Part 8
Lumipas na ang isang buwan, sanay na si Giselle na gumising nang maaga at mas maaga pa sa alas kwatro ng madaling araw dahil namo-motivate siyang makita si Rommy. Kaya lang ngayon, tila masama ang panahon. Napakinggan niya kamakailan sa radyo na isa ang lalawigan nila sa tatamaan ng bagyo. Malakas pa rin ang ulan sa labas ngunit ininda niya iyon para lang makita ang binata.
“Kung kailan motivated na ako, hindi naman nakisama ang panahon. Parusa ba ito dahil sa kasamaan ng ugali ko dati sa kompanya ni lolo?” nakangiwing pakli ni Giselle at pinanatili niyang bukas ang ilaw ng maliit na kubo, palatandaan na gising na siya at handa na sa trabaho kasama si Rommy, kahit pa masama ang panahon. Binalot na lang niya ang sarili sa makapal na jacket at saka nagkape. Ngunit napaigtad na lang siya sa biglang pagtawag ni Aling Manda sa kanyang telepono.
“Bakit po Aling Manda? Maaga pa po at bigla kayong napatawag,” bungad na tanong ni Giselle sa kabilang linya.
“Pinasasabi ni Rommy na huwag kang lalabas dyan. Masama na talaga ang panahon. Mamaya dadalhan na lang kita ng pagkain,” sagot naman ni Aling Manda.
“Bakit po hindi siya ang nagsabi? Bakit kayo pa?” tila may pagtatampong tanong ni Giselle.
“Kaaalis niya lang. Kasama niya ang ibang opisyales para maghanda sa evacuation. Babahain kasi ang ilang lugar sa labas ng farm. Pinakilos na siya ni Don Fred,” pagsisiwalat ni Aling Manda.
“Ano po? Trabaho niya ba ‘yon? Ganyan ba talaga ka-harsh si lolo sa kanya? Bakit ba niya pinahihirapan si Rommy?” inis na tanong ni Giselle.
“Ma'am Giselle, trabaho naman talaga ‘yon ni Rommy noon pa. Bakit parang concerned kayo sa kanya? Kahit kailan hindi naging malupit si Don Fred kay Rommy at sa ibang trabahador,” pagkaklaro pa ni Aling Manda.
“Nag-aalala lang naman ako dahil masama ang panahon at delikado. Sige na po,” sagot ni Giselle at dali-daling binaba ang phone.
Nagdaan ang buong araw na patuloy lang ang pagbuhos ng ulan. Hindi mapalagay si Giselle dahil hindi pa rin niya nako-contact si Rommy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-isip na may nangyaring masama sa binata dahil sa pagtulong nito sa relief operations at lumipas ang isa't kalahating araw na wala talagang paramdam ang binata kahit naging stable na ang signal sa kanilang lugar. Hangga't sa nakatanggap siya ng balita tungkol sa pinagkakaabalahan ni Rommy. Nanatili pala ito sa isang area na may tabing ilog sa paghahanap ng ilang taong nawawala na nasalanta ng bagyo.
“Ma'am, hindi papayag si Don Fred sa gusto ninyong mangyari. Ako na po ang nagsasabi na huwag na kayong tumuloy. Ligtas naman si Rommy,” pag-awat ni Aling Manda kay Giselle para hindi ito umalis sa farm kahit tapos na ang bagyo.
“Well sorry. Hindi n'yo ako mapipigilan, Aling Manda. Hindi ako tutunganga lang,” walang pakundangang sagot ni Giselle. Saka lang kumawala ang luha sa kanyang mga mata nang makasakay siya sa kotse. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama kay Rommy. Kailangang makita niya mismo na talagang nasa ayos ang kalagayan nito.
“Hindi ko inakala na ang isang tulad mo lang pala ang magpapaiyak sa'kin!” singhal ni Giselle sa sarili at binilisan ang pagtakbo ng sasakyan kahit alam niyang madulas ang mga kalsada. Nakahinga siya nang maluwag dahil nakita niya agad si Rommy sa tabing ilog. Pasalamat na lang siya sa nakuha niyang lead sa mga kasamahan nito sa pagtulong sa evacuation center.
"Nakakainis ka. Masyado mo akong pinag-alala," reklamo ni Giselle nang makitang nakatago pala sa isang tent si Rommy at nagpalipas lang pala ito ng ulan bago bumalik sa farm. Bukod pa roon, nag-inspect pa si Rommy kung may iba pang mga taong posibleng inanod sa tabing ilog dahil sa nagdaang bagyo.
“Ako na ang nagsabi sa'yo Giselle. Kaya ko ang sarili ko. Ilang taon na ako rito sa kabukiran at sanay na rin ako sa mga kagubatan. Hindi naman ako city person na gaya mo,” pagmamalaki pa ni Rommy na parang inaasar pa ang nag-aalalang si Giselle. Naiisip niya tuloy na talagang nagkakagusto na ito sa kanya kahit madalas nitong ipakita ang pagkainis at pagkaarogante sa kanya.
Napasimangot nga lang si Giselle. Hindi maalis sa kanya ang pagtatampo matapos niyang suotan ng makapal na sweater si Rommy.
“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Rommy kay Giselle na nananatiling nakasimangot nang salbungin niya ang tingin nito.
“Nilagyan ka ng sweater. Ako pa rin ang boss mo kahit ikaw ang nagsu-supervise sa'kin. At bilang boss, tungkulin kong i-ensure ang safety mo sa lugar na ito,” tila naiiritang sagot naman ni Giselle. Ayaw niyang ipahalata na naging panatag na siya nang makita si Anthony sa liblib na lugar.
“Okay. Ikaw nga ang boss, pero hindi naman ikaw ang dapat gumawa ng pag-rescue na ito eh at sinabi naman ni Aling Manda na ako lang dapat. Sinong sumama sa'yo rito? Kaya mo ba talaga? For sure hindi dahil nagtatapang-tapangan ka lang naman. Hindi mo kayang pumunta sa ganito kadilim na lugar,” sagot pa ni Rommy.
“Ako? Matatakot? Naubos na ang takot ko noon pa. Marami na akong bagay na nalagpasan kasama itong bagyo sa probinsyang ito,” nakaismid na pakli naman ni Giselle.
“Okay. Ngayong nakita mo na ako, mauna ka nang bumalik. Hindi pa tapos ang rescuers. Kailangan ko pa silang samahan,” bilin naman ni Rommy.
“Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka bumabalik kasama ko,” giit naman ni Giselle. Napailing na nga lang si Rommy at napilitang bumalik sa farm kasama ang dalaga. Makailang saglit pa, napansin ni Rommy ang pagluha ni Giselle habang nagmamaneho.
“Bakit ka umiiyak? Maayos naman ang kalagayan ko, wala naman akong nakitang inanod ng baha pero wasak ang ibang bahay sa probinsyang ito,” pakli naman ni Rommy.
“Wala lang. Bigla ko kasing naisip na kung hindi ko pa sasabihin ang feelings ko, baka mahuli na ang lahat. Buti na rin at safe ka,” mahinang sagot naman ni Giselle.
“Ano bang nararamdaman mo? Tungkol saan? Para kanino? Wala namang masyadong nasaktan,” paglilinaw naman ni Rommy na hindi maiwasang mag-assume na baka may nais na ipakahulugan si Giselle sa mga salita nito, na baka may feelings din ito para sa kanya.
“Manhid ka ba? Hindi mo ba nahahalatang may gusto ako sa'yo? Kaya nga sinisipag na akong magtrabaho dito sa farm at ayoko nang bumalik sa Manila,” sagot naman ni Giselle saka pinahinto ang sasakyang minamaneho para ibaling ang tingin kay Rommy na halatang kinikilig sa sandaling iyon.
“Anong sinabi mo? Ako? Nagugustuhan mo na?” masiglang tanong ni Rommy na kulang na lang ay tumalon sa tuwa kung maaari lang. Na-develop na rin nang tuluyan ang feelings niya para kay Giselle at hindi niya expected na pareho pala silang may mutual feelings. Kapwa nagdiwang ang puso nila kahit hindi pa maganda ang lagay ng probinsya dahil sa katatapos lang na bagyo. Kapwa rin sila naging abala sa mga sumunod na araw sa pag-aabot ng tulong galing na rin sa foundation ni Don Fred.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro