Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

CHAPTER 9

KINAKABAHAN si Marj habang nakatayo sa labas ng opisina ni Aiken. Magpapaalam siya dahil pupunta siya sa Paris sa susunod na linggo para sa teleserye na hinahawakan niya. Doon kasi gagawin ang unang scene. Maaga siyang magpapaalam para makapag-relax ang utak niya.

Humugot siya ng malalim na hininga at kumatok sa pintuan ng opisina nito.

“Come in.” Narinig niyang sabi ni Aiken mula sa loob.

Kinalma niya ang sarili at pumasok sa loob nang opisina ng binata. Naka-upo si Aiken sa nag-iisang couch ng opisina nito at may binabasang files habang may hawak na whiskey.

Kumunot ang nuo nito ng makita siya. “What are you doing here?”

“May sasabihin sana ako sayo e.” Aniya sa kinakabahang boses.

Baka ano ang gawin ni Aiken kapag hindi siya nagpaalam at bigla nalang nawala. Baka ipagsabi nito ang lihim niya.

“What is it?”

“Ahm… magpapaalam sana ako—”

“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? May day-off ka para sa lahat nang gusto mong gawin.” Sansala nito sa sasabihin niya.

“No, it’s not that.” She inhaled and exhaled loudly. “I’m going to Paris next week.” Mabilis niyang sabi.

Hindi nagsalita si Aiken. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang binabasa ang saloobin niya. Kapagkuwan ay tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Tumigil ang binata ng isang hakbang nalang ang pagitan nila.

“Anong gagawin mo sa Paris?”

“’Yong teleserye na hawak ko, doon gaganapin ang unang scene. I have to go there. Please, babalik din naman ako kaagad.”

“Bakit ka nagpapaalam sa akin kung kailangan mo naman palang pumunta doon? I have a feeling that whether I say yes or no, pupunta ka pa rin. So what’s the use of this?”

She looked at him in the eyes. “Aiken, nakakalimutan mo na ba ang pamba-blackmail mo sa akin? Ayokong umuwi na may issue na sasalubong sa akin. Especially negative issue.”

Aiken’s jaw tightened. “Ganoon ka ba talaga ka takot na malaman ng media na may gusto ka sa akin?”

Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanung na iyon.

“Don’t worry about your little secret. You can go anywhere you want, I don’t care. But I have one condition.”

Ibinalik niya ang tingin dito. “Ano?”

“I’m coming with you.”

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. “W-What?”

“I said I’m coming with you. It’s been a long time since I visited Paris.”

“Sasama ka sa akin?” Paninigurado niya.  Baka nagkamali lang siya ng dinig.

Nagsisisigaw ang utak niya na hindi. Hindi ito puwedeng sumama. Pero ang puso naman niya na patuloy na tumitibok para sa binata ay nagsusumigaw ng oo.

“Bakit hindi ba puwede? Well, you don’t have a choice. I’m coming with you whether you like it or not. Pero puwede rin naman akong magpaiwan. I’m just not sure na sa pagbabalik mo e walang negative issue na sasalubong sayo.” He smirked and tapped her cheek then motioned his hand to door. “Makakaalis ka na.”

Nagpupuyos ang dibdib ni Marj ng makalabas siya sa opisina ng binata. Sasama sa kanya kung hindi ipagsasabi ang sekreto niya? How dare he?! Gago talaga ang lalaking ‘yon! Nabu-buwesit siya at hawak siya nito sa leeg. Hindi niya iyon gusto.

Peste talaga itong puso niya! Sa kadami-daming lalaki sa sanlibutan, ang isang blackmailer pa ang nagustuhan!

 Naiinis pa rin siya habang nagta-trabaho. Ang utak niya ang nasa pag-uusap pa rin nila ni Aiken. Nag-iisp siya ng paraan para makawala rito.

“Marj, costumers in table nine is asking for you.” Imporma sa kanya ni Yuan nang makabalik siya galing sa pagsi-serve ng drink sa VIP room.

“Okay.” Aniya at tinungo ang table nine na may pekeng ngiti sa mga labi.

“What’s your dri—” Nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ang umuukupa sa table nine. “Anong ginagawa niyo rito?”

Gilen grinned. “Well, ever since nagtrabaho ka rito, hindi ka na namin mahagilap. Kaya naman, pinuntahan ka na namin.”

Tumango si Clover bilang pagsang-ayon kay Gilen. “Yep. Kumusta na pala ang plano niyo nitong si takaw, is it working well? O baka naman nabuko ka na?”

Mariin siyang napapikit at naupo sa tabi ni Clover. Hindi na niya kailangang magsalita pa, alam na ng dalawa niyang matalik na kabigan na nabuko siya.

Clover rolled her eyes. “I told you so, didn’t I? It was a lame plan from the very beginning. Tingnan mo ngayon ang nagyari.”

Inilapag ni Gilen ang hawak-hawak na glass of tequila. “Ano bang nangyari?”

Tiningnan ito ng masama ni Clover. “We don’t need to know. Sapat na ang mukha nitong best friend natin para mahulaan ang nangyari.”

Gilen shrugged and looked at her. “Well, I want to know what happened.”

  She took a deep breath before explaining everything. Nang matapos siyang mag-kuwento, nakangisi si Gilen at may sinusupil naman na ngiti sa mga labi si Clover.

“Anong nginigiti-ngiti niyo? Dapat nakikisimpatya kayo sa nagyayari sa akin.”

Gilen giggled like a teenager. “God, Marj, can’t you see it? He likes you! kaya naman bina-blackmail ka niya para hindi ka umalis dito sa bar niya kasi gusto ka niyang makita araw-araw.” She giggled again. “At saka kung alam naman pala niya mula pa simula kung sino ka, e bakit ka niya tinanggap? I’m one hundred percent sure na like na like ka niya.”

Napailing-iling si Marj sa sinabi ni Gilen. Binalingan niya sa Clover, sa dalawa, si Clover ang matino ang utak. “Clover, pakisabi nga rito kay Gilen na walang katutuhanan ang espikulasyon niya.”

“Well…” Clover trailed with uncertainty on her voice. “Medyo tama si Gilen.”

“Anong medyo? Tamang-tama ako no!”

Itinirik ni Clover ang mata. “There is a possibility na gusto ka ni Marlon Aiken, pero ang posibilidad na ‘yon ay biglang nawala ng nakita mong may kahalikan siyang ibang babae. Pero nabawi naman ang posibilidad na ‘yon ng magalit siya sa restaurant kasi nagselos siya kay Ralph tapos hinalikan ka rin niya—”

“Wait! Preno.” Pigil ni Marj sa iba pang sasabihin ni Clover. “Hindi siya nagselos kay Ralph. Siguro bad mood lang talaga siya sa mga panahong ‘yon. And about the kiss… it was nothing.”

“Nothing daw.” Tinawanan siya ni Gilen. “E bakit namumula ka riyan?”

Inirapan niya ito. “Whatever. Kahit anong sabihin niyo, alam kong walang gusto sa akin si Aiken. Nararamdaman ko ‘yon.”

Sumimsim si Clover sa hawak na tequila. “Dati nararamdaman mong may gusto siya sayo ngayon naman nararamdaman mong wala siyang gusto sayo. Ano ba talaga, ha, Marj? Ang gulo mo e.”

“Bahala ka sa buhay mo.” Aniya ni Gilen at tumayo. “I’m going to dance!”

Ihinatid nila ni Clover ng tingin ang super hyper na si Gilen.

“Ano naman ang nakain ‘non at mukhang one hundred fifty percent ang battery life?” Tanung niya kay Clover.

Clover shrugged. “Hindi na ako magtaka kung malaman kong kumakain si Gilen ng battery.”

Natawa siya sa sinabi ni Clover. “Ikaw talaga. Will you stop bullying Gilen? Mabait naman ‘yon e. May sayad nga lang minsan.”

“Magyeyelo muna ang impyerno bago ko sabihing mabait si Gilen. And I’m not bullying her. It’s my way of caring. Tulad sayo, tinatarayan kita but it doesn’t mean na inaaway kita, ganoon na talaga ako sa mga taong mahal ko.”

Lumambot ang puso niya sa sinabi ni Clover. Alam naman nila ni Gilen na kahit mataray si Clover e mahal sila nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit. “Aww, thanks Clover Cinnamon Perez.”

Clover glared at her. “Say my full name again at itutulak kita sa bangin.”

Marj chuckled. Nakalimutan niya na ayaw na ayaw pala ni Clover na naririnig ang second name nito. Nagmumukha daw kasi itong food spice.

“Sorry.” Hingi niya ng tawad dito. “Nakalimutan kong ayaw mo pala sa second name mo.”

“Ayaw? I loathe my second name! Okay na ang Clover, bakit kailangan pang dugtungan ng mga magulang ko ng isang karumal-dumal na food seasoning?”

Napatawa siya ng malakas sa sinabi nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ito maka move on sa second name nito. Napatigil siya sa pagtawa ng biglang may umupo sa kinauupuan ni Gilen kanina.

It was a man. A very gorgeous man on his late twenties. He looks like a Greek god. His eyes. His nose. His jaw. His face. his body. Everything about this man shouts gorgeousness. Pero mukhang siya lang ang apektado sa kaguwapuhan nito kasi si Clover ay nakatingin lang sa lalaki na para bang ito ang pinaka boring na tao sa mundo.

He smiled, showing his set of dimples. “If being beautiful is a crime, you’ll be guilty as charged. Can I have your name?” Tanung nito kay Clover.

Clover looks at the man uninterested. “Why? Don’t you have one already? But yeah, you can have my second name. I hate it anyway.”

Hindi apektado ang lalaki sa pagtataray ni Clover kasi mas lalong lumapad ang ngiti nito. “Can I buy you a drink?”

“Actually, I rather have the money.” Sagot ni Clover. “Medyo mamahalin din ang mga inumin dito. Pandagdag sa ipon.”

“Come on, stop turning me down. I know you want me.” Puno ng kompyansa ang boses nito.

Clover smiled at the man fakely. “Yeah you’re right; I want you— to leave.”

“I think I could make you happy.”

“Why? Are you leaving? Because I’d be bouncing in happiness.” Sarkastikong sagot ni Clover sa lalaki.

“What will make you happy?”

“You—leaving.”

“Where have you been all my life?”

“Hiding from you.”

“You’re the woman of my dreams.”

“Go back to sleep.”

“I know how to please a woman.”

“Then please, leave me alone.” Puno ng iritasyon ang mata ni Clover. “And stop with the pick up lines. It’s not going to work. So, leave!”

The man chuckled. “Will you go out with me this Saturday?”

Clover smirked. “Sorry, I’m having a headache this weekend.”

He grinned. “I’ll be your Advil.”

Clover grins fakely. “I’m a Medicol kind of woman.”

“I could be a medicol—”

“Save the oxygen and close your mouth. If you can’t understand that, it means shut up.”

Sasagot pa sana ang lalaki ng may nagsalita sa likod niya.

“God, Alexus, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.” Boses ‘yon ni Aiken.

Mabilis siyang tumayo at hinarap ang nagsalita. Aiken’s face darkened while looking at her then to the man behind her.  “Ginugulo ka ba ni Alexus?”

“No.” Sagot niya.

“Are you the owner of this bar?” Mataray na tanung ni Clover kay Aiken.

“Yes, why?”

Clover pointed the man who’s still grinning from ear to ear. “Can you please take him away? Sinisira niya ang gabi ko.”

“Sinisira?” Parang hindi si Aiken makapaniwala sa sinabi ni Clover. Tumingin ito sa lalaking nakangisi pa rin. “Man, that’s a first.”

The guy chuckled and stands up. “I know right?” Matiim nitong tinitigan si Clover. “One last pick up line, miss. And if you have a witty comeback, hindi na kita guguluhin. Kapag wala ka namang maisagot sa pick-up line ko, sisiguraduhin kong kahit sa pagtulog mo, guguluhin kita.”

Na-alarmang tiningnan niya ang kaibigan. “Clover, halika na. Hanapin na natin si Gilen.”

“Alexus, stop it. Huwag mong guluhin ang mga customer ko.” Saway ni Aiken sa lalaki na ang pangalan pala ay Alexus.

Hindi pinansin ni Alexus si Aiken at dumukwang ito palapit kay Clover. “If I were to rewrite the alphabet, I would put U and I together.”

Tumawa ng pagak si Clover. “Is that all you got? Too bad, because if I were to rewrite the alphabet, I would put F and U together. Get my point?”

Bago pa makapag-react si Alexus sa sinabi ni Clover, hinawakan na ito sa braso ni Aiken at hinatak palayo sa kanila.

“I’m not done with you miss! I’ll see you soon, honey!” Sigaw ni Alexus habang hinahatak ito ni Aiken papunta sa kung saan.

“Argh! Nakakainis ang lalaking yon!” Nanggigil na sabi ni Clover. “Salamat talaga at mahilig akong magbasa ng kung ano-ano kaya alam ko ang pansupalpal sa mga ganoong pick up lines.”

“Ang galing mo.” Puri niya sa kaibigan. “Lahat yata ng pick up lines na sinabi niya e nasupalpal mo.”

Tumawa ng mahina si Clover. “Yeah, nakakatawa ang reaksiyon niya. Mukhang hindi sanay na sinusupalpal.”

“Pero ang guwapo niya no?”

Pabiro siyang tinampla nni Clover sa braso. “Para sa akin, mukhang siyang tsararat. Mag focus ka nalang kay Marlon Aiken. Huwag na sa kung sino-sinong lalaki na mukhang iniri ng isang nono sa punso.”

Marj laughed. “You know it’s not true. Sa itsura ng lalaking ‘yon—”

“Marj, save oxygen please?” Putol ni Clover sa iba pa niyang sasabihin.

“Hey, girls.” Walang buhay na bati sa kanila ni Gilen.

Nagkatinginan sila ni Clover. Kailan pa nawalan ng buhay si Gilen.

“Anong nangyari sayo?” Tanung niya.

Sumimangot si Gilen. “May naka-argumento akong security guard doon sa may rest room. Na-drain yata ang utak ko sa mga republic act na pinagsasasabi niya. Akalain mo bang sinaysayan ako ng mga batas? Hello! Iihi lang po ako at nagkataong panlalaki ang napasukan ko kasi hindi ako nagbabasa ng sign. Alam kong mali ‘yon pero kailangan bang isa-isahin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas?”

Security guard? Isa lang naman ang guard dito. Si Kaino.

“Paki-explain nga ng mukha ng security guard na nakasagutan mo.” Aniya.

“Macho at guwapo.”

“Malaking tulong ang description mo.” Sarkastikong wika niya.

“What? E ‘yon lang naman ang napansin ko sa kanya, well, maliban sa maganda niyang mata.”

“I think si Kaino ang bouncer na tinutukoy mo.”

“Kaino? Ang pangit naman ng pangalan niya.” Komento ni Gilen. “Pero okay lang. guwapo naman e.”

“Marjorie, can I talk to you for a minute?” Boses iyon ni Aiken mula sa likuran niya.

“Bakit?”

“Basta.”

She bid goodbye to her friends. “Sige, kakausapin daw ako.”

Nanunudyong ngumiti sa kanya si Gilen. “Aherm. Ingat. Huwag mangangagat.”

Inirapan niya ito at humarap kay Aiken. “Saan tayo maguusap?”

“Follow me.” Anito.

“Okay.” Aniya at sinundan ang binata papunta sa opisina nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro