Chapter 3
CHAPTER 3
PAGKATAPOS siyang i-training ni Yuan, ang baklang manager ng Bachelor’s bar, agad siyang pinagtrabaho nito. Binigyan siya ni Yuan ng uniform. Kulay itim na mini-skirt at hapit na hapit na kulay puting polo shirt. Mas lalong napansin ang maputi niyang balat dahil sa kulay ng uniform. Ang buhok niya na sanay siyang nakalugay, ngayon ay nakatali na.
Binabawi na niya ang sinabi kanina tungkol sa mga waitress. Isa lang ang masasabi niya, napakahirap maging isang waitress. Kailangan balansi ang hawak mo sa tray. Kailangan mabilis ang lahat ng galaw mo. Dapat palaging nakangiti kahit nakakapagud na. Kailangan approachable ka sa lahat ng customer.
Nakakapagod!
Nang mag-break siya, lamog na lamog na ang katawan niya. Ito ang unang beses na napagud siya ng todo. Sa pagdi-direk ng tileserye o pelikula, puyatan ang drama niya. Medyo namamaos din ang boses niya dahil sa kasisigaw nang kung ano ang dapat gawin ng mga artista. Pero sa pagiging waitress, sobrang nakakapagod sa katawan.
Hindi niya akalain na ganito pala kahirap ang trabaho ng isang waitress. Mabuti nalang at may locker room sila kung saan nagpapalit ng damit ang mga empleyado o nagpapahinga kapag break kaya naman heto siya ngayon, naka-upo sa isang mahabang upuang kahoy at minamasahe ang sariling paa. Masakit ang mga muscles ng paa niya at may paltos din siya!
Ayoko na! Maiyak-iyak na tili ng isip niya.
Narinig niyang bumukas ang pintuan ng locker room. Hindi niya tiningnan kung sino ang pumasok dahil naka-focus siya sa nananakit niyang paa.
“Kumusta ang trabaho mo?”
Napalingon siya sa nagsalita. Nanlaki ang mata niya ng makita si Marlon Aiken sa likuran niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang binata.
“Anong ginagawa mo rito sa loob ng locker room?” Tanung niya sa binata.
He gave her a ‘duh’ look. “I’m the owner. I can go wherever I want in this bar.”
“So? Hindi porke’t pag-aari mo ang bar, e basta-basta ka nalang papasok. Paano nalang kung nagbibihis ako?”
“Hindi pa tapos ang duty mo. Saka alam ko namang break mo at nagpapahinga ka lang dito.”
“Paano mo nalaman?”
“Tiningnan ko ang schedule mo.”
“Bakit mo tiningnan?”
“Malamang kasi empleyado kita.”
“Bakit ba palagi ka nalang may sagot sa tanung ko?” Naiinis niyang sabi sabay upo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
“Kasi matalino ako.” Tiningnan nito ang paa niya na hinihilot niya. “Okay ka lang?”
“Okay lang.” Sagot niya.
“Okay ka lang ba talaga?”
“Oo nga. Okay lang ako.”
“Talaga? Wala kang nabasag na baso? Hindi ka natapilok? Hindi ka pumalpak?”
Napanganga siya. Akala pa naman niya nagaalala ito sa kanya. Nag-aalala pala ito sa mga baso!
Pinigilan niya ang sarili na hindi ito irapan. Pagod na pagod na nga ang katawan niya, ang binata pa na nagpapalakas ng mga buto-buto at kalamnan niya ay wala man lang pakialam sa kanya.
Bakit ka naman niya pakikialaman? Sino ka ba? Isa ka lang namang trabahante. Isaksak mo yan sa utak mo. Ani na isang bahagi ng isip niya.
Kung may katawang tao lang ang isip niya, kanina pa ito bugbug-sarado sa kanya.
“Okay lang ang mga baso.” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “At hindi ako natapilok kaya okay lang din ang sahig, kung iyon ang inaalala mo.”
“Okay. Mabuti naman. Mahal ngayon ang baso.”
Nanggigigil na nginitian niya ito. “Oo. Mahal nga.”
“Oo mahal. Lalo na ang gamit na baso sa bar.”
“Oo na. Isaksak mo sa baga mo ang mga baso na yan.” Bulong niya sa sarili.
“Ayos lang ang paa mo?” Kapagkuwan ay tanung nito.
“Ano?” Naguguluhan siya kung bakit ito nagtatanung tungkol sa paa niya.
“Nagtatanung ako kung ayos lang ang paa mo.”
Inungusan niya ito. “Ano naman ang pakialam mo sa paa ko?”
He tsked and shook his head. “Trabahante kita rito, siyempre may pakialam ako sayo.”
Itinuro niya ang kasabay niyang mag-break na si Tessa na naghihilik at puno ng paltos ang paa.
“Sa kanya, hindi ka nag-aalala?”
“Gagaling din ang paa niya. Ang paa mo, okay lang?”
“Ayos lang ang paa ko.” Aniya. “Gagaling din yan.”
Tiningnan niya ang orasan, nang makitang tapos na ang break niya, inayos niya ang buhok at damit.
Paika-ika siyang naglakad papunta sa pintuan ng locker room. Akmang pipihitin niya ang door knob ng pigilan siya ni Marlon Aiken sa braso.
“Bakit ganyan ang suot mo?” Tanung nito na nakatingin sa maikli niyang mini-skirt. “Diba sinabi ko na sayo na mag jeans ka?”
“Ngayon mo lang napansin?”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Palitan mo yan.”
“Ito ang binigay na uniform sa akin.”
“Magbihis ka.”
Nagkibit-balikat siya. “Okay. Pero mamaya na.”
Pinihit niya ang door knob at akmang hahakbang na palabas ng pigilan na naman siya nito. Napalunok siya ng maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa balat niya sa pagdaiti ng kamay nito sa braso niya.
“Don’t go. Magpalit ka muna ng damit. At ‘yong paa mo…” He trailed while looking at her feet.
Nilingon niya ang binata. “Pero kailangan ko ng magtrabaho. Diba, malas sa negosyo ang late?”
Binitiwan siya ng binata. “Yeah, malas. Pero ang paa mo—”
“Ayos lang ‘yan. Kaya ko pa naman.” Nginitian niya ito at lumabas ng locker room.
Ang totoo, hindi na niya kaya. Hindi siya sanay sa ganito. Pero ayaw naman niyang masira siya sa paningin ni Marlon Aiken. Isang responsabling babae ang gusto niyang makita ng binata at gagawin niya ang lahat para mapatunayan dito na isa siyang responsabling babae.
Kaya nga siya nandito diba? Para mapansin ni Marlon Aiken?
Inayos niya ang sarili at nag-umpisa nang magtrabaho. Kahit masakit ang paa niya, ayos lang. Hindi siya susuko. Darating ang araw na masasanay din siya at hindi na sasakit ang paa niya. Pinigilan niya ang sarili na hindi umika-ika habang nagsi-serve ng mga order ng costumer.
“One shot of vodka and one scotch on the rock, please.” Ani niya sa bartender na nakatalikod at abala sa pagmi-mix ng inumin.
Nang humarap ito, ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya. “Bartender ka rin?”
Marlon Aiken nodded. “Yup. Owner and part-time bartender.”
“Wow. Hindi ko alam ‘yon a.”
He just shrugged and continued making drinks. “Bumalik ka rito pagkatapos mong i-serve yan. Okay?” Sabi nito pagkabigay ng order sa kanya.
“Okay.”
Pagkatapos niyang i-serve ang inumin, bumalik siya sa bar counter kung saan busy si Marlon Aiken sa pag-gawa ng iba’t-ibang klaseng inumin.
“Bakit mo ako pinabalik?” Usisa niya at umupo sa stool. “May iuutos ka?”
Tumigil ito sa ginagawa at may inilapag na Margarita sa harapan niya. “Here, drink this. Paborito mo ‘to diba?”
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa margarita at sa naka-paskil na puting papel sa pader sa likuran nito.
“Inumin mo na. Ako ang gumawa niyan kaya walang lason ‘yan.” Anito.
“Diba ipinagbabawal sa mga trabahante rito sa bar na uminom sa oras ng trabaho?” Tanung niya habang nakatingin sa paalala.
“Ano?” Kumunto ang nuo nito at sinundan ang tingin niya. “Oh, that?”
Tumango-tango siya. “Bawal diba? Pinaalala rin ‘yon sa akin kanina ni Yuan. Sabi niya bawal kahit isang patak.”
Pinunit ni Marlon ang paalala na naka-paskil. “Hayan, wala na. Inom na.”
“Okay, sir Marlon Aiken.” Aniya at tinunga ang margarita.
Kumunot ang nuo ng binata. “Anong itinawag mo sa akin?”
“Sir Marlon Aiken.”
Mas lalong kumunot ang nuo nito. “Don’t call me Marlon Aiken. It’s Aiken and cut the sir.”
Kinilig siya sa sinabi ng binata. Sign na ito galing sa langit. Marami na ang nabasa niyang romance novel para kiligin ang puso niya sa sinabi nito.
“Pero sir kita diba?” She faked a frown. Pinipigilan niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya. “Kasi diba ikaw ang may-ari—”
“It’s Aiken.” Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
“Pero—”
“Say it.”
“But—”
“Say it.”
“Ai-Aiken.” Aniya sa mahinang boses. Napakasarap banggitin ng pangalan nito.
“Good.” Naglapag ulit ito ng isang shot na margarita. “Inom ka ulit.”
Walang patumpik-tumpik na tinunga niya ang margarita.
“Masarap?”
Inilapag niya ang baso at ngumiti kay Aiken. “Yes! Kailan ba naging pangit ang lasa ng margarita?”
May sumilay na ngiti sa mga labi nito. Nawala bigla ang sakit sa paa na kanina pa niya iniinda.
“Good.” Lumabas ang binata sa bar counter at tinawag si Yuan. “Yuan, maglagay ka ng bagong paalala at ipaskil mo rito sa pader. Bawal uminom ang mga empleyado sa bar.”
Napanganga siya sa sinabi nito. Ano daw?
NASA LABAS si Marj ng Bachelor’s Bar at naghihintay ng taxi ng may pumaradang kulay itim na Cadillac sa harapan niya. Tinitigan niya ang sasakyan at iniisip kung sino ang ngamamaneho ‘non ng bumukas ang pintuan sa driver seat at iniluwa ang isang pamilya na bulto ng isang lalaki.
“Aiken?” Hindi niya makita ang mukha nito dahil may kadiliman ang paligid.
“Yeah?”
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng masilayan ang guwapo nitong mukha. Hindi niya akalain na kaya niyang maramdaman ang ganito para sa isang lalaki. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at kinalma ang sarili ng makitang naglakad ito palapit sa kanya. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang binata. Simpli lang naman ang paglalakad nito pero napakalakas ng epekto ‘non sa kanya.
Tumigil ang binata ng dalawang hakbang nalang ang layo nilang dalawa.
“Bakit nandito ka pa?” Tanung niya na parang bang krimen na nandito pa ang binata.
He arched his eyebrow. “I own the bar. Of course I’ll be here.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”
“Whatever. Come on, ihahatid na kita.”
“Hindi na kailangan.” Mabilis niyang sagot.
Ayaw niyang makasama ang binata na sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Baka kung ano na namang kahihiyan ang magawa siya sa harap nito. Natutulala pa naman siya kapag lumalapit ito sa kanya.
“Bahala ka.” Anito at bumalik na sa sasakyan nito at mabilis na pinaharurot iyon paalis.
Nanghihinayang na tumingin si Marj sa alikabok na iniwan ng sasakyan ni Aiken. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagtanggi sa alok ni Aiken. Nanghihinayang siya sa sinayang na opurtunidad na makasama ang binata sa iisang sasakyan.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pinara ang papalapit na taxi at nagpahatid sa bahay niya.
Kahit sobrang nanghihinayang siya sa pagtanggi sa alok ni Aiken, sa tingin ni Marj tama ang ginawa niya. Siguradong magtatanung ang binata kung saan ang address niya at ayaw niyang makita nito ang bahay niya na nagkakahalaga ng ilang milyong peso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro