Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 2


Samantala, ngayon ay parang binubugbog pa rin si Giselle sa mga salitang binitawan ng kanyang lolo. Pero hindi niya aaminin dahil nakatatak na niya sa utak niya na hinding-hindi gagawa ng ganoong pagkakamali ang tulad niya na isang acting CEO sa pagpapataw ng mga desisyon sa kompanya at walang kinalaman ang attitude at past niya para tanggalin siya sa pwesto.

“So, ano ang balak n’yong gawin? Itatapon n’yo ba ako sa ibang bansa? Sa ibang branch ng financing company? Sabihin n’yo na habang maaga pa,” naiinis na turan ni Giselle na parang halos sabunutan na ang kanyang sarili.

“Matutuwa ka rito. Ipapahawak ko na sa’yo ang Montemayor Farm sa Laguna,” saad ni Don Fred at ilang saglit pa, dumating naman si Donya Inez para pumagitan sa kanilang usapan.

“Tama, apo. Marami kang memories doon kasama ang nanay mo noong bata ka pa. For sure, parang kasama mo na rin siya habang nandoon ka,” tila nang-aasar na sabad ni Donya Inez.

Napabuga tuloy ng hangin si Giselle bago muling umimik.

“Gusto ko siyang makita pero bakit iba naman ang ibinibigay ninyo sa akin? Fine, kung talagang ipatatapon n’yo ako sa lugar na ‘yon make sure na gagawin n’yo rin ang gusto kong mangyari!” bwelta naman ni Giselle na nakakalimutan nang magpakita ng paggalang sa kanyang grandparents dahil muli na namang nangibabaw ang hinanakit niya sa mga ito.

“Sure, kahit pa na hanapin mo o magpakita ka ulit sa nanay mong wala namang silbi at pinabayaan ka na,” tila pang-aasar na sagot ni Donya Inez na nagpausok lalo ng ilong ng dalagang apo.

Matapos ang tagpong iyon, inayos na ni Giselle ang kanyang mga bagahe kahit na hindi siya sang-ayon sa pagpapalipat sa kanya sa farm. Narinig nga niya noong isang araw na pinapaasikaso ni Don Fred ang bahay sa farm ngunit hindi niya lubos akalain na para sa kanya pala ang paghahandang iyon.

“Makikita nila, kapag naayos ko ang farm at nasunod ang gusto nila, wala pa rin silang aasahang character development mula sa akin. Sa halip, sasama na lang ako kay mama. Tutal sinasakal lang naman ako nina lola at lola sa mansyong ito,” himutok ni Giselle habang nakaharap sa salamin at ginagawa ang makakaya upang hindi kumawala ang luhang kinikimkim niya kanina pa.

“Hindi ka iiyak, tandaan mo ‘yan,” dikta ni Giselle sa sarili hangga’t sa nakatulugan na nga niya ang pag-ooverthink sa kahihinatnan ng buhay niya sa pagbabalik niya sa farm house.

Samantala naman, kasalukuyang malalim na ang gabi sa Montemayor Farm at rumoronda pa rin si Rommy sa naturang bukid sa tulong na rin ng butihing farm workers na kanyang nakakasalamuha.

“Boss Waldo, nabalitaan mo na ba na parating na ang tigre,” biglang sambit ng kapwa niya farm worker na si Limuel habang abala ito sa paglilinis ng kwadra ng mga kambing.

“Tigre? Mag-aalaga ng tigre si Don Fred at dito niya ilalagak sa farm? Hindi yata magandang idea ‘yon dahil baka malagot siya sa DENR,” tanging sagot pa ni Rommy na tila walang kaalam-alam sa nais ipahiwatig ng kanyang kasamahan. Palayaw niya ay Waldo na hango pa sa tunay niyang pangalan na Romualdo at ito rin ang palayaw ng great grandfather niya at mas nakasanayan na rin ng mga trabahador sa farm na tawagin siyang Waldo at Rommy naman sa ibang nakakasalamuha niyang millenials. Palibhasa, para sa iba, pangmatanda raw ang palayaw niyang Waldo.

“Hindi. Ang hina mo namang p-um-ick-up,” natatawang sagot lamang ni Limuel at pansamantalang tumigil sa pinagkakaabalahan.

“Iyong spoiled brat na apo ni Don Fred, dito na raw maninirahan. Paparusahan daw yata dahil sa masamang ugali. Sayang nga eh, maganda pa naman pero walang halos makasundo kahit doon sa siyudad,” patuloy pa ni Limuel.

“Teka, saan mo ba nasagap ang balitang ‘yan? Bakit ang hina ko naman sa mga tsismis. Siguro puro tsismis lang ang inaatupag mo,” pambubuyo pa ni Rommy sa kasamahan niya.

“Talo ka kapag mahina ka sa tsismisan. Palibhasa parang mas gusto mo pang makipag-usap na lang sa mga hayop dito kaysa makialam ng mga usapan sa tanggapan ng don. Balita ko, nakausap na niya si Aling Manda na tumatayong kanang-kamay ni don. Siguro this week daw darating si Ma’am Giselle Montemayor. Parang magkaedad nga lang yata kayo no’n at mukhang kaya gano’n ang ugali niya, kasi hindi pa nagkakaroon ng jowa,” nahahalakhak na pahayag pa ni Limuel.

“Tumigil ka nga sa kakatukso mo riyan. Kung totoo man ‘yon, eh ‘di sana nalaman ko agad kay Aling Manda,” pakli naman ni Rommy.

“Paano niya mapapaalam sa’yo? Eh madalas kang wala sa farm,” giit naman ni Limuel.

“Alam mo namang inaasikaso ko pa ang permits ng pagpapalabas natin ng mga hayop sa munisipyo,” katwiran pa ni Rommy saka bumuntong-hininga.

“Ibig sabihin kapag nandito na ang Ma’am Giselle na tinutukoy mo, hindi ko na hahawakan ang mga legal paper works. Mabuti naman kung gano’n para makapaghanap na rin ako ng ibang trabaho. Minsan kasi, nakakasawa na rin dito sa bukid. Nakakasawa na rin ang pagmumukha ninyo,” pabirong dagdag pa ni Rommy.

“Baka pag nakita mo si Ma’am Giselle eh magbago ang isip mo at hindi ka na mag-resign, kaya ‘wag kang magsalita nang tapos dyan,” panunudyo pa ni Limuel.

“Bakit naman? Ano bang mangyayari kung makita ko siya? Tataas ba ang sahod ko? Siguro medyo gagaan lang ang trabaho pero ang sahod, gano’n pa rin,” sentimyento naman ni Rommy.

“Hindi ka pa ba lubos na nagpapasalamat kay Don Fred? Siya ang nagbigay ng scholarship sa’yo at trabaho sa farm pero hindi ka pa yata masaya,” pagkwestyon pa ni Limuel.

“Nagpapasalamat naman ako sa tulong niya pero minsan, iniisip ko pa rin na parang hindi ko naman yata deserved na mapag-aral ng isang pilantropong katulad niya. Kasi hindi naman ako nag-apply sa foundation niya pero ako pa rin ang napili. Kahit naman sinabi ni Don Fred na dahil kilala niya ang ate ko, napapaisip pa rin ako. Pakiwari ko talaga, may iba pang dahilan,” paglalahad naman ni Rommy ng saloobin na matagal na rin niyang gustong isatinig.

“Dapat hindi mo na iniisip ‘yon. Malaki na rin ang tulong sa’yo ni Don Fred at sa iba mo pang kamag-anak. Swerte mo kaya,” pampa-motivate na komento naman ni Limuel.

“Sabagay. May punto ka naman,” tipid na sagot pa ni Rommy. Muli siyang rumonda sa farm matapos niyang hayaan si Limuel sa pinagkakabalahan nito. Nakasalubong din niya sa wakas si Aling Manda na obviously, siya naman talaga ang pakay.

“Mabuti na lang pumapabor sa’kin ang panahon at nakasalubong kita rito,” nakangiting bungad ng ginang.

“Sa katunayan, kayo rin ang sadya ko. May naikwento lang din sa akin si Limuel, kani-kanina lang. May paparating daw na bisita— o tigre?” tanong pa ni Rommy.

“Ay oo. Si Ms. Giselle. Siya ang apo ni Don Fred. Only granddaughter at nag-iisang tagapagmana kaso sakit sa ulo. Kaya nga kita hinahanap simula pa noong nakaraang araw dahil tatanggalin na raw sa Montemayor Financing si Ms. Giselle. Siguro nga natanggal na ‘yon ngayong araw. Tapos, pinaayos na rin ang bahay na tutuluyan niya. Malapit lang din sa tinutulugan mong kubo. Baka nga doon na rin siya mag-opisina pansamantala,” paglalahad naman ni Aling Manda na tila dismayado.

“Parang hindi kayo natutuwa. Siguro talagang totoo na tigre siya,” natatawang pakli naman ni Rommy.

“Siyang tunay. Teenager pa lang ‘yon sobrang tigas na ng ulo. Nakalakihan na ang masamang ugali,” turan ni Aling Manda kasabay ng pagpapakita ng naaasiwang facial expression.

“Hindi ko maipapangako na maha-handle ko siya. Alam n'yo naman, kailangan ko pa ring maging mabait sa kanya dahil apo naman pala siya ni Don Fred. Aaminin ko, naipapakita ko ang pagiging arogante ko paminsan-minsan, ayoko lang na magbangayan kami palagi kung sakali,” pakli naman ni Rommy sa ginang.

“Naku naku. Huwag kang mag-alala roon. Gusto nga ni Don Fred na turuan mo siya nang may paghihigpit, eh. Para naman daw may matutunang leksyon. Bukas na natin pag-usapan ‘yan dahil sa susunod na araw, nandito na si Ms. Giselle,” paglalahad naman ni Aling Manda bago lagpasan si Rommy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro