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. Nang mapagod, naglakad siya patungo sa restroom. Akmang papasok na siya ng may makabungguan siya.
Nagtaas siya ng tingin at napangiti siya ng makita kung sino ang nakabanggan niya. “I’m sorry, Mr. security guard. I didn’t see you there.” Aniya na may malapad na ngiti.
“Hindi mo ako nakita? Bakit, naka-drugs ka ba?”
Kumunot ang nuo niya. “What’s drugs? Is that… some kind of food I can eat?”
“Hindi mo alam kung ano ang drugs? According to REPUBLIC ACT NO. 9165. It is the policy of the State to safeguard the integrity of its territory and the well-being of its citizenry particularly the youth, from the harmful effects of dangerous drugs on their physical and mental well-being, and to defend the same against acts or omissions detrimental to their development and preservation. In view of the foregoing, the State needs to enhance further the efficacy of the law against dangerous drugs, it being one of today's more serious social ills. Ngayon, alam mo na ba kung ano ang drugs o gusto mong isa-isahin ko pa sayo ang lahat ng batas na may kinalaman sa drugs?”
Hinilot niya ang nuo na sumakit sa republic act blah blah blah. “Mr. Security guard, iihi lang po ako. Wala naman po yatang niri-recite na republic act diyan sa loob ng restroom para maka-ihi ako.” Sabi niya habang may ngiti sa mga labi. “Kaya naman, padaanin niyo na po ako. Puwede ba Mr. Security guard?”
May itinuro ang kamay nito. “Nakikita mo ba ‘yon, Miss?”
Napamulagat siya ng makita ang male sign. Napakagat labi siya. “Ay, mali pala ako.” Tumawa siya. “Akala ko pambabaeng restroom.”
Tinaasan siya nito ng kilay. “Doon ka mag-CR sa pambabae. Baka mahimatay ka pa kapag makakita ka ng kung ano-ano sa loob.”
Mataman niyang tiningnan ang kilay nito na nakataas pa rin. “Wow, ang galing mo naman. Alam mo bang talentado ka kapag nakaya mong itaasa ang kilay mo at lalaki ka?”
“Sige, lokohin mo pa ako. According sa Republic act article–”
“Stop. Iihi na ako.” Pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. Iihi lang naman siya. Wala siyang balak malaman ang republic act chorva-chorva na iyan.
Nagmamadali niyang tinungo ang girl’s rest room. Bago siya pumasok, nilingon muna niya ang lalaki. Mataman itong nakatingin sa kanya na para bang pinagaaralan siya. She smiled at him and he looks startled. Baka ito ang naka-drugs. “CR lang ako Mr. Security Guard.”
He frowned and left. Kumunot ang nuo niya. Hay. Ang weird talaga ng mga tao sa mundo. Pagkatapos niya mag-CR, binalikan niya ang table nila ni Clover.
“Hey, girls.” Walang buhay na bati niya sa mga kaibigan.
Nakita niyang nagkatinginan si Marj at Clover. Sigurado siyang iniisip ng mga ito kung bakit wala siyang gana.
“Anong nangyari sayo?” Tanung ni Marj.
Sumimangot siya. “May naka-argumento akong security guard doon sa may rest room. Na-drain yata ang utak ko sa mga republic act na pinagsasasabi niya. Akalain mo bang sinaysayan ako ng mga batas? Hello! Iihi lang po ako at nagkataong panlalaki ang napasukan ko kasi hindi ako nagbabasa ng sign. Alam kong mali ‘yon pero kailangan bang isa-isahin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas?”
“Paki-explain nga ng mukha ng security guard na nakasagutan mo.” Kunot ang nuong sabi ni Marj.
“Macho at guwapo.” Sagot niya na may ngiti sa mga labi.
“Malaking tulong ang description mo.” Sarkastikong wika ni Marj.
“What? E ‘yon lang naman ang napansin ko sa kanya, well, maliban sa maganda niyang mata.” Aniya ng maalala ang mga mata nito. Napaka-guwapo talaga ni Mr. Security guard.
“I think si Kaino ang bouncer na tinutukoy mo.”
“Kaino? Ang pangit naman ng pangalan niya.” Komento niya pero ang totoo nagandahan siya sa pangalan ni Mr. Security guard. “Pero okay lang. Guwapo naman e.”
“Marjorie, can I talk to you for a minute?” Anang boses ng isang lalaki.
Nang lingunin niya kung sino iyon, it’s Marlon Aiken. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaibigan niya?
“Bakit?” Tanung ni Marj kay Marlon Aiken.
“Basta.” Anito.
“Sige, kakausapin daw ako.” Paalam sa kanila ni Marj.
Nanunudyong ngumiti siya kay Marj. “Aherm. Ingat. Huwag mangangagat.”
Inirapan siya nito at umalis. Nilingon niya si Clover na nakatingin sa dance floor.
“You want to dance?”
“No, I rather sleep.” Sagot nito.
She rolled her eyes. “Hay, ano pa ba ang inaasahan kong isasagot mo.”
Tumayo si Clover. “I’m going home. Magpapahatid ka ba sa akin?”
“Nah. I’m good. Magta-taxi nalang ako mamaya.” Sagot niya at umorder pa ng isang shot ng Mojito. Unlike other woman, she can hold her drink.
“Magiging okay ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanung sa kanya ni Clover.
“Yes, I’m sure.” She smiled at her best friend. “Go, I can take care of myself.”
“Okay. Ingat ka.”
“Ikaw din.” Ihinatid niya ng tingin si Clover.
Isang oras pa ang ipinamalagi niya sa Bachelor’s Bar bago niya napagdesisyunang umuwi. Pagkalabas niya sa Bar, nagsitayuan ang mga balahibo niya. Agad niyang sinuri ng tingin ang kalsada. May dalawang motorsiklo na nakaparada hindi kalayuan sa Bar.
Napailing-iling siya. “My god, can’t they at least try to disguise themselves?” She asked herself. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagpahatid kay Clover. Ayaw niyang masali ang kaibigan sa gulo ng buhay niya.
Nagsimula ito tatlong linggo na ang nakakaraan. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito sa kanya… no scratch that… alam niya kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya pero hinding-hindi siya makakapayag na mahuli siya ng mga ito. She’d been in their hands and it’s not good for her health. Matagal na niyang iniwan ang buhay na iyon, at wala siyang balak na bumalik pa roon. Mamamatay muna siya bago mangyari ‘yon.
Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng kalsada. Napatingin siya sa dalawang anino na bigla nalang sumulpot sa likod niya. She maintained her pace. Huminga siya ng malalim at hinanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari. Nakita niyang palapit ng palapit sa kanya ang anino, nararamdaman niya ang presensiya ng mga ito. Ipinikit niya ang mga mata at mabilis na kumaripas ng takbo.
“Habulin siya!”
Narinig niyang sigaw ng isang boses lalaki. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo pero kahit saan siya lumiko, nasusundan siya ng mga ito. Tumigil siya sa pagtakbo makitang dead end ang pinasukan niyang eskinita.
Shit! Kinalma niya ang sarili nang makitang palapit na ng palapit ang dalawang lalaking humahabol sa kanya.
“Nahuli ka rin naman sa wakas.” Sabi ‘nong kalbo.
“Oo nga.” Segunda naman nuong kasama nito na malapit ng makalbo. “Hindi ka na makakatakas ngayon.”
She chuckled. “Wow.” Tinuro niya ang lalaki sa kanan. “Ikaw kalbo.” Tapos itinuro niya ang katabi nito. “Ikaw naman, malapit ng makalbo. Match na match kayo. Bagay bagay na maging kontrabida.”
“Tama na ang satsat. Sumama ka sa amin! Ngayon din!” Sigaw ni Kalbo.
Itinirik niya ang mga mata. “Kalbo, tatlong linggo na nating ginagawa itong habulan na ito, ngayon pa ba ako sasama sa inyo? Hindi ba riyan pumasok sa utak mo na kaya nga ako tumatakbo ay dahil gusto kong makalayo sa inyo?”
“Sumama ka sa amin kung hindi papatayin kita.” Wika ng katabi ni Kalbo at naglabas ng baril at itinutok sa kanya.
She looked at the gun. Hmm. Nice gun. Naglakad siya palapit sa mga ito. Umiling-iling siya. “Kung gusto niyo akong patayin e di sana noon pa. Kilala ko ang mga katulad niyo, may kailangan kayo sa akin kaya hindi mo pa kinakalabit ang baril na hawak mo.”
Akmang magsasalita ito ng umigkas ang kamao niya sa mukha nito at malakas na sinipa ang kamay nito na may hawak na baril. Muntik na itong mabuwal sa pagkakatayo. Psst! Sayang naman. Nakita niyang akmang kukunin ng kasamahan nito ang baril na nabitawan, umuklo siya at sinipa ang baril palayo sa kanilang tatlo.
“I don’t think so boys.” Aniya at ikinuyom ang kamao. Mukhang mapapalaban siya ng wala sa oras.
Sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Sumuntok si Kalbo pero agad naman siyang nakaiwas. Sinuntok niya ang kasama nitong lalaki at mas mabilis pa sa kidlat na sinipa si Kalbo sa leeg. Akmang sisipain niya ulit si Kalbo ng may yumakap sa kanya mula sa likuran.
“Huwag mo akong yakapin! Ang baho mo!” Sigaw niya at iniumpog ang ulo niya sa ulo nito.
Binitawan siya nito. “Peste kang babae ka!”
Hinarap niya ang lalaki na sapo-sapo ang nuo na namamaga. Sinipa niya ito pero mabilis nito iyong nasalag. Nakita niya si Kalbo na nakabawi na sa pagsipa niya sa leeg nito. Inihanda niya ang sarili sa matinding laban. Isa lang ang nasa isip niya sa mga oras na iyon, hinding-hindi siya sasama sa mga ito. Akmang susugurin siya ng dalawa ng may magsalita hindi kalayuan sa kanila.
“Tigil! Pulis ako!” Sigaw nito habang nakatutok sa mga lalaki ang baril.
Ginamit ni Gilen ang pagka-distract ng dalawa. She jumped and flipped mid-air then kicked bald guy in the head hard. When her feet touched the ground, Gilen kneel on one knee and use her other knee to off-balance bald guy two. Nang matumba ito, mabilis niyang sinipa ito sa tiyan at malakas na siniko ang baga nito.
Hinihingal na tiningnan niya ang dalawang lalaki na walang mga malay. She smiled to herself. Hindi pa rin pala siya kinakalawang. She can still beat up someone.
“Freeze!”
Napatigil siya sa pagtayo at nilingon ang lalaki na nakatutok sa kanya ang baril. A pulis huh? Sigurado siyang pulis ito, dahil kung kasamahan ito ni Bald one and two, sigurado siyang kanina pa siya nito binaril.
“Lumuhod at yumuko ka!” Sigaw ulit nito.
Dahan-dahan siyang lumuhod at iniyuko ang ulo. Narinig niya ang paglapit nito sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya. When Gilen felt him touched her shoulder, she quickly grabs his arm and back flip him over her head. When she heard a grunt, mabilis siyang tumakbo palabas ng eskinita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro