Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

A strong wind just passed by my face. It's really peaceful here. Malayo sa maingay na busina ng mga sasakyan, dahil sa traffic. Sa mabahong usok galing sa mga sasakyan. Sa mga magugulo at maiingay na bar.

Mula dito ay nakikita ko ang mga maliliwanag na ilaw galing sa mga bahay, bars, buildings, at iba pang mga establishments. Kung titingala ka naman, you can see hundreds of stars twinkling.

Ring Ring Ring

I fished out my phone from the pocket of my hoodie jacket.

"Hello?"

[Where are you?] she said.

"Somewhere"

[What!? I'll pick you up.] she said.

"You don't have to fetch me. I'm just relaxing."

[Hayst, you're so stubborn, Zee]

"It's Zaidie, ate"

[Yeah yeah whatever. Just come home now, cuz' it's getting late. Take care, okay?]

"Okay"

I immediately cut the call.

She's my eldest sister, named Vale Katana Alston.

After few minutes of staying here, I decided to go home. Sumakay na ako sa sasakyan ko and after half an hour of driving, I arrived at our place.

I saw her sitting on the sofa. As soon as she saw me ay lumapit agad siya akin.

"What's with the look, ate Vale?" I innocently asked her. Tinabingi ko pa ang aking ulo para matitigan pa siya ng mabuti. I can't distinguished the emotion she's giving me.

"I was worried, Zee" she softly said. Worried?

'Being anxious or concerned about something that happened, is happening, and about to happen' I recited through my mind.

Why was she worried?

"You look confused" she said.

"Am I?"

"Uh huh. By the way, where did you go? Did something happen? Are you okay?"

"Just somewhere. None. I'm fine" I answered.

"Are you--"

"My little Zeeeeee!" she wasn't able to finish what she was going to say when someone ran towards our direction then hugged me tightly.

"C-can't breathe"

"Oopps, my my sorry" she then let go of me.

She's Nea Kimber Alston. Ang pangalawa sa amin. 

She grabbed my arm and clinged on it.

"I missed you, my little Zeeeee!" Ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sakin.

"You just saw me earlier" I blinked and I blinked again.

"Iihhhhh. You're so cute talaga!" She pinched my cheeks then moved it.

"Hey, Nene stop that!" hindi pa ata niya titigilan ang pisngi ko kung walang nagsalita.

Kunot noo niya hinarap ang lalakeng pababa ng hagdan na may nakakalokong tingin. That's Thorin Caliber Alston. Ate Nea's twin.

"Hey there, lil' sis!" Kinawayan ako ni kuya. I just nodded at him.

"N-nene!? Did you just call me Nene!?" Nanlalaking mata niyang tanong.

"You heard it right, Ne-Ne" Nakakalokong pa ring sabi ni kuya Thor. Susugudin niya na sana si kuya pero pinigilan siya ni Ate Vale.

"Stop that already. Nagpahanda na ako ng pagkain. Let's eat" Dinilaan naman ni kuya si Ate Nea na masama pa rin ang tingin sa kaniya at tumakbo na papuntang kusina.

Sumunod na kami at nakitang may mga nakahanda ng pagkain. Umupo na kami at nagsimula ng kumain.

Kukuhanin ko sana ung pitcher pero hindi ko maabot.

"Ate Nene, can you--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang bumunghalit sa tawa si kuya. Nakita ko naman si ate Vale na nakangiti at napapailing. Tiningnan ko naman ang tinawag ko at nakitang nakasimangot ito.

"Pati ba naman ikaw, Zee!" Nakanguso niyang sabi sakin. I just eyed her innocently. Hindi pa rin natigil si kuya sa pagtawa kaya sinamaan siya ng tingin ni Ate Nea.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa pa rin ni kuya.

"*ehem* That's enough" Pagsingit ni Ate Vale pero halata pa rin na pinipigilan niya ang kaniyang tawa. Nakita kong lalong napasimangot si Ate Nea dahil sa dun. Tumigil na rin si kuya kaya sinimulan na ulit naming kumain. After a few minutes ay nagsalita si Ate Vale.

"Zee" tumingin ako sa kaniya ng tinawag niya ako.

"You're going to enroll sa pinapasukang school ng kambal."

'School?'

Since I was in elementary ay home schooling lang ako. I'm in my sophomore year now taking up a degree in Doctor of Medicine. I didn't go to any school like some normal people. It's not that I'm abnormal, it's just that I can't because I have this so called Alexithymia. I have difficulties in identifying and distinguishing emotions, either mine or from someone else. That's why I am having a hard time in social attachment or interpersonal relation. I don't know when they are angry, sad, happy, anxious, excited, etc. I don't even know my own emotions. I can't identify my own emotions. I don't even know the feeling of pain when I am wounded.

From what I know ay hindi naman ito mental health problem. It's far different from a psycho. Though kung hindi dahil sa mga kapatid ko ay baka naging psycho na nga ako. Cause I can hurt or kill anyone without feeling any guilt or fear. That's how my life is.

"Zee? You're spacing out." Okay, back to the main topic.

"What school?" I asked.

"Of course, to the oh-so-famous pioneer Avgousta University" Uhm, is it only my imagination na nagspark talaga ung mga mata ni Ate Nea?

"Ihhhhhh!, excited na talaga ako! HA HA HA HA!"

"Your face is creepy." I said.

"HAHAHAHAHAHAH" Tawa nanaman ni kuya Thor. What's funny?

Napasimangot naman siya ng sinabi ko yun. Well, I'm just saying the truth here.

"Pede ba Zee, magsinungaling ka nga kahit minsan. Pati yung tonong pabiro, para naman hindi kapani-paniwala."

"Why? Did I say something wrong?"

"Hayst, nevermind." She said while waving her left hand. "Anyways, don't be late tomorrow. Bubuhusan talaga kita ng malamig na tubig kapag di ka gumising ng maaga! Get that?" pag-iiba niya ng topic.

"Makapagsabi ng wag malate, pero siya naman itong late" bulong ni kuya pero rinig naman ni Ate Nea. Mas malapit kasi siya kay kuya.

"May sinasabi ka ba diyan ha, Thorin?"

"The heck with the name!" nakakunot noo na sabi ni kuya. Well, he doesn't want to be called Thorin, though Thor is okay with him. Ate Nea just sticked her tounge out.

Tumayo na ako, dahil tapos na nanaman akong kumain. I faced them and said my good night. Tinalikuran ko na sila at nagsimula ng tahakin ang hagdan papunta sa aking kwarto.

"Good night, Zee! Have a sweet night! Dream of me! Muah muah!" Pahabol ni Ate Nea. What a noisy woman. Napailing na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko.

~~~

7:00 am na, pero nandito pa rin ako sa sala at naghihintay kay Ate Nea at Kuya Thor. Ang akala ko ba ay bawal ang malate?

Nakita ko naman si Kuya Thor na pababa ng hagdan na pinapaikot-ikot ang susi ng kaniyang kotse sa hintuturo.

"Good morning, Zee!" Masayang bati niya sakin ng makita ako. Binati ko rin siya pabalik.

"Are you ready? Shall w--" Pagtatanong niya, ngunit napakunot noo na lang siya bigla.

"Asan si Nea?" Pagtatanong niya muli nang makitang wala pa si Ate Nea.

Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya, dahil hindi ko rin alam.

"Wag mo sabihing tulog pa siya!?" Napatampal noo siya sa napagtanto. Pero maya-maya ay napangisi din.

"Zee, can you do one thing for me?" pangisi-ngisi niya pang tanong. Taas baba pa ang kaniyang kilay.

"What is it?" tanong ko.

~~~

Hindi ko alam kung bakit ako ngayon nasa harap ng isang natutulog na babae habang may hawak na isang timbang may laman na tubig na galing pa sa Refrigerator.

"Go, Zee. Gawin mo na" Para siyang isang demonyo na binubulungan ang isang inosenteng tao.

Pabalik-balik ang tingin ko sa timbang hawak ko at kay Ate.

Walang pakundangan kong ibinuhos ang tubig at maya-maya lang ay narinig na sa buong bahay ang isang matinis na tinig.

"YAAAAHHHHHHH!!" Hiyaw ni ate

"HAHAHAHAHHAHAHA" Tawa ng magaling kong kuya.

"OH MY GAD! OH MY GAD!"

"HAHHAHAHAHAHAHHA"

Ng makahuma ay masama niyang tiningnan ang timba at si kuya. Tuloy pa rin sa pagtawa ang lalake.

"Thorin Caliber Alston!" madiin na pagbanggit ni ate kay kuya.

"W-wh pfftt w-what? I didn't do anything" Hindi mapigilan ni kuya na matawa. Inosente ko lang silang pinapanood.

"YAHHHH" pinaghahampas ni Ate Nea si kuya ng unan. Pinagbabato niya rin ito ng kaniyang tsinelas.

"A-ano ba! Hindi sabi ako!" pagkakaila ni kuya habang sinasangga si ate.

"Anong hindi!? Ano pa lang yang hawak mo ha!? Yaahhhhh!" tuloy niya pa rin sa paghampas.

Bigla namang natigilan si kuya sa sinabi ni ate at napatingin sa hawak niya. Nanlalaking mata niya akong tiningnan sabay balik sa hawak niyang timba. Dahil don ay hindi niya nasangga ang isang malakas na hampas ni ate sa mukha niya.

"Ano! Tatanggi ka pang shokoy ka!"

"What the!" mahinang sabi niya, pero rinig namin.

Pumikit ng madiin si ate at mabigat na paang pumunta sa banyo. Malakas niya pang ibinagsak ang pinto.

Walang imik naman akong umalis sa kwarto, narinig ko pang tinawag ako ni kuya pero hindi ko na pinansin.

~~~

Hanggang sa kotse ay nakasimangot pa rin si Ate Nea pati na rin si Kuya Thor. Napansin naman yun ni ate.

"Anong sinisimangot-simangot mo diyan!? Matapos mong gawin ang kakupalan mo sakin!?" sita ni ate.

"Anong ako!? Biktima rin ako!" pagtatanggol ni kuya sa sarili.

"Aba! Kitang-kita ang ebidensiya, magsisinungaling ka pa!"

"Sshh" Bago pa magsalita si kuya ay pinigil ko na. Ang ingay kasi.

Napabuntong-hininga na lang silang dalawa. Sa ngayon ay papunta kami sa Avgousta University para mag-enroll. Sabi ni Ate Nea ay sa isang linggo na daw ang pasukan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa University. Kakaunti lamang ang nakikita kong mga estudyante.

"Let's go" Sabi ni kuya nang makababa kami ng sasakyan.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko rin ang school na ito. May malawak na field at oval pa para sa mga athletes. May nakita rin akong open court, may garden, fountain, benches, at mga buildings. Maganda at malawak ang school na ito.

Pagkarating sa 'Registrar office' ay may pinafill-up-an lang samin at pinagpasa ng kung ano-anong papeles. Pagkatapos ay pinuntahan ulit kaming office, at dun namin kinuha ang I.D ko. Pinicturan lang ako at binigay na sakin ang I.D. May barcode. Sila ate naman ay may I.D. na daw.

Tiningnan ko lang ang I.D. ko nang magsalita si Ate Nea.

"Yang barcode na yan ay para sa scanner na nasa gate. So obviously, hindi ka makakapasok kapag hindi mo dala ang I.D. mo. Kung may sasakyan ka naman, kailangan mong humingi ng sticker sa office para makapasok ang sasakyan mo." Ahh yun pala ung nakita ko sa windshield ng kotse ni kuya. May logo ng school ang sinasabing sticker ni ate.

"Gusto mo bang malibot ang school, Zee?" tanong ni kuya.

'Gusto ko ba? tanong ko sa sarili ko.

Tumango na lamang ako. Ngumiti silang dalawa at niyaya na akong maglibot. Mag-iisang oras na nang matapos kami sa paglilibot. Pare-parehas kaming pawisan dahil sa tindi ng sikat ng araw. Wala namang dalang payong si ate.

"Hanep sa init!" Pagrereklamo ni kuya habang ginagalaw-galaw ang collar ng kaniyang tee shirt. Si ate naman ay pinapaypay ang kaniyang kamay sa harap ng kaniyang mukha.

"Let's eat na. Dun sa nearest na restaurant from here" May pagka-conyo na sabi ni ate.

"Ituwid mo nga yang dila mo! Hilahin ko yan eh!" Nakaismid na sabi ni kuya.

Bago pa ulit sila magsabong ay pinigilan ko na sila.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa parking lot. May kumapit naman sa kaliwang braso ko at alam kong si Ate Nea yun.

"San ba tayo?" tanong niya sakin

"'Dun sa nearest na restaurant from here', according to you" inosente kong sabi sa kaniya. Napanguso naman siya sa sinabi ko. Tumawa naman si kuya. Uhh. What's happening?

~~~

Saturday

"Going somewhere?" Tanong ni ate Vale pagkababa ko ng hagdan. Nasa sala kasi siya at may mga papeles na iniintindi tungkol sa work.

"Mm. Just going to buy some school stuffs."

"Gusto mo samahan na kita?" Ititigil na sana niya ang ginawa niya pero pinigilan ko na siya.

"No need, ate. Besides mabilis lang naman ako."

"Alright. Be careful. Okay? Tulog pa kasi ang kambal kaya hindi kita mapasamahan." She's being protective again.

"It's really fine, ate. Sige na, alis na ako." Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na papuntang mall.

Pagkarating ko ay medyo maraming taong nagsisiksikan sa pila since weekend ngaun. Pumila na rin ako sa pinakalikod at after a few minutes ay nakarating na ako sa unahan. Habang kinakapkapan ng guards ang bag ko ay may bigla na lang sumulpot na taong nagmamadali papasok. The ending? Natumba ako at napatama pa ang paa ko sa lamesa na nasa entrance.

Fortunately for me, wala na nanaman akong maramdamang sakit. Perks of having an Alexithymia.

Tinulungan ako ng isang guard na tumayo at pinakapit sa lamesa.

"Thank you." I said plainly.

Maglalakad na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko. Tiningnan ko naman ito at ito ang lalakeng nakabunggo sakin.

"Tsk. Sorry." Ang tinutukoy niya ata ay pagbangga sakin. I just eyed him blankly.

'Ano bang dapat kong gawin at maramdaman sa ganitong sitwasyon? Matuwa? Mainis? Kabahan? Magalit? Mahiya?'  I don't know.

As for me being me, I did one thing where I'm good at.

I walked away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro