Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - End

CHAPTER 14

PAGLAPAG ng eroplanong sinasakyan, inayos ni Marj ang sarili. Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang kamay at inayos niya ang medyo nakusot na damit. Nilingon niya si Aiken na kalmadong naka-upo at nakatingin sa kanya.

“What?” She asked, frowning.

He smiled sadly. “Nothing. Kung alam ko lang na magiging okay tayo kapag ipinaliwanag ko ang lahat, e di sana hindi na ako nakinig sa mga kaartehan ni Lizella.”

She patted his shoulder. “Tapos na ‘yon at hindi na maibabalik pa. Isipin mo nalang kung paano ka makakawala sa kanya.”

Marahan itong tumango at hinawahan ang kamay niya na nasa balikat pa nito. “I will. Nalulungkot ako. Pagkalabas natin sa ereplanong ‘to, hindi ko alam kong kailan kita ulit makikita. Hindi ba puwedeng ipagpaliban mo muna yang pag-iisip mo at manatili ka sa tabi ko?”

“Aiken, we already talk about this.” She said while caressing his chin. “I need time for myself.”

He sighed heavily. “Fine. Basta babalik ka ha?”

She gave him a small smile. “Yeah, babalik ako.”

“Good.” Anito at nginitian siya. “I’ll wait for you.”

MAGKASAMA silang bumaba ng eroplano ni Aiken. Hindi nila pinansin ang isang pares ng mata na nanlilisik at puno ng selos habang nakatingin sa kanila.

“Don’t mind her. Tapos na ang paglalaro niya.” Ani ni Aiken at pinagsiklop ang kamay nila.

She bumped her shoulder against his. “I’m okay, Aiken. Huwag mo akong alalahanin. Hindi ako magiging isang sikat na Director kung madali akong matakot.”

“Paano kung sabihin niya iyon sa media?”

“Okay lang. Haharapin ko kung ano man ang itatanung nila sa akin. I have to face the consequences of what I did. And I think I just over react, hindi naman siguro masisira ang career ko bilang isang Director kung malalaman nilang nag-apply ako bilang isang waitress para mapansin mo.” Aniya sa matatag na boses. “Yes, nakakahiya ang ginawa ko at mukhang desperado sa paningin ng iba, pero wala akong pakialam sa iisipin nila. Ginawa ko ‘yon para mapansin ako ng taong gusto ko at hindi ko ikakahiya ‘yon.”

Puno ng paghanga ang mga mata ni Aiken habang nakatingin sa kanya. “Hindi nagkamali ang puso ko sa pagpili ng babaeng mamahalin.”

Pabiro niyang tinampal si Aiken sa braso. “Tigilan mo nga ako sa kakornihan mo.”

“Sorry… ” Napakamot ito sa batok. “Hindi ko naman sinasadya ang kakornihan ko. Ganoon siguro talaga ang pag-ibig. Korni.”

Inirapan niya ito. “Ewan ko sayo, Aiken.”

Magkahawak kamay silang naglakad ni Aiken palabas ng Airport. Nagbibiruan sila at nagtatawanan habang naglalakad. Wala silang pakialam sa paligid kaya ganoon na lamang ang gulat niya ng biglang may maraming nag-flash na camera. Tinakpan niya ang mata gamit ang braso.

“Shit!” Aiken tightly holds her hand.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip ng braso sa mata niya. Her eyes roamed around. Reporters everywhere. Flashing cameras. Reporters shouting different questions at her. Questions that make her heart beat so fast. Questions that she didn’t want to answer.

“Director Ortinez! Is it true that you applied as a waitress in Bachelor’s Bar?”

“Director Ortinez! Why did you apply as a waitress?”

“What’s your reason, Director?”

“Is it true that you applied as a waitress because you’re so desperate to get Mr. Garcia’s attention?”

“Director Ortinez, what can you say about you being a desperate woman?”

Nakatayo lang siya habang sabay-sabay na tinatanung siya ng mga reporter. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan habang nakikinig sa mga binabatong katanungan at akusasyon sa kanya. Naramdaman din niyang nanigas sa tabi niya si Aiken. Mukhang kahit ito, nagulat sa mga nangyayari.

Marj heard taunting laugh behind them. Hindi na niya kailangang lingunin para malaman kung sino iyon.

“Enjoy the attention, Marjorie.” Bulong ni Lizella sa tenga niya. “Wala ng halaga sa akin ang sekreto mo. Ako ang lead female role ng Romance in Paris at hindi ko hahayaan na matanggal ako ng dahil lang sayo. At kabayaran mo rin ito sa pang-aagaw mo kay Marlon. I’m sure kapag wala ka na sa indutriya at sira na ang pangalan mo, babalik na sa akin si Marlon.” Humalakhak ito at naglakad palabas ng airport habang nakasunod ang ilang reporters dito.

Mahigpit siyang humawak sa kamay ni Aiken ng dumugin sila ng mga reporter at sabay-sabay na nagtatanong. Nagpasalamat siya ng may makitang security at pinapadestansiya sa kanila ang mga reporters.

Habang busy ang mga reporters sa pakikipagsiksikan at pakikipagtalo sa mga security guard ng Airport, hinatak siya ni Aiken palayo sa maingay na mga reporters. Nang makalabas sila sa gusali, mabilis na pumara ng taxi si Aiken.

“Get in.” Sabi ni Aiken sa matigas na boses. “You have to get out of here.”

Tiningnan niya ang binata na halata ang pag-aalala sa mukha. “Aiken, paano ka? At isa pa, hindi ako tatakbo—”

“I know that you’re a brave woman, Marjorie. Pero bago mo sila harapin, kailangan mong magpahinga at mag-isip kung ano ang isasagot mo sa kanila. Now go.” Nilingon nito ang mga reporter na nagtatakbuhan palapit sa kanila.

“Okay.” Akmang papasok na siya sa taxi ng may tumigil na Audi sa tabi ng taxi at lumabas mula doon si Clover at Gilen.

“Marj, dito ka sumakay. Dali!” Sigaw ni Clover at binuksan ang backseat.

Tumakbo siya palapit sa sasakyan ni Clover at pumasok. Nagmamadaling pinaharurot ni Clover ang sasakyan palayo sa airport. Nang lingunin niya ang pinanggalingan, nakita niya si Aiken na dinudumog ng mga reporters. Hindi na niya makita ang binata dahil napapalibutan na ito ng maraming reporters.

I’m sorry, Aiken. Hingi niya ng tawad sa binata na mag-isang humarap sa mga reporters.

“Are you okay?” Nag-aalalang tanung sa kanya ni Gilen.

Ibinalik niya ang atensiyon sa mga kaibigan na palaging nakasuporta sa kanya. “Okay lang ako, don’t worry.”

“God!” Clover exclaimed while driving. “Hindi ako makapaniwala ng marinig ko ang balita. How did they know? Tayong tatlo lang naman ang nakakaalam ‘non, well, pati rin si Marlon Aiken, pero sigurado akong hindi niya iyon ipagkakalat.”

Napatingin siya kay Clover na puno ng kasiguraduhan ang boses. “Paano ka nakasisiguro na hindi siya ang nagpakalat ‘non?”

“Duh! Ikaw lang ang bulag sa ating tatlo. I know a love sick man when I see one. I’m a matchmaker. Kaya alam ko ang bawat galaw ng mga lalaki.” Sagot ni Clover sa mataray na boses.

“Aiken told me that he loves me.” Aniya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Tumili si Gilen. “My god! Ayeiii! I know he’s in love with you!”

“Manahimik ka nga, Gilen.” Saway ni Clover sa kaibigan. “Hayaan mo magmuni-muni si Marj.”

“Hmp! Bully.” Mahina ang boses na sabi ni Gilen kay Clover.

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang nag-iisip ng magandang gawin.

“Siguro makabubuting hindi ka muna lumabas ng bahay. You can stay at my place. Siguradong napapalibutan na ngayon ng paparazzi ang bahay mo.” Narinig niyang sabi ni Clover.

Nilingon niya ang kaibigan. “Kailangan kong sagutin ang mga tanung nila para matapos na ito. I’m not afraid to face them.”

“Don’t. Let the news die down, saka ka magsalita. You need to think this through, Marj.”

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. “Yeah. I think I need to think this through before I face them.”

ISANG LINGGO na ang nakakaraan mula ng malaman ng media ang ang munting lihim niya. Mula noon, hindi na rin niya nakita si Aiken. Sa bahay siya ni Clover tumira para sa katahimikan niya. Ni minsan, hindi siya nagbukas ng TV para manuod ng balita. Alam naman kasi niya na siya ang laman ng balita.

Nasa kalagitnaan siya ng pagme-meryenda ng umupo si Clover sa katabing upuan niya.

“Tama ba ang narinig kong balita? Magpapa-interview ka na?” Tanung sa kanya ni Clover. “At sa ‘Let’s talk’ pa talaga. Alam mo naman kung gaano kasikat ang talk show na ‘yon. Everyone is watching that show.”

Tiningnan niya ang kaibigan. “Yes. Sa tingin ko sapat na ang isang linggo kong pahinga. I need to face them and answer their questions. I want this issue to be over. Ayoko nang maburo rito sa bahay mo ng isa pang araw. I want to go out. I want to shop. I want to see Aiken.”

Clover nod in understanding. “Okay. Susupurtahan ka namin ni Gilen sa kahit anong desisyon mo. Always remember, nandito lang kami sa likod mo.”

She hugged Clover with so much gratitude. “Thanks, Clover.”

“No problem.”

“Mom and Dad were here hour ago.” Aniya.

“Anong sabi nila? Nagalit ba sayo?”

Marahan siyang umiling. “You know how understanding they are, Clover. Sabi ni Daddy, wala naman daw masama sa ginawa ko at susupurtahan daw nila ako sa kahit anong desisyon ko. Si mommy naman galit dahil pinag-alala ko raw sila at naiirita na siya sa mga balitang naririnig at sa mga reporter na nasa labas ng bahay nila. Kaya naman napagdesisyunan kong sagutin na ang isyu, ayokong lumala ang sakit ni mommy nang dahil sa akin.”

“Okay. Always remember, marami kaming nagmamahal sayo.”

“Salamat, Clover. I’ll always remember that.”

MARJ exhaled loudly when she heard Rhian Aquino, the host of ‘Let’s talk’, one of the famous talk show in the country called her name. That’s her cue to enter the room full of people who are there to judge her or listen to her.

Pagkapasok palang niya sa studio ng Let’s talk, agad na natahimik ang buong paligid. Taas nuong naglakad siya papunta sa platform kung saan naroon si Rhian at nakaupo sa sofa.

“Good afternoon, Director Ortinez.” Bati nito sa kanya.

“Good afternoon. Please, call me Marjorie or Marj.” Aniya at nakipagbeso-beso.

“Please sit.” Anitong nakangiti. “Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Talaga bang nag-apply ka bilang waitress sa Bar ni Marlon Aiken Garcia para mapansin ka niya?”

“Oo, totoo ‘yon.” Aniya na walang takot na sumagot. “I applied on his bar to get his attention. Hindi ko ikinakahiyang aminin ‘yon sa harap ng mga tao.”

“So is it true that you are desperate to get his attention?”

“You can say that. Desperado nga siguro ang ginawa ko sa mata ng ibang tao. Pero para sa akin, ginawa ko ‘yon para mapansin ako ng taong gusto ko. Period. Judge and condemn me all you want, but I’m not ashamed to admit that I become a waitress to get someone’s attention, and anyway ano ba ang masama sa pagiging isang waitress? Isang marangal ‘yon na trabaho at saludo ako sa lahat ng waiter at waitress sa mundo, kasi naranasan ko ang hirap at pagud na naranasan nila. Para sa akin, walang mali sa ginawa ko. Wala naman akong naapektuhang ibang tao o nasaktan. Alam ko, somewhere out there, ginawa na rin ng iba ang ginawa ko. Mas big deal nga lang ang sa akin kasi kilala ako sa lipunan. Pero kong isa lang akong simpling mamamayan ng bansa, sigurado akong walang makikialam o magaakusa sa akin ng kung ano-ano.”

Tumango-tango si Rhian. “Tama ka. Wala namang mali sa pagiging isang waitress. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang ang pagbibigay atensiyon ng mga tao sa isyung ito.”

“Yeah. At sa lahat ng tao na sa tingin ay mali ang ginawa ko, isa lang ang masasabi ko. Hindi niyo ako kilala para husgahan. You don’t know what I’d been through while waitressing in Bachelor’s Bar. Hindi lang naman ang mapansin ni Aiken ang ginawa ko roon. I worked hard like any waitress in Bachelor’s bar, you can even asked then if you think I’m lying. Nagkapaltos-paltos ang paa ko at napagod ako. Kaya wala kayong karapatan na husgahan ako, kasi hindi niyo naman alam ang back-story ng isyu.”

“Kaya nga narito tayo ngayon para alamin ang likod ng isyu.” Tinitigan siya ni Rhian sa mga mata. “Sino sa tingin mo ang nagpakalat sa media tungkol sa ginawa mo? Kaibigan mo ba?”

Mahina siyang tumawa. “Ayokong pangalanan ang taong ‘yon, baka kung ano na naman ang issue kapag sinabi ko kung sino siya. I don’t know that person very well and we’re far from being friends. Mga loyal ang kaibigan ko. Kahit kailan, hinding-hindi nila ako ipapahamak.

“Marjorie, from a very reliable source, we learned that you stole Marlon Aiken Garcia from the Lizella Llama. May katutuhanan ba ito?”

Iyon ang hindi niya inaasahang tanong. Siya? Inagaw niya si Aiken? That’s just absurd! Bago pa siya makasagot, may sumagot na para sa kanya.

“It’s not true.”

Napatayo siya mula sa kinauupuan ng marinig ang baritonong boses ni Aiken. “Anong ginagawa mo rito?” Tanung niya sa binata.

“Hindi niya ako inagaw kay Lizella. We’re not an item in the first place. Yes, naging girlfriend ko siya pero matagal na kaming naghiwalay. Walang inagaw si Marjorie. Wala siyang sinaktang tao at oo, nag-apply siya bilang waitress sa Bar ko para mapansin ko pero wala namang masama roon. Kahit ako gagawin din ang ginawa niya, naunahan nga lang niya ako. I would even apply as a janitor or anything just to get her attention, gagawin ko ‘yon. Para sa babaeng mahal ko.”

She was teary eyed while listening to Aiken’s words. Hindi niya akalaing magsasalita ito para ipagtanggol siya.

Mabilis itong naglakad palapit sa kanya at pinahid ang luha niya. “Tinawagan ako ni Owel para ibalita na magpapa-interview ka raw. Kaya naman mabilis akong pumunta rito.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Hindi ko hahayaang sagutin mo ang katanungan nila ng mag-isa. I’m here for you.”

She squeezed his hand. “Thank you.”

“That and I want to see you. I freaking miss you! Alam mo ba ang pangungulila ko sayo sa isang linggong hindi tayo nagkita? I miss you like crazy, Marjorie!”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya pero hindi siya nagtagumpay na pigilan iyon. Isa-isang namalisbis ang luha sa mga mata niya. Akala niya wala ng pakialam sa kanya si Aiken at iniwan na siya nito dahil hindi ito gumawa ng paraan para makausap o makita siya sa loob ng isang linggo. Masaya siya na hindi lang pala siya ang nangungulila, pati rin ito.

She pulled Aiken into a tight hug. “I miss you too.”

Aiken pulled away from her hug. “Do you remember when you asked me to prove my love to you? I told you I love you and you told me to prove it.” He cupped her face. “Sa isang linggong hindi kita nakita, inisip ko kung paano ko patutunayan sayo ang pag-ibig ko. And there’s only one thing that i think will prove how much you mean to me and how much I love you.”

Marj frown when Aiken took one step back and kneel on one knee in front of her. “What are you doing?”

“Ninety-four.” Anito na ikinakunot ng nuo niya.

“What ninety-four?”

“Ninety-four times kang nag-hi sa akin.” He smiled shyly at her. “Yes, binilang ko ‘yon. Ninety-four days kang dumaan sa labas ng Bar ko. Ninety-four days kong palaging inaabangan ang pagdaan mo. Ninety-four days akong parang tanga na hinihintay ang oras kung kailan ka dadaan at ninety-four days akong umasa na titigil ka at kakausapin ako instead of just saying hi.”

“It might sound cheesy, but I asked god a sign. I told him that if you say ‘hi’ to me 143 times, I will talk to you and I’ll do whatever it takes to make you mine. Hindi umabot sa 143 and ‘hi’ mo nang kausapin kita, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. When you stopped walking and just stared at me like I was the only man in the world, my heart pumped like crazy. Nawala ako sa sarili at kinausap kita kahit nga medyo na offend kita. Masaya na ako na nakapalitan kita ng salita. I’m that crazily in love with you. Kaya naman ng makita kitang pumasok sa Bar at nag-apply ka bilang isang waitress, I can’t just turn down the opportunity to be with you. Kaya naman kahit alam ko kung sino ka, tinanggap kita. I won’t let that opportunity slip. It’s my chance.”

Hindi si Marj makapaniwala sa lahat ng narinig niyang sinabi ni Aiken. Hindi niya akalain na binibilang nito ang pagbati niya rito ng ‘hi’. Hindi niya akalain na ang lalaking gusto niya ay matagal na palang may gusto sa kanya.

“Aiken… I don’t know what to say.” Aniya sa mahinang boses. She was touched at the same time stunned.

May kinuha ang binata sa bulsa nito. “Marjorie, ang dami kong ginawa na nasakta ka. Kahit hindi ko sinasadya ang lahat ng ‘yon, nasakta pa rin kita.” He opens his close palm showing her a very beautiful ring with a small opal stone. “This is the only way to prove to you that I love you. Marjorie Torres Ortinez, would you accept me if I apply for a position in your life as your husband?”

 Mabilis siyang tumango habang patuloy paring umiiyak. “You’re hired.”

Maluwang ang ngiti na tinuyo ni Aiken ang mga luha niya. “I promised to do anything and everything not to get fired.”

Tumawa siya. “I won’t fire you, I’m sure of it.”

“Good, because I’ll blackmail you again if I have to so I could stay by your side.”

Aiken captured her lips and she eagerly kissed him back with all her heart.

She heard the people cheering in happiness for them. She even heard Rhian whistled. Alam niyang mawawala rin ang isyung pinagkalat ni Lizella. And about that porn star? She received a text from Gilen na tinaggal na raw ito sa pagiging lead role ng Romance in Paris at ibinalik si Heriana, hindi naman daw kasi ito magaling umarte. 

And speaking of which, because of Gilen’s brilliant idea, fiancée na niya ngayon ang taong noon ay pinapangarap lang niyang maging boyfriend. Kailangan niyang ilibre si Gilen sa eat all you can bilang pasasalamat sa brilliant idea nito.

(THE END)

I hope you enjoy reading Falling for Marlon Aiken – C.C. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro