Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

CHAPTER 13

NAKATINGIN si Marj sa labas nang bintana nang eroplano at nag-iisip kung anong magandang gawin pagkabalik niya sa Pilipinas. Hindi na siya magta-trabaho bilang waitress at babalik na siya sa dating buhay niya.

Nasa himpapawid siya pabalik sa Pilipinas. Katabi niya sa upuan si Ralph kaya naman hindi siya nailang humilig sa balikat nito.

“Ralph, parang gusto kong magbakasyon pagkauwi natin. I want to go to a quite place to think.”

“Sure, basta kasama ako, why not?”

Nalaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Aiken. Mabilis siyang nagtaas ng tingin. “Nasaan si Ralph?”

Lumingon ito na para bang may tiningnan sa likod. “We exchanged chairs.”

Umayos siya sa pagkakaupo. “Bumalik ka na sa upuan mo. Baka hanapin ka pa ni Lizella, bigla pang mag transform ‘yon at maging malaking sawa.”

“Damn her.” Mahina pero mariing sabi nito. “Dahil sa kagagawan niya kaya magulo tayo.”

“Walang tayo, Marlon Aiken.” Pagtatama niya rito.

Aiken chuckled and pinched her nose. “May tayo. Simula ng sabihin kong mahal kita at aminin mong mahal mo rin ako, may tayo na. Yes, it’s not yet official, pero papunta rin tayo roon.”

Inirapan niya ito. “Puwede ba, Marlon Aiken. Tigil-tigilan mo ako. At masyado kang bilib sa sarili mo. Nakakalimutan mo bang galit ako sayo?”

“Alam kong galit ka sa akin. That’s why I’m here to explain everything.” Anito. “Damn Lizella! Dahil sa pagsunod ko sa lahat ng gusto niya, marami akong nasira, at isa na doon ang tiwala mo.”

Hindi siya nagsalita dahil wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito.

“First, before I start explaining, can I ask a little favor from you? Call me Aiken. Not Marlon Aiken.”

“Ano ba sayo kung tawagin kitang Aiken o Marlon Aiken, ano ba ang pinagkaiba ‘non. Pareho mo namang pangalan ‘yon.”

“Dahil ipinangako ko sa sarili ko na tanging mga babaeng mahal ko ang tatawag sa aking Aiken, at isa ka sa mga babaeng ‘yon. My sister Aika, who died because of that freaking sickness, called cancer, used to call me that. Hindi ko siya nabanggit dati kasi kahit matagal na siyang namatay, sensitibo pa rin para sa akin ang topic na ‘yon. She’s just ten when she died and it scared my heart.  My mom calls me Aiken too. Maliban kay mommy, si Aika lang ang babaeng minahal ko ng todo. Kaya naman  gusto kong tawagin mo rin ako ng ganoon. Call me, Aiken. Pakiramdam ko kasi, kapag tinatawag mo akong Marlon Aiken, I’m just a nobody to you. Kaya pinipilit kitang tawagin akong Aiken. Because every time you call me that, I feel like I belong to you. I feel like somehow, I have a space there in your heart.”

“Whatever.” She rolled her eyes and acted like she doesn’t care. Pero ang totoo, na-touch siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na may rason pala ang pamimilit nito na tawagin niya itong Aiken. “Start explaining… Aiken.”

He took a deep breath while looking at her with hopeful expression on her face. “I hope, after this, you’ll believe me. It all started when you saw Lizella kissed me in my office.”

Nag-init kaagad ang ulo niya at inatake ng selos ang puso niya. “Correction, naghahalakan kayo.”

“No, she kissed me. There’s a difference.” Sumandal ito sa likuran ng upuan. “She asked me who you are. Alam kasi niyang hindi ko ugali na magpatawag ng empleyado sa opisina ko. She was my girlfriend for a year kaya alam niya iyon. I told her you were one of my employees. And that was my biggest mistake. Hindi ko alam na kilala ka pala niya, I should have known better. Parehong mundo ang ginagalawan niyo ni Lizella at sikat ka sa mundong ‘yon—”

“Correction again, hindi kami pareho ng mundong ginagalawan. She’s a porn star and I’m a director. Iniinsulto mo ba ako?”

Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. “—Then she started asking questions about you. Who are you, why are you working in my bar and all that stuff. I don’t know why she’s so interested about you.” Aiken holds her hand and played with it. “Remember that folder I gave you when you went to my house to get Ramm’s file?”

“Yes, I remember.” Inagaw niya ang kamay na hawak nito.

“Walang laman iyon maliban sa isang pirasong bond paper na sinulatan ko para kay Ramm.”

“So, walang file?” Naguguluhang tanung niya. “Pero si Sir Ramm—”

“May File at inunahan ka ni Ramm na kunin iyon. Kaya naman ng makita kita sa labas ng bahay ko, asking for Ramm’s file, nagulat ako. Gusto kong pipitin ang leeg ni Ramm dahil makalat ang bahay ko at the same time magpasalamat dahil sa kanya, nasolo kita—”

“Okay. Nasolo, blah, blah, blah, we’re getting off topic. Ano na ‘yong kay Lizella?”

He rolled his eyes. “’Yong file na kinuha mo sa bahay na ibinigay mo kay Yuan na ibinigay naman ni Yuan kay Ramm ay ibinalik ni Ramm sa akin. Bago sa akin ‘yon ibalik ni Ramm, sinagot niya ang tinanung ko sa kanya sa puting papel. At ang file na ‘yon ay nabasa ni Lizella ng pumunta siya sa office ko para kulitin na naman ako na magbalikan kami—”

“Wait! Ano ba ang tinanung mo kay Ramm?”

Natigilan ito at ilang minuto ring hindi nagsalita. “Tinanung ko siya kung paano niya nalaman.”

“Nalaman na?”

“Nalaman na may gusto ako sayo.”

Bumilis ang tibok ng puso niya pero hindi niya iyon pinansin. Hindi ngayon ang panahon para pairalin ang puso niya. “Paano naman napasok sa usapan si Lizella?”

“Nabasa ni Lizella ang nakasulat sa puting papel. She got so jealous. Hindi niya matanggap na may babae akong mahal na iniisip niyang rason kung bakit ayokong makipagbalikan sa kanya. Inamin niya sa akin na kilala ka niya at sinabi rin niya sa akin na magpipyesta ang media kapag nalaman ng mga ito na ang sikat na Director na si Marjorie Torres Ortinez ay nag-apply na waitress sa bar ko. Natakot ako para sayo, I know how important your career to you, Marjorie. Kaya naman nakiusap ako na ilihim niya iyon, syempre, may kapalit ang pananahimik niya.”

She gritted her teeth. “Ang kapalit ba noon ay i-recommend mo siya para sa lead female role ng Romance in Paris?”

“That and for me to stay by her side, always. It was a nightmare being with Lizella. Sa tuwing niyayakap ko siya, ikaw ang laman ng isip ko. Sa tuwing hinahalikan niya ako, ikaw ang iniisip kong kahalikan para hindi ko siya itulak palayo. Sa tuwing naglalambing siya sa akin, pinagdarasal ko na sana ikaw ‘yon. Pero kailangan kong gawin ang mga ‘yon kung gusto kong manatili siyang tahimik tungkol sayo. Hindi ko hahayaan na sirain ka niya. Being a waitress may not ruin your career as a Director, pero alam kong pag-uusapan ka ng media. Tatanungin ka nila kung bakit mo ginawa iyon, alam kong gusto mong ilihim ang dahilan ng paga-apply mo, kaya naman pumayag ako sa lahat ng gusto ni Lizella.”

Nangigigil na ikinuyom niya ang kamay. Ang babaeng ‘yon! Ginamit pa siya para mam-blackmail ng tao! Hindi niya akalain na may mga ganoong tao pala sa mundo.

“Is that the reason why you tolerate her? Why you do whatever she asked you too?”

He nodded. “’Yon din ang rason kung bakit kinausap ko si Owel na palitan ka. I don’t want to, pero tatawagan na ni Lizella ang Media. I panicked. Alam kong iisipin mo na ako ang nagpakalat ‘non sa media and I don’t want you to think that. Kaya naman pinigilan ko si Lizella sa abot ng makakaya ko. She asked me to tell Owel to replaced you and I did what she asked me too. It was a stupid idea, I know, pero natakot ako na baka magalit ka sa akin. Na baka iyon ang maging dahilan kung bakit hindi ka maniwala na mahal kita.”

Hindi makapaniwalang umiling-iling siya. “Alam mo bang halos isumpa kita ng sabihin sa akin ni Ralph ang balitang pinalitan na ako bilang Director ng Romance in Paris. Ikaw ang una kong sinisi. All along, ang babaeng ‘yon pala ang dahilan ng lahat!”

“It was partly my fault. Kung hinayaan kitang mag resign, eh di sana masaya ka ngayon.” Puno ng pagsisisi ang boses ni Aiken.

Tiningnan niya ang binata. Halata sa mukha nito na nagsisisi ito sa ginawa.

“Aiken, why did you blackmail me?”

He chuckled. “Selfish reason. Kaya nga hindi ko matanggap na nang dahil doon, mapapahamak ka.”

“Why did you blackmail me?” Ulit na tanong niya.

He reached for her face and caressed her cheek softly. “Kasi gusto kitang palaging nakikita. It was a selfish reason, I know. Pero para sa lalaking gustong makasama ang babaeng nagpatibok ng puso niya, hindi iyon selfish reason.”

Nag-iwas siya ng tingin ng maramdamang namula ang pisngi niya. “Aiken, hindi na ako galit sayo, but it doesn’t mean—”

“Marjorie, alam mo bang ikaw ang kaisa-isang babae na nagpatibok ng puso ko? Nang makita kita, para akong tumakbo ng isang libong metro sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Right there, I knew that you are the one for me.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mas pamumula ng pisngi niya. “Tumigil ka nga, Aiken.”

He smiled. “Bakit naman ako titigil? Ang ganda mo kapag namumula ka.”

“Sige, bulahin mo pa ako.” Aniya na tinakpan ang pisngi.

He chuckled lightly. “Hindi kita binobola. The first time I saw you, you have no make-up on, you’re sweaty, you’re wearing baggy clothes, you’re cheeks were red because of the heat of the sun. You look so beautiful that day and ever since, palagi na kitang inaabangan lumabas sa TV. Kapag may mga movie ka na pina-plug, inaabangan ko ‘yon. I know I sound staker-ish, pero naniniwala kasi ako na kapag may babaeng nagpatibok sa puso ko ng mabilis, hinding-hindi ko na siya pakakawalan. At ikaw ‘yon. So, whether you like it or not, you’re stock with me and I’m not letting you go, even if you pushed me away.”

“Hindi lang naman ikaw ang mukha stalker. Ako rin.” Namumula ang pisnging pagamin niya. “Nang una kitang makita sa Bar, na hooked na ako sayo. Kaya naman pinagtanung-tanung ko ang pangalan mo.”

Hinawakan nito ang kamay niya at tinanggal iyon sa pagkakatakip sa mukha niya.

“There’s nothing to be ashamed of. So what kung stalker ka, pareho naman tayo. I stalked you, you stalked me. And that’s freaking okay as long as we’re both happy.”

Sinalubong niya ang tingin ni Aiken. “Do you really love me, Aiken?”

“I wouldn’t let Lizella control me to do her bidding so I could protect you if I don’t. I wouldn’t blackmail so I could see you everyday if I don’t. I wouldn’t let you call me Aiken if I don’t. I wouldn’t begged for you to never forget me if I don’t. I wouldn’t be here, explaining everything and confessing my feelings If I don’t. And lastly, I wouldn’t be sweating bullets here, praying to god that you still love me, if I don’t. I love you, Marjorie, look at me in the eyes and you’ll see how madly deeply in love I am with you.”

Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin si Aiken. Sa lahat ng sinabi nito, isa lang ang mahalaga sa kanya. His confession of love for her. Nang malaman niyang pinalitan siya bilang Director ng Romance in Paris, nasakta siya, hindi dahil pinalitan siya kung hindi dahil si Aiken mismo ang nakiusap kay Owel na palitan siya dahil sa kagustuhan ni Lizella. Hindi totoo ang pagmamahal na sinabi nito sa kanya. Pero pagkatapos ng mga narinig niya ngayon, naniniwala na siya na mahal siya nito. Hindi na niya kailangang tingnan ito sa mga mata para maniwala sa pagmamahal nito, sapat na ang ginawa nito para protektahan siya para patunayan sa kanya na mahal nga siya nito.   

Aiken hugged her back. “So… are we okay… or not?”

She pulled away and looked at Aiken. “We’re okay, but I need time for myself. Kailangan kung mag-isip.”

Aiken nodded in understanding. “Sure. I’ll give you time for yourself. Basta ba hindi ka manlalaki, okay lang.”

Napailing siya habang nakangiti. “Kahit naman saan ako magpunta, ikaw pa rin ang laman ng puso ko. I just need to re-think everything.”

“After re-thinking, babalik ka ba sakin?”

“I’m not sure. Bahala na.”

He sighed. “Siguro mabuti narin ‘to, aayusin ko rin ang gulong ginawa ko at itatama ko ang lahat ng mali ko, para sa pagbalik mo, maayos na ang lahat. Wala ng Lizella na manggugulo sa atin.”

“Thank you.” Aniya at humilig sa braso nito. “Thank you for protecting me in your very twisted way.”

He chuckled. “I love you, Marjorie.”

“I love you too, Aiken.” Walang pag-aalinlangan sagot niya bago siya pumikit ang natulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro