Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

CHAPTER 7

NAKATAYO si Marj sa labas ng Bachelor’s bar at hinihintay ang pagdating ni Clover. Tinawagan niya ito para sunduin siya. Ayaw niyang mag-taxi dahil ayaw niya.

Ilang minuto na siyang naghihintay kay Clover ng tumunog ang cell phone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. It’s Ralph. Ito ang kanyang masugid na manliligaw. Ilang beses na niyang tinapat ang binata na wala siyang nararamdaman para rito pero ayaw pa rin nitong sumuko.

Sinagot niya ang tawag. “Yes?”

“Marj, congratulations!”

Kumunto ang nuo niya. “Congratulations?”

“Yung project na teleserye ng channel nine. Pinagkakaguluhan yan dito kanina sa station. Pero sabi ng producer e ikaw na daw ang hahawak ‘non. I called to congratulate you. Congratulations!”

“Ahm… thanks?” Ano ba ang teleserye na sinasabi nito? Wala siyang natanggap na telerserye sa channel nine.

“Welcome. So, saan tayo magce-celebrate?”

“Celebrate?”

“Oo. Marj, it’s a big project. And we both know na magki-click ‘yon sa masa. We need to celebrate. Saang bar ang gusto mo? Susunduin kita riyan sa bahay mo.”

“Wala ako sa bahay.” Mabilis niyang sabi. “May pinuntahan akong importante. I have to hang up.”

“But, Marj—”

“Ralph, I have important things to do.” Aniya at pinatay ang tawag.

Anong teleserye ‘yon. Wala naman siyang natanggap na text o tawag na nagsasabing hahawak siya ng isang teleserye. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip kung anong teleserye ang tinutukoy ni Ralph ng may magsalita sa likuran niya.

“Sino si Ralph?”

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses ni Aiken.

“Kaibigan ko.” Aniya at mabilis na inayos ang sarili.

“Kaibigan lang?”

“Bakit ba nagtatanung ka? Wala naman itong kinalaman sayo ah.”

Naglakad ang binata palapit sa kanya at tumayo sa tabi niya. “Who’s Ralph?” Ulit nitong tanung.

“Kaibigan ko nga. Bakit ba ang kulit mo?”

”Kaibigan lang talaga?”

“Ano bang paki mo?” Napipika na siya sa katatanung nito. Busy ang utak niya sa pag-iisip kung anong teleserye ang tinutukoy ni Ralph kaya wala siyang oras para basahin na naman dahil ng mga galaw at salita nito.

“Nagtatanung lang naman ako. Anong masama sa pagtatanung?”

“Masama kasi makulit ka.”

“I’m just asking.”

“Why are you so curious? It’s none of your business.”

Hinarap siya nito na kunot ang nuo at madilim ang mukha. “It is. Sa tingin mo ba talaga hindi ko alam? I know everything about you. Imposibling hindi kita makilala. Marjorie Torres Ortinez, one of the most famous Directors in the country.”

Halos mahulog ang panga niya sa sinabi nito. “W-What d-did you say?”

“You heard me.”

Sa halip na mahiya dahil nalaman nito na nagsinungaling siya, itinaas niya ang baba niya. “Alam mo naman pala e, bakit mo pa ako tinanggap bilang waitress?”

“Wala lang. Gusto ko lang. Ikaw? Bakit ka nandito sa bar ko?”

 Nagkibit balikat siya. “Wala lang din. Gusto ko lang din.”

His jaw thightened as he glared at him. “Bakit ka nagsinungaling sa akin?”

Ayaw niya pero nararapat lang na malaman nito ang katutuhanan. Tutal naman buko na siya. Hinarap niya ito at tumingin sa mga mata ng binata.

“Gusto kita. That’s why.”

Nanlaki ang mga mata nito at halatang nagulat sa sinabi niya. Hinintay niyang magsalita ang binata. Hinintay niyang sagutin nito ang nararamdaman niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang hinihintay ang reaksiyon o sasabihin nito.

“See you tomorrow. Gusto kong makita kita sa bar eksaktong ala-sais ng gabi. Wala akong pakialam kung Director ka. Sa bar ko, waitress ka. At magta-trabaho ka para sa akin dahil naka-leave pa ang papalit sayo.” ‘Yon lang at tinalikuran na siya nito at pumasok sa loob ng bar.

Ilang minuto rin siyang nakatanga sa pinasukan nitong pinto. Inaasahan niya na may nararamdaman din ito para sa kanya, she can read between the lines. She can feel it in her bones that Aiken likes her too. Halata naman sa mga galaw nito. Kung pag tatagni-tagniin ang mga pangyayari sa kanilang dalawa, masasabi niyang kahit papaano, may gusto rin sa kanya ang binata.

Pero mukhang imahinasyon lang niya ang mga nababasa niya sa galaw nito. Gawa-gawa ng malikot niyang isip. Masakit man aminin pero ‘yon ang totoo.  At hindi niya akalain na kilala pala siya ng binata. Pero ang pinagtataka niya, kung kilala siya nito, bakit inalok siya nito ng trabaho? Bakit tinanggap siya nito bilang waitress?

Bakit— Argh! Ang daming bakit na kumukuliglig sa isip niya.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan ng bar at iniluwa si Aiken na dala-dala ang jacket nito.

“Come on. Ihahatid na kita.” Anito sa walang emosyong boses.

“Thanks but no thanks. Susunduin ako ng kaibigan ko.”

“I said come on.”

“Ayoko nga—”

“Ihahatid kita o ipagkakalat ko sa medya na ang isang sikat na Director na katulad mo ay nagpapanggap na waitress para lang mapansin ko. Pumili ka.”

“You wouldn’t…”

“Oh… I will. Sasabihin ko sa kanila at wala akong pakialam sa mangyayari sayo. So, you better hopped in my car or I’ll drive straight to my Reporter friend. I’m sure bukas na bukas ikaw ang headline sa bawat diaryo at telebisyon dito sa Pilipinas.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Ang pagkagusto niya rito ay unti-unting napapalitan ng galit. Ito ba ang lalaking nagustuhan niya. Ito ba ang lalaking araw-araw niyang pinagsasayangan ng oras sa kaha-hi? Ang lalaking dahilan kung bakit waitress siya ngayon? Ang lalaking dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang lalaking dahilan ng paba-blush niya?

Ano nga ba ang alam niya kay Marlon Aiken Garcia maliban sa pangalan nito at nagmamay-ari ito ng isang bar? Wala siyang alam tungkol sa binata. Tama nga ang kasabihan. Makikilala mo ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito. At nagsisisi siya na nagkagusto siya sa lalaking ‘to. Oo nga at napaka-guwapo nito at talaga namang kaya nitong matibukin ang puso niya ng sobrang bilis, pero hindi niya matatanggap ang panba-blackmail nito sa kanya.

“Okay.” Wala siyang ibang choice kung hindi ang pumayak at sundan ito patungong sasakyan nito na nakaparada hindi kalayuan sa bar.

NANG tumigil ang sasakyan ni Aiken sa labas ng bahay niya, napatingin siya rito.

“Paano mo nalaman ang address ko?”

“Who wouldn’t know the house of Marjorie Ortinez?” Balik tanung nito.

She rolled her eyes and opens the door. Akmang lalabas na siya ng magsalita ito ulit.

“Six o’clock in the evening. Gusto ko nasa bar ka na. Ayoko ng late.”

Natigilan siya. “I’m resigning.”

“You can’t. Sinabihan na kita kanina. Naka-leave pa ang papalit sayo.”

“Wala akong pakialam. I’m resigning and that’s final. And it’s not my fault that you accepted me even knowing who I really am.”

Ilang minuto itong walang imik. “Sasabihin ko sa media na nag-apply ka bilang isang waitress para lang mapansin ko. And they will believe me. I have CCTV camera all over the bar.”

Nanigas siya sa kinauupuan. Hindi niya akalain na sasabihin nito iyon. She thought he’s just bluffing earlier. But looking at him now, he’s dead serious.

“You w-wont…”

“I can and I will … if you quit.”

Napalunok siya sa klase ng boses na ginamit nito. “I have to. May hahawakan akong teleserye—”

“Then I think you should learn to multi-task.” Anito sa walang emosyong boses.

Napaawang ang bibig niya sa kawalan nito ng emosyon at pakialam sa nararamdaman niya.

Bakit naman ito makikialam sa kanya? She’s just one of his employees. Wala nang iba.

“Fine. I’ll be at your bar tomorrow.”

“Good.”

Galit siyang lumabas ng sasakyan nito at pabalibag niyang isinara ang pinto ng sasakyan. Napabuntong-hininga siya ng mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan paalis.

KINABUKASAN, maagang nagising si Marj. Hindi siya makatulog sa nagdaang gabi sa kakaisip ng paraan kung paano niya pag sasabayin ang pagwi-waitress at pagdi-direk ng isang teleserye. Hindi niya hahayaang malaman ng media ang ginawa niya.

Siguradong pag-uusapan ‘yon at may posibilidad na masira ang reputasyon niya.

Napakunot ang nuo niya ng marinig ang door bell ng bahay niya.

“Sino naman kaya ‘yon?” Tanung niya sa sarili.

Nang isiping baka si Ralph ‘yon at mangungulit na naman, naiinis na binuksan niya ang pintuan.

“Ralph, diba sinabi ko na sayo na hindi kita gusto.” Aniya sa bored na boses.

“And you said Ralph is just a friend.”

Napamulagat siya ng marinig ang boses ni Aiken.

“Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? You’re not welcome here.”

“Hindi naman ako papasok e, so okay lang.”

“Ano ba ang kailangan mo?”

“May pag-uusapan tayo tungkol sa bar. Come. Let’s talk over coffee.”

Sumandal siya sa hamba ng pintuan. “Ayoko. Kaya kung mag-kape ng nag-iisa. At saka ano naman ang pag-uusapan natin tungkol sa bar mo? I don’t know a thing about bar.”

“But you know a lot about drinks.”

“So?”

“Basta. Sumama ka nalang sa akin kung hindi, alam mo na ang gagawin ko.”

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. “Fine.” Akmang lalabas na siya ng bahay ng pigilan siya nito.

He looked at her from head to toe. “Magbihis ka.”

She looked at her self. She’s wearing a mini-skirt and cute hanging blouse. “Okay na ‘to. I’m comfortable with it.”

“Change.”

Inirapan niya ito at lumabas ng bahay. Hinding-hindi siya nito mapapapayag na magpalit ng damit. She’s comfortable wearing a mini-skirt. Kaya naman malimit lang siyang mag pantalon, nangangati kasi ang legs niya.

“Hindi ako magpapalit ng damit.” Aniya at tinungo ang sasakyan nito na nakaparada hindi kalayuan sa bahay niya.

Pagkapasok niya sa sasakyan nito, ilang minuto lang ang lumipas, sumakay na rin si Aiken.

Nasa gitna na sila ng kalsada ng magsalita ito.

“How’s your feet?”

Tiningnan niya ang paa na medyo nananakit parin. “Why do you care?”

“Isa ka sa mga trabahante ko. That’s why.”

“Okay lang ang paa ko.”

“Are you sure?”

“Yes.”

“Wala kang paltos sa paa?”

“Mayroon. Pero magiging okay din ‘yon.” Aniya at tumingin sa labas ng bintana.

Out of nowhere, a band-aid appeared in front of her.

“Oh, ilagay mo sa paltos mo.”

Nilingon niya si Aiken na nakatingin sa daan habang inaabot sa kanya ang band-aid.

“I don’t need that.” Aniya pero ang gusto niyang gawin ay tanggapin ‘yon. Pero ang pride niya ay nagsusumigaw na hindi.

Pagkatapos ng pamba-blackmal na ginawa nito sa kanya? Nunkang tanggapin niya ang binibigay nito.

“Sure you do.”

“Hindi ko kailangan ‘yan.” Aniya sa matigas na boses at tumingin ulit sa labas ng bintana.

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Wala ni isa man ang nagsalita.  Hindi na nito ulit inabot sa kanya ang band-aid na ikinalungkot niya. Pero pinigilan niya ang sarili na maramdaman ‘yon.

Hindi na puwede! Ayaw na niyang magkagusto sa lalaking ‘to!

Itinigil ni Aiken ang sasakyan sa labas ng isang Shay café. Kilala niya ang naturang café dahil ito ang paboritong tambayan ng mga kaibigan niya.

Tahimik na lumabas siya ng sasakyan, maglalakad na sana siya papasok sa café ng humarang si Aiken sa dinaraanan niya.

She glared at him. “What now?”

Umuklo ito ng ikinabigla niya. May kinuha ito sa bulsa at ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng makitang ang band-aid ‘yon na ibinigay nito sa kanya.

Binuksan nito ang band-aid at inilagay sa paltos niya na nasa kanang bahagi ng paa niya. Inayos muna nito ang pagkakalagay ng band-aid bago ito nagtaas ng tingin.

“Feeling better?”

Nag-iwas siya ng tingin at sinuway ang puso na mabilis ang tibok dahil sa ginawa nito. Hindi niya akalain na gagawin nito iyon.

He doesn’t care about her, that’s for sure… pero bakit nito ginawa iyon?

Walang imik na iniwan niya ang binata at naglakad papasok sa café. Nakasunod naman sa kanya si Aiken. Pagktapos um-order, pinili niyang umupo sa mesa na nasa gilid at medyo tago.

“Anong paguusapan natin tungkol sa bar mo?” Tanung kaagad niya ng makaupo si Aiken.

Tiningnan siya ni Aiken ng matagal bago nagsalita. “Ahm, I was thinking of a new drink to serve.”

“’Yon lang kaya mo ako dinala rito? You’re a bartender. Dapat alam mo ang isi-serve mo.”

“I need a woman’s idea. Saka diba mahilig ka naman mag-bar?”

Kumunot ang nuo niya. “Paano mo nalaman ‘yon?”

Natahamik ito kapagkuwan ay sumagot. “I always saw you in my bar with your friends.”

Tumawa ng pagak si Marj. “Wow. So, you do know me. It’s good to know na hindi lang naman pala ako ang nagsinungaling. Ikaw din.”

“I’m not a liar.”

“Yes you are. You’re also a blackmailer.”

“I’m not.”

“Anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Aiken, you are blackmailing me to do your bidding.”

Tumingin ang binata sa labas ng café. “I have to blackmail you.”

“Pardon?” Hindi sigurado si Marj sa narinig na sinabi ni Aiken.

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Nothing. I said yes, I am a blackmailer but not a liar.”

She rolled her eyes at him. “Whatever.” 

Nang dumating ang order nila, inabala ni Marj ang sarili sa inorder na kape at sandwich. Si Aiken naman ay kape lang ang inorder.

Katahimikan ang namayani sa kanila.

Kapagkuwan ay may kinuha si Aiken sa bulsa nito at inilapag iyon sa harap niya.

“Accept it.” Anito sa matigas na boses.

Napatitig siya sa isang miniature na baso na may lamang margarita. Ang cute ‘non tingnan. Puwedeng gawing key chain.

“Bakit mo ako binibigyan nito?”

“It’s ahm…” Bumaba ang tingin nito sa tasa ng kape. “A first day gift.”

“Ano?”

“Binibigyan ko ang lahat ng empleyado ko ng first day gift.” Anito na nakatungo pa rin sa tasa ng kape.

She slowly picks up the miniature glass of margarita. “Ang ganda naman nito.”

“You like it?”

“Yes.”

“Good.”

She gave him a small smile. “Thanks for this.”

A smile appeared on Aiken’s lips, but it quickly disappeared when she said, “But i still don’t like you blackmailing me.”

He sighed heavily and leaned on his chair. “Pero gusto mo pa rin ako diba?”

Mabilis siyang napatingin sa binata. “What did you say?”

A small smirk appeared on his lips. “You don’t like me blackmailing you, but you still like me.”

Parang may kabayong naghahabulan sa dibdib ni Marj dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. “H-how—”

“Marjorie, wala naman akong amnesia. I can still remember your little confession.”

Napalunok siya. “A-Akala ko—”

“Akala mo ano? Na kinalimutan ko na? How can i? When it was the famous director who confessed to me?”

Nag-init ang mukha ni Marj sa narinig. Alam niyang pulang-pula ngayon ang pisngi niya kaya naman tumungo siya. Naghihimutok ang kalooban niya sa pinaparamdan nang binata sa kanya ngayon. Kahit naiinis siya rito dahil sa panba-blackmail sa kanya, nariyan parin ang hibang niyang puso na gustong-gusto ito.

“M-Mawawala rin ang nararamdan kong ‘yon para sayo.” Aniya sa hindi sigurado ng boses. “Ngayon pa na naiinis ako sayo—”

Malalaki ang mata na napatigil siya sa pagsasalita ng bigla itong tumayo at inilapit ang mukha sa mukha niya.

Napanganga siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

“Aiken…”  Bulong niya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Limihim siya napalunok ng hawakan nito ang pisngi niya.

Then slowly he grinned. “What? You think I’m going to kiss you?” He chuckled. “Hindi ako nanhahalik ng trabahante sa bar.”

Sa sobrang inis niya sa sinabi nito, sinampal niya ang binata.

“For your information, hindi lang ako trabahante sa bar mo. I’m a director.” Pagkasabi ‘non ay mabilis siyang lumabas ng café at pumara ng taxi.

How dare him! Sino naman ang sira ulong gustong humalik sa hinayupak na ‘yon?

Ikaw. Ani ng isang bahagi ng isip niya.

“Hindi ko siya gustong halikan!” Dipensa niya sa sarili at sumakay ng taxi pabalik sa bahay niya.

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Marj sa Bachelor’s bar, sinalubong kaagad siya ni Mr. Bouncer.

“Pinapapunta ka ni Marlon sa opisina niya.” Anito at iniwan siyang natitigilan.

Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ‘yon sa kanya?

Hindi siya kumatok at agad na pumasok sa opisina ni Marlon. Halos lumuwa ang mata niya sa nakita.

“Oh god…”

Mabilis na itinulak ni Aiken ang babaeng kahalikan nito. And it’s none other than the famous porn actress, Lizella Stan.

Nang tumingin si Aiken sa kanya, punong-puno ang mata nito ng emosyong hindi niya mabasa.

“She’s ahm… She’s— ahm…” Hindi nito matapos-tapos ang sasabihin dahil nauutal ito.

“Ahm… sa labas nalang ako. I didn’t know.” Mabilis siyang lumabas ng opisina ni Aiken at patakbong tinungo ang locker room.

Nagpapasalamat siya na walang tao loob. Nanghihinang napasandal siya sa nakasarang pinto at sinapo ang puso niya na parang may karayum na tumutusok.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Shit naman! Bakit ba siya apektado sa nakita? Hindi ba dapat wala na? Naiinis siya sa binata. Galit siya rito dahil sa pamba-blackmail nito sa kanya. Pero bakit? Bakit ba siya nasasaktan?

Argh! Sinabunutan niya ang sariling buhok at padaus-dos na umupo sa sahig.

Buwesit! Hindi dapat siya apektado. Bakit ba siya nasasaktan?

Nasa ganoon pa rin siyang posisyon ng bumukas ang pinto, at dahil nga nakaharang siya, hindi iyon bumukas.

“Marjorie, let me in.”

Mabilis siyang napatayo ng marinig ang baritong boses ni Aiken.

Kinalma niya ang sarili at inayos ang nalukot na damit. Umalis siya sa pagkakaharang sa pintuan.

“About what you saw. It was—”

“It was nothing.” Aniya sa kalmadong boses.

He frowned. “What? Diba may gusto ka sa akin? What you saw should—”

“What I saw was nothing. I don’t care and I don’t give a shit about it. Ang sa akin lang, sana hindi mo ako pinapunta kung may ginagawa ka palang milagro. Naisturbo ko pa tuloy kayo.”

Gusto niyang magbunyi dahil napanatili niyang kalmado ang boses kahit ang kalooban niya at nasasaktan.

“Marjorie—”

“Sir Aiken, lumabas na po kayo. Magbibihis na ako.” Tinalikuran niya ang binata at binuksan ang locker niya kung saan naroon ang uniform niya. Akmang kukunin niya iyon ng biglang sumara ang lover niya. Mabuti nalang at mabilis na nailabas niya ang kamay at hindi ‘yon naipit.

Tiningnan niya ng masama ang salarin. “Sir Aiken, alam mo bang muntik na akong maipit sa ginawa niyo?”

“You don’t care? You don’t give a shit about what you saw?”

Alam niya kung anu ang sinasabi nito pero nagmaang-maangan siya.

“Ano bang sinasabi mo?”

“You know what I’m talking about.”

“Sir Aiken, bakit ba big deal sa inyo ang nakita ko? Wala naman ‘yon e. It was nothing.”

“So kung hahalikan kita ngayon, nothing din ‘yon?”

Bago pa siya makapag-react, lumapat na ang labi ni Aiken sa labi niya. Sa sobrang gulat sa ginawa nito, hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Naramdaman nalang niya ng pakawalan nito ang labi niya.

“It’s Aiken and cut the sir.” Anito at iniwan siyang nakatanga sa kawalan dahil sa halik nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro