Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

CHAPTER 6

NAGAALANGANG pumasok si Marj sa bahay ni Aiken. She can see uncertainty on his green eyes and it worried her. Baka napipilitan lang ang binata na papasukin siya sa bahay nito dahil hahanapin pa nito ang file na pinapakuha ng pinsan nito sa kanya.

Hindi siya nahirapan na hanapin ang bahay nito. Tama nga si Sir Ramm, ang bahay lang ni Aiken ang may kulay gray na pintura. At nakatulong din ang lamppost na nadaanan niya para madaling mahanap ang bahay ni Aiken. Hindi tumuloy ang taxi na sinakyan niya kasi bako-bako na ang daan at kailangang lakarin niya ang daan papunta sa bahay ni Aiken.

“Ahm… I can wait outside.” Aniya at nilingon ang medyo may kadiliman na paligid. 

 “No, please, enter.” Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. “Medyo makalat nga lang ang bahay ko.” Sabi nito na bahagyang nakangiwi.

“Okay.” Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay nito at ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng bahay nito.

Napanganga siya ng makita ang makalat nitong sala. Nagkalat sa sahig ang mga sapatos, medyas, libro, DVD tapes at kung ano-ano pang gamit nito. Nakita niyang isa-isang pinulot ni Aiken ang nagkalat na mga gamit.

“Ahm… yeah.” Napakamot sa batok si Aiken. “Medyo makalat ang bahay ko.”

“Medyo? That’s an understatement of the century. Hindi iyan medyo.” Iminuwestra niya ang kamay sa nagkalat na mga gamit nito. “Sobrang kalat kaya.”

“I’m not here often, kaya naman makalat dito.” Tumigil ito sa pagpupulot ng kalat at tumingin sa kanya. “Ahm… would you mind if you wait in the kitchen. At least doon, walang kalat.”

“Sure.” Aniya at sinundan ang binata papuntang kusina.

“Well, you can wait here. Hahanapin ko lang ‘yong file.” Anito at nagmamadaling iniwan siya sa kusina.

 Ipinalibot niya ang paningin. Malinis nga rito kompara sa sala. Walang nagkalat na mga gamit at malinis din ang sahig. Mukhang palagi ngang wala rito ang binata tulad ng sabi nito kanina.

Ilang minuto rin ang lumipas bago bumalik si Aiken. Medyo hinihingal ito at pawis na pawis. “Anong nangyari sayo?” Tanung niya.

“I can’t find it.” He exhaled a loud breath. “Nawawala yata.”

“Iyon ang pinunta ko rito. Kung nawawala naman pala e di aalis na lang ako.” Ayaw niyang magtagal sa bahay ng binata. Baka atakihin naman ang mahalay na parte ng utak niya at ano pang kagagahan ang magawa niya.

Oo nga at gusto niya si Aiken, pero wala naman siyang balak na maging isang disperadong babae.

“Wait!” Pigil nito sa kanyang ng akmang lalabas na siya ng kusina.

“Ano?”

“Can you wait a little bit longer? Sa sala na kung gusto mo.”

“Okay. Basta huwag ka lang matagalan sa paghahanap.” Aniya at naglakad pabalik sa sala.

Natigilan siya ng makita ang walang kalat na sala. Maayos na ang pagkakalagay ng mga gamit, at malinis na rin ang paligid. Nilingon niya si Aiken na nasa tabi niya. “Ang bilis mo namang maglinis.”

He chuckled while rubbing his nape. “Actually, tinapon ko lang ang mga nagkalat na gamit doon sa basement.”

Napailing-iling siya. “Ewan ko sayo, Aiken. Sige, hanapin mo na ang file na pinapakuha ni Sir Ramm at ng makaalis na ako.”

“Okay. Wait here.” Iniwan siya nito para hanapin ulit ang file.

Umupo siya sa mahabang sofa. “Wala ba siyang katulong at ganito kakalat ang bahay niya?” Tanung niya sa sarili.

Napatingin siya sa center table kung saan naroon ang isang kulay itim na laptop. Out of curiosity, she opened it. Walang password ang naturang laptop kaya naman madali niya iyong nabuksan. Napatanga siya ng makita ang desktop background nito. Larawan iyon ng anim na kalalakihan. Lahat mga guwapo at makikisig. Ang kilala lang niya sa lima ay si Aiken, ang bouncer na si Kaino at si Sir Ramm. Mag pinsan si Aiken at Sir Ramm, pinsan din kala niya si Kaino at ang tatlo na hindi niya kilala? May posibilidan na pinsan niya si Kaino, kasi kung makipag-usap ito kay Aiken sa Bar, parang hindi ito trabahante roon.

Marj opened the Pictures, and saw only one photo. Iyon ay ang larawan na ginamit nito bilang desktop background. Then she opened the Documents. Napatanga siya sa sobrang dami ng files na naka-save. Alam niyang trespassing na ang gagawin niya kung bubuksan niya ang isa sa mga files, pero hindi niya napigilan ang kamay na buksan iyon.

Kumunot ang nuo niya ng makita ang laman ng file. Hindi niya alam kung tula ba iyon o ano. It’s titled Falling for you and if it’s not a poem, then it’s a song.

“It’s a song.”

Napaigtad si Marj ng marinig ang boses ni Aiken sa likuran niya. Mabilis niyang nilingon ang binata na nakatingin sa laptop na nasa harapan niya.

“Sorry, na curious ako. Binuksan ko.” Nakatungo niyang hingi ng tawad.

“It’s okay.” Umupo ito sa tabi niya at tumingin ulit sa screen ng laptop. “I compose it three months ago.”

She’s amazed. “Hindi ka lang pala bartender, songwriter ka rin? Ikaw na ang talented.” Puri niya rito.

“Yeah, I’m a song writer too pero hindi ako kasing galing ni Alexus sa paggawa ng kanta.”

“Sino si Alexus?”

“My cousin. He owns the AEG Recording company.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Ang AEG Recording company ay isa sa mga sikat na recording company sa asya.”

“Yeah. He’s that good in terms of business and music. Anyways, nagko-compose ako ng kanta at pinapasa ko sa kanya. Bahala na siya kung anung gawin niya sa gawa ko. I trust him. At kapag may singer na bumuli sa gawa ko, seventy-thirty ang hatian namin.”

Tumango-tango siya. “Ilan na ba ang kanta na nagawa mo?”

“Eight, pang nine ang isang iyan.” Anito na nakatingin sa screen ng laptop.

“Sabi mo, three months ago mo pa ginawa ang kantang yan. May nakabili na ba niyan?”

“Nah. Hindi ko pa nga pinapasa kay Alexus, and I’m not planning on it.”

“Bakit naman?”

“Because that song is very special to me and I don’t want anyone hearing it except her.”

 “Ah. Okay.” Wala na siyang ibang masabi. Ayaw niyang magtanung kung bakit espesyal ang kantang iyon. Nararamdaman kasi niya na hindi niya magugustuhan ang isasagot nito. Sa lyrics palang ng kanta, alam na niya na para iyon sa babaeng gusto nito at nagseselos siya.

“Hindi mo ba itatanung kong para kanino ang kantang yan?” Tanung ni Aiken sa kanya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

“Hindi.”

Matiim siya nitong tinitigan. “Bakit? Ayaw mo bang malaman ang sagot ko?”

Mabilis siyang umiling. “Hindi ako interesado sa sagot mo.”

Aiken shrugged and leaned on the back of the sofa. Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Nilingon niya ang binata ng may maalala.

“Aiken, nasaan na pala ang file na pinunta ko rito?” Tanung niya sa binata na nakapikit ang mata.

“The title is ‘falling for you’.” Anito at pumailanlang ang baritono at magandang nitong boses na hindi niya akalain na taglay nito.

‘The first time I saw you, I was awed

You captured my heart, and I’m afraid to get hurt

You’re so near, yet so far away to reach

I wish I could make you fall in love with me

But I’m afraid I’ll never be good enough for you.’

Aiken green eyes opened and he looked deep into her eyes. It’s full of emotion that she can’t name.

‘Falling for you is easy as breathing

One inhale is all I need to fall madly harder

Falling for you is the best thing that ever happened in my life

Addicted by your scent

Addicted by your smile

Your love is the only thing my heart needed, your love that I yearn to have.’

His eyes were still on hers when he sang the second verse. Marj can’t look away. The songs that he’s singing at the moment is capturing her heart and sipping through her soul.

‘The first time I saw your smile

My heart leaped a million mile

My stomach butterflies fluttered inside

I was intoxicated by your smile

I can’t seem to look away

Your smile that always made my day.’

“Repeat chorus and that’s it.”

“Wow.” She whispered. “It’s… it’s…”

“It’s what? Lame? It’s under revision so it’s okay if it’s not good.”

“Hindi. Ang ganda kaya.”

“Sige bulahin mo pa ako.” Nakangiti sabi nito.

“Hindi kita binobola, maganda talaga. Promise!”

“Oo na.” May iniabot itong folder sa kanya. “That’s the file that you came here for.”

Akmang kukunin niya ang folder nang itago nito iyon sa likuran. “Ibibigay ko ito sayo, kapag pumayag ka na ihatid kita pabalik sa Bar. Gabi na, baka mapaano ka sa daan.”

“Sige, okay lang na ihatid mo ako.” Sagot niya ng hindi nag-iisip. Gusto pa niyang makasama si Aiken at sa pagkakataong ito, hindi niya tatanggihan ang alok nito na ihatid siya.

MAGKATABI sila ni Aiken na naglalakad papunta sa parking lot na ginawa ng may-ari ng Sunrise Village para sa may mga sasakyan na nakatira sa Hillside. Malapit lang naman daw iyon sabi ni Aiken kaya naman heto, ilang minuto na rin silang naglalakad.

“Bakit dito mo naisip na tumira?” Tanung niya habang nakatingin sa malubak na daan na dinadaanan nila. “Ang hirap naman dito. Para kang nasa kabundukan.”

“That’s why. Para akong nasa kabundukan, at walang isturbo sa akin dito. Well, maliban nalang kung ang iisturbo sa akin ay ‘yong taong gusto ko.”

“Ganoon? So ayaw mong iniisturbo ka?”

“Oo, pero kung ikaw naman ang iisturbo sa akin, I can make an exemption.”

Parang tinambol ang puso ni Marj sa narinig na sinabi ng binata. Nararamdaman niya. She can feel that he’s flirting with her. Tama ba ang feeling niya? o feeling-ngira lang talaga siya?

“Puwede kitang isturbuhin kahit kailan?” Pakikisakay niya sa sinabi nito.

“Of course, ikaw pa. Exemption ka nga diba?”

Napangiti siya ng lihim sa sinabi nito. Sheyts! Parang may kumikiliti sa puso niya at gusto niyang magtatalon sa saya pero dahil nasa harap siya ni Aiken, kinalma niya ang sarili at umastang walang epekto ang sinabi nito.

“Huwag kang mag-alala, hindi kita iisturbuhin.” Aniya.

“Okay lang naman sa akin. You can disturb me anytime you want.”

“Okay.” Aniya habang pinipigilan ang malapad na ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya. Pinipigilan niya ang kilig na nararamdaman.

“Always remember that, Marjorie.” Anito at naglakad ng mabilis palapit sa parking lot na may tatlong sasakyang naka-park.

Mukhang kaunti lang ang nakatira sa Hillside, iyon o mga walang sasakyan ang ibang nakatira roon.

Aiken opens the passenger’s door of his car. “Hop in.”

Mabilis siyang sumakay at umayos sa pagkaka-upo ng pumasok si Aiken. Walang imik na binuhay nito ang makina at pinaandar ang sasakyan. Nasa daan na sila ng magsalitang muli ang binata.

“May boyfriend ka?” Tanung nito na ikinagulantang ng lahat ng cells niya sa katawan.

“Wala.” Mabilis niyang sagot. “Wala pa kasi akong nagugustuhan e.”

“Bakit naman? Mapili ka? Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki?”

Napaisip si Marj sa tanung na iyon ni Aiken. “Ahm… hindi ko alam. Wala pa naman akong gustong lalaki sa ngayon.” Pagsisinungaling niya.

“Kapag nagkagusto ka sa isang tao, ano ang kaya mong gawin para sa taong ‘yon?”

“Hindi ko siya iiwan. Para sa akin, doon nasusukat ang pagmamahal.” Sagot niya. “Kahit ano pa ang gawin ng taong ‘yon sayo, kapag mahal mo, hindi mo iiwan.”

Marahan itong tumango. “Ako, magugustuhan mo ba ako kung sakali?”

Mabilis niyang nilingon si Aiken. “A-Ano?”

“Don’t mind what I said.”

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Aiken. May kanya-kanyang laman ang isip niya. Siya, nasa isip niya ang tanung nito. Kung alam lang nito ang nasa loob ng puso niya, pangalan nito ang nakasulat doon at hinding-hindi iyon mawawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro