Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

CHAPTER 4

GUMISING NANG maaga si Marj dahil bibisitahin niya ang mga magulang. Nuong huling tumawag ang ina niya sa kanya, sinabi nitong nagtatampo na raw ito ang ama niya sa kanya dahil wala na raw siyang oras para sa mga ito. Ayaw niyang nagtatampo ang ina dahil may sakit ito sa puso.

Itinigil niya ang sasakyan sa labas ng bahay ng mga magulang niya. Isa iyong simpling kulay beige na old mansion, namana ng mommy niya ang bahay na iyon na pagmamay-ari pa ng kanunu-nunuan niya. Gusto ng mga magulang niya na manahin din niya ang bahay kaya naman hindi ng mga ito nagustuhan ang pagbili niya ng sariling bahay.

No offence meant sa mga kanunu-nunuan niya, hindi niya gusto ang mansion. Kaya naman ng kumita siya ng malaki, bumili kaagad siya ng sariling bahay.

“Hello, mommy! Kumusta? I miss you!” Nakangiti niyang bati sa ina ng pagbuksan siya nito ng pintuan. “Mommy, bakit kayo ang nagbukas ng pintuan? Nandiyan naman si Cora.” Aniya na tinutukoy ang katulong na sini-swelduhan niya para alagaan ang ina.

“Marj, okay lang ako and I miss you too. I need to exercise anyway. Hindi ba sabi iyon ng Doctor ko?”

“Mommy naman. Ayoko lang na mapagod kayo o ma-stress.”

“Anak, okay nga lang ako. Malakas pa ako kaya hindi mo ako kailangang baby-hin.”

Nakasimangot na niyakap niya ang ina. “Fine, basta huwag masyadong maglalalakad, okay?”

“Oo. Tara, hinihintay ka na ng Daddy mo sa komedor.” Anito at hinatak siya ng ina papunta sa komedor.

“Daddy!” Sigaw niya ng makita ang ama na naka-upo at nag-aagahan at mahigpit na niyakap ang ama. “Kumust po kayo? I miss you!”

“I miss you too, honey.” Niyakap din siya ng ama. “Ang tagal mong hindi kami binisita.” Puno ng pagtatampo ang boses nito.

“I’m sorry Dad, medyo naging busy lang ako.”

“Palagi ka namang busy.” Sabad ng ina niya na puno rin ng pagtatampo ang boses.

Pinakawala niya ang Daddy niya sa pagkakayakap at bumaling sa ina. “Mommy, alam niyo naman diba kung anong klaseng trabaho mayroon ako? Kapag hindi ako busy at puyat, tulog ako.”

Niyakap siya ng Mommy niya. “Na-miss ka lang namin, anak.”

“I know. Kaya nga nandito ako.” Ngumiti siya.

Nang pakawalan siya ng ina sa pagkakayakap, umupo siya sa bakanting upuan na nasa gitna ng Mommy at Daddy niya.

“Joyce.” Tawag ng ama sa isa pa nilang katulong. “Ikuha mo nga ng pinggan si Marj. Sasabay siya sa aming kumain.”

“Opo, sir.” Sagot ni Joyce na agad naman tumalima.

“Kumusta ka naman, baby ko?” Malambing na tanung ng Daddy niya.

“Ayos lang naman po ako.” Sagot niya.

“Kumusta ang love life? Sinagot mo na ba si Ralph?”

Napasimangot siya sa tanung ng ina. “Mommy! Wala akong gusto sa lalaking ‘yon noh. Ang babaero kaya ‘non.”

Si Ralph ay ka-klase niya sa kolehiyo at ngayon ay isa na ring Director na tulad niya. isa rin ito sa pinakasikat na Director sa bansa. Pareho sila ng ginagalawang mundo at sa kasamaang palad, isa siya sa mga babaeng nahumalingan nito. Pero nunkang magkakagusto siya sa lalaking ‘yon. Sobrang babaero at hindi ang mga katulad ni Ralph ang tipo niya.

Nanunuksong ngumiti ang ina niya. “Asus! Marj, baka tulak ng bibig, kabig ng dibdib iyang drama mo.”

“Hindi no. May iba akong gusto. Ang guwapo at ang kisig niya.” Kinikilig na sabi niya.

Dalawang pares ng mata ang tumingin sa kanya. Puno iyon ng katanungan at kuryusidad. Ito ang unang beses na umamin siya na may gusto siyang lalaki maliban sa mga Hollywood actor na pinagpapantasyahan niya.

Ang ama niya ang bumasag sa katahimikan. “Sino naman ang lalaking ‘to? Ginagalang ka ba niya? Tinatrato ka ba niya ng maayos?”

Tumawa siya ng mahina at kinagat ang pang-ibabang labi. “Daddy, hindi nga niya alam na gusto ko siya e.”

Kumunot ang nuo ng ama niya. “Bakit naman? Hindi pa ba kayo?”

“Hindi pa po. Pero nararamdaman kong malapit na!” Kinikilig na tumili siya.

“Marj, baka naman saktan ka lang ng lalaking yon.” Ani ng ina niya na nanahimik lang at nakikinig sa kanilang ng ama.

Binalingan niya ang Mommy niya. “Mommy, hindi niya ako sasaktan. Nararamdaman kong magiging mabait siyang Boyfriend.”

“Siguraduhin mo yan, anak. Ayaw namin malaman na umiyak ka dahil sa lalaking ‘yon. Baka magamit ko ang tinatago kong samurai ng wala sa oras.” Seryosong sabi ng ama niya.

“Promise po Mommy at Daddy, hindi po niya ako paiiyakin.”

Tango lang ang itinugon ng mga magulang sa kanya at ipinagpatuloy ang mga ito ang naudlot na pag-aagahan. Ilang sandali lang ang lumipas dumating si Joyce na may dalang pinggan at isang pares nang tinidor at kutsara.

MASAYANG iginarahe ni Marj ang sasakyan hindi kalayuan sa Bachelor’s Bar. Nami-miss na niya ang magmaneho kaya naman dinala niya ang sasakyan. Sigurado naman na hindi ito makikita ni Aiken.

Mula sa bahay ng mga magulang niya, tumuloy siya rito. Pagkatapos ng agahan nila, maghapon silang nag-chess na mag-ama. Ang ina naman niya ay nasa tabi lang ng Daddy niya at chini-cheer ang ama sa tuwing natatalo niya ito. Hindi sila tumigil sa paglalaro maliban nalang nuong lunch at meryenda. Masaya siya at kahit papaano, napasaya niya ang mga magulang niya. Nang paalis na siya, maluha-luha ang Mommy niya. Kung hindi pa siya nangako na babalik sa susunod na linggo, hindi siya nito papayagang umalis.

Pagkapasok niya sa Bacherlo’s bar, agad na sumalubong sa kanya ang hindi maipintang mukha ni Aiken. Madilim ang aura nito at halatang galit ang binata.

“Hindi ba sinabi ko na sayo na ayokong ng late? Saan ka galing?” Galit na tanung nito sa kanya na ikinagulat niya.

“Ha?” Tiningnan niya ang orasang pambisig. Isa iyong simpling relo na binili niya nuong College siya. Hindi iyon signature watch kaya naman iyon ang isinuot niya. “Twenty minutes lang naman akong late.”

Mas lalong sumama ang templa ni Aiken. “Kung mala-late ka, magsabi ka. Alam mo bang nagalala ako—” Nanlaki ang mga mata nito na para bang may nasabi itong hindi dapat sabihin. Tumikhim ang binata. “Alam mo bang nag-alala ako na baka absent ka. Kulang ang waitress ngayon kasi absent si Trina, may sakit daw ang anak niya.”

Na-disappoint siya sa sinabi nito. Akala naman niya ano na ang pinagaalalahan nito. Akala niya nag-aalala ito sa kanya. Trabaho na naman pala ang pinagaalala nito. Nuong una mga baso, ngayon naman trabaho. Hanep din ang karibal niya sa binata.

“Sorry na late ako. Hindi na mauulit.” Aniya sa mahinang boses.

His forehead knotted. “It’s okay. Just do your job properly.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Bagsak ang balikat na naglakad siya papuntang locker room. Nakita niya si Yuan na nakasandal sa pintuan ng locker room at may sinusulat sa note pad nito.

“Good evening, Yuan.” Walang buhay na bati niya sa manager nila na ayaw na tinatawag na Sir.

Nagtaas ito ng tingin. “Anong nangyari sayo?”

“Wala naman.”

Nanunundyong ngumiti ito. “Dahil ba nasigawan ka ni Sir Marlon Aiken? Naku, huwag mong intindihan iyon. Nagaalala lang ‘yon sayo.”

“Bakit naman siya mag-aalala sa akin?”

Maarteng inirapan siya ni Yuan. “Girl, nag-aalala siya sayo. Trust me. Nagtanong nga siya sa akin kanina kung may cell phone number ako sayo kasi raw baka na-kidnap ka.”

Nanlaki ang mata niya. “Na-kidnap?”

“Yes. Tamang-tama naman na dumating ka. Hindi na ako magtataka kung tumawag si Sir Marlon Aiken sa mga pulis kung natagalan ka pang dumating.”

Inirapan niya ang bakletang manager. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito. Napaka-OA naman ‘non kung totoo ‘yon. At saka, bakit naman mag-aalala ng ganoon si Aiken para sa kanya kung nagkakakilala pa nga lang sila?

That’s just absurd!

“Tigilan mo nga ako, Yuan. Hindi ako naniniwala sayo.” Aniya.

“Whatever. Basta nafe-feel ng aking eight sense na may gusto sayo si Sir Marlon Aiken. Grabe kung mag-alala e. To the highest level!”

Hindi man niya gusto, napangiti siya sa sinabi nito. Sumaya rin ang puso niya na mabilis ang tibok sa isiping gusto rin siya ng lalaking gusto niya.

Malapad siyang ngumiti. “Sige, sabihin mo pang gusto ako ni Sir Marlon Aiken. Feel na feel ko ang haba ng buhok ko.”

“Loka!” Tinampal siya sa braso ni Yuan. “Magtrabaho muna tayo, mamaya na tayo mag-chikahan. Marami ng costumer.”

Nang makitang marami nga silang costumer, dali-daling pumasok si Marj sa locker room. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa uniform na nakitang nakatago sa locker niya. Isa iyong kulay itim na slacks.

“Ano ‘to?” Tanung niya sa sarili.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo niya ng makakita ng nakatuping maliit na papel. She hurriedly picked it up and unfolds it. Binasa niya ang maiksing mensahe na sulat kamay ng isang lalaki.

‘Wear this – Aiken’

Naiinis na tinapon niya ang papel pabalik sa locker niya at isinara iyon. Wala siyang choice kung hindi isuot ang slacks. Siguradong mangangati siya bukas. Allergic pa naman siya sa kahit anong uri ng pantalon.

Nang makalabas siya sa locker room, nakita niyang nakatayo si Aiken hindi kalayuan. Nilingon siya nito at tiningnan siya mula waistline hanggang paa. Mukhang nakontento ito sa nakita dahil umaliwalas ang madilim nitong mukha.

“Iyan na ang uniform mo mula ngayon.” Anito at umalis.

Nag-uumpisa na siyang mangati pero ayos lang. Nawala rin ang inis na nararamdaman niya para rito. Masaya siya na dahil sa pagpapantalon niya, nag-iba ang expression ng mukha nito.

 Maganang nagtrabaho si Marj. Kahit papaano, medyo sanay na siya sa pagiging waitress.

“Miss, one scotch on the rock please?” Nakangiting order ng isang mukhang Americanong lalaki.

“Sure, Sir.” She smiled back and writes his order on her small note pad.

“One Martini for me.” Wika ng kasama nito.

“Okay. I’ll be back in a minute.” Nakangiti pa ring wika niya at iniwan ang mga ito.

Mabilis niyang tinungo ang bar. “One scotch on the rock and Martini.” Aniya kay Aiken na siyang bartender na naman.

“Bakit ang lapad ng ngiti mo? Nakakita ka lang ng Americano, hindi na mapuknat yang ngiti mo.” Anito sa naiiritang boses.

She rolled her eyes. “Correction, guwapong amerikano.”

“Mas guwapo naman ako sa kanya.”

“Sinong may sabi?”

“Ikaw. Tinanung mo pa nga sa akin kung bakit napaka-guwapo ko nuong ini-interview kita.”

Agad siyang namula ng ipaalala nito sa kanya ang nangyari. “Wala akong alam sa sinasabi mo.” Pagkakaila niya at mabilis na kinuha ang order at dinala iyon sa table na inuukupa ng Amerikano.

“Here’s your order, sir.” Aniya at inilapag ang order ng mga ito.

“I’m James Sparks, What’s your name beautiful lady?” Tanung nito sa kanya.

Her, being polite, she answered. “My name is Mar—”

“March. Her name is March.” Putol ng isang pamilyar na boses sa sasabihin niya.

Naramdaman niyang may umakbay sa kanya, nang tingnan niya kung sino iyon, nanigas siya sa kinatatayuan ng makitang si Aiken ang nakaakbay sa kanya at magkadikit na ang tagiliran nila. Lihim siyang napalunok at ikinuyom ang nanlalamig na kamay.

“Her name is March, Mr. Sparks, is there anything you need?” Nakangiti ang binata pero wala namang halong friendliness ang boses nito.

James chuckled and shook his head like he can’t believe what he’s seeing. “Nah, I’m good.” Nginitian siya nito. “Nice meeting you, Marj.”

Her eyes widen. “How did you know?”

Tinuro nito ang maliit na name tag na naka-pin sa uniform niya. “May I know you full name, Marj? Or maybe your number?” Tanung nito sa kanya habang nakangisi kay Aiken.

Pinagpalit-palit niya ang tingin kay James at Aiken. Both men are staring at each other. Si James ay nakangiti, si Aiken naman ay madilim ang mukha at gumagalaw ang panga, tanda na galit ito.

Ang malaking katanungan na umuukilkil sa utak ni Marj ay … bakit naman ito magagalit? Hindi naman siya binabastos ni James. He’s just asking for her full name for Pete’s sake! At saka mukha namang mabait ang lalaki.

“My full name is Marjorie—”

“Marjorie March.” Pagtutuloy ni Aiken sa sasabihin niya. “And her favorite number is seven.” Anito at hinatak siya palayo sa mesa nila James.

Nilingon niya si James. Nakita niyang kumakaway ang lalaki sa kanya na may pilyong ngiti sa mga labi.

“Bakit ba pinamimigay mo ang pangalan mo sa kung sino-sino lang?” Sikmat sa kanya ni Aiken na madilim ang mukha. “Malay mo isa pala siyang rapist or worse, a killer!”

Inirapan niya ito. “Sir Aiken, sobra naman kayo. Mukha namang mabait si Sir James.”

“Don’t James him.” Pinandilatan siya nito. “And how many times should I tell you to cut the sir and just call me Aiken?”

Huminga siya ng malalim. “Aiken, mukha namang mabait si Sir James.”

“Hindi siya mabait. Nagbabait-baitan lang siya.”

“Paano mo naman nalaman?”

“Because he is a regular costumer at marami na yang dinalang babae rito.” Binitawan siya nito at hinarap siya. “So, stay away from him.”

Tinitigan niya ito ng matiim dahil gusto niyang basahin kung ano ang emosyon ng mga mata nito. Mukhang nailang ito sa klase ng pagkakatitig niya dahil nag-iwas ito ng tingin.

“Bakit ba ganyan ka kung maka-react? Mas OA ka pa sa tatay ko nuong may nanligaw sa aking lalaki nuong nag-aaral pa ako.”

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Well, give your father my big thanks.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Sa halip na mainis, natuwa pa si Marj sa inasal ni Aiken. Kung tama ang hinala niya, nagseselos ito. Hindi naman siya bulag para hindi makita iyon. At sana nga, ipinagdarasal niya na tama ang hinala niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro