Chapter 1
CHAPTER 1
“MARJ, hindi ka ba napapagud sa kaha-hi mo riyan kay Marlon Aiken Garcia? Kasi ako, pagud na.” Mataray na sabi ng kaibigan ni Marj na si Clover.
Tiningnan niya ang kaibigan na nakataas ang kilay.
“Clover, gusto ko siya e. Malay mo mapansin din niya ako.”
“Oo, kapag naging waitress ka doon sa bar niya. Saka ka lang niya mapapansin.” Singit ni Gilen na abala sa pagkain ng cake na ini-order nila. Halos ito na ang umubos sa lahat ng ini-order nilang pagkain.
Hindi talaga siya naiinitindihan ng mga ito. “Gusto ko nga siya, diba? Kaya okay na sa akin na makita siya.”
“Hindi normal na gusto mo siyang makita araw-araw.” Ani ni Gilen.
“Tama si Gilen at hindi ka naman niya binabati kapag nagkikita kayo.” Sagot ni Clover.
“Ayos lang ‘yon.”
“Kagagahan.” Tumayo si Clover mula sa pagkakaupo. “Halika na. Dumaan na tayo doon sa bar ni fafa Marlon mo at ng matapos na itong kahibangan mo ngayong araw.”
Nakangiting tumayo si Marj sa kinauupuan at sumunod kay Clover, nang hindi makita si Gilen, nilingon niya ang mesa na inukupa nila. Nakita niya roon ang kaibigan na abala sa pagkain ng cake.
“Gilen, halika na!” Mahina niyang sigaw dito.
“Maiwan na muna ako. Kumakain pa ako e!”
Itinirik ni Marj ang mga mata. “Napakatakaw mo talagang babae ka.”
“Inggit kalang kasi matakaw ako na sexy.” Hinimas pa nito ang maliit na bewang para i-emphasize ang sinabi nito.
Hindi nalang ito pinansin ni Marj at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Ugali na talaga nilang ewan si Gilen, lalo na sa mga restaurant. Sa sobrang takaw kasi nito, lahat nalang kinakain. Tutal naman, kapag busog na ito, sumusunod nalang ito sa kanila.
Pagkalabas nila ng coffee shop kung saan paborito nilang tambayan, ininspeksiyon niya ang sarili.
“Okay na ba ang suot ko?” Tanung niya kay Clover na busy sa pagsimsim ng kape.
Pinasadahan siya nito ng tingin. “Okay ka sa paningin ko. Pero kay Marlon Aiken? Hindi ka pasado sa panlasa niya.”
She grimaced. “You’re my friend, Clover. Dapat sinusuportahan mo ako.”
Napapiling na pumasok ito sa kotse nito. Hindi niya dinala ang sasakyan kaya naman nakikisakay lang siya rito.
“Mula pa simula sinupurtahan na namin yang kabaliwan mo, Marj.” Anito ng pausarin ang sasakyan. “Wala ka namang kasing mapapala sa lalaking ‘yon. You’ve been pinning for that guy for almost three months now. Nag-aalala lang naman ako sayo.”
She hugged her best friend from the side. “Salamat sa pag-aalala. Pero ayos lang ako. Gagawin ko ang lahat para mapansin ako ni Marlon ko.”
“At kailan mo pa siya naging pag-aari. Feel na feel mo na naman yang ‘ko’ mo.”
Inirapan niya ito. “Huwag ka ngang nega diyan. Believe in me. Believe in the magic of love.”
“Kanina wagas ka kung maka-angkin kay Marlon, ngayon naman nagaala chichay ka ng got to believe, Marj, wake up! Ayokong masaktan ka.”
“Hindi ako masasaktan. I’ll be fine. At hindi ako susuko hangga’t hindi niya ako pinapansin.”
“Hay, sana nga hindi ka masaktan. At kailan ka ba sumuko? Hindi ka magiging isang sikat na director, kung madali kang sumuko.”
Napangiti siya sa sinabi ni Clover, isa sa matalik niyang kaibigan.
Oo nga. Wala siya ngayon sa kinatatayuan niya kung madali siyang sumuko. Sa edad na twenty-seven, masasabi niyang successful na siya. Her family is already well-off. She had a high-paying job. She owns a house in one of the famous village in the country. She has businesses here and there. She drives a Jenson interceptor. Ang tanging kulang nalang sa kanya ay boyfriend.
At nakita niya ‘yon sa katauhan ni Marlon Aiken Garcia. Alam niyang magiging isa itong mabuting boyfriend. Nararamdaman niya iyon.
Una niya itong nakita ng mag bar hopping sila nila Clover at Gilen. Katatapos lang ng isang pelikula na hawak niya kaya naman nag-celebrate silang magkakaibigan. Doon niya nakita ang binata at talaga namang sa unang pagkakataon, napanganga siya. At sa kagustuhan ngang malaman ang lahat ng tungkol sa binata, pinagtanung-tanung niya ang pangalan nito. She found out from a friend of a friend of Gilen na ex-girlfriend ng binata na Marlon Aiken Garcia ang pangalan nito.
At sa una ring pagkakataon, naranasan niya ang nangyayari sa pelikula na diniderik niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso. Hindi niya maalis ang tingin sa guwapo nitong mukha. Kaya naman simula ng gabing ‘yon, pinangako niya sa sarili na magiging boyfriend niya ito.
And three months later… wala paring nangyayari! Gusto na niyang sumuko pero hindi siya ipinanganak para sumuko. Gagawin niya ang lahat para mapansin ng binata.
“Earth to Marj! Nandito na tayo.” Pukaw sa kanya ni Clover.
Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. Napakagat labi siya ng mapansing nakaparada ang sasakyan ni Clover di kalayuan sa bar ni Marlon Aiken.
Humugot siya ng mahabang hininga bago binuksan ang sasakyan. “Wish me luck.”
“Always.”
“Thank you.”
Lumabas siya ng sasakyan at inayos ang sarili. Kinalma muna niya ang puso na bumilis ang tibok ng makita si Marlon na lumabas ng bar.
Ang guwapo talaga niya! Sheyt!
She composed herself and walks straight to Marlon.
Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Nang tumapat siya kay Marlon, napatigil siya at parang tinulos sa kinatatayuan ng magtama ang mga mata nila.
He arched his eyebrow at her. “Yes?”
Nagharikiri ang puso at kaluluwa niya ng marinig ang baritonong boses nito. Sa maraming beses na dumaan siya dito at nagha-hi sa binata na palaging nasa labas ng bar nito, ngayon lang siya nito kinausap.
Oh! My! God!
“Ahm… hi?” Wala sa sariling wika niya.
Kumunot ang nuo ng binata. “Palagi kang dumadaan dito sa bar ko. Are you looking for someone… or something?”
Wala pa rin sa sariling tumango siya.
“Who?”
“You.”
“Me?”
“Oo.”
“Bakit?”
Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. My gosh! Saan ba nagsususuot ang isip niya? “Anung bakit?”
“Why are you looking for me?”
“Ha?” OMG! Anung pinagsasasabi niya? “Hinahanap kita?”
“’Yon ang sinabi mo kanina.” Naguguluhang wika nito.
“What?” Napanganga siya. Nagmukha siyang timang sa harapan nito? “Hindi kita hinahanap. Gusto ko lang mag-hi sayo.” Aniya at nag-umpisa ng maglakad palayo. “Goodbye.”
“If you’re looking for a job, hiring kami.” Anito sa malakas na boses.
Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang binata. “Mukha ba akong naghahanap ng trabaho?”
Nainsulto siya sa sinabi nito. She’s wearing a signature clothes for Pete’s sake!
“Well…” He shrugged nonchalantly. “Palagi ka kasi dumadaan dito. Baka kako naghahanap ka ng trabaho. May hiring kami. Waitress. Mukhang papasa ka naman kasi matangkad ka at may itsura.”
Nahulog yata ang panga niya sa narinig. Oo nga at kinausap siya nito pero puro hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. Siya? Mag wi-waitress? God! She’s a summa cum laude sa kursong Film and Television Directing at isa siya sa mga in demand na Film Director sa bansa! May itsura!? Maganda siya! Magandang-maganda!
Kung hindi lang kita gusto. Kanina pa kita pinatiwarik diyan sa kinatatayuan mo!
“Hindi ko kailangan ng trabaho.” Aniya at iniwan itong nagkibit-balikat lang sa sinabi niya.
“CAN YOU believe that guy?! Waitress?! Waitress-sin niya ang mukha niya!” Nanggigigil na wika ni Marj habang nakalublub ang katawan sa Jacuzzi.
Agad siyang umuwi sa bahay niya pagkatapos ng pag-uusap nilang ‘yon ni Marlon. Kung pag-uusap nga na matatawag ang palitan nila ng ilang sentence. Pagkatapos ay tinawagan niya si Clover at Gilen na agad namang pumunta sa bahay niya.
At heto nga sila ngayon. Siya nakalublub sa Jacuzzi, naghihimutok, si Clover ay nakaupo lang sa sahig at kaharap ang cell phone nito at naglalaro ng temple Run at si Gilen naman ay kumakain ng cake na binili ng mga ito bago pumunta sa bahay niya.
“Sinabihan na kita. Nakinig ka ba?” Pangaral ni Clover. “Oo nga at katakam-takam ang kaguwapuhan ng lalaking ‘yon. Pero hindi mo kilala ang pagkatao niya. Kaya hayun! Nainsulto ka tuloy.”
“Hmp! Basta. Gusto ko parin siya pero dahil ininsulto niya ako, nabawasan na yun ng ten percent.”
“Baliw.” Ani ni Gilen na puno ng pagkain ang bibig.
“Hindi ako baliw.” Napasimangot siya ng maalala ang sinabi ni Marlon Aiken. “Ang lalaking yon! Pinagkamalan akong naghahanap ng trabaho!”
“At least, pinansin ka niya. Kung hindi dahil sa trabaho, hindi ka niya mapapansin. Dapat mo rin ipagpasalamat na hiring sila dahil kung hindi, nunkang pansinin ka ng lalaking ‘yon.”
Natahimik si Marj sa sinabi ng kaibigan. Medyo may punto naman kasi si Clover.
“Aha!” Sigaw ni Gilen na parang may naisip na magandang ideya. “May naisip ako.”
“Ano naman yun?” Usisa ni Clover.
“Diba baliw na baliw ka sa lalaking ‘yon at gusto mong mapansin ka niya?” Nakangiting tanung nito sa kanya.
Mabilis siyang tumango.
“I have a very brilliant idea.”
“Ano nga?” Excited siya sa ano mang naisip nito.
“Bakit hindi ka mag-apply bilang isang waitress doon sa bar niya?” Nagniningning ang mga mata ni Gilen habang sinasabi ‘yon.
Inirapan niya si Gilen. “Ikaw nalang. Ikaw naman ang may gusto. At bakit ko naman gagawin ‘yon, Aber?”
Gilen sighed heavily. “Diba nga, sa unang pagkakataon pinansin ka niya kasi akala niya naghahanap ka ng trabaho. What if, mag-apply ka? Siguradong kakausapin ka niya ng bonggang-bongga. At kung matatanggap ka doon sa bar niya, palagi mo na siyang makikita at makakasama. Oh, diba? Ang brilliant ng naisip ko?”
Hindi umimik si Marj. Naglalaro sa isip niya ang brilliant idea ni Gilen.
Kapag nakapasok siya sa bar ni Marlon Aiken, malaki ang posibilidad na kakausapin siya nito. At kapag kinausap na siya nito, gagawa na siya ng paraan para maging boyfriend niya ito.
Napatango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sariling naiisip.
“Tama ka.” Sang-ayon niya kay Gilen. “Magpapanggap akong naghahanap ng trabaho at maga-apply ako doon sa bar niya.”
Mabilis na tinuyo niya ang basang katawan ng tuwalya at naglakad papasok sa walk-in closet niya. Pinili niya ang mumurahing damit at isinuot ‘yon.
“Saan ka pupunta?” Usisa ni Clover sa kanya na sumundo pala papasok sa closet niya.
Nginisihan niya ang kaibigan. “Maga-apply ako ng trabaho.”
Tumawa ng malakas si Clover. “Nababaliw ka na ba? Naisip mo ba ang gagawin niya sayo kapag nalaman niyang nagsisinungaling ka?”
“Walang akong pakialam. Ang importante, makapasok ako sa bar na ‘yon.”
“Hah! Oh diba? Ang galing ng naisip ko?” Nakangiting pagmamalaki ni Gilen na nakahilig sa hamba ng pintuan ng walk-in closet niya.
“Oo na. Ikaw na ang magaling.” Aniya.
Pinusod niya ang mahabang buhok at tiningnan ang sarili sa salamin.
Hmm. Mukha na siyang naghahanap ng trabaho. Pero sa tingin naman niya hindi niya kailangang mag-effort, kanina nga na nakasuot siya ng signature clothes, napagkamalan siyang naghahanap ng trabaho, ngayon pa ba?
KINAKABAHANG pumasok sa loob ng Bachelor’s bar si Marj. Inayos niya ang hindi naman kusot na damit. Makikilala kaya siya ni Marlon Aiken? Kinakabahan siya sa isiping makikita niya ulit ang binata.
Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng bar. Halatang mamahalin ang mga inumin dito. Tatlong beses lang siyang pumasok sa bar na ito. Masasabi niyang mahal ang isang basong alak dito at pawang mayayaman lamang ang pumapasok sa bar na ‘to pero worth it naman.
Nilapitan niya ang security guard slash bouncer na hindi naman mukhang guard. Sa guwapo nitong mukha, mapagkakamalan itong model kung hindi ito nakasuot ng uniform.
“Ahm… andito ba ang may-ari ng bar?” Magalang niyang tanung sa guard.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Bakit? Kung isa ka sa mga babaeng iniwan at pinaiyak ni Marlon, humayo ka na. Inuunahan na kita. Hindi ka niya kakausapin o babalikan pa.”
Tumaas ang kilay niya. Babaero pala si Marlon? Bakit ba hindi siya nagulat? “Mukha ba akong maruming babae?”
Pinasadahan siya ulit nito ng tingin.“ Hindi. Kung ganun bakit mo siya hinahanap?”
“Mag-a-apply ako ng trabaho. Nakita ko sa labas na nagha-hire kayo ng waitress.” Aniya.
“Hindi ka mukhang pang-waitress.”
“Alam kung maganda ako pero kailangan ko ng trabaho.”
Napailing-iling ang lalaki. “Oo, maganda ka. Pero mahangin. But seriously, hindi ka mukhang waitress.”
“Pakialam mo naman.” Sikmat niya at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib niya.
“Wala akong pakialam.” Iniluwas nito ang cell phone at may tinawagan. “Marlon, may nag-a-apply ng trabaho dito. Waitress daw… Ano? Oo, babae… May naka-reserve na? Okay.” Pinatay nito ang tawag at tiningnan siya. “Paano yan, Miss. May naka-reserve na pala ang in-a-apply-an mo. Maghanap ka nalang sa iba.”
“Ganun? Janitress nalang ang a-apply-an ko.” Pamimilit niya.
“Marami na kaming Janitress dito. Aagawan mo ng trabaho si mang pedring na may limang anak na pinapakain.”
Laglag ang balikat na ipinalibot ni Marj ang paningin sa loob ng bar. Hinahanap ng mata niya si Marlon. Hindi man lang niya nakita ang binata. Sayang ang panpunta niya rito.
Napatigil ang mata niya sa pamilyar na bulto ng lalaki. Para siyang tinulos sa kinatatayuan ng magtama ang mata nila ng lalaki nakatayo sa second floor ng bar. Halos matunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito. At hindi nakakatulong na ito ang lalaking hinahanap-hanap ng mata at puso niya.
Marlon Aiken!
Nakatingin pa rin ito sa kanya ng may tawagan ito sa cell phone. May narinig siyang nag-ring pero hindi niya ‘yon pinansin dahil abala ang mga mata niya sa pakikipagtitigan kay Marlon.
Nakita niyang may kinusapa ito sa cell phone, habang ginagawa ‘yon nakatingin pa rin ito sa kanya. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin dahil namumula na ang pisngi niya. Ito ang unang beses na nakipagtitigan siya sa isang lalaki ng ganoon katagal.
“Miss na nag-a-apply bilang waitress.” Boses iyon ng guard.
Nilingon niya ito. “May pangalan ako. Marj.”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Pinapasabi ni Marlon na hired ka na. Bumalik ka nalang daw mamayang ala-sais ng gabi para sa interview mo.” Anito na ikinalaki ng mata niya.
“Pero sabi mo kanina reserve na sa iba yung slot?”
“Malay ko kay Marlon. Huwag ng maraming tanung. Bumalik ka nalang dito mamaya. Okay?”
Mabilis siyang tumango. “Okay.”
Tiningnan niya ang lugar kung saan nakatayo si Marlon kanina. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makitang nakatitig pa rin ang binata sa kanya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at lumabas ng bar. Saka lang siya nakahinga ng maluwang. Napakagat labi siya ng maalala ang kulay berde nitong mga mata na parang binabasa ang buong pagkatao niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at nag-umpisa ng maglakad. Nasuspende ang paghakbang niya ng marinig ang boses ng guard.
“Miss na nag-a-apply bilang waitress!” Tawag nito sa kanya.
Nanggigigil na nilingon niya ang lalaki. “Marj ang pangalan ko! Marjorie Torres Ortinez!”
Nagkibit balikat ito. “Pinapasabi ni Marlon na pagpunta mo dito mamaya, dapat naka jeans ka.” Tumingin ito sa suot niyang mini-skirt. “Bawal daw iyan.”
Napakunot ang nuo niya ng maalala ang uniform na suot ng mga waitress sa loob.
“’Yong uniform ng waitress, diba mini-skirt na sobrang ikli?” Tanung niya. “Bakit bawal ito?”
The guy just shrugged. “Sundin mo nalang si Marlon.” ‘Yon lang at bumalik na ito sa loob.
Naguguluhan siyang iniwan ng lalaki. Bakit naman kaya pinapag-jeans siya? Tiningnan niya ang paa niya. Pangit ba ang legs ko? Pero, sabi ng mga kaibigan niya, may killer legs daw siya.
Hay, ewan!
Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Mula ngayon, hindi na niya magagamit ang pinakamamahal niyang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro