Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

CHAPTER 10

HUMUGOT nang isang malalim na hininga si Marj habang nakatingin sa Eiffel Tower. Pangarap niyang pumunta rito kasama ang magiging boyfriend niya pero mukhang hindi iyon matutupad, wala naman siyang boyfriend at ang binata na gusto niyang makasa rito ay hindi naman pala sasama. Akala naman niya makakasama niya si Marlon dito sa Paris, pero umayaw din naman ito. Naalala pa niya ang huli nilang pag-uusap ng binata.

Kinakabahan siya habang sinusundan si Aiken papunta sa opisina nito. Wala siyang ideya kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Gusto niyang tanungin ang binata kung ano ang sasabihin nito pero pinigilan niya ang sarili.

“I can’t go with you to Paris.” That’s the first thing he said when they enter his office.

Dapat okay lang sa kanya ang balitang iyon pero parang bumigat ang dibdib niya sa sinabi nito. “Okay lang. But I still can go right? Kailangan kung pumunta.”

“It’s okay. Kailangan ko kasing samahan si Lizella. She needs me for something. Hindi ko alam kung ano ‘yon pero pupuntahan ko pa rin siya.”

Nanikip ang puso niya sa narinig. Kaya pa niya na hindi ito sasama kasi may importanteng gagawin, pero para puntahan si Lizella? Ang babaeng porn star na kahalikan nito? Parang may pumipitas sa puso niya sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang suntukin ang kaharap sa pinaparamdam nitong sakit sa kanya pero ayaw niyang malaman nito na apektado siya.

“Okay lang. You don’t need to explain yourself. Hindi ka naman talaga kasama sa Paris e.”

“I want to go with you, Marjorie, but Lizella—”

“Stop. It’s okay. I don’t care what your reason is. Ang importante, papayagan mo ako papuntang Paris. Gusto ko ring makasiguro na wala kang pagsasabihan tungkol sa sekreto ko.”

“Is that all you care about?” Madilim ang mukhang tanung nito. “Don’t worry. Hindi naman ako ganoong klaseng tao.”

“Sa mga ipinakita mo sa akin, ganoon klaseng tao, Aiken.” Aniya at umalis sa opisina nito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ng gabing iyon, hindi na niya ito nakausap o nakita kasi umalis kaagad siya kinabukasan. At wala siyang balak na makita o makausap ang binata. Medyo nasasaktan pa rin siya sa dahilan kung bakit hindi ito sumama. Ang sarap tadyakan. Nagseselos siya pero wala naman siyang karapatan para maramdaman ang emosyon na ‘yon.

“Why are you looking lost?”

Nilingon niya si Ralph na nasa likuran niya na kasama sa crew na lumipad papuntang Paris. Sumama lang ito sa kanya dahil nangungulit na naman ito. Ayaw niya nuong una pero hindi naman niya ito napigilan kaya naman hinayaan nalang niya itong sumama.

“I’m not lost. I’m just enjoying the scenery.” Aniya.

“Yeah, right. Stop lying to me and to yourself. What’s with you? Since yesterday, parang wala ka sa sarili at palaging nasa kung saan ang isip mo. Ano ba ang nangyayari sayo?”

Huminga siya ng malalim. “Do you know the feeling when you like someone and it hurts that he doesn’t like you back?” Hindi napigilang tanung niya. Gusto niyang ilabas ang nararamdaman at nagpapasalamat siya kay Ralph na narito ngayon sa tabi niya kahit itinutulak niya ito palayo.

Ralph exhaled loudly. “Marj, kung nasasaktan ka dahil hindi ka niya gusto, hindi na ‘yon simpling pagkagusto. It’s the scary four letter word called ‘love’.”

“Love?” Tumawa siya ng mapakla. “How can you love a person who’s blackmailing you to get what he wants?”

“That’s love.” Tumabi ito sa kanya at tumingin sa Eiffel tower. “Love is magic at the same time curse. Magic if the person you love loves you back. But it’s a curse when he or she doesn’t love you back. Kaya nga ayokong mapana ni Kupido. Ayokong maramdaman ang nakakabaliw na emosyong ‘yon. And I can tell that you’d been hit by cupid.”

Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. “Masakit na masaya. Nakakaloka na nakakakilig. Nakakainis na nakakataba ng puso. Hindi ko akalain na ang simpling pagkagusto ko sa kanya, e mauuwi sa ganito.”

“Tuso talaga ang pag-ibig. Kaya naman ingat-ingat din kapag may time.” Natatawang sabi ni Ralph.

“Yeah. Hindi ako nag-ingat kaya tingnan mo naman, heto, nasasaktan.”

“Sino ba itong lalaking nanakit sayo? Is he the guy who was giving me deathly glares in the restaurant?”

“Yes, he is the one.” Pag-amin niya. Wala namang saysay kung itatago pa niya ang nararamdaman. “Hindi naman niya ako sinaktan, kasi hindi naman niya alam ang nararamdaman ko.” Hindi nga siya sigurado kung naaalala pa ni Aiken ang pag-amin niya na gusto niya ito.

“Then it’s his loss, not yours. Sa nakita ko, gusto ka niya, kaya naman hindi ko akalain na—”

“Stop. Wala siyang gusto sa akin. Stop putting that idea in my head. Ayoko ng umasa.” Aniya at mabilis na naglakad palayo kay Ralph, pabalik sa Hotel na inuukupa nila.

Hmp! Magsama sila ng pesteng Lizella na ‘yon! As if I care! Pinahid niya ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya. Sino ba ang niloloko niya? Of course, she cared!

HINDI ALAM ni Marj kung bakit gusto siyang makausap ng Big bosses ng Chanel 9. Hindi niya rin alam kung bakit nandito ang mga ito sa Paris. Wala naman sa usapan nila na sasama ito para subaybayan ang progress ng shooting.

“Malay mo, nagkataon lang na pumunta sila rito.” Wika ni Ralph na pinapakalma siya.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. She shouldn’t be worried. Pero may kung ano sa likod ng isip niya na nagsasabing may dahilan kung bakit narito ang Big Bosses. Sana naman hindi iyon para palitan siya.

Pilit na kinalma ni Marj ang sarili habang naglalakad papunta sa Restaurant na pagmi-meeting-ngan nila. Panay ang hinga niya ng malalim.

“Geez! Relax, Marj. It’s not like their going to get rid of you.” Natatawang wika ni Ralph.

“’Yon na nga ang inaalala ko. Paano kung palitan nila ako? We already shoot the first scene at nagsayang na rin ako ng oras para sa teleseryeng ‘to.”

“Hindi ka papalitan. There’s no reason to replace you.”

Reason? Napakagat labi siya. May rason para palitan siya. Paano kung pinagsabi na ni Aiken ang sekreto niya at nalaman iyon ng buong Media, syempre malalaman yon ng president ng Channel 9. At kung pagtatagni-tagniin, iyon lang ang dahilan para personal na pumunta rito ang Big Bosses para makausap siya, wala ng iba.

“Well, hanggang dito nalang ako.” Ani ni Ralph na tumigil sa labas ng restaurant.

She forced a smile ang give him a quick hug. “Wish me luck, Ralph.”

He pinched her cheek. “I will. Now, go inside.”

She nodded and walks inside the restaurant. Mabilis na hinanap ng mata niya ang dalawang Big Bosses ng Channel 9. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makitang kasama ng mga ito si Aiken!

Shit! Shit! Shit! What’s happening! Anong ginagawa niya rito?

Dubling kaba ang naramdaman niya ng magtama ang mga mata nila ni Aiken at umakto itong hindi siya nakita. Walang emosyon ang mga mata nito at iyon ang ikinatakot niya. Anong ginagawa nito rito sa Paris? Akala ba niya kasama ito ni Lizella? Bakit ito narito? Iyon ang malaking katanungan na umuukilkil sa isip niya. Nagsalita na ba ito sa media? Nagsumbong ba ito?

Para siyang robot na naglakad papunta sa mesang inuukupa ng Big Bosses ng Channel 9. “Good afternoon.” Bati niya.

Nakangiting nilingon siya ni Mr. Owel Larazabal, ang thirty-one years old na President ng Channel 9. “Oh, hello Director Ortinez. Please, take a sit.”

Dahan-dahan siyang umupo. “Why did you call me, Mr. Larazabal? Is there something wrong?” Agad na tanung niya habang ang mata ay na kay Aiken na abala sa kinakain nitong Pasta.

“Please, call me Owel and I’ll call you Marjorie in return. I think we pass the formality already. And no, Marjorie. There’s nothing wrong.” Sagot ng President nang Channel 9.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ang sinabi ni Owel. Nakahinga siya ng maluwang at umusal siya ng maikling panalangin.

“I thought there’s something wrong.” Aniya habang nakangiti.

“Nah. Just a slight changes.” Wika ng Vice-President ng Channel 9 na si Craig Saludaga.

Kinabahan siya sa sinabi nito. “What kind of changes, Mr. Saludaga?”

“Changes in casting. We’re going to pull out Heriana in the lead female role and replace it with Lizella Llama instead. And please, call me Craig.”

“What?” Nagulat siya sa sinabi ni Craig. “Bakit naman, sir? Heriana is a good actress for the lead female role. Sikat din siya at tinatangkilik ng masa ang teleserye at pelikula niya. She’s perfect for the role? Why replace her?”

Owel looked at Aiken who was still busy eating Pasta. “I would like you to meet Marlon Aiken Garcia. He’s the one who recommended Lizella for the lead role.”

Napamaang siya sa binata. What the heck? “But it doesn’t mean that she’s—”

“I’m sorry, Marjorie, Marlon recommended her and we owe him. Kaya naman pumunta kami rito para pakiusapan ka ng personal. The producer already said yes, ikaw nalang ang hinhintay naming umo-o.” Wika ni Craig sa walang buhay na boses. “If it’s just me, I don’t want to pull out Heriana. She’s a good actress, but, we owe Marlon and this is the only way we can pay him.”

Matiim niyang tinitigan si Aiken. “Care to explain further why you recommended her for the lead role? She’s a porn star for crying out loud, Aiken! What were you thinking?”

“Magkakilala kayo?” Sabay na tanung ni Owel at Craig sa kanila ni Aiken. “And you call him Aiken?”

Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa pagtitig ng matiim kay Aiken. Hindi niya akalain na ito ang nag-recommend sa babaeng ‘yon! At ito pala ang dahilan kung bakit narito ito sa Paris! Napupuyos siya sa galit pero hindi naman niya iyon mailabas dahil may dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanila.

Nagtaas ng tingin si Aiken at sinalubong ang titig niya. “I don’t have to explain further. Just do what they said and we’re good.” Binigyan diin nito ang salitang ‘good’.

Is he blackmailing her again? For Pete’s sake! She’s so fed up! Nasa kalagitnaan siya ng pagpapakalma sa sarili ng may magsalita sa likuran niya.

“Marlon, bakit hindi mo ako sinundan sa Restroom. I need you there.” Boses iyon ng isang babae.

Hindi na kailangan lingunin pa ni Marj ang nagsalita. Sa tono palang ng boses nito, alam na niyang si Lizella iyon. And really? I need you in the restroom? Who the hell would say that? Mga patakbuhing babae lang ang nagsasalita ng ganoon!

Nakita niyang niyakap ni Lizella si Aiken mula sa likuran. Pinikit niya ang mga mata para pigilan ang luhang nagaambang tumulo. Hindi siya puwedeng umiyak sa harapan ng mga ito.

“Lizella, I want you to meet, Director Marjorie Torres Ortinez. Siya ang Direktor mo sa teleseryeng ‘Romance in Paris’. Marjorie, this is Lizella Llama, the lead female role for Romance in Paris.” Pagpapakilala sa kanila ni Owel.

Nagmulat siya ng mata at ngumiti ng peke kay Lizella na pekeng nakangiti rin sa kanya. God! She knew a fake smile when she sees one.

“Hi, nice to meet you.” Aniya sabay lahad ng kamay.

“Nice to meet you too.” Anito at umupo sa tabi ni Aiken na hindi manlang tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Syempre napahiya siya sa ginawa nito, pero umakto siyang hindi napahiya at ibinaba ang kamay. Narinig niyang humugot ng buntong hininga si Craig at napailing-iling naman si Owel.

“Well, bukas mag-uumpisa na ang shooting.” Wika ni Craig habang nakatingin sa kinakain nito. “It’s the first scene kaya naman galingan mo Lizella.”

Lizella fluttered her eyelashes. “Of course! Ako pa. Magaling ako, diba Aiken?” Anito sabay haplos sa braso ni Aiken.

“Don’t call me that.” Ani ni Aiken sa mahinang boses.

“Why not? Aiken naman talaga ang tawag ko sayo noon pa. Ikaw lang itong ayaw na tawagin ko ng ganoon.” Nakangusong wika ni Lizella habang hinahaplos ang braso at dibdib ni Aiken.

Nag-init ang ulo niya ng hindi manlang umiwas si Aiken. Bakit naman ito iiwas? Mukhang gustong-gusto naman nito ang ginagawa ni Lizella.

“Kung ‘yon lang ang sasabihin niyo, can I leave?” Aniya kay Owen at Craig na nakikinig lang sa usapan ni Aiken at Lizella. “Aayusin ko pa kasi ang mga pagbabago sa casting. Kailangan ko rin ipaalam ito sa buong crew ng Romance in Paris para hindi sila magulat sa pagbabago.”

“Yeah, that’s good. You can leave.” Wika ni Craig na tumayo na rin. “I’m leaving too. Hindi ako makahinga. There’s toxic in the air.” Nauna itong lumabas sa kanya. Nakita niyang umiling-iling si Owel.

Tumayo na rin siya at nagpaalam. “I’m leaving too.”

“You’re not eating? Sayang naman ang inorder namin para sayo.” Ani ni Owel habang nakatingin sa hindi niya nagalaw ng Shrimp Pasta.

“Busog pa ako.” Aniya. “I’ll go ahead. Bye Marlon Aiken, Bye Lizella.”

Mabilis na nagtaas ng tingin si Aiken at tumingin sa kanya na kunot ang nuo. “What did you call me?”

“Marlon Aiken.”

His face darkened. “How many times should I tell you that it’s Aiken?”

Pinaglipat-lipat ni Lizella ang tingin sa kanila ni Aiken. “Bakit gusto mong tawagin kang Aiken ng babaeng yan?” Anito sabay turo sa kanya. Puno ng pagseselos ang boses nito.

“Nothing—”

Aiken cut her off. “Show some manners Lizella, she’s your Director.”

“I don’t care. You want her to call you Aiken. Why is that? Ayaw mong tinatawag kang Aiken dahil naalala mo ang namatay mong kapatid na babae. Ang nag-iisang tao na tumawag sayo ng ganoon. Tapos siya ikaw pa ang may gusto na tawagin kang Aiken?”

Aiken took a deep breath and looked at Lizella annoyed. “Can you shut the fudge up?”

Lizella looked at her, her eyes full of jealousy. “I’m the only woman entitled to call him Aiken! Who are you—”

“Lizella, please, calm down.” Saway ni Owel. “Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” Bumaling ito sa kanya. “Marjorie—”

“Aalis na ako. I don’t want to cause a scene.” Aniya.

Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant. Hindi pa siya nakakalayo ng may humablot sa braso niya. “Marj, stop. I can explain everything.”

Walang emosyong nilingon niya si Aiken. “Explain what Aiken? Wala ka namang dapat na i-explain.” Hinablot niya ang braso na hawak nito. “Sana lang nagisip ka bago mo nirekomenda ang babaeng ‘yon! Galit ako dahil sinira mo ang teleserye na hawak ko. I can’t believe you!”

“’Yon ba talaga ang dahilan kung bakit ka galit?”

Natigilan siya sa sinabi nito. “Y-Yon ang d-dahilan ko.”

“Stop lying to me and to yourself, Marjorie! Why can’t you just tell me that you’re jealous that’s why you’re mad? Ganoon ba kahirap aminin ‘yon?”

“I’m not—”

“Yes, you freaking are! I can see it in your eyes.”

She held her chin up. “So what? What is it to you? Yes, I’m jealous. Happy?”

“Say that you love me too, and I’ll be the happiest man alive.” Puno ng pagsamo ang mga mata nito

“Too? What do you mean?”

Aiken shook his head. “Because I love you, you numb silly woman. Why can’t you see it?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro