Chapter 3
7:45 am, Tuesday
2nd day of school na at ngayon ay maaga ako dahil sa class ko. Last day naman ay napaaga ang dismissal dahil sa wala pang formal lecture na naganap. Next meeting na lang daw ulit.
Pagkapark ng kotse ay dumiretso na ako sa room ko. Madami sa mga kaklase ko ay nandoon na. May mga nagkekwentuhan, may iba namang natutulog, at may mga walang pakialam. Pagkaupo ko sa vacant seat ay siya ring dating ng professor.
"Okay. First, please arrange your seats alphabetically." Lumipat ako ng upuan sa may unahan since Alston ang surname ko.
"Now, for today's lesson...." Nilabas ko na ang notebook ko at nagsimula ng magnotes.
After 2 hours
"Dismiss." sabay labas na prof. Ang ibang kaklase ko naman ay biglang napaub-ob sa arm chair nila. Ang iba ay uminat. Ang iba nag-ingay. Hindi na kami lilipat ng room dahil dito rin ang sunod naming klase. Nakablock section kami kaya sila pa rin ang magiging kaklase ko for the whole sem.
"Hanep na yan klase agad." Rinig kong sabi ng kaklase kong lalake.
"Takte. Kala ko sa next meeting pa rin." Sabi ng isa. Bigla naman tumahimik ang klase nang pumasok ang prof para sa subject na ito.
"Good morning class. For today's meeting, I want you all to introduce yourselves, and tell me why did you chose this course? Okay, proceed."
Tumayo na ang pinakauna.
"Good morning, I am Dave Abueno. I chose this course because of the Influences and values I learned from my family." sabay upo.
"Mr. Abueno, can you please tell us about that values." pahabol ni sir. Tumayo naman ulit si Abueno at sumagot.
"Helping people regardless of status and circumstances."
"Okay, good. Next." Tumayo naman ang sunod at nagpakilala na rin. Nang ako na, tumayo na ako.
"Good morning. I am Zaidie Raven Alston. Doctor is an altruistic career wherein integrity is very important. Through this career, I can able to make a real difference to people's lives." Uupo na sana ako pero nagsalita ang prof.
"Interesting. How are you able to make that?" Prof.
"By mitigating not only the physical, but also the emotional, and mental pain and sufferings of the patients and their family." Napangiti naman si sir sa sinabi ko.
"Excellent! Are you somewhat related to our SSC president?"
"She's my sister." I plainly said. Tumango tango naman si sir then pinaupo na ako. Tinawag niya na ang sunod and then nagsunod-sunod na hanggang sa matapos na ang oras.
12:00 na ngaun at 1:00 pm ang sunod kong klase. Pumunta na akong cafeteria para bumili ng pagkain. Nagtake out na lang ako at pumunta sa garden na nakita ko kahapon. Puno kasi ng estudyante ang cafeteria kaya dito na lang ako kakain.
Pagkarating ko doon ay may natutulog na lalake. Pumuwesto ako sa tapat nito kaya natatakluban na ako ng puno na nasa pagitan namin.
Binuksan ko na ang pagkain ko na nasa tupperware. Kinuha ko rin ang brownies na ginawa ni ate Nea kagabi para ipabaon sakin. Nagsimula na akong kumain.
'Ring ring ring'
"Hmm" rinig kong ungol ng lalake.
Kinuha ko ang cellphone kong nagriring at sinagot ang tawag ni ate Nea.
"Hello" Nakita ko namang biglang napatunghay yung lalake. Siya yung lalake kahapon. Hindi ko na lang siya pinansin at kinausap si ate.
[Zee, asan ka?]
"Garden" sabi ko.
[Sorry hindi na kita nasabayan maglunch ah. May ginagawa kasi ako dito sa office.]
"It's okay"
[Basta pag may free time ako, puntahin kita okay?]
"Alright"
[Kaninang umaga pa kita hindi nakikita ihh. Miss ko na ang little Zee ko!] Ang hula ko ay nakasimangot ito. [Hindi mo ba ako namimiss Zee?]
"I don't know." I plainly said. Napatingin naman ako sa lalake at kanina pa pala ito nakatitig sakin. Bigla naman itong umiwas ng tingin.
[Ihhhh. Sabihin mong namimiss mo ako. Bilis bilis.] Utos niya.
"Huh?" Sabi ko na lang.
[Pleaseee! Minsan lang naman eh. Pretty pleaseeee! Ipagbebake ulit kita ng brownies.] Panguuto niya.
"Okay. I miss you." Nasabi ko na lang.
[Yieee! Brownies talaga ang kahinaan mo HAHAHAH. Oh sige na. I miss you too. Bye!]
Binaba ko na ang cellphone at nilagay sa bag ko. Susubo ulit sana ako pero nakita ko nanaman na nakatitig sakin yung lalake at nakakunot ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na ang pagkain.
"Hindi ka man lang mag-aalok?" Nakataas kilay na sabi niya. Tiningnan ko naman siya at ang pagkain ko.
"Gusto mo?" I plainly said while pointing at my food.
"No. I want that." Tiningnan ko naman ang tinuturo niya at nang makita ay mabilis ko itong inilapit sa akin.
"Not my brownies." Umiiling iling ko pang sabi. Basta pagdating talaga sa brownies ay nagiging ganto ako.
"But I want that." Kunot noong turo niya sa brownies ko.
"No."
"Ang damot. Tatlo lang?" Sampu kasi ang pinabaon sakin ni ate.
"No."
"Dalawa?"
"No."
"One and a half." pagpipilit niya pa rin.
"I-isa?" Parang napipilitan pa niyang sabi.
"No."
Nang malaman na ayaw ko talaga ay tumalikod na lang ito sakin.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain at maya maya ay nakarinig ako ng tumunog na tiyan. Napatingin naman ako sa lalake pero nakatalikod pa rin ito sakin.
"Gutom ka." Not a question but a statement.
"Your fault." Napatabingi naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. A habit of mine kapag napapaisip ako.
'Kasalanan ko?' 'How?'
"Here." Inabot ko sa kaniya ang apat na piraso na brownies. Ganito rin naman ang ginagawa sakin ng mga kapatid ko kapag nagugutom ako.
Humarap siya sakin at napatingin sa hawak ko. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa brownies pero kinuha niya pa rin at kinain.
Tiningnan ko naman ang oras at nalamang 10 minutes na lang bago ang klase. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at tumayo na.
"Where are you going?" tanong ng lalake.
"Class." I plainly said. Magsisimula na sana akong maglakad kaya lang nagsalita ulit siya.
"I'm River and thanks for this, by the way." Tumango na lang ako pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita ulit siya.
"Your name?"
Tiningnan ko naman siya at sinabi ang pangalan ko.
"Zaidie."
Napangiti naman siya ng malawak. Naglakad na ulit ako.
"See you again, Zaidie!" Rinig ko pang sigaw niya.
~~~
7:15 am, Wednesday
Maaga akong pumasok dahil dito na rin ako sa university magbebreakfast since maaga pa lang ay pumasok na ang kambal pati si ate Vale.
Papasok na ako sa cafeteria nang may biglang humawak sa right wrist ko at hinila papasok.
'River'
Pinaupo niya ako sa pang-apatan na table.
"What do you want to eat?" tanong niya sakin ng makaupo siya sa tapat ko.
"Huh?" Nasabi ko na lang.
"I said, what do you want to eat?" Nakataas kilay niya ulit na tanong.
"Why are you asking?"
"Just answer me." Kunot na ang noo niya.
"Bakit ang sungit mo?" I innocently asked him. May lalo namang napakunot ang noo niya then huminga siya ng malalim at tumingin ulit sakin. Ngayon naman ay hindi na salubong ang kilay niya
"I'll treat you. Okay na?"
"Okay. Anything will do." sagot ko sa kaniya. Umalis na siya at umorder ng pagkain.
Nakita ko namang pabalik na siya at may isang tray na hawak. Ibinaba niya ang tray sa lamesa. Ang akala ko ay uupo na siya pero umalis ulit siya at may isa pa ulit na tray na hawak.
Tiningnan ko ang mga binili niya. Fried rice, limang iba't ibang klase ng ulam, Different kinds of bread, tubig, at juice.
"Sobrang gutom ka ba?" I innocently asked.
"Tsk. Para sayo yan lahat."
"Eh?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Ang sabi mo kasi kahit ano. Hindi ko naman alam ang gusto mo, so I bought all of it." Plain na sabi niya sabay kibit balikat. "Kainin mo na lang kasi. Nagtatanong pa." Masungit na sabi niya.
Nagsimula na lang akong kumain. Nakita ko namang hindi siya kumain.
"Gusto mo?" Alok ko.
"Kumain ka na lang. Okay lang ako."
"Kumain ka." Ang sabi ko.
"Ano?"
"Ang sabi ko ay kumain ka."
"Para sayo yan."
"Kumain ka." Pag-uulit ko ulit.
"Bakit mo ba ako pinipilit? Nag-aalala ka?" Taas baba pa ang kilay niya.
"Hindi." I said.
"Psh." Sabay sandal sa upuan at humalukipkip.
"Hindi ko kayang ubusin to kaya kumain ka."
Tinitigan niya lang ako saglit at nagsimula na rin kumain. May bigla namang umupo na lalake sa tabi ni River.
"Bro, aga mo ata." At nakipagfist bump kay River. Tiningnan naman niya ako at ngumiti. "Hi ,miss. Clyde nga pala." Sabay lahad ng kanang kamay. Tinanggap ko naman ito at nagpakilala rin.
"Zaidie."
Matapos magpakilala ay tinuloy ko ulit ang pagkain pero may naalala ako.
"Gusto mo?" Alok ko ng pagkain kay Clyde.
Magsasalita na si Clyde pero sumingit si River.
"Huwag mo ngang alukin yan!"
"Ang bait mo naman sakin, Blaze. Napakadamot." Nakasimangot niyang sabi.
"Sino si Blaze?" Tanong ko. Napatingin sakin ang dalawa.
"Huh? Ede siya." Turo ni Clyde kay River.
"River Blaze Colt is my full name." River.
"Ah." I said. Nagtuloy na ulit ako sa pagkain.
"River tawag mo sa kaniya!?" Nanlalaking mata na tanong niya.
Tumango na lang ako bilang sagot dahil may laman pa ang bibig ko. Tumingin naman siya kay River na nakain na rin.
"River pala ha." Binunggo niya pa ang kanang balikat nito ng kaliwang balikat niya.
"Manahimik ka." Sita nito kay Clyde. Hindi ko sila pinansin at tinapos ko na ang pagkain dahil may klase pa ako.
"Tara." Aya ni River. Nakatayo na pala siya sa gilid ko.
"Saan?"
"Sa klase mo."
"Paano mo nalaman na may klase ako ngaun?" Bigla namang lumikot ang mata niya at hindi makatingin sakin.
"Huh? I just guess it and I was right." Patango tango niyang sabi habang nagkakamot ng batok.
Napatunghay naman siya ng marinig na tumawa si Clyde. Sinamaan niya ito ng tingin kaya tumigil ito. Pero halata pa ring nagpipigil ito ng tawa. Tinabingi ko naman ang ulo ko.
'Why is he laughing?'
"Wag ka na ngang matanong." Tumingin naman siya kay Clyde na ganun pa rin ang pwesto at nakangisi. Hinampas naman ni River ang braso ni Clyde kaya nawalan siya ng balanse at muntik ng sumubsob ang mukha nito sa lamesa.
"Shit, Blaze! Muntik na ang gwapo kong mukha."
Hindi na nagsalita si River at hinila na ako palabas ng cafeteria. Nang nasa harap na kami ng room ay bigla siyang tumigil. Napatingin naman ako sa kaniya dahil dun.
"Dito na ako."
"Okay." Then pumasok na ako pero may humila ulit sakin palabas ng room.
"Bakit?" Tanong ko kay River.
"Hindi ka man lang magpaalam."
"Bye." I plainly said while eyeing him.
"Pasok na." Tinulak niya ako ng konti papasok. "See you later." Rinig ko pang sabi niya. Tinaas ko na lang ang kanan kong kamay habang nakatalikod.
~~~
3:00 pm
Kakatapos lang ng lahat ng klase ko ngayong araw at ngayon ay naglalakad na ako papuntang parking lot. Habang papalapit sa kotse ko ay may nakita akong isang pigura ng lalake na nakatayong nakapamulsa habang nakayuko ang ulo at may sinisipa sipa na bato.Nilapitan ko ito since nasa likod nito ang kotse ko. Napatingin naman siya sakin ng malapit na ako. Lumapit naman siya sakin.
"Hatid na kita." Aya niya.
"May kotse ako." Sabi ko
"Ako wala."
"Okay." Sabi ko na lang at nilampasan siya.
"Hoy, Zaidie!" Tawag niya sakin. Tumingin naman ako sa kaniya.
"Hatid mo ako." Nakita ko namang biglang namula ang tenga nito. Tinabingi ko naman ang ulo ko.
'Hindi ba't lalake ang naghahatid sa babae?' Yun ang napapanood ko pero siguro iba sa totoong buhay.
"Okay." Sagot ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko pero pinigilan ako ni River.
"Ako na ang magdadrive." Hinayaan ko na lang siya at pumasok na rin sa sasakyan. "San ang bahay niyo?"
"Hindi ba't ikaw ang ihahatid ko?"
"Basta. San nga?" Sinabi ko na lang ang address namin. Bago simulan ang pagpapaandar sa kotse ay may ginawa muna siya sa cellphone niya. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami. Siya ay nakafocus lang sa daan.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Ate Nea's on the line.
"Hello."
[Zee, pauwe ka na ba?]
"Yeah."
[Yown! Tamang tama, nagbake na ako ng brownies mo. Sige na. I miss you. Bye.] Bago niya pa maibaba ang phone ay may sinabi pa ako.
"Alright."
Tiningnan ko naman si River na nakakunot noong nagdadrive.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Parehas kaming bumaba ng kotse. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Saglit." Pumasok ako ng bahay at kinuha ang kailangan ko.
"Oh." Abot ko sa kaniya ng tupper ware na may laman na brownies.
"Bakit? Para san?" Tanong niya.
"Hindi ba't gusto mo niyan? Bakit, ayaw mo?" Ilalayo ko na sana ang tupper ware pero bigla niya itong hinablot sabay talikod at naglakad na paalis. Pero bago yun ay nakita ko pa siyang ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro