Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

CHAPTER 11

MARJ LOOKED at Aiken like he lost his head. She can’t believe what she just heard. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng binata kaya naman ganoon na lamang ang gulat niya. Si Aiken na palagi siyang bina-blackmail at pinapagsalitaan ng kung anu-anu ay in-love sa kanya? Parang hindi iyon yata kaya i-take in ng utak niya.

“A-Anong sinabi mo?” Nauutal na sabi niya.

Aiken tsked and rolled his eyes. “I’m in love with you. I’d been dropping hints here and there. Hindi ako makapaniwala na hindi mo iyon napansin.”

“Pakiulit please?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I need to hear it again. H-hindi ako makapaniwala—”

“I’m in love with you, Marjorie Torres Ortinez!” Malakas nitong sigaw. “Gusto mo ulitin ko pa?”

She was teary eyed and ready to confess her feelings to Aiken when she heard a squeaky irritating voice behind them.

“Marlon, bakit mo ba ako iniwan sa restaurant?” Ipinulupot ni Lizella ang braso nito sa braso ni Aiken. “At anong ‘I love you’ ang narinig ko? Didn’t you promise to marry me someday?” Lizella said while fluttering her eyelashes.

Parang may kung anong sumipa sa dibdib ni Marj sa narinig. Marry Lizella someday? Anong ibig sabihin nito? Nagtatanung ang mga mata niya ng tumingin siya kay Aiken. Humihingi siya ng paliwanan sa narinig niyang sinabi ni Lizella. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero maunahan siya ni Aiken.

“Lizella, stop it.” Anito sa babae pero hindi naman binaklas ang pagkakapulupot ng braso nito.

“Why?” Lizella pouted and glared at her. “Because of her? Tama na ang paglalaro mo sa kanya, Marlon. Stop pretending that you love her. Hindi ba sinabi mo sa akin na ako ang mahal mo?”

“Lizella—”

“Say it, Marlon. You know what I can do.” There’s a warning tone on her voice.

“Lizella, please—”

Nanlaki ang mata niya ng sakupin ni Lizella ang mga labi ni Aiken. Ang luha na kanina pa niya pinipigilan ay unti-unti lumabas. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagdaloy ng luha niya. Ang masakit, hindi gumalaw si Aiken para itulak si Lizella. He just stands there and let Lizella kissed him and it hurt so damn much!

‘Yon ba ang mahal daw siya?

Lizella pulled back and smirked at her. “See that, Director? Marlon is just kidding you when he said that he loves you. Ang dali mo namang maniwala. It’s just a joke.”

“Please, Lizella, this is not the time for—”

“Not time for what, Aiken?” Marj’s voice was shaky.

Nilingon siya ng binata na puno ng pagsusumamo ang mga mata. “Please, Marjorie. I can explain everything but not now.” Anito at binalingan si Lizella.

“Just stop, Aiken!” Sobrang sakit na ang nararamdaman niya habang nakatingin sa dalawa. “Ika nga ng sawa na nakapulupot sayo, stop pretending. Hindi rin naman ako naniwala sa sinabi mo. You love me? Yeah, right. Walang nagmamahal na nagpapahalik sa iba, sa harap pa mismo ng mahal daw niyang babae. It’s just so absurd. Walang ganoon, Aiken, wala!”

Tumalikod siya at nagmamadaling iniwan ang dalawang taong dahilan ng sakit na nararamdaman ng puso niya. Hindi niya hahayaan na makita ng mga ito na nasasaktan siya. She won’t give them the satisfaction of making her cry!

“Marjorie!”

Lakad-takbo ang ginawa niya ng marinig na tinawag ni Aiken ang pangalan niya. Hindi puwedeng abutan siya nito. Baka kung ano pa ang isipin nito kapag nakita ang mga luha niya. Sinabi palang niya na hindi ito deserving sa nararamdaman niya, kailangang panindigan niya iyon—

Someone grabbed her arm forcefully. “Stop, damn it!”

Mabilis na pinahid niya ang mga luha at hinarap si Aiken na humihingal. “Tantanan mo na nga ako. Just leave me alone! Bumalik ka nalang doon sa porn star na ‘yon! Wala akong pakialam sayo. Wala akong—”

He crashed his lips against hers, shutting her up and making her knees weak. Ramdam niya ang kasayahan ng puso niya sa simpling halik na iyon. Hindi niya napigilan ang isa-isang pagpatak nang mga luha niya. Naawa siya sa sarili. Sinaktan na nga siya at lahat-lahat, siya pa rin itong umaasa. Umaasa na totoo ang sinabi nito. Umaasa na ang halik nito ay may ibig sabihin maliban sa gusto lang siya nitong patigilin sa pagsasalita.

Aiken stopped kissing her and dried her tears using his thumb. “Please… shhh… don’t cry. I don’t want to see you cry. What Lizella said? It was nothing. Wala iyon. I’m not pretending and please believe me when I say I’m in love with you. Marjorie, please, believe me when I say I love you.” Nagmamakaawa ang boses nito at hinawakan ang kamay niya. “Please, you have to believe me. If you don’t, then please, just give me an assurance that I somehow have the change to have your heart. I promise I’ll explain everything after this whole thing is over. I’ll do anything for you to believe me. I’ll do anything for you, Marjorie.”

She looked at Aiken’s green eyes; she can’t understand what he’s saying. Her heart was hurting and she can’t think straight. “What do you mean about ‘this whole thing is over’?”

“I can’t explain it now. But I will, after. Just tell me that I have a chance in your heart. Please, Marjorie.”

Napailing-iling siya. “Yes, I like you a lot, ‘yon ba ang gusto mong marinig? Sige sasabihin ko sayo. I like you very much and I didn’t realize that, that simple like will turn into something else, something deeper. But it was a mistake and you don’t deserve it, Marlon Aiken. You don’t. I’ll do anything to get rid of that feeling for you.”

“Don’t get rid of that feeling for me, Marjorie. Ngayong nalaman ko na may gusto ka rin sa akin, gagawin ko ang lahat para walang mangyari sayong masama. Mahal na mahal kita—”

“No, Aiken, please, stopped lying to me.” She whispered, still in tears.

“I’m not lying!”

“Yes you are! How can you say that you love me? Hindi mo ako kilala—”

“I know you—”

“I just barge into your life, hoping that you’ll like me too and it was a stupid idea applying in your bar as a waitress but I did it anyway because I wanted you to see me. To give—”

“I see you, Marjorie. Hindi ka pa nag-apply sa bar ko nakita na kita. You’re just too preoccupied in your world that you haven’t seen me.”

Napatitig siya sa binata. “What do you mean? Hindi kita maintindihan.”

He cupped her face. “Listen and listen very well, because I’m not going to repeat myself. The first time I saw you was when I went to see Lizella to stop her from doing a porn movies. I don’t know why you’re there. All I care about was you. You were wearing baggy clothes, no make-up on, you’re sweating, you’re hair was messy, but still you look beautiful in my eyes. Weeks after that I saw news of you on TV—”

“Marlon!” Boses iyon ni Lizella. “Halika na. Samahan mo ako sa Hotel ko. Leave her.”

Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa direksiyon ni Lizella. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siya ibinurol. Her eyes were full of venom while shooting daggers at her.

“I have to go.” Wika ng binata.

Ibinalik niya ang tingin sa binata. “Kung mahal mo ako tulad nang sabi mo, bakit ka sasama sa kanya? Why don’t you stay with me? Be with me?”

Aiken has a sad expression on his face while looking at her. “I can’t. I have to go with her.”

“Why?” Puno ng hinanakit ang boses niya.

“I have to. Just always remember that I love you and I’m doing this for you. I won’t let her hurt you.”

“What do you mean?”

“I’ll explain everything after this whole thing is over. Just believe in me. Mahal kita. Mahal na mahal. Lahat ng makikita at maririnig mo tungkol sa amin ni Lizella, inuunahan na kita, walang katutuhanan ang lahat ng ‘yon. Puro iyon kasinungalingan. Ikaw ang mahal ko. Huwag mong kalilimutan ‘yon. Okay?”

“Aiken—”

“Please, Marjorie. Huwag kang maniniwala sa kahit na anong makita at marinig mo.”

“I can’t promise that—”

“Marjorie, please listen to me.”

“Why don’t you tell me everything. Para maniwala at makinig ako sayo.”

“Marlon! Halika na! I want to cuddled with you in the bed!” Lizella shrieked.

He kissed her forehead. “I will explain but not now. Please, believe in me.” Iyon lang at iniwan siya nito at lumapit kay Lizella.

Agad na ipinalibot ni Lizella ang braso sa braso ni Aiken. “Huwag ka ng maglalalapit sa babaeng ‘yon.” Anito na masama ang tingin sa kanya. “Hug me, Marlon. I’m feeling cold.”

She saw Aiken nod and it was heart clenching to watch him encircled his arms on Lizella’s waist. It’s like a hand was gripping her heart and squeezing it tightly. Marj looked away to stop the pain she’s feeling. When she heard them walk away, she turns around and resumes walking with a wounded heart.

Kahit pilit na isinisiksik sa utak niya na mahal siya ni Aiken, may pagdududa pa rin siyang nararamdaman. Hindi pa rin buo ang paniniwala niya sa binata. Pero umaasa ang puso niya na sana… sana nga totoo ang sinabi nito.

Sana nga totoo na mahal niya ako.

SA SET ng Romance in Paris, mainit ang ulo ni Marj. Maliban sa paulit-ulit ang pagta-take ng scene dahil hindi magawa ng tama ni Lizella ang pag-arte, palagi rin itong humihingi ng break para makipaglampungan kay Aiken na kasama nito sa set.

Sinabi ni Aiken na hindi siya maniwala sa makikita niya. Paano? Masyadong sweet ang dalawa para hindi maniwala ang dati nang sugatan niyang puso. Wala sa mukha ni Aiken na napipilitan lang ito sa pakikipaglampungan kay Lizella. It seems that he’s enjoying it.

Naglakad siya patungo kay Lizella at Aiken na magkayakap. “Lizella, can we talk?”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Anong sasabihin mo? If this is about my Marlon, then you better back off.”

She rolled her eyes. “This is not about him. This is about you. Hindi ka marunong umarte at hindi ka nakikinig sa mga instructions ko. Kung patuloy kang magiging ganito, much better na ibalik nalang Heriana.”

Tumawa ito ng maarte at ngumiti sa kanya na parang nanunuya. “Too bad. Ako na ang lead female role. Hindi mo ako puwedeng palitan. Sino ka ba? You’re just a Director.” Binalingan nito si Aiken at niyapos ang binata sa braso. “Marlon, puwede bang sabihin mo kay Owel na palitan ang babaeng yan bilang Director ng Romance in Paris? Ayokong makita ang pagmumukha niya rito.”

Napanganga siya. Ito pa ang may ganang palitan siya, samantalang ito naman ang walang future sa pag-arte. Ang sarap sabunutan pero kinontrol niya ang galit na nararamdaman.

Walang emosyong tumingin sa kanya si Aiken. “I’ll talk to Owel.”

Nalaglag yata ang panga niya sa narinig. “What the hell? Anong you’ll talk to Owel? Hindi ako ang dapat na palitan, siya!” Aniya sabay turo kay Lizella.

Aiken sighed and looked at Lizella. “Oo nga naman, Lizella, ikaw ang dapat palitan.”

Puno ng galit ang mata ni Lizella ng tumingin ito kay Aiken. “What did you say?!” She huffed in anger. “Nakakalimutan mo na ba ang usapan natin, Marlon? Oh baka naman gusto mong magsalita ako? Sisiguraduhin kong magsisisi ka!”

Aiken hurriedly took Lizella’s hand. “No! Nagusap na tayo. Okay, I will talk to Owel. Papalitan natin siya.”

She looked at Aiken like he lost his head. What the hell?!

“Good.” Binalingan siya ni Lizella na nakataas ang kilay. “Hmp! Sino ngayon ang papalitan? Magbalut-balut ka na. Bukas, babalik ka na sa Pilipinas.” Pagkasabi ‘non maarting naglakad ito at iniwan sila.

Nanlilisik ang matang dinuro niya si Aiken. “How dare you! Sino ka para papalitan ako?! Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to! You said you love me. You said to never believe what I hear and see. Pero sa nakita at narinig ko ngayon, I had enough of your crap! How can you nonchalantly say that you will talk to Owel to replace me? Sino ka ba?! Ha? Sino ka ba?!”

Aiken seized her hand. “Stop shouting.” Ipinulupot nito ang braso sa bewang niya. “I can’t believe naniwala ka sa sinabi ko. Para namang hahayaan kong palitan ka.”

She glared at him. “Kung ganoon bakit sinabi mo ‘yon kay Lizella?”

He tsked. “Didn’t I told you already to not believe everything you hear and see? Walang katutuhanan sa mga pinagsasasabi ko. I cared for you, Marjorie. Hindi ko hahayaan na palitan ka dahil lang kay Lizella.”

Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Ang gulo mo. Siguraduhin mo lang na hindi ako papalitan, dahil kapag nangyari ‘yon, magwo-world war three tayong dalawa!”

Mabilis siyang naglakad palayo kay Aiken at bumalik sa kinauupuan niya kanina. Nagpupuyos pa rin siya sa galit pero kinalma niya ang sarili. Sa pagkakataong ito, hahayaan niya ang sarili na umasa sa salita ni Aiken. If he really love her like he claimed, he would not talk to Owel to replace her.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro