Chapter 2
CHAPTER 2
“SO, magtatrabaho ka talaga sa bar ni Marlon Aiken para lang mapansin niya?” Tanung ni Gilen ng ihatid siya nito sa bar ni Marlon Aiken.
Ayaw niyang sumakay ng taxi kaya naman nagpahatid siya. Hindi rin naman niya puwedeng gamitin ang sasakyan.
“Oo.” Maikli niyang sagot.
“Galingan mo. Ideya ko yan kaya naman huwag kang papalpak. Kung hindi pareho tayong patay kay Clover. Bully pa naman ‘yon.”
Tumawa siya. “Oo na. Gagalingan ko. Salamat lang talaga at wala akong project ngayon. Makakapag-focus ako sa pagiging waitress.”
“May alam ka ba sa pagwi-waitress?”
She shrugged. “How hard can it be? Magsi-serve ka lang naman ng inumin. Wala namang mahirap doon.”
Tumigil ang sasakyan ni Gilen hindi kalayuan sa bar ni Marlon Aiken, inayos niya ang buhok at damit.
“Okay na ba itsura ko?” Tanung niya.
Kinuha niya ang lipstick sa bag at akmang bubuksan iyon ng pigilan siya ni Gilen.
“Huwag kang mag-lipstick. Dapat haggard looking ka.” Anito.
Ibinalik niya ang lipstick sa purse na dala. “Okay.”
Inagaw ni Gilen ang purse niya. “And don’t bring this. Dapat mukha kang pulubi.”
“Pero hindi ako sanay na walang dalang purse!” Reklamo niya.
“Dalhin mo at nang mabuko ka.”
“Fine. Hindi na dadalhin.”
Kinalma niya ang sarili at lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad siya patungo sa bar, palakas ng palakas ang tibok ng puso niya. Hindi siya mapakali na ewan.
Pagkapasok niya sa loob, agad niyang nakita yung guard slash bouncer na hindi naman mukhang bouncer.
“Bakit hindi mo sinunod ang pinapasuot sayo ni Marlon?” Tanung kaagad nito ng makita siya.
Tiningnan niya ang sarili. Nakasuot siya ng isang simpleng kulay puti na blouse at palda na hindi maikli at hindi rin mahaba.
“Anong mali sa suot ko? Ang importante, hindi siya maikli.” Dipensa niya sa sarili.
Nagkibit-balikat ito. “Bahala ka.” Itinuro nito ang maliit na pasilyo na nasa kanan. “Tahakin mo ang pasilyong iyan. Ang pinakahuling pintuan ay ang opisina ni Marlon. He’s expecting you.”
Tango lang ang isinagot niya rito at sinunod ang sinabi nito.
Mas nadoble pa ang kaba na nararamdaman niya ng makita ang pintuan ng opisina ni Marlon Aiken na tinutukoy ni Mr. bouncer.
Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan ng tatlong beses at pumasok. Agad na pinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng silid. Simpling opisina lang ‘yon at halatang lalaki ang umuukupa. Maliban sa mesa na maraming nagkalat na papel, isang mini- bar sa na nasa glid ng silid, isang maliit na fridge, at couch, wala ng laman ang silid na iyon.
Then her eyes settled on a man sitting on the couch.
His eyes were on her!
Ang berde nitong mata na nakapagpapahina ng tuhod niya ay nakatingin sa kanya. Pasimple niyang hinawakan ang doorknob para kumuha ng suporta. Baka kapag ngumiti ang lalaking ito e bigla nalang siyang bumulagta sa sahig.
Hindi niya kayang makipagtitigan dito kaya naman agad siyang nagbawi ng tingin.
“Hi.” Bati niya sa binata.
“So…” He trailed while lazily standing from the couch. “Akala ko ba, hindi ka naghahanap ng trabaho.”
Shit! Naaalala siya nito?! Patay siya ngayon!
She started fidgeting. “Ahm… Kasi— h-hindi ko—”
“It’s cool. No need to answer me. Lahat naman yata nangangailangan ng trabaho.” Anito.
Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. Buti naman.
Naglakad si Marlon Aiken palapit sa kanya. Tumigil lang ito ng isang hakbang nalang ang layo nilang dalawa.
“If you’re going to work here, you better follow my rules. First,” Tiningnan nito ng masama ang legs niya. “Cover them. Ayokong makita na walang takip yan. Always wear jeans or slacks. I don’t care kung ano, basta takpan mo.”
Napakunot ang nuo niya. “Pero nakita ko ang uniform ng mga waitress, maiikli naman yung suot nilang skirt.”
“Sundin mo nalang ang sinabi ko, or, I’ll fire you.”
Paunti-unting nawawala ang kaba ni Marj at napalitan ‘yon ng pagkainis sa kaharap. Sino ba ang lalaking ‘to para pakialaman ang damit na susuutin niya?
Siya lang namang ang boss mo at ang lalaking gusto mo. Kaya makinig ka nalang. Ani ng isang bahagi ng isip niya.
“Okay. Tatakpan na.”
“Good. Second rule, bawal ang makipag-boyfriend dito. Malas ‘yon sa negosyo. Pangatlo, ayoko ng palaging absent. May day off ka para gawin ang lahat ng gusto mo. Pang-apat, dapat palagi kang nakangiti. Ayoko ng nakasimangot. Always be nice to a customer, that’s our motto. Sundin mo lahat ng ‘yon at wala tayong problema.”
Tumango-tango siya. Hindi niya alam na ganito pala ito ka istrikto pagdating sa trabaho. Pero naiintindihan niya ito. Kasi ganoon din siya sa mga crew niya kapag nasa shooting sila.
“Kailan ako magsisimula?” Tanung niya.
“Ngayon na.”
“Okay.” Akmang lalabas na siya ng opisina nito ng pigilan siya nito sa braso.
Parang may kung anung kuryente siyang naramdaman ng hawakan siya nito. Ito ba ‘yon? ‘Yong kuryente na tinutukoy nila na mararamdaman mo kapag gusto mo ang isang tao?
“Saan ka pupunta?” Mabilis nitong tanung na parang tatakas siya.
“Ahm… sa labas, para mag-umpisa sa trabaho ko.” Nagaalangang sagot niya.
“Oh.” Binitiwan siya nito at nag-iwas ng tingin. “Akala ko aalis ka.”
Umiling siya. “Hindi ako aalis. Kailangan ko ng trabaho diba?”
“Yeah. Kailangan mo pala ng trabaho.” Anito na parang wala sa sarili.
Naglakad ang binata papuntang mini-bar. “Mamaya ka na lumabas, i-interview-hin pa kita.” Anito at kumuha ng isang bote ng whiskey at binuksan iyon.
“Okay.”
Naglakad ang binata pabalik sa couch at umupo roon. “Upo ka.”
Ipinalibot niya ang paningin. Wala siyang ibang makitang upuan maliban sa inuukupa nitong couch.
“Saan naman ako uupo? Sa tabi mo?” Sarkastikong tanung niya.
“Hindi. Diyan ka umupo.” Tinuro nito ang mesa.
“Pero nakapalda ako.”
“So? Kasalanan mo ‘yon dahil hindi ka nakinig sa akin. Diba pinasabi ko na kay Kaino na mag-jeans ka? Anung suot mo ngayon? Kaya magdusa ka. Hala, upo ka riyan sa ibabaw ng mesa.”
“Sino si Kaino? Yung guwapong bouncer?” Tanung niya na may ngiti sa mga labi.
So, Kaino pala ang pangalan ng guard slash bouncer na ‘yon. Nawala ang ngiti niya ng dumilim ang mukha nito. Mas nasabi ba siyang hindi maganda?
“Taken na si Kaino kaya huwag ka ng lalapit sa kanya. Saka bouncer lang siya, hindi magiging maganda ang buhay mo sa kanya.”
Napapantastikuhang tumingin siya kay Marlon Aiken. “Bakit mo sinisiraan ang bouncer mo? Saka, hindi ko naman siya gusto e.”
May munting ngiti na sumilay sa labi ng binata o baka naman namamalikmata lang siya. Wala namang dahilan para ngumiti ito.
“Good. Kasi taken na siya at wala kang pag-asa sa kanya. Saka malas ‘yon sa negosyo. Sige, upo ka na para masimulan na natin ang interview.”
Nagaalangang umupo siya sa ibabaw ng mesa.
Tiningnan niya ito ng masama. “Bakit kaya hindi nalang ikaw ang umupo rito at ako naman diyan sa couch.” Suhestiyon niya.
“Ayoko nga. Boss mo ako, trabahante ka lang. At saka parusa mo yan dahil hindi ka nakinig sa akin.”
“Pero babae ako at lalaki ka. You can sit anywhere you want.”
“Ahh, so you can speak English. Mabuti yan dahil maraming foreigner ang pumapasok dito sa bar ko.”
“Huwag mo ngang ibahin yung topic.” Naiinis niyang sabi. Panay ang ayos niya sa palda na pataas ng pataas sa bawat galaw niya. Argh!
“So, nakapag-aral ka ba?” Tanung nito.
“Oo.” Wala sa sariling sagot niya dahil naka-focus siya sa palda niya na panay ang taas!
“May boyfriend ka na?”
Napatigil siya sa ginagawa at napatingin dito. “Ano?”
“I’m asking you if you have a boyfriend.”
Kumunot ang nuo niya. “Kasama ‘yon sa interview ko?”
“Y-Yeah. Personal background. Ayokong ng may-boyfriend kasi panira iyan sa trabaho.”
“Wala akong boyfriend.” Sagot niya na naguguluhan parin sa tanung nito.
Nag-i-interview din naman siya pero never niyang tinanung kung may kasintahan ang mga ito. Samantalang mas demanding ang trabaho nila kasi nga ilang araw iyon na walang uwian at tulugan.
“Good. Ayokong umabsent ka para lang makipag-date. Bawal ‘yon.”
“Hindi ako a-absent para lang diyan.” Aniya at ibinaba ang palda na nakataas na naman. “Saka efficient ako mag-trabaho. Kaya wala kang dapat ipagalala sa—” Napatigil siya sa pagsasalita ng mapansing tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya.
“A-anong—”
He takes off his leader jacket and put it over her lap, covering her legs.
Tiningnan siya nito sa mga mata. “There. Okay na?”
Lihim na napalunok si Marj. Grabe! Ang bango! Kanina naamoy na niya ang pabango nito, pero ngayong isang dangkal nalang ang layo ng katawan nila, mas lalo niyang na-appreciate ang amoy nito.
“A-Ahm… O-Oo. O-Okay n-na.” Nauutal niyang sagot. Windang ang utak niya sa ginawa nito at halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
“Hmm.”
“Hmm?”
Napahawak si Marj sa mesa ng unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata. May kakaibang kislap din ang mga magandang kulay berde nitong mata. Para siyang nahi-hipnotismo na titigan ito.
“Bakit ang guwapo mo?” Wala sa sariling tanung niya rito.
Mas lalong lumapad ang ngiti nito. “Hindi ko alam. Pinanganak na akong ganito e. Sobrang guwapo. Bakit mo naitanung?”
Napakurap-kurap siya sa tanung nito. Bakit niya naitanung? Sheyt! May sinabi na naman siyang nakakahiya?
“A-Ano?”
Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “You asked me why am I so handsome. I answered you, now I’m asking you why you asked me that.”
“K-Kasi… A-Ano… A-Anong t-tanung mo?” Natuturiti ang utak niya dahil sa amoy ng hininga nito. Sheyt! Napakabango! Parang ang sarap singhutin.
He chuckled. “Ang cute mo kapag nauutal at wala sa sarili.”
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito.
Nakangiti pa rin itong humakbang palayo sa kanya. “Let’s continue our interview.”
Tango lang ang sinagot niya. Hindi niya kayang magsalita sa sandaling ‘yon. Masyado pa siyang overwhelmed sa pagtawag nito sa kanya na cute.
Bumalik ito sa pagkakaupo sa couch. “Anong alam mo sa mga alak. Ngayong magta-trabaho ka sa bar ko, dapat alam mo ang lahat nang ‘yon. Umpisahan natin sa ladies drink. Anung alam mo sa mga inuming pambabae?”
She calmed herself before answering. Nagpapasalamat siya at mahilig siyang mag bar hopping kaya naman alam niya ang sagot sa tanung nito.
“Cosmopolitan drink, a cocktail drink for women. According sa nabasa ko, una siyang na-feature sa Florida at sa movie na sex in the city. Margarita, sikat siya sa mga kababaihan. Mojito is a tropical cocktail, malakas ang inumin na ‘to. Mostly sini-serve lang siya sa mga resorts. Then the Pear Martini. Tequila. The Bronx. The French 95, one of the sweetest cocktail. The island breeze, it has a mixture of rum. Marami pa akong alam na cocktail drink na suitable para sa kababaehan pero siguradong uumagahin tayo kapag inisa-isa ko pa.”
Nang tingnan niya si Marlo Aiken, halata sa mukha nito ang gulat. “Ang dami mo palang alam pagdating sa inuming pambabae. Paano mo nalaman ang mga ‘yon?”
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Sheyt! Anung isasagot niya?
“Ahm… nabasa ko sa magazine.”
Napatango-tango ito at nagpapasalamat siya sa naniwala ito sa kanya. Bakit naman kasi hindi niya napigilang magmagaling ang bibig niya! Mabubuko siya nito ng wala sa oras.
“Mabuti naman at marami kang alam. Last question bago kita palabasin sa opisina ko.” Tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya. Nang isang dangkal nalang ang layo nila sa isa’t-isa, tumigil ito at tinitigan siya. “Ano ang paborito mong alak?”
Ang dali namang sagutin! “Margarita with a little bit of tequila.”
Inabot nito sa kanya ang bote ng whiskey na hawak-hawak nito. “Oh, mag whiskey ka muna. Mamaya na ang margarita mo.”
“Hindi ako umiinom niyan.”
He shrugged. “Pang-sosyal ang mga alak na alam mo. Sigurado ka ba talagang isa ka lang simpleng babae na nangangailangan ng trabaho?”
Kinabahan siya bigla sa tanung nito. “Oo naman.”
“Okay.” Anito at bumalik sa kinauupuang couch. “Makakaalis ka na.”
Binuksan niya ang pintuan ng opisina nito. Akmang hahakbang na siya palabas ng marinig niyang ang boses ni Marlon Aiken.
“I’m Marlon Aiken Garcia by the way, but you can call me Aiken for short.”
Nagtitili ang puso niya sa sinabi nito. Kahit pangalan lang ‘yon, kinikilig siya. Hay!
Nilingon niya ito. “I’m Marjo—”
“Marjorie Torres Ortinez. I know.”
Nanlaki ang mga mata niya. “P-Paano mo nalaman?”
“Makakaalis ka na.” Pagtataboy nito sa kanya.
“P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
Tumayo ito ulit at naglakad palapit sa kanya. “Sa resume mo. Umalis ka na at mag-umpisa ka ng magtrabaho. Hanapin mo si Yuan, siya ang bahala mag training sayo. Remember the rules.” Iyon lang at itinulak siya nito palabas ng opisina.
Walang nagawa si Marj kung hindi mapatitig sa nakasarang pintuan.
Resume? Hindi naman siya nagpasa ng resume ah!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro