Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 9


Nasa gano'n silang kalagayan nang biglang tawagin ni Aling Manda si Giselle at pinahinto ito sa pagbibigay ng relief goods.

“Bakit po, Aling Manda?” tanong ni Giselle sa ginang.

“Tumawag si Don Fred. Tinanong niya sa'kin ang kalagayan mo rito. Sinabi ko na malaki na talaga ang pinagbago mo at napapansin ko rin na close ka na kay Rommy. Huwag kang magagalit, pero nasabi ko kay Don Fred na parang may relasyon na nga kayo ni Rommy. Ano ba talaga ang totoo? Halos lahat ng tao sa farm, nahahalata na iba ang pagiging close n'yo kaysa noon,” concerned na tanong ni Aling Manda. Ipinagtaka ni Giselle ang kakaibang mood ng kanyang kaharap. Parang hindi ito natutuwa sa kung anumang natanggap nitong feedback kay Don Fred.

“May masama po bang sinabi si lolo? Kung close man kami ni Rommy, wala naman sigurong masama, hindi po ba? Pareho po kaming single. Pareho kaming nagkakagustuhan at katunayan, mag-iisang linggo pa lang din naman kaming mag-on,” pagsisiwalat ni Giselle.

“Hindi yata payag ang don sa relasyon ninyo,” alanganing sagot naman ni Aling Manda.

“Paano n'yo naman nasabi? Ano ba kasing sinabi niya?” usisa ni Giselle. Sa sandaling iyon, tila nanginginig ang kanyang tuhod at parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya akalaing mamamagitan pa si Don Fred pati sa pag-ibig at personal niyang buhay kahit sinunod naman niya ang kagustuhan nito.

“Pinauuwi ka na niya. On the way na ang driver mo rito. Ngayong araw din, kailangan mong umuwi sa Maynila,” malungkot na saad ni Aling Manda.

Halos mapamura si Giselle sa sandaling iyon. Napa-walk out siya at hindi na siya nakapalag pa sa gusto ni Don Fred. Ngunit sa kabilang banda, kailangan niya ring kausapin nang personal ang don. Kailangang maisiwalat niya rin ang sarili niyang damdamin. Lahat ng tao sa office ng Montemayor Financing company ay nagulat sa bigla niyang pagdating dahil sa pagkakaalam ng lahat, matagal na siyang napatalsik bilang Operations Officer. Natagpuan niya ang kanyang lolo na abala sa pagbabasa ng report nang pumasok siya sa tanggapan nito nang walang pasabi.

“May problema ba kayo kung isang empleyado ng farm natin ang magustuhan ko? Ayaw n'yo ba kay Rommy para sa'kin? Mababa ba ang tingin n'yo sa kanya? Kayo na ang nagsabi na matagal na siyang trabahador sa farm natin, pero bakit ayaw n'yo sa kanya?” naluluhang tanong ni Giselle na umagaw sa atensyon ni Don Fred.

“Masyadong komplikado ang lahat. Binalaan ko na rin si Rommy na hindi makabubuti ang ugnayan ninyong dalawa. Sa ngayon, alam na niyang wala ka na sa farm kahit hindi ka nakapagpaalam sa kanya,” malungkot na pahayag naman ni Don Fred saka bumuga ng hangin.

“Anong mali sa kanya? Bakit ayaw ninyo na maging kami?” luhaang tanong ni Giselle.

“Dahil dito,” tugon ni Don Fred at pinakita ang envelope na naglalaman ng mahalagang dokumento.

“Anong gagawin ko sa mga ‘yan?” muling tanong ni Giselle.

“Buksan mo. Basahin mo at tingnan mo ang bawat larawang nakalagay sa sobre,” sagot ni Don Fred at napahilot na lang sa sintido. Nahahabag siya sa kanyang apo ngunit mas nakabubuti na rin para sa kanila na maghiwalay dahil masisira din naman ng nakaraan ang kanilang pagmamahalan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro