Part 6
“Matulog na ho kayo. Ako nang bahala sa mga ‘yan,” pakli ni Rommy kay Aling Manda.
“Hijo naman. Magpagaling ka rito. Ako nang bahala sa lahat. Sinabi ko naman sa'yo na huwag ka nang magpa-discharge, eh,” pakli ni Aling Manda.
“Masyado na kayong busy at ayokong maapektuhan ang trabaho ninyo dahil lang sa absence ko,” paglilinaw ni Rommy sa ginang.
“Baka ayaw mo lang na humaba ang bills mo. Siya nga pala, nandito na si Ma'am Giselle. Napakataray niya, siguro hindi mo siya makikita dahil tulog na siya,” pagbabalita naman ni Aling Manda.
“Pero tingin ko, hindi naman talaga siya uubra sa'kin,” sagot pa ni Rommy na halatang kampante.
“Nagkita na ba kayo? Sinadya mo pa siya sa kabilang kubo?” usisa ni Aling Manda.
“Opo. Sige magpapahinga na po ako,” sagot lang ni Rommy bago lampasan ang ginang.
At kinabukasan, hindi nagising si Giselle sa takdang oras kaya napilitan si Rommy na katukin ang pinto ng munting silid ng dalaga.
“Miss Giselle, 5 AM ang usapan—according to you. Pero bakit parang nakapatay pa ang ilaw mo? Pagagalitan din ako ni Don Fred kapag nalaman niyang hindi ka gumsing nang maaga,” pasigaw na sabi ni Rommy habang nilalakasan ang pagkatok sa pinto. Sa katunayan, iniinda pa rin niya ang sakit ng pagkakabugbog sa kanya dahil mas pinili niyang magtrabaho agad kaysa magpahinga. Alam niyang kailangan din na i-prioritize ang pagtuturo at paggabay kay Giselle sa pamamahala ng farm at hindi sila dapat na mag-aksaya ng oras.
“Miss Giselle, kung hindi ka magigising, mapipilitan akong kalampagin ka dyan sa labas gamit ang megaphone,” banta pa ni Rommy at muling nilakasan ang pagkatok. Pagkalipas ng limang minuto, wala pa rin siyang nakuhang response kay Giselle kaya tinotoo na niya ang pagbabanta.
Samantala, halos mabingi na si Giselle sa lakas ng tunog ng megaphone na dala ni Rommy. Paulit-ulit pa nga ang sinasabi nito na “Miss Giselle, 4:30 ng umaga ang usapan, pero pinagbigyan kita ng 5 AM.”
“Napakawalang konsiderasyon naman! Kita mong napagod ako sa paglipat sa lugar na ito!” bulyaw ni Giselle matapos siyang mapilitang bumangon sa hinihigaang maliit na papag at mabilis din niyang pinagbuksan ng pinto si Rommy na halatang aburido na rin sa paghihintay sa kanya.
“Ako nga ang dapat na nagpapahinga ngayon dahil kagagaling ko lang ng ospital pero hindi ako nagreklamo gaya nang ginagawa mo ngayon,” bwelta naman ni Rommy na tila hindi magpapatinag sa pagtataray ni Giselle.
“Nagpapaka-hero ka kasi at feeling tagapagmana ka kung sundin ang mga utos ni lolo. Hintayin mo lang na kapag nagsawa siya sa’yo, papalitan ka rin niya! Hindi ka bibigyan ni lolo ng award dahil sa pagpapaka-loyal mo sa kanya!” singhal naman ni Giselle na mas lalong ginulo ang mahaba niyang buhok para ipakita na sobra siyang naiinis sa attitude ni Rommy. Ito ang unang beses na may empleyadong magpakita sa kanya ng sign ng paglaban. At naiinis siya dahil doon na parang nakahanap na siya ng katapat.
“Kaya ka nga tini-train dito dahil ikaw ang papalit sa’kin, ‘di ba?” balik-tanong naman ni Rommy.
“At malaki ang utang na loob ko kay Don Fred kaya ko ito ginagawa,” dugtong ni Rommy na biglang lumungkot ang boses.
“Hell no! Never na mangyayari ‘yan!” pagsusungit ni Giselle. Natapos din ang kanilang bangayan at nagsimula na nga si Rommy na turuan ang dalaga sa pasikot-sikot ng farm. Talagang siniguro niya na hindi makakapag-inarte si Giselle at mukhang isang araw pa lang, susuko na nga siya sa pagsubok ng kanyang lolo.
“Kailan naman ako makakapag-office? Bakit ganyan si Rommy? Hindi niya ba kilala kung sino ang binabangga niya?” nanggagalaiting tanong ni Giselle kay Aling Manda nang magsalo sila sa hapunan. As usual, busy pa rin si Rommy sa pagroronda sa farm.
“Prangka lang talaga siya pero magalang naman ’yan at matulungin pa sa ibang tao,” paliwanag naman ni Aling Manda.
Tumulis na nga lang ang nguso ni Giselle at itinuon na lang ang sarili sa pagkain ng hapunan. Matapos iyon, bumalik na siya sa kubo para magpahinga at nakasalubong na naman niya si Rommy.
“Gigising na ako nang kusa. Hindi mo na kailangang gumamit ng megaphone,” mataray na pakli ni Giselle nang mapahinto siya sa paglalakad.
“Kahit hindi ka na gumising nang maaga. May gagawin kang project bukas. Bagay na bagay sa'yo ‘yon at para sa charity ng lolo mo,” pagbibigay-alam pa ni Rommy. Tanging pag-irap lang ang nakuha niyang sagot mula kay Giselle at padabog na nitong isinara ang pinto.
“Hindi bagay sa tulad mong magand ang nagtataray,” bulong niya sa sarili saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Sa totoo lang, nakikitaan naman niya ng kabutihan si Giselle at parang nahihinuha niya na umaarte lang itong masungit at entitled. May mga pagkakataon din na nagpakitang gilas ito upang matuto agad. He admired that kind of attitude.
“Hay ano ba ‘to? Dapat naiinis ako sa kanya pero parang hinahangaan ko pa siya? Ganito lang yata ako dahil siya ang nagligtas sa'kin—ay mali, driver niya pala ‘yon. Siya lang ang nagbayad,” pagpapatuloy ni Rommy sabay iling. Napangiti na lang siya nang lihim at lumakad palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro