Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 11 - Finale

Makalipas ang dalawang buwan, patapos na ang therapy ni Giselle at nakatulong ang ambiance ng resthouse na ma-relax ang kanyang isip. Nagulat siya nang mag-ring ang telepono. Usually, nagri-ring lang iyon kapag may in-inform ang guard na may bisita siya at may delivery ng pagkain o kapag dadalaw ang psychiatrist pero sa pagkakaalam niya, wala siyang anumang inaasahan na panauhino kahit ano. Nakadalaw na sa kanya ang grandparents niya at si Charie. Nakadalaw na rin ang Nanay Cecille niya at ang kapatid niya. Tuluyan na rin silang nagkaayos.

“Lalaki po. Romualdo Saavedra po ang pangalan,” pag-inform ng guard sa kabilang linya.

“Si Rommy? May kasama ba siyang iba?” tanong ni Giselle at sumikdo sa magkahalong kaba at pananabik ang puso niya sa sandaling iyon. Marinig pa nga lang niya ang pangalan ng binata, halos hindi na siya mapakali, ano pa kaya kung makita niya ito at muling makaharap?

“Wala po, siya lang. Talagang nakikiusap po siya. Itinawag ko rin nga po ito kay Don Fred at pumayag  naman si don na papasukin ang lalaking ito. Papasukin ko na po ba?” paninigurong tanong ng guard.

“Sige po, papasukin mo na siya,” madaling sagot ni Giselle. Nanginginig ang katawan niya sa sandaling iyon at hindi niya napigilang manalamin dahil bigla siyang na-conscious sa kanyang itsura. Para sa kanya, kailangang makita siya ni Rommy kung ano ang postura niya noong una silang magkita. She needs to look beautiful para itago ang pagbabago ng itsura niya dahil sa ilang buwang pagmumukmok.

“Hindi mo na kailangang magpaganda. Dahil maganda ka na noon pa.”

Napalingon si Giselle sa pinanggalingan ng boses ni Rommy. Napaiyak siya dahil sa nag-uumapaw na ligaya nang sa wakas ay masilayan niya ang maamong mukha ng binata.

“Sorry,” nahihikbing pakli ni Giselle at kusang bumigay sa mga bisig ni Rommy. Yumakap din naman ito pabalik.

“Sorry kung hindi ako nakinig sa’yo. Sana huwag ka nang umalis,” pakiusap ni Rommy.

“Kung napatawad mo na ako, hindi na ako aalis,” sagot ni Giselle na may kaakibat na ngiti.

“Hindi naman ako nagalit sa’yo. Nagalit ako sa pangyayaring akala ko, makapaghihiwalay sa’tin,” pagkaklaro ni Rommy. Sa tagpong iyon, masuyong niyakap nila ang isa’t isa.

Makalipas ang anim na buwan, pormal na pinasa ni Don Fred sa pangangalaga nina Aling Manda at Rommy ang farm at binahagian pa ng parte ng farm na magsisilbing permanente nilang tirahan. Nag-abot din ng tulong si Don Fred kina Nanay Cecille at sa half brother ni Giselle. Naganap na rin ang simleng farm wedding nina Rommy at Giselle.

Napagpasyahan ni Giselle na tulungan na lang ang kanyang kabiyak sa pag-aasikaso ng farm at mas kontento na siya sa payak na pamumuhay na talagang malayo sa nakasanayan niya sa lungsod. At pagkaraan ng isa’t kalahating taon, isinilang ni Giselle ang Anak na babae nila ni Rommy.

Walang katotohanang hindi mabubunyag ngunit ang pagtanggap at pagpapatawad din ang magpapalaya sa mga pusong nalunod sa galit at pagdaramdam.



Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro