Chapter 5
CHAPTER 5
ISANG LINGGO nang nagta-trabaho si Marj sa Bar ni Aiken. Sanay na siya sa trabaho niya bilang isang waitress. Hindi na nananakit ang paa niya sa katatayo at kalalakad para kuhanin at ihatid ang order ng mga costumers. Nakakabiruan na niya ang iba pang waitress na kagaya niya, at ang manager ng Bar na si Yuan ay medyo ka-close na rin niya.
Nag-i-enjoy siya sa trabaho niya. Hindi niya akalain na masaya rin palang maging isang waitress.
Tulad ng mga nagdaang araw, marami na namang tao sa Bachelor’s Bar. Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis ng isang table ng lapitan siya ni Yuan.
“Marj, puwede bang pakiasikaso ng lalaki iyon sa table ten? That’s Ramm Nicolas San Diego, pinsan ni Sir Marlon Aiken sa ina. Busy pa kasi ako sa mga costumer sa VIP room, hindi ko sila puwedeng ipaubaya sa ibang waiter o waitress kasi mga importante ang mga taong ito sa Bachelor’s Bar. Pakisabi kay Sir Ramm na sandali lang at pasensiya sa paghihintay.”
Hindi pa siya nakaka-oo sa pinapagawa nito sa kanya, mabilis na itong nawala sa tabi niya. Nakita niya si Yuan na nagmamadaling naglalakad papunta sa VIP rooms.
Inayos niya ang sarili at tinungo ang table ten. “Mr. San Diego?”
Nilingon siya ng lalaki at hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kaguwapuhan. Pero kung ikukumpara niya ito kay Aiken, mas guwapo naman si Aiken. Hindi niya alam kung bias lang talaga ang puso niya.
“Yes? Who are you?” Tanung nito sa kanya na kunot ang nuo.
“I’m Marjorie Ortinez, isa po akong waitress dito sa Bar. Pinapasabi lang ho ni Yu—ahm, Sir Yuan na sandali lang po medyo busy daw kasi siya at pasensiya raw sa paghihintay.”
“Tell Yuan, its okay. I can wait. Can I have a glass of water?”
Tumaas ang kilay niya sa order nito. “A glass of water, sir?” Paninigurado niya baka mali ang pagkakarinig niya.
He smiled shyly. “Yes. Baka maamoy ng asawa ko na uminom ako ng alak, sa sahig ako matutulog kapag nagkataon.”
Napangiti siya sa tinuran nito. Hindi niya akalain na may mga lalaki pa rin palang iniisip ang asawa bago gawin ang isang bagay. “Ang sweet niyo naman ho, sir. I’m sure po na hindi kayo malalasing sa tubig.”
He chuckled. “Yeah.”
“I’ll get your water, Sir.” Iniwan niya ang lalaki at kinuha ang order nitong tubig.
Pagbalik niya, may kausap ito sa telepono kaya naman, tahimik niyang inilapag ang tubig sa mesa nito. Hindi niya maiwasan na marinig ang sinasabi nito sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.
“Shit! Why didn’t you tell me it’s not here, you dipshit!” Galit sa wika ni Sir Ramm sa kausap nito sa cell phone. “What do you mean, it’s in your house? Malay ko ba na hindi ka pala pumasok ngayon… No! That’s my file. Pinahiram ko lang iyon sayo… Marlon Aiken, isang taon na yang file sayo.”
Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng binata. Hindi pumasok si Aiken? Kaya naman pala hindi niya ito makita na pakalat-kalat sa loob ng bar at nakatingin sa bawat galaw niya. Nasaan kaya ang binata?
“Marlon Aiken, hiniram mo ang file na ‘yon hindi pa kami nagkakamabutihan ni Yanzee, ngayon kinasal na kami at magkakaanak na, hindi mo pa rin naibabalik ang file na hiniram mo sa akin. Give it back to me this instant! I need that file you dimwit. I can’t wait any longer.” Binalingan siya ni Sir Ramm. “Thanks for the water, Marjorie.” Anito sa kanya at ibinalik ang atensiyon sa kausap nito sa cell phone.
Naglakad siya palayo kay Sir Ramm at inasikaso ang bagong dating na mga customer.
She was in the middle of telling the bartender the drink that was ordered when someone tapped her shoulder. Mabilis niyang nilingon kung sino iyon. Bahagyang lumaki ang mata niya ng makita si Sir Ramm sa likuran niya.
“Yes, sir?”
“Busy pa ba si Yuan?” Tanung nito habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng Bar.
“Nasa VIP room po si Sir Yuan. Gusto niyo po papuntahin ko rito?”
“Nah. It’s cool. Puwede namang ikaw nalang ang kumuha sa file na kailangan ko kay Marlon Aiken.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Ako?” Paninigurado niya sabay turo sa sarili.
Tumango ito. “Yeah, you. Do you know where Sunrise Village is?”
Sunrise village? Malapit lang iyon sa Village kung nasaan ang bahay niya. “Yes. Alam ko.”
Ramm smiled. “Great. Nasa hillside ang bahay ni Marlon Aiken, siya lang ang may kulay gray na bahay sa hillside ng Sunrise Village kaya hindi ka mawawala. Tinawagan ko na siya at sinabi kung ipapakuha ko ang file na hiniram niya. Mag-doorbell ka nalang at hintayin na bumukas ang pintuan ng bahay niya. Okay? He needs you.”
Kumunto ang nuo niya. “He needs what?” Hindi niya alam kung tama ang narinig niya.
“I said, I need the file.” He grinned like a Cheshire cat. “Go. Ipapasabi ko nalang kay Yuan na pinapunta kita sa bahay ni Marlon Aiken. Kapag nakuha mo ang file, ibigay mo nalang kay Yuan at ako nalang ang kukuha sa kanya. Kailangan ko na rin kasing umalis. Pinapauwi na ako ni Misis. Okay?”
“Okay.” Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi sumunod sa utos ni Sir Ramm, at saka gusto rin niyang makita ang bahay ni Aiken. Hindi niya palalampasin ang oportunidad na makita ang bahay ng lalaking gusto niya.
NAIIRITA na kinapa ni Marlon ang nag-iingay na cell phone sa night stand na katabi ng kama niya. Masakit ang ulo niya at hindi nakakatulong ang pag-iingay ng cell phone niya. Papikit-pikit na tiningnan niya ang orasan na katabi lang ng cell phone niya. It’s eight. He’s not sure, if it’s AM or PM though.
Sinagot niya ang tawag sa inaantok na boses. “Hello?”
“Marlon, nasaan ang file ko na hiniram mo isang taon na ang nakakaraan?” Boses iyon ni Ramm sa kabilang linya.
Tinatamad na umupo siya sa kama. “Aren’t you supposed to be with your wife?”
“Oh, shut up. Where’s my file? Nandito ako sa Bar mo. Wala ka raw dito. Nasaan ang file ko at ako na ang kukuha?”
“It’s not there. Nandito ang file sa bahay ko.”
“Shit! Why didn’t you tell me it’s not here, you dipshit!” Galit sa wika ni Ramm sa kabilang linya. “What do you mean; it’s in your house?”
“Gusto mo tagalogin ko para maintindihan mo? Nandito sa bahay ang file na hinahanap mo at hindi ako pumasok kasi masakit ang ulo ko. May hangover pa ako sa Birthday ni Alexus kagabi.”
“Wala akong pakialam. At malay ko ba na hindi ka pala pumasok ngayon.”
Itinirik niya ang mga mata at minasahe ang nuo. “Hindi ko sinabi na nandito ang file sa bahay kasi kasi ngayon mo lang naman hinanap ‘yon.” Sagot niya sa nauna nitong tanung. “At saka, matagal na ‘yon sa akin. It’s good as mine.”
“No! That’s my file. Pinahiram ko lang iyon sayo. Marlon Aiken, isang taon na yang file sayo. Baka nagka-apo na iyan diyan sa sobrang tagal sayo.”
“Yes, I borrowed it. Ibabalik ko naman, nakalimutan ko lang.” Aniya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama.
“Marlon Aiken, hiniram mo ang file na ‘yon, hindi pa kami nagkakamabutihan ni Yanzee nasa iyo na yan, kinasal na kami at magkaka-anak na, hindi mo pa rin naibabalik ang file na hiniram mo sa akin. Give it back to me this instant! I need that file you dimwit. I can’t wait any longer.” Ilang Segundo itong hindi natahimik sa kabilang linya. “Thanks for the water, Marjorie.”
Nag-vibrate ang tenga niya sa narinig na pangalan na binaggit ng pinsan. Marjorie? Si Marj? Ang waitress sa bar niya? Oo nga pala, duty ng dalaga ngayon sa Bar niya. Ibig sabihin gabi na pala kasi nasa Bar na si Marjorie.
So it’s eight PM.
“Bakit mo kinakausap si Marjorie? Teka, bakit mo siya inutusan na kumuha ng tubig?” Nasira kaagad ang gising niya dahil sa narinig.
“Ah, duh? Waitress siya. Teka nga muna, bakit sa tono ng pananalita mo e ayaw mo utusan ko si Marjorie? May something kayo?”
“Something ka diyan! Tigilan mo nga ako. Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng ‘yon?”
“I didn’t say about you liking her. Ikaw ang nagsabi ‘non.” Tumawa ng nakakairita si Ramm. “Marlon Aiken, ikaw na ang nahuli sa sarili mong bibig.”
Sa sobrang inis, pinatayan niya ito ng tawag. Nakakainis naman talaga si Ramm kahit noon pa. Pero mas nakakainis ito ngayon. Buwesit! Kagigising pa nga lang niya dahil sa hang-over sa nagdaang gabi, iniinis pa siya nito. Nasira tuloy ang gabi niya!
He cursed when his phone rang again. Padaskol niyang sinagot ang tawag. “Hello?”
“Chill, cousin. It’s me Ramm, pupunta ako riyan sa bahay mo. I-ready mo na ang file na kailangan ko. Ayokong magtagal diyan sa lungga mo.” Anito at pinatay ang tawag.
Napipilitan na tinungo niya ang study table at hinanap ang folder na naglalaman ng file na hiniram niya kay Ramm. Pagkalipas ng sampung minuto, nahanap din niya ang file na nagtatago pala sa ilalim ng kabundok na mga papel na nagkalat sa study table niya. Naglakad siya patungo sa kusina na dala-dala ang file. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng island counter at pinagtimpla ang sarili ng kape.
Marlon leans on the Island counter while sipping his coffee and looking through the photos on his phone. Mga kuha niya iyon sa Bar. It never fails to make his day better. Yon palagi ang tinitingnan niyang larawan bago matulog at pagkagising sa umaga. He didn’t know but that picture makes him smile for no apparent reason.
Hindi pa nauubos ang kape niya ng marinig niyang tumunog ang doorbell ng bahay niya. Sa isiping si Ramm ‘yon, kinuha niya ang file at mabagal na naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon.
“Where’s my file?” Iyon kaagad ang tanung ni Ramm ng pagbuksan niya ito ng pinto.
“Alam mo bang sinira mo ang tulog ko? Kaya naman huwag ka ng magtaka kung pinunit ko ang ibang pahina ng pinakamamahal mong file.” Aniya at ibinigay dito ang file na hinahanap nito.
Mabilis nitong inisa-isa ang pages ng file na hawak nito para kompirmahin kung totoo ang sinabi niya. Nang malamang nagbibiro lang siya at hindi totoo ang sinabi niya, ngumisi sa kanya si Ramm.
“Thanks, couz. Hindi na ako papasok sa bahay mo.” Anito.
“Hindi ka naman welcome sa bahay ko.”
Napapailing na sumilip si Ramm sa loob ng bahay niya. Napailing-iling ito ng makita ang makalat niyang sala. “Damn, cousin, I advice you to clean up.”
“Trust me, mas malala pa riyan ang kalat sa kuwarto ko.”
“Maglinis ka.”
“Ayoko. Wala namang pumupunta rito sa bahay. At isa pa, palagi naman akong nasa Bar.”
“Bahala ka. Basta sinabihan na kitang maglinis.” Ramm took a step back. “Hindi ako magpapasalamat sa File. Aalis na ako. Bye! Enjoy my thank you gift to you.”
“What thank you gift?”
Ramm grinned. “Nothing.”
He rolled his eyes at Ramm. “Whatever. Get out of here.” Pagtataboy niya rito at malakas na isinara ang pinto.
Binalikan niya ang kape na iniwan sa island counter at kinuha iyon. Pumunta siya sa sala at nang makita ang laptop niya na nasa center table, binuksan niya iyon at naglaro ng DOTA. Hindi siya papasok ngayon sa Bar. Inaataki siya ng katamaran.
Nag-uumpisa palang siyang maglaro ng tumunog na naman ang doorbell niya. Kumunot ang nuo niya. Sino na naman kaya ‘yon? Ito ang unang pagkakataon na dalawang beses tumunog ang doorbell niya sa isang araw. Wala naman kasing bumibisita sa kanya maliban sa mga magulang niya na nasa Europe ngayon at binibisita ang ilan nilang kamag-anak doon.
He closed the game he’s playing then went to the door and opens it. He froze when he saw who was outside his door at this hour.
“Marjorie? Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?”
“Pinapakuha raw ni Sir Ramm ang file niya.”
Napanganga siya. Shit! Curse you, Ramm! Ano ba ang iniisip ng pinsan niyang iyon? Nilingon niya ang makalat na sala. Hindi niya puwedeng papasukin ang dalaga sa loob. Ngayon nagsisisi siya na hindi siya nakinig kay Ramm. Well, in his defense, hindi naman niya alam na darating ang dalaga. Natigilan siya sa pag-iisip ng mag sink-in sa utak niya ang sinabi nito.
Ibinalik niya ang paningin kay Marjorie. “Pinapakuha ni Ramm ang file niya?”
Nang tumango ang dalaga, walang ibang pumasok sa isip niya kung hindi pilipitin ang leeg ni Ramm. He’s setting him up with Marjorie! Ang pinsan niyang iyon talaga, may asawa na nga hindi pa nananahimik!
“Ahm… Marjorie, kasi ‘yong file na pinapakuha ni Ramm… Ahm, hahanapin ko pa. I think I misplace it or something. Would you mind entering my simple and messy abode for a minute while I look for it?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro