Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 ~Yetti and friends~




[ MATTHIAS ARIAGON ]



"Bitawan mo na ako dahil magsasara na ang clinic. Si Yetti kawawa naman." She's pulling her hand pero ayoko pa rin siyang bitawan. Nakakatakot baka bigla na lang siyang bungguin nang kung sino eh mahina pa naman ang katawan niya. But deep in my heads ayoko siyang bitawan agad-agad dahil hindi ko alam kung mauulit pa ito. Baka iwasan niya na ako dahil alam niyang may gusto ako sa kanya at liligawan ko siya.

I hate rejected because I don't know how it feels. Hindi ko pa naexperience iyon kahit kailan dahil hindi pa ako nagkagusto sa ibang babae. Sa kanya lang. Kay Lainerry.

"I'll go with you." Sabi ko na lang kaya nagpaubaya na siya na hawakan ko ang mga palad niya na kanina pa nilalamig.

"Makikita ka ni Kuya Noel isusumbong ako kay Daddy." Alibi niya.

"Wala kang kasama nang pumunta dito." Sagot ko.

"Hmmp! Bahala ka nga." Awkward siya pero natatawa sa ginagawa ko. Sa wakas nakita ko na siyang nakangiti. Ayokong pansinin dahil baka hindi na maulit.

"Thanks God. Bukas pa ang clinic. Half day lang sila tuwing weekends eh. Bilisan mo kawawa naman si Yetti doon." Kung makapag-alala naman siya sa asong iyon daig pa anak niya eh. Binilisan ko ang lakad ko dahil malapit na mag alas dose kaya ako na ang nauuna habang hila-hila ko siya at tumatawid kami sa kalsada.

"Pasok ka na. I'll wait you here." Sabi ko sa kanya ng matapat na kami sa clinic.

"You'll wait?." Paglilinaw niyang tanong.

"Yes. Laine. I will."Sabi ko.

"Why?." Hindi niya ako magets ah. Ibang klase ang babaeng ito.

"Because I'm courting you." Paulit-ulit? Pero okay lang dahil cute niya naman asarin at hindi ako magsasawa na paulit-ulit ko pa iyong sabihin.

"Grabe siya eh. Hindi ka talaga titigil." I know what does she mean pero kunwari iba nasa isip ko.

"Hindi. Ayoko. I will court you forever." Hahaha natatawa siya habang paatras na papunta sa clinic. Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko. For the 2nd time I saw her smiling and it's suited to her pretty face. I saw her eyes twinkling and the shape of her lips was perfectly nice when she's laughing and smiling. She's so simple in her black shirt and denim pants.

"I'm falling crazily." I whispered to my self.

"I'm falling too." Nagulat ako dahil may sumagot. Utak ko ba iyon? Nababaliw na ako habang hinihintay si Lainerry lumabas mula sa clinic. Nakatayo ako at nakasandig sa may puno. Nababaliw lang siguro ako kaya nakatanaw lang ako sa gate ng clinic.

"Gagi! Sino kausap mo Matthias?." Isang bakulaw ang bumulaga sa harapan ko. Umikot siya sa puno.

"Kairos! Bakit ngayon ka lang tol? Kanina pa kita hinahanap." I lied and he knows.

"Wow sarap sa ears.! Ni hindi ka man lang nga lumingon para hanapin ako eh.! Ang sakit nito! Ako dapat yung ka-date mo eh! Hindi ang babaeng iyon!." Natatawa ako dahil hindi napansin ni Kairos na may dumaang mag-ina sa likod niya. Tapos nang lumagpas narinig naming sabi ng bata: "Mama hindi siya halatang bakla." Hahahahaha

Tawa ako ng tawa na mayroon pang lumitaw na mga unggoy sa likod ko. Sina Andrew, Shaun at Jeffrey. Namumula na ang mukha ni Kairos dahil sa kahihiyan.

"Hahahaha! Yan ang napapala mo. Third party ka kase!." Pang-aasar ni Andrew na tawang-tawa rin.

"Gagi kayo! Huwag niyo ko ano ba." Si Kairos na kunwari bakla talaga. Nagkatotoo tuloy ang sinabi ng bata. Hahaha inaasar pa namin si Kairos ng nakita kong palabas na si Lainerry na karga-karga ang tuta.

"Behave kayo. Nand'yan na girlfriend ko." Napaatras ako ng sapakin ni Shaun ang tiyan ko dahil sa sinabi ko. "Huwag kang managinip. Tanghaling tapat tol. Mamaya nang gabi yan." Natatawa pang saad ni Shaun. Namumula pa rin ang mukha ni Kairos pero pakalma na sila dahil takot sila sa babaeng parating.

"Hi, Laine. Remember my name?." Bati ni Shaun.

"Of course. I remember you all." Nakangiting sagot ni Laine. It means she's very attentive. She remembered my friends name.

"Congrats, Laine.." Bati ni Andrew na ikinalingon ko at tiningnan siyang masama. Gagi toh ipapahamak pa ako. "Congrats saan?." Nagtaka naman ang huli.

"Kase okay na ang alaga mo. Pakilala mo naman siya sa amin. Malay mo isa sa amin ang nakatadhana sa kanya." Pag-iiba at pagbibiro ni Andrew.

"Hala! Lalaki si Yetti." Natatawa si Lainerry dahil nalilibang sa mga unggoy na kasama ko.

"Uy Kairo! Tadhana kayo.! Lalaki raw. Hahahaha!." Si Shaun na balik asar kay Kairos.

Nakita ko naman na nagtaka si Lainerry kung bakit nandito ang mga ito. Yayain ko sana siya sa malayo ngunit naunahan ako ni Shaun.

"Laine.. sama ka sa amin. Doon sa park maghahabulan kami sa zipping line." Yaya nito.

"Huh? Talaga? Pero.."

"May restaurant malapit doon diba? Lunch muna kami. Hindi pa kami kumakain." Alam ko ang tinutukoy niya dahil 9 am siya dumating kanina sa clinic. Past 12 na ngayon.

"Ganoon din kami. Kairos doon na lang tayo sa House niyo!." Ang Restaurant nila Kairos ang tinutukoy ni Andrew. House of Grilled and Pizza.

"Malayo pa yun. Traffic papuntang Sta. Lucia eh." Kairos disagree.

"Magbabayad naman kami. Para naman matikman ni Laine ang pagkain niyo."Hindi na nila hinintay ang sasabihin ni Kairos dahil hinila na ito ni Andrew papunta sa parking area ng Marikina Mall. Wala na rin nagawa si Laine kundi ang sumunod sa kanila at sabay kaming naglakad.

"Sino magda-drive?." Bulong ni Lainerry. Nasa hulihan kami dahil maliliit lang ang hakbang niya.

"Si Jeffrey and Shaun." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ang sasakyan habang palapit kami.

"Pwedi na sila magdrive?." She's curious or maybe afraid. At pareho pa sports car ang nakapark.

"Oo naman. 20 na yan si Shaun at 19 si Jeff. Don't be scared wala pa naman mga record yang mga yan." I'm trying to calm her dahil mahigpit niyang hawak si Yetti. "Let's go." Yaya ko sa kanya dahil kami na lang ang hinihintay ng mga sasakyan. Umupo ako sa tabi ni Shaun sa driver sit. Pero bago iyon ay pinagbuksan ko muna si Lainerry sa hulihang pinto. Ayoko namang magmukhang driver si Shaun. Silang tatlo naman nila Jeff, Kairos at Andrew sa kabilang sasakyan.

"Your seat belt Miss Laine." Paalala ni Shaun na agad kinabit ng huli. Walang imik si Yetti pero mukhang nagtataka kung bakit ibang tao ang mga kasama niya.

"Hi Tito.!." Bati ni Andrew pagkapasok sa magarang restaurant nila Kairos. Tamang-tama nasa may counter ito at kinakausap ang cashier nila. Mukhang galing sa loob ng kitchen dahil may hairnet pa sa ulo. Lainerry observed the primitive furnitures. Parang nasa loob lang sila ng kakahuyan dahil puro woods ang mga gamit doon. Ang table, chairs, decorations at kahit ang sahig ay kahoy. Namangha rin siya sa kisame dahil kahoy rin ito. May pangalawang floor at mukhang masarap doon pumwesto dahil sa view.

"Himala. Napadpad kayo.." Tito also greeted us with excitement and pleasure in his eyes. At natuon ang attention sa akin na may katabing babae. Napansin naman ng mga kasama ko.

"Ay Tito, muse namin. Si Lainerry. She's Matthias uhhm something I'm not sure." Natatawang pakilala ni Shaun kay Lainerry.

"Ohh really. Nice to meet you Iha.."Na sabay itinaas ang kamay he beckon that he's unable to shake her hands because he is preparing foods inside the kitchen.

"Miss I want the Overload. Hawaiian Pizza with Mozzarella and pineapple. "Jeffrey ordered to a counter girl. Nag-usap sila ni Andrew na share na lang dahil naglunch na naman sila kanina sa mall.

"And Beefy Mushroom po. Regular lang and please add Pepperoni and bacon." Si Shaun.

"Overload mo na! Share na lang tayo!." Suggest ni Kairos.

"Kuripot ka. Humingi ka na lang sa loob ng para sayo.!" Shaun rejected Kairos.

"Paunahin niyo kaya si Lainerry dahil hindi pa sila nagla-lunch." Napalingon sa gawi namin si Andrew buti may pakiramdam sila. Narinig ko kanina hindi pa sila nagla-lunch. Mga gagi talagang toh.

"What do you want to eat?." Lingon ko kay Lainerry na nakatuon ang mata sa mga signage ng pagkain sa taas ng counter.

"Rice and grilled chicken na lang." She replied quickly. Mukhang gutom na rin siya.

"Miss dalawang order ng RGC please." Lumapit ako sa counter at nagbayad.

"Pa, unahin niyo po yung grilled chicken para sa muse namin.! Malakas na inform ni Kairos sa Papa niya." Si Kairos.

"Customer ka?! Kung makautos ka ah." May isang babae na kalalabas lang ang sumagot kay Kairos na ikinaatras niya.

"Uy sis!, dito ka pala!." Sagot ni Kiara na bunsong kapatid ni Kairos, she's around 17. "Tumulong ka kaya kay Papa.! Tambay ka na naman." At inirapan pa ito ni Kiara na sabay naman ang pagkaway sa amin na nakangiti. Kilala na kami ni Kiara dahil highschool pa lang ay lagi na kaming kasama ni Kairos pag pumupunta sa bahay nila. Unang subdivision na madadaanan papunta ng Masinag. Plainville Subd. Taga Cainta rin si Kairos pero sa Marikina rin nag-aral ng highschool. Kaming dalawa lang ang taga Cainta. And the rest ay taga Marikina na.

"Sabi ko sainyo traffic papunta dito. Ayaw niyo maniwala." Malungkot na bulong ni Kairos habang paatras na papasok sa loob ng lutuan. At natatawa namin kami sa reaction niya na parang napagalitan siya ng boss niya.

Niyaya ko si Lainerry sa isang table na malapit sa glass wall. Kanina pa nakaupo ang mga kasama ko kaya doon kami sa ibang mesa pumwesto. Pandalawahan lang naman ang set ng table doon.

"Are you okay?." Tanong ko kay Lainerry na medyo naaasiwa dahil kasama niya si Yetti na karga-karga niya pa at na-gets ko naman.

"Mga tol, sa labas na kami pupwesto. Si Yetti kase." Turo ko sa aso. Ako na ang nagkarga palabas ng restaurant. May extension naman sa side nito at may mga table pa. Pwedi doon ilapag si Yetti. May mangilan-ngilan rin na customer na doon nakapwesto ang iba nagbabasa pa ng libro at meron ding nasa harapan ng laptop.

"Okay lang. Understandable naman. Para masolo mo si Laine." Pagbibiro ni Shaun at naglakad na kami papunta sa extension sa labas. Sana hindi makaramdam ng awkward si Lainerry dahil sa mga kaibigan ko na walang preno ang pang-aaasar.

"Ayos ka lang?." Tanong ko ulit sa kanya habang aliw kay Yetti na malayang naglalakad sa lapag.

"Yap. Im fine."

"Pasensya na sa mga 'yon. Sadyang mga ganoon lang sila." Tinutukoy ko ang mga kaibigan ko.

"They're fun. Ayos lang naman. Ganyan rin naman kami ng mga kaibigan ko kapag nagsasama-sama." Saad ni Lainerry na ikinatuwa ng puso ko dahil alam ko'ng simula na ito ng pag-open niya sa akin ng  mundo niya.

"So. May tropa ka rin."

"Oo naman." Sabay lahad ng phone niya para ipakita sa akin ang photos ng mga kaibigan niya na kasama siya. Nasa beach sila at lahat nakangiti. Siguro hindi pa nangyayari sa mga panahon na iyon ang dahilan ng kalungkutan niya ngayon.

"Can't wait to meet them." Sabi ko na naeexcite. Pero hindi siya umimik at nakita ko lang na kumislap ang mga mata niya. After we ate. Nagpaalam na si Lainerry na uuwi na. Hindi na siya sumama sa lakad ng tropa at hindi na rin naman matutuloy dahil hindi na pinayagan si Kairos na maglakwatsa.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro